Ang Wikang Pagpapalayaatang Papelng Akademya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MALAY 22.

1 (2009): 15-19

Ang W ika ng PPagpapalaya


Wika agpapalaya at ang PPapel
apel
ng Akademya*
Vivencio R. Jose

Tumuturol ang modernisasyon sa katotohanang nabibilang tayo sa kasalukuyang International


Information and Communication Order at bahagi rin, kahit maliit lamang, ng Rebolusyon sa
Siyensiya at Teknolohiya (Scientific and Technological Revolution). Kailangang maging
sensitibo tayo sa mga makabagong kalagayan para tumanggap ang Filipino ng mga makabagong
elemento (tulad ng mga salita, parirala, ideya, konsepto, at teorya) na galing sa dalawang
pandaigdigang bukal ng kaalaman at pagbabagong iyan. Ang mataas nang antas ng kaalaman at
ang napakabilis na pagsulong nito ay malinaw pa ring nagbabadya na ang Filipino ay dapat nang
umahon mula sa kalsada, palengke, radyo, pelikula, telebisyon, komiks, at magsalin upang tumungo
at mapanday sa loob ng silid-aralan, laboratoryo, journal, at iba pang mga publikasyong iskolarli
at propesyonal at gayundin sa batasan, hukuman, diplomasya, at burukrasya.

Mga susing termino: wika, pagpapalaya, akademya, tagapagtaguyod ng ideya, taong malaya,
makabagong elemento, pagsulong ng wika

Modernization depicts the reality that we belong to the present International Information
and Communication Order and also a part of, even just a small fraction, of the Scientific
and Technological Revolution. We need to become sensitive of the new statures so that
the Filipino language could accept new elements (such as words, phrases, ideas, concepts,
and theories) that are from the two global sources of those knowledge and changes. The
high level of knowledge and its fast development stil is a clear manifestation that the
Filipino language should evolve from the streets, market, radio, film, television, comics,
and translate in order to advance and be wielded in the classroom, laboratory, journal,
and other scholarly and professional publication and also including the senate, court,
diplomacy and bureaucracy.

Keywords: language, independence, academy, language development

* Malay, Tomo VII, Bilang 1-2, 1988-1989

Copyright © 2009 De La Salle University, Philippines


16 MALAY TOMO XXII BLG. 1

Napapanahon ang paksa para sa isang bansang napakabilis na pagsulong nito ay malinaw pa ring
naghahangad ng kalayaan at kasarinlan. Angkop nagbabadya na ang Filipino ay dapat nang umahon
na tatalakayin ang papel ng akademya sa layuning mula sa kalsada, palengke, radyo, pelikula,
ito dahil sa penomenal na paglaganap ng Filipino telebisyon, komiks, at magsalin upang tumungo at
sa buong bansa nang nakaraang mga dekada. mapanday sa loob ng silid-aralan, laboratoryo,
Noong 1960, may 44.4% lamang ng populasyon journal, at iba pang mga publikasyong iskolarli at
ang nagsasalita ng Filipino. Tumaas ito sa 62.2% propesyonal at gayundin sa batasan, hukuman,
noong 1975, sa 72.3% noong 1980, at sa 82.9% diplomasya, at burukrasya.
noong 1985. Sa taong ito, at sa mga susunod pang Kung kailangan ng ating pambansang kultura
panahon, maasahang tataas pa ang bilang na ito. ang modernisasyon, gayundin naman ang ating
Malinaw na kahit na ano pa ang hadlang na ilagay wikang pambansa. Kailangan lamang na pag-
sa pagsulong ng wikang pambansa, magpapatuloy ingatang hindi mawasak ang mga piling katangian
ito sa pagyabong at, ating maaasahan, sa at kakanyahan nito sa pagsulong sa
pamumulaklak. Kaya ilang aspekto lamang ng intelektuwalisasyon, pagpapayaman at paggamit sa
paksa ang tatalakayin dito. lahat ng sangay ng kaisipan at kaalaman.
Una, upang maging angkop na wika ng Mapapalinaw ng paghahambing ang ibig kong
pambansang pagpapalaya, dapat lumahok ang sabihin. Ang Ingles, halimbawa, kahit na moderno
Filipino sa dalawang prosesong tila mandin na ay patuloy pa rin sa pagdebelop. Talos ng mga
magkasalungat, subalit sa katotohanan ay gumagamit nito na ang mga kasabihan, idyoma,
magkatulong: ang modernisasyon at ang ideya, at konsepto ng ating panahon ay di na
rehiyonalisasyon. maaaring mailahad nang husto sa uri ng Ingles nina
Ano ang ibig kong sabihin? Chaucer at Shakespeare, kaya patuloy ang
Tumuturol ang modernisasyon sa katotohanang modernisasyon ng Ingles hanggang sa ating
nabibilang tayo sa kasalukuyang International panahon. Samakatuwid, kailangan din ng Filipino
Information and Communication Order at bahagi ang patuloy na pagsulong. Hindi tayo dapat patali
rin, kahit maliit lamang, ng Rebolusyon sa Siyensiya sa wika ng panahon nina Francisco Balagtas, Lope
at Teknolohiya (Scientific and Technological K. Santos, at Lazaro Francisco, gaano man
Revolution). Kailangang maging sensitibo tayo sa kadalisay ang wika ng sinulat na panitikan; may
mga makabagong kalagayan para tumanggap ang iba nang masisidhi at namumukod-tanging
Filipino ng mga makabagong elemento (tulad ng pangangailangan ang ating nagmamadaling
mga salita, parirala, ideya, konsepto, at teorya) na panahon. Epektibo pa kayang magagamit ang luma
galing sa dalawang pandaigdigang bukal ng o di sapat na wika sa ekspresyon at komunikasyon
kaalaman at pagbabagong iyan. Mahalaga ito lalo sa kapaligiran at antas ng karunungan sa mga
na sa mga nabibilang sa akademya, kasama ang dekadang 80 at 90? Para sa mga propesyon,
iba’t ibang sangay nito tulad ng pilosopiya, agham siyensiya, at teknolohiya? At para sa pagpapalaya
panlipunan, agham natural, literatura, arte, at mga sa ating panahon?
propesyon. Ang wikang nakakulong o nakatali sa Ano naman ang ibig kong sabihin sa
madilim na kuweba ng pagkaatrasado ay di rehiyonalisasyon? Palagay ko, ang
maaaring makaangkop sa mga kahingian ng rehiyonalisasyon ay isang aspektong kailangan din
kontemporaryong karunungan sa nagmamadali at ng Filipino. May mahigit na isang daang grupong
nagbabagong daigdig at sa mga pangangailangan etnolinggwistiko at ilang pangunahing grupong
sa ekspresyon at komunikasyon nito. Bawat araw pangrehiyon; binubuo ito ng milyun-milyong tao na
ay nakakakita tayo ng mga bagong likha sa sining may sariling wika at kultura. Ganito ang batayan
at panitikan at bagong tuklas, bagong imbensiyon sa rehiyonalisasyon: Kung ang modernisasyon
at bagong pormulasyon sa siyensiya at teknolohiya. ay maglalapit sa Filipino sa pandaigdigang bukal
Ang mataas nang antas ng kaalaman at ang ng impormasyon at komunikasyon, at sa
ANG WIKA NG PAGPAPALAYA AT ANG PAPEL NG AKADEMYA VIVENCIO R. JOSE 17

siyensiya at teknolohiya, ang rehiyonalisasyon makipag-unawaan sa isa’t isa; nililikha na wika


naman ang lalong maglalapit sa Filipino sa mga ayon sa pangangailangan tulad ng mga simbolo
wikang etniko at pangrehiyon. May pagkakatulad sa chemistry, mga pormula sa physics, mga
ang ating mga wika bunga ng katangiang Malayo- senyas sa mathematics, atbp. Pagkat sistemang
Polynesian nila. Nais kong linawin na ang banyaga, di naalis ang karakter na artipisyal ng
rehiyonalisasyon ay paggamit ng Filipino sa mga Ingles sa lipunan natin at limitado lamang sa
rehiyon at ang pagtanggap nito ng mga salita, inteligentsia at elite. Ang katutubong elite, na
parirala, kawikaan, ideya, at konsepto na wala ginagamit ng mga dayuhan, ang nagsasakatuparan
pang katumbas sa Filipino o dayuhang salita. Sa ng kanilang pagkontrol sa mga institusyong
gayon, ang mga nagsasalita ng mga wikang kultural sa lipunang Pilipino. Tumutulong sila
pangrehiyon ay makatitiyak na ang Filipino ay upang manipulahin ng Amerika ang buong
magiging bahagi rin ng wika at buhay nila, at saklaw ng mga materyal na ideyolohiko—lalo
magiging kanila na rin, hanggang sila ay tuluyang na ang edukasyon, mass media, at pamahalaan,
makalahok at mag-ambag sa pagpapayaman ng kung saan itinatakda at pinalalaganap ng mga
wikang pambansa. Maraming lugar sa Mindanao tagapaghari ang sistema ng makauring pananakop
na bukod sa Filipino ay sabay-sabay na (class hegemony).
ginagamit ang Iloko, Cebuano, Hiligaynon at Penomenang sosyal ang wika, tumutubo mula
Waray—at, sa mga paaralan ay Ingles. sa proseso ng pag-unlad ng produksiyong
Pagpapatunay ito na kung kakailanganin at panlipunan. Isang aspekto ito na kailangan sa
gugustuhin, ang Filipino ay matututuhan at koordinasyon ng mga gawain ng tao. Proseso ng
magagamit ng sinuman. kaalaman ng realidad ang nagkokondisyon ng wika,
Malaki ang papel na gagampanan ng Metro kaya esensiyal ang papel nito sa paghubog ng
Manila sa proseso ng modernisasyon at kamalayan, at instrumental sa pagsusulong ng
rehiyonalisasyon ng wikang pambansa (lahat ng mga kaisipang abstrakto at mga siyentipikong
rehiyon ay may mga nandarayuhan sa metropolis) heneralisasyon. Natitipon ng wika ang mga
pagkat ito ang sentro ng edukasyon, industriya, impormasyon, napipreserba at naipamamana
komersiyo at pananalapi, pulitika at pamahalaan, mula sa isang henerasyon tungo sa susunod na
kultura at mass media. Sa Metro Manila henerasyon. Tagapaghati ng kultura ang wika;
magkakaroon ng patuloy na sintesis ang at malinaw na ang inihatid ng Ingles ay kulturang
modernisasyon at rehiyonalisasyon hanggang abutin kanluranin. Matagal na inihiwalay nito ang mga
ang puntong tatatag o magkakaroon ng katatagan pulitiko sa masa, hinati ang mga edukado at
ang wikang pambansa. Mula sa kalsada tungo sa mangmang at humadlang sa pagsulong ng
akademya ay may mga palatandaang talagang siyensiya at teknolohiya at sa pagbuo ng wikang
magpapatuloy ang pag-unlad ng Filipino sa susunod pambansa.
na mga dekada. Kung gagamitin natin ang Filipino para sa
Pangalawa,ang wikang pambansa ay di pambansang pagpapalaya, kailangang maging
nagiging automatik per se na instrumento ng tagapaghatid at tagapagtaguyod ito ng mga ideya,
pambansang pagpapalaya. Ang totoo, kahit na konsepto, teory a , i d e y a l , l a y u n i n , a t
anong wika ay maaaaring gamiting kasangkapan sentimyentong mapagpalaya. Ang wika ay isa
alinman sa pambansang pagpapalaya o sa lamang sa mga instrumentong ginagamit sa
pambansang pananakop, o magkasabay nito. pagpapalaya, hindi ng mga abstraktong tao,
Tandaang sistema ng senyas (sign system) ang kundi ng mga totoo at buhay na tao. Taong
wika na may mga gawaing pangkaisipan at malaya lamang ang talagang makapagpapalaya.
pangkomunikasyon sa mga aktibidad ng tao. Epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng
Ginagamit natin ang wika sa pang-araw-araw akademya, di lamang sa pagtuturo at sa lahat ng
na buhay upang magpahayag ng mga kaisipan at uri ng komunikasyon kundi sa pamamagitan ng
18 MALAY TOMO XXII BLG. 1

paghubog ng mga tagapagpalaya sa pamamagitan Naglabas ang UNESCO ng bilang ng pamagat


ng kurikulum at buhay-akademya, na ayon nga sa ng mga aklat na nilimbag sa buong daigdig sa ilang
Pangulong Jose Abueva ay magbibigay ng piling taon nitong kasalukuyang dekada. Ang mga
pagsasanay at liderato para sa pagbabagong librong ito ay tungkol sa pangkalahatan at espesyal
panlipunan. Upang makamit ang pambansang na kaalaman, siyensiya at teknolohiya, kasaysayan,
kasarinlan, tandaan lamang na ang naghahanda sa talambuhay, sikolohiya, pilosopiya, arte, literatura,
pagpapalaya ng daigdig ay kailangang siya munang at iba pa.
lumaya. Tingnan ang mga datos ng ilang piling bansa sa
Pangatlo, sa kalagayan natin ngayon, paanong ibaba—
ang akademya, sa paghubog ng mga tagapagpalaya
ay makatutulong sa pagsulong ng Filipino bilang BILANG NG MGA PAMAGAT
wika ng pagpapalaya? Unang-una, palagay ko ay NG LIBRONG IPINALIMBAG
di natin dapat ubusin ang panahon sa patuloy na
pagdedebate tungkol sa kung ano ang mga samu’t BILANG POPU-
saring detalyeng dapat nang tanggapin o BANSA TAON NG MGA LASYON
palaganapin. Nasa Konstitusyon na ang mga antas PAMAGAT (Milyon)
tungkol dito. Kaya, bukod sa paggamit nito sa NG LIBRO 1983
mga silid-aralan at komunikasyon, ang kailangan
USSR 1982 92,036 270.0
nating gawin ngayon ay magsulat at maglimbag
United States 1981 76,976 231.5
ng mga orihinal na trabaho sa Filipino sa mga West Germany 1982 58,592 61.6
sangay ng malikhaing pagsulat, iskolarsyip, at United Kingdom 1982 48,029 55.8
siyentipikong pananaliksik. Kung wala ang mga Japan 1982 42,217 118.4
babasahing ito, hindi magiging matibay ang France 1981 42,186 54.4
sandigan ng ating mga argumento na dapat South Korea 1981 25,747 39.3
tanggapin at palaganapin ang wikang pambansa. China 1981 22,920 1,008.2
Lagi tayong hahanapan ng mga babasahin sa lahat India 1981 11,562 717.0
ng sangay ng impormasyon, komunikasyon at Thailand 1982 5,645 48.5
karunungan. Ang totoo, ang pagsusulat sa Malaysia 1982 2,801 14.5
Indonesia 1980 2,322 152.6
Filipino sa larangan ng arte at literatura, agham
Singapore 1982 1,530 2.5
panlipunan, agham kalikasan, pilosopiya at mga
Pilipinas 1980 1,254 50.7
propesyon, batas, inhinyeriya, edukasyon, 1981 431
economics, veterinary medicine, home economics,
public health, agrikultura, forestry, fisheries, public Ma k i k i t a r i t o n a a n g m g a b a n s a n g
administration, business, atbp. ay dapat sanang pinakamarami ang nilimbag na aklat ay
nagawa matagal nang panahon ang nakalilipas. karaniwan nang mayaman at industriyalisado.
Subalit marami nga sa atin ang nahigop ng Isa pa: Karaniwang sinulat din ang mga libro sa
patuloy na pagdedebate at nalimutan ang mga kanilang sariling wika.
kagyat na gawain. Ito kaya ang isang dahilan Napakahina ng ating produksiyon ng libro—
kung bakit di tayo nakapagpalimbag ng sapat 50.7 milyon tayo, at 1,254 at 431 lamang na libro
na aklat sa Filipino nang mga nagdaang panahon? ang ating naipalimbag sa loob ng dalawang taon.
O bunga kaya ito ng ating matatawag na Binansot nga kaya ang ating isip ng diktadura nang
pagdanas ng disyertong pangkaisipan, ng panahong yaon? O bunga kaya ito ng di pagbibigay
intellectual dessertification? sigla sa wikang pambansa? O, mas nakatatakot,
Lilinaw ang sagot sa katanungang ito kung depekto kaya ng tradisyon ng pagkamalikhain, o
ihahambing ang ilang nagawa natin sa mga nagawa kaya ay karakter? Hindi natin matatanggap ang
ng ibang bayan. huli.
ANG WIKA NG PAGPAPALAYA AT ANG PAPEL NG AKADEMYA VIVENCIO R. JOSE 19

Kahit napakahina ng ating iskor, di pa naman pagpapalaya—unang-una, sa paghubog ng mga


huli ang lahat. Kumawala tayo, talikuran ang bagong tagapagpalaya ng bayan; pangalawa, sa
nakaraan. Sa akademya, pasiglahin at suportahan paggamit nito sa pagtuturo at sa lahat ng uri ng
natin ang pagsusulat ng malikhaing panitikan, komunikasyon; pangatlo, sa pagsusulat ng mga
iskolarsyip, at siyentipikong pananaliksik sa orihinal na trabaho sa Filipino sa iba’t ibang
Filipino—habang pinauunlad din natin ito sa mabilis larangan; at pang-apat, sa pagsasalin sa Filipino
na nagbabagong daigdig. ng mga nasulat na mula sa iba’t ibang wika—
Pang-apat, hindi lamang ang mga eksperto sa maging mga lengguwahe ito sa Pilipinas o sa ibang
kanilang mga propesyon ang kailangang magsulat bansa. Sa panahong ito, kailangang magkaroon
ng mga textbook, monograph, artikulo, at libro tayo ng mga mangangasiwang institusyon at mga
tungkol sa sarili nilang mga linya. Sa kasalukuyan, prayoridad. Ang akademya, bilang tipunan ng mga
dahil sa namamayaning kalagayan ng International dalubhasa at tagapagsimula ng mga bagong ideya
Information and Communication Order, kailangan at mga bagong teorya ang dapat manguna sa
din natin ang mga ekspertong tagapagsalin sa iba’t- pagpapaunlad ng wikang sapat at angkop sa
ibang wika—maging mga wika sa Pilipinas o sa panitikan, sining, mga propesyon, pilosopiya,
ibang bansa man—na magsasalin sa Filipino ng teknolohiya, at siyensiya. Sa ganito, ang wikang
lahat ng sangay ng karunungan. Paano magagawa Filipino, bukod sa bahagi ito ng malaking
ang pagsasalin sa Filipino kung wala tayong pambansang kultura natin ay magkakaroon din ng
eksperto sa iba’t ibang wikang ito na marunong mga mapagpalaya, makabansa at modernong
pa ring magsalin sa Filipino? Naisalin na ang Bibliya kakanyahan.
sa mahigit na tatlumpung wika sa Pilipinas. Subalit Nangangailangan ang lahat ng ito ng ating
may sapat na bang salin sina Socrates, Plato, pagtutulungan at matiim na pagpapasiya.
Aristotle, Marx, Engels, Lenin, Darwin, Russell, Kailangang humabol tayo sa mabilis na pag-unlad
Sholokhov, Sartre, Malraux, Pablo Neruda, ng mga bayan at bansa. Karamihan ng mga ito ay
Gabriel Garcia Marquez, atbp.? Bunga ng nasa pintuan na ng ikadalawampu’t isang siglo.
masidhing pangangailangan sa pagsasalin sa Nahuhuli tayo nang 30 hanggang 50 taon.
Filipino, kailangang palakasin ang Kolehiyo ng Arte Kailangang magkaroon tayo ng malakas na
at Literatura at lahat ng departamento nito— pagpapasiyang pampulitika (political will) na
Filipino at Panitikan ng Pilipinas, English and gamitin ang wikang pambansa sa lahat ng larangan
Comparative Literature, European Languages, ng ating buhay upang lumaya tayo nang lubusan.
Humanities at Speech Communication and Theatre Maging makabansang tagapagpalaya tayo, at
Arts. At hindi lang ito: Kailangang palakasin ang gamitin at paunlarin ang Filipino bilang mabisang
lahat ng yunit at kolehiyo sa buong unibersidad. kasangkapan sa pambansang pagpapalaya.
Bawat isa, kung tutuusin, ay dapat magkaroon ng Kung ating magagampanan ang bahagi natin sa
mga eksperto na magsusulat ng mga orihinal na kilusang ito, wala nang magiging mas dakila pang
trabaho, o kaya ay magsasalin, sa Filipino. tagumpay ang ating henerasyon, at wala ring
Sa kabuuan, kung gayon, kailangan ang masigla, magiging mas dakilang pamana tayo sa darating
malakas, at puspusang pagtataguyod sa pagtatayo na mga henerasyon.
ng dalawang institusyon tungkol dito: isang
Instructional Materials Development Center at
isang Translation Center na magsasanay ng mga TALA
eksperto, magpaplano, magko-coordinate, at
magmomonitor ng mga gawaing orihinal o nakasalin • Sadyang walang bibliograpiya ang artikulong ito na
siya ring nalathala sa librong “Mga Piling Diskurso sa
sa Filipino. Wika at Lipunan”, nina Constantino at Atienza, UP
Napakalaki ng magagawa ng akademya sa Press.
pagpapaunlad ng Filipino bilang wika ng

You might also like