Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MODYUL 2 FILDIS

MODYUL SA PROSESO NG PAGBASA

I. ANG PROSESO NG PAGBASA

Mahal kong Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Pangunahing layunin nito ay upang kayo ay
matulungan. Sa paraang ito ay magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ito at gawin ang
mga dapat ninyong gawin na napapaloob dito.

Basahin at Unawain upang masundan ito.

A. PROSESONG SIKOLOHIKAL

Ano ang dapat maunawaan dito?

SIKOLOHIKAL – makikita ang takbo ng isip ng may akda, antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinapahalahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda.

Sa anyong pasalita ay may kontekstong sosyal, may kagyat na feedback sa anyong verbal at di verbal at
ito’y anyong tuluy-tuloy.

Sa anyong pasulat naman, ito ay gawaing mag-isa, maraming ginagawang revision, walang kagyat na
feedback at kailangang panindigan ang naisulat.

Ito ay may mga akto o pagpapabaya na nagdudulot ng mental o emosyonal na pasakit sa biktima tulad
ng: pananakot, panggugulo, stalking o pag-aabang pag-aantabay sa mga galaw ng biktima, paninira ng
ari-arian, pagpapahiya sa publiko, paulit-ulit na pang-aabusong berbal at pangangalIwa.

MGA SALIK:

1. pagiging pamilyar sa nakalimbag na mga simbolo

2. kadalian o kahirapan sa mga binasang impormasyon

3. layunin kung bakit nagbabasa

4. nakikita/nasisilayan

5. di-nakikita o di-nasisislayan
B. INTERAKTIBONG PROSESO

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at pag-unawa
nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o
kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang
interaskyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang
teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi
bilang produkto.

- Ugnayan ng awtor at ng mambabasa


Anong kaisipan, kaalaman o impormasyon ang ibig niyang tukuyin at ilahad sa teksto at
paano naman ito inuunawa, tinatanggap o maaaring inilapat niya sa aktwal na
karanasan niya.

Pag-unawa (comprehension) ang pinakapuso ng interaktibong pagdulog sa pagbasa na


may mga prosesong pinagdadaanan at hindi kung ano kaagad ang kinalabasan.

C. ELEMENTO NG METAKOGNITIBONGPAGBASA

Metakognisyon – kaalaman at pagkakabatid kung papaano makokontrol ang proseso ng


nopag-iisip. Bahagi ng metakognisyon ang metakomprehensyon na binubuo ng dalawang
aspeto: ang pagkakaroon ng kamalayan kung kailan hindi mauunawaan ang isang bagay at
ang pagkaalam sa istratehiyang dapat gamitin upang malunasan ang kakulangan sa pag-
unawa. Ito ang proseso ng pagkakakilanlan kung ano an gating alam at kung paano natin
malalaman ito.

Sa metakognitibong pagbabasa, nagiging , mapamaraan ang mambabasa tulad ng:

1. Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.

2. Nakasubaybay sa pag-unawa habang nagbabasa.

3. Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi maunawaan.

4. Nakapipili ng mahahalagang ideya sa tekstong binabasa ng babasa.

5. Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa.

6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago magbasa, habang nagbabasa at pagkatapos


magbasa.

7. Nakabubuo ng tanong tungkol sa paksang binabasa.


ANTAS NG METAKOGNITIBONG PAGBASA TULAD NG PAGLINANG NG PLANO;

1. Ano ang dati kong kaalaman na makatutulong sa akin sa gawaing ito?

2. Sa anong direksyon ko nais dalhin ako ng aking pag-iisip?

3. Ano ang una kong dapat gawin?

4. Bakit ko to binabasa?

5. Gaano karaming oras ang mayroon ako upang kumpletohin ang gawaing ito?

II. RASYUNAL:

Ang araling ito ay ginawa para sa inyo upang ikaw ay maihanda at magkaroon ng
karagdagang kaalaman.

III. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Makakilala ng pagkakaiba ng iba’t ibang proseso ng pagbasa.

2. Mapaghambing ang mga proseso ng pagbasa.

3. Magamit sa pang araw-araw na pamumuhay ang natutunan.

IV. MGA DAPAT TANDAAN/PANUTO

1. Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

2. Sundin ang mga panuto.

3. Mag-ingat sa pagsagot sa mga pagsasanay.

4. Sundin ang Rubriks sa bawat Gawain.

5. Maging tapat.
V. PRE-TEST

Panuto: Gumawa ng Venn Diagram. Isulat ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga


proseso sa pagbasa.

Tatlong Venn Diagram- a, Sikolohikal at Metakognisyon

b. Sikolohikal at Interaktibo

c. Metakognisyon at Interaktibo

Mga Gawain Sa Pagkatuto:

A. Prosesong Sekolohikal

Ano Ito? Dito makikita ang takbo ng isipan ng may akda, kamalayan at paninindigan
nito.

Halimbawa: Nakaranas ka ng isang pangyayari sa buhay mo na hindi mo makakalimutan


kailanman, maaaring ito ay masaya o malungkot.

------Praktis Tayo: Magbigay ng paliwanag sa aktong pagpapahiya sa iyo sa publiko (5)


pangungusap lang.

B. Interaktibong Proseso
Ano Ito? Ang proseso ng pagbasa na kung saan may ugnayan ang sumulat at
mambabasa nito.

Halimbawa: Kung ang inihahayag ng manunulat ay madaling maiugnay ng isang


mambabasa sa kanyang buhay.

Praktis Tayo: Magbigay ng karanasan sa mga nabasa mong kuwento o balita o napanood
mo na, na maaari mong iugnay sa pangyayari sa iyong buhay. (5 puntos) (kahit anong
kwento o pelikula o balita)

C. Elemento ng metakognitibong pagbasa

Ano Ito? Proseso ng pagkakakilanlan kung ano an gating alam at kung paano natin
malalaman ito.

Halimbawa: Sa isang kuwentong iyong nabasa, may isang pangyayari doon na nahahawig o
naiuugnay mo sa isang pangyayari sa buhay mo.

------Praktis Tayo: Magbasa ng isang maikling kuwento unawain ito at ibigay ang buod nito
ayon sa mga impormasyong nabasa. (5 puntos)

GAWIN NATIN ITO:

-----Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod kung ito ay nasa prosesong
sekolohikal, interaktibong proseso o metakognitibong proseso ng pagbasa.

1. Nagaganap dito ang interaksyon ng mambabasa at awtor.

2. Nagdudulot ng mental o emosyonal na pasakit sa biktima tulad ng takot.

3. Nasa antas na kung saan naitatanong kung bakit mo ito binabasa.

4. May kaalaman kang mabatid kung paano makokontrol ang proseso ng pag-iisip.

5. Kung paano ito inuunawa, tinatanggap o ilalapat sa aktuwal na karanasan.

6. Pagiging pamilyar sa mga nakalimbag sa simbolo.

7. Pinapahalagahan ng may akda ang tumatakbo sa kanyang kaisipan at kamalayan.

8. Inilalahad ng may akda ang kanyang kaalaman at kung paano ito inuunawa.

9 . Inilalahad dito kung ano ang dapat unang gawin.


10. Nakabubuo ng tanong tungkol sa paksang binasa.

VI. EBALWASYON

GAWIN ANG MGA SUMUSUNOD:

A. Manaliksik pa ng iba pang pagkakakilanlan sa mga proseso ng pagbasa.

B. Gumawa ng journal sa bawat proseso.

VII. MGA SANGGUNIAN

https://www.slideshare.net>mobile

www.academia.edu>

https//www.scribd.com>document

You might also like