Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

Junior High School Department


Taong Panuruan 2020-2021

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA A.P. 9


Pangkalahatang Panuto: Isulat ang lahat ng sagot sa sagutang papel.

PATAKARANG PANANALAPI
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang tamang sagot.
EASY MONEY POLICY DISCOUNT RATE
MARKET OPERATIONS MONEY SUPPLY
TIGHT MONEY POLICY BONDS
ASSET PERA
STOCK-HOLDER MONEY SUPPLY RESERVE
REQUIREMENT

1. Ang salaping umiikot sa ekonomiya (papel na pera, barya (coins), pandepositong tseke (checking
deposit).
2. Ang pagbabawas ng money supply upang mabawasa ang labis na paggasta at uoang mabawasan ang
money supply.
3. Isinasagawa kapag labis na matamlay ang ekonomiya bunga ng kakulangan ng money supply.
Layuning nitong pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag ng money supply.
4. Isang paraan upang makontrol ng bangko sentral ang suplay ng salapi kung saan ang lahat ng bangko
ay inaatasang magtabi ng bahagi ng kanilang deposito sa loob ng kanilang kaha (vault).
5. Ito ay ang interest na ipinapataw ng bangko sentral sa mga pautang sa mga bangko.
6. Tumutukoy sa pagbebenta at pagbili ng pamahalaan ngsecurities sa isang open market.
7. Ito ay anumang ari-arian na may ekonomikong halaga (lupa, pabrika, salapi o bonds).
8. Ito ay piraso ng papel na nagpapatunay na may pagkakautang ang bahay-kalakal o pamahalaan.
9. Ito ay isang indibidwal na may stocks sa isang bahay-kalakal.
10. Ito ay ginagamit na puhunan ng bahay-kalakal o pamahalaan.

II. Panuto: Talakayin ang mga sumusunod na terminolohiya.


11-12. Monetary Policy
13-14. Discount Rate
15-16. Stock-holder
17-18. Tight money policy
19-20. Asset

KUMONSUMO AT PAG-IIMPOK
III. Panuto: Panuto: Panuto: Isulat ang salitang PAG-IIMPOK kung ang mga sumusunod na pahayag
ay katotohanan at HP kung hindi.
21. Ang salapi namang maaaring maimpok ay nakabatay kung magkano ang matitirang salapi matapos
ibawas ang salaping ginamit sa pagkonsumo.
22. Paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang KAPITAL sa mga financial asset katulad ng stocks,
bonds o mutual funds.
23. SALN ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari (assets), pagkakautang (liabilities), negosyo, at iba pang
financial interest ng isang empleyado ng gobyerno, kasama ang kaniyang asawa at mga anak na wala
pang 18 taong gulang.
24. KITA ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
25. Ang tamang pag-iipon, paggastos at sakripisyo ay ang tunay na susi para sa isang matiwasay na
buhay.
26. Ang kailangan lang natin ay tamang prioridad.
27. Kung kailangan nating mag-adjust para makapag-ipon ng tama, pwede tayo magbawas sa mga
gastusin.
28. paglalagay ng isang indibidwal ng kaniyang ipon sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds o
mutual funds.
29. Ang tamang pag-iipon ay ang pinakamagandang solusyon sa ating mga suliranin sa pera.
30. Pagbili ng mga mamahaling alahas.

IV. Panuto: Gumawa ng maikling sanaysay patungkol sa mga sumusunod na paksa.


31-40. Tradisyonal na Kaalaman Tungkol sa Pag-iipon
41-50. Makabagong Kaisipan Tungkol sa Pag-iipon:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
NILALAMAN- 6puntos
KAANGKUPAN- 4puntos
_____________________
10puntos

PAGPALAIN KAYO NG PANGINOON!

Inihanda ni: Iniwasto ni: Ipinagtibay ni:

Bb. Racel Anne D. Verzosa, LPT Gng. Valentina Villa Gng. Margaret T. Bueno, MAEd
Guro sa Hekasi/AP Punong Guro sa JHS President & School Directress

You might also like