Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MIDTERM EXAM - FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Tagubilin: Sagutin ang mga katanungan at ibigay ang mga hinihingi.

1. Ipaliwanag kung bakit naging Wikang Pambansa ang Wikang Filipino (20 puntos).

2. Gumawa ng Venn Diagram.  Isulat ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga proseso sa


pagbasa.  (30 puntos)

Tatlong Venn Diagram- a. Sikolohikal at Metakognisyon


                                          b. Sikolohikal at Interaktibo
                                        c. Metakognisyon at Interaktibo

3. Magbigay ng mga uri ng Tekstong Akademiko at Propesyonal (10 puntos).

4. Gumawa ng taludtod o talata ng isang Tekstong Ekspositori (o Paglalahad) (20 puntos).

5. Basahin ang isang Editoryal at Sagutan ang mga katanungan (20 puntos).

Pa-  English – English pa


Jose F. Lacaba
(Pinoy Times, Enero 29, 2001 )

      Ipinagpipilitan ni Joseph Ejercito Estrada na hindi siya nagresign bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa isang
banda, tama siya. Hindi siya nagbitiw. Masakit mang sabihin, pinatalsik siya ng sambayanan. Wika nga sa
sariling idyoma ng Filipino English “ fired out”.
       Gayunman, dahil walang letter of resignation, kunukwestiyon ngayon ang legalidad at
konstitusyunalidad ng panunungkulan ni Goria Macapagal –Arroyo bilang Pangulo.
        Maingat ang pormulasyon ng sinumang sumulat sa huling opisyal na pahayag ni Erap “I now leave
Malacanang Palace, the seat of presidency of this country…. Etcetera,etcetera……
        Pero ayon sa isang ulat sa front page ng Philippine Daily Inquirer (Enero 21) : “ Estrada earlier told
GMA 7 – that he was not resigning and was merely “stepping down”.
        Natatawa rin naman ako sa Erap jokes tungkol sa diunamoy balu-baluktot na English ng dating
Pangulo. Pero sa totoo lang, kumpara sa maraming Pinoy na “ pa English- English pa, mali-mali naman,
hindi masama ang Ingles ni Erap.
       Pero tulad ng maraming inggliserong Pinoy, nadadapa siya sa nakalilitong idyoma ng wikang Ingles.
Hindi nasakyan ni Era pang talagang ibig sabihin ng step down.
       Eto ang definisyon ni Webster: “step down: retire, resign”.
        Iisa ang sinasabi ng mga diksyonaryo. Step down ( from something ) to resign a job or a
responsibility. Sa iba naman “Step down , to leave your job or position.
       Kung tatagalugin ang sinabi ni Erap sa GMA, lumalabas na hindi na man siya nagbibitiw, nagbitiw
lang siya.
      Iyan ang delikado sa pag-English-English. Ang ayaw aminin ni Erap, inamin pala niya.

1. Ano ang paksang tinatalakay sa editoryal ? 


_________________________________________________________________________
       
2. Paano inilahad ng sumulat ang kanyang  opinyon ?
________________________________________________________________________
       
3. Tukuyin ang mga katotohanang pahayag sa editoryal?  Nakatulong ba ang mga ito upang higit
kayong mahikayat na pumanig sa kanyang inilantad na kuru-kuro? Bakit? ( 3 hanggang 5)
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
       
4. Isa- isahin ang  mga opinyon lamang. Paano mo ito natukoy ?( 3 hanggang 5)
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay,ano bang wika ang mas epektibong gamitin ng ating Pangulo sa paglalahad ng
mga mahahalagang bagay sa sambayanan? Bakit ?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like