Reaks Yon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Reaksyon: Language, learning, identity, privilege.

Higit na tinutukoy nito na ang lenguwahe ay hindi lamang basta isang diyalekto. Kung minsan ay
pinaghahambing pa ang mga ito, kung alin ang ginagamit ng mga propesyonal. Habang bininabasa ang
teksto ay mayroong tanong na bumabagabag sa akin. “Ito ba ay isinulat ng isang estudyante na nagaaral
sa LaSalle? o hindi kaya sa Ateneo?”. Nakakatawang isipin na ito ang bukod-tanging tanong na pumasok
sa aking isipan noong nalaman ko na ang teksto ay taglish o gawa ng isang Filipino san wikang ingles.

Sinsasabi sa tekso na ang Filipino ay lenguwahe sa “labas”. Massakit para sa akin na ganito ang tingin ng
ibang mga Filipino sa sarili nating lenguwahe. Maaaring dahil ingles ang kanilang nakasanayan, at
ginagamit lamang nila ang Filipino kapag makikipag-usap sa mga taong hindi marunong mag ingles.

Bilang tao, tayo ay may karapatang pumili ng lenguwahe na nais nating gamitin. Kung siya ay
nagpapasalamat dahil ingles ang kanyang wikang nakasanayan, ako rin ay nagpapasalamat na wikang
Filipino ang aking pangunahing lenguwahe dahil mas naipapahayag ko ang aking mga nais sabihin ng
mas maayos at klaro.

Reaksyon: Estudyante

Inilalarawan nito ang karanasan ng isang estudyante na nagaaral sa gitna ng pandemya. Hindi kailanman
dapat maging pribilehiyo ang edukasyon sa mga estudyante na gustong makapag-aral. Inaamin kong
mahirap ang mag aral sa ganitong sitwasyon, at marami na ang sumuko.

Nais niyang bumalik na lamang sa pagkabata at magsimula sa una, kung ako rin naman ay gusto kong
bumalik na lamang sa pagigigng bata. Tanging iniisip lamang ay kung palalabasin ba ako ni inay ng hapon
upang makipaglaro. Lahat tayo ay hindi inaasahan na mangyari ito. Bagamat lahat tayo ay
pangangamba, lungkot, at galit ang naramdaman.

Bilang estudyante ay masakit para sa akin na marinig ang kanilang mga saloobin patungkol sa kanilang
pagaaral. Tila gusto na bumalik sa normal ang lahat, kagaya ng dati. Kagaya ng dati kung saan makikita
moa ng iyong mga kamag-aral at sabay sabay na kakaharapin ito.

You might also like