Parallel Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LANAO DEL NORTE NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Baroy, Lanao del Norte


S.Y. 2020 – 2021
SLM PARALLEL TEST
GRADE 7 ESP (QUARTER 3, May 6, 2021)

Pangalan _________________________________________ Petsa ____________________


Paaralan ___________________________________________ Iskor _______________
MODUEL 8:

I. MULTIPLE CHOICE Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ano ang unang hakbang sa paghubog ng mga birtud sa pamamagitan ng paulitulit na pagsasagawa ng kilos nang may pagsisikap?

A. Edukasyon B. Gawi C. Pagpapaunlad D. Paglalapat

2. Ang pagpapahalaga at birtud ay may kaugnayan sa isa’t isa. Aling pahayag ang angkop nito?
A. Ang birtud ay bahagi ng pagpapahalaga ng tao.
B. Ang pagpapahalaga ay sumusuporta sa birtud ng tao.
C. Ang pagpapahalaga at birtud ay parehong kilos ng tao.
D. Ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan.
3. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng Ganap na Pagpapahalagang Moral MALIBAN sa:
A. Pagbubuklod ng pamilya
B. Pag-aaral kung may pagsusulit
C. Paggalang sa dignidad ng tao
D. Pag-iingat sa kalusugan ng katawan

Para sa bilang 6

Mula pagkabata, nagsasanay si Raya na gawin ang mabuti at iwasan ang masamang kilos sa gabay ng
kaniyang mga magulang. Iniaayon niya ang kaniyang kilos sa tamang katuwiran. Nahihirapan man,
nagsisikap pa rin siyang gumawa nang mabuti.

6. Anong uri ng birtud ang hinuhubog ni Raya?


A. Moral na birtud B. Teolohikal na birtud C. Birtud bilang gitna D. Intelektuwal na birtud
7. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, may mga pagkakataon na ikaw ay nakararanas ng suliranin, hirap at kabiguan sa buhay. Anong birtud ang
huhubugin mo upang makayanan mong harapin ang mga pagsubok na ito?
A. Pag-unawa B. Katatagan C. Katarungan D. Karunungan
Para sa bilang 8

May group chat ang seksiyon ninyo. Makailang beses mo na ring nababasa ang awayan ng mga kaklase
mo na dito nila ipinagpapatuloy.

8. Ano ang gagawin mo?


A. Magmi-message ako na huminto na sila.
B. Pababayaan ko dahil lilipas rin ang awayan nila.
C. Papanigan ko kung sino man ang nasa tama sa awayan nila.
D. Isasangguni ko sa aming gurong tagapayo kung ano ang pinakamabuting gawin.
9. Ang sumusunod ay mabisang paraan upang malampasan ang tukso na humahadlang sa paghubog ng mga birtud MALIBAN sa:
A. Pagkilala sa situwasiyong pinagmulan ng tukso
B. Maniwala na lilipas din ang nararanasang tukso
C. Magtanong-tanong sa mga taong may alam sa mabuting pamumuhay
D. Hihingi ng gabay sa Diyos sa pamamagitan ng regular na panalangin.

Para sa bilang 10

May Performance Task sa klase ng EsP nang napansin ni Lovely na putlang-putla si Faith dahil sa matinding sakit ng
tiyan. Sinabihan niya ang kanilang guro na si Bb. Hope at nagboluntaryo na rin siyang samahan si Faith sa klinik.
10. Anong teolohikal na birtud ang makikita rito kay Lovely?
A. Pananampalataya B. Pag-unawa C. Pag-ibig D. Pag-asa

MODULE 8:
II. IDENTIFICATION
PANUTO: Piliin ang tamang sagot na nasa kahon. Ilagay sa patlang ang tamang sagot. (2 points each)

Pag-unawa Agham Karunungan Maingat na


Paghuhusga Sining

__________1. Pangunahing birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Kung hindi ginagabayan ng pag- unawa ang ating pagsisikap na matuto,
walang saysay ang ating isip.
__________2. Humuhusga kung ano ang dapat at hindi dapat isagawa sa anumang sitwasyon o pagkakataon.
__________3. Ito ang nagtuturo sa atin upang lumikha sa tamang pamamaraan, na bunga ng katuwiran.
__________4. Nagtuturo sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa kanyang kaalaman at pag-unawa. Ito ang
nagtutulak sa tao upang maunawaan ang bunga o kalalabasan (consequence) ng lahat ng pananalita at kilos bago ito sabihin at isagawa.
__________5. Sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.

MODULE 9:
III. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang tamang sagot na nasa ibaba.

1. Ano ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga na tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng
tao at mga bagay na maituturing na luho lamang?
A. Pandamdam na pagpapahalaga B. Ispirituwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga D. Banal na pagpapahalaga
2. Bakit tinatawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga?
A. Ang puso ng tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling katwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.
B. Ang puso ng tao ang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman ang isip
C.Ang puso ng tao ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maintindihan
D.Ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.
3. Si Rey ay maagang nag-asawa at walang trabaho. Pinapadalhan siya ng pera ng kaniyang mga magulang na naninirahan sa ibang bansa. Wala
siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kaniyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Kung ikaw si Rey ano ang gagawin mo?
A. Suriin ko kung anong antas ng pagpapahalaga ang pagwaldas ko ng pera para maituwid ko ito.
B. Ipagpatuloy ko ang pagbabarkada dahil lagi namang nagpapadala ng pera ang mga magulang ko.
C. Iwasan ko na ang pagbabarkada upang ang pamilya ko at ako na lang ang laging lalabas at mag-enjoy.
D. Mag-isa na lang akong lalabas palagi at gagastos sa mga gusto ko para hindi agad maubos ang pera.
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga maliban sa:
A. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon.
B. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang pagpapahalaga. C. Mataas ang antas
ng pagpapahalaga kung ito ay personal sa mismong taong
nakararamdam nito.
D.Kahit dumarami pa ang nagtataglay ng pagpapahalaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito.
5. Sino ang may uri ng pamumuhay na halimbawa ng Ispiritwal na Antas ng Pagpapahalaga?
A. Si Alxen na tinuturuang magbasa ang mga batang kalye.
B. Si Almira na laging top 1 sa kanilang klase
C. Si Nena na mahilig sa paglalaro ng gadgets
D. Si Cristy na miyembro ng isang banda
6. Alin ang wastong pagkasunud-sunod ng mga antas ng pagpapahalaga na isaalang-alang mo sa iyong pamimili ng kilos?
A. Pandamdam, Pambuhay, Ispirituwal, Banal
B. Banal, Pambuhay, Pandamdam, Ispirituwal
C. Pambuhay, Pandamdam, Banal, Ispirituwal
D. Pambuhay, Pandamdam, Ispirituwal, Banal
7. Ano ang antas ng pagpapahalaga ang pagsikapang abutin mo sa iyong mga pagkilos bilang tunay na tao?
A. Pambuhay na pagpapahalaga B. Banal na pagpapahalaga
C. Ispirituwal na pagpapahalaga D. Pandamdam na pagpapahalaga
8. Bakit mahalagang maunawaan mo na may mababa at mataas na antas ang pagpapahalaga ng tao?
A. Upang maiayon sa tamang direksiyon sa buhay bilang tao ang pipiliin mong kilos.
B. Upang maiayon sa pagtingin sa iyo ng ibang tao ang iyong pagpili ng mga kilos.
C. Upang maiayon sa kung ano ang magpapasaya sa iyo ang iyong pipiliing kilos.
D. Upang maiayon sa kagustuhan mo lamang ang iyong gagawing kilos.
9. Ang paghubog sa pagkatao ng tao upang makamit ang mas mataas na pagpapahalaga ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kahandaan na pumili nang tama. Sa alin ito dapat nakababatay?
A. Sa sinasabi ng mga tao B. Sa sariling pananaw
C. Sa pagiging moral na tao D. Sa masarap na pakiramdam
10. Kahit palaging nasa Top 1 ng klase si Cherry, pinili niyang maglaan ng panahon sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Ini-iskedyul niya ang
pagaaral sa mga asignatura at ang paggawa ng mga gawaing bahay. Ibinabahagi niya ang kaniyang pagkain sa kaniyang mga nakababatang
kapatid. Nakahanda siyang laging sundin ang kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa pamilya at sa kapuwa na walang hinihintay na anomang
kapalit. Nasa anong antas ng pagpapahalaga si Cherry?
A. Banal na pagpapahalaga B. Ispiritwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga. D. Pandamdam na pagpapahalaga

MPDULE 9:
IV. MATCHING TYPE
IV. Panuto: Iugnay ang nasa hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang. (2points each)
HANAY A HANAY B
_______1.Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan A. Manuel Dy
sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang B. Banal na Pagpapahalaga
maging handa sa pagharap sa Diyos. C. Mga Ispiritwal na pagpapahalaga
_______2. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga D. Pandamdam na mga Pagpapahalaga
pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili E. Pambuhay na Pagpapahalaga
kundi ng mas nakararami. F. Loisa Quezon
_______3. Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa
mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
_______4. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot
ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Kasama dito ang
pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain,
tubig, damit, tirahan at iba.
_______5. Ayon sa kanya, hindi dapat kalimutan ang pagiging obhektibo ng pagpapahalaga.

Prepared by: Noted by:

MA. GERALDINE J. BARQUILLA FLORITA M. FERNANDEZ


Adviser Head Teacher III

You might also like