Professional Documents
Culture Documents
Ap 3rd Q Exam 2019
Ap 3rd Q Exam 2019
ARALING PANLIPUNAN 10
1.Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki.
4. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang
bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya
ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas
ipinatupad kaugnay nito?
5. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang
same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa
mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
8. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan.
Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang
paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng
tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano
ang tawag dito?
9. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan
ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang
sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog C. Sexual Harassment
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki D. Sex Trafficking
10. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas
na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t
ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa women in especially difficult circumstances?
11. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang
Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
12. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang
gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
13.Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga biktima ng pang-
aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human
trafficking” at mga babaeng nakakakulong.
14. Ang karapatan ng mga kababaihang babaeng Pilipino na makibahagi na makaboto sa eleksiyon
ay naganap noong anong panahon?
15. Ang mga kababaihan ay may mataas na posisyon na hinahawakan sa mga lipunan at mga
relihiyosong Gawain noong anong panahon?
16. Sa panahong ito, ang mga Pilipina ay may konserbatibong pamumuhay at partisipasyon sa
lipunan.
17. Ito ang panahon kung saan ang mga Pilipina ay may malaking partisipasyon sa lakas paggawa at
sa pag angat ng ekonomiya ng ating bansa?
18. Naniniwala na ang kasaysayan ng LGBT ay nagsimula sa panahon kung saan sila rin ay
pinagkalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang bilang “ tila-babae”.
20.Isang prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal.
21. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan
24. Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae
25. Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual, transgender, at mga di tiyak.
26.Mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
27. Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
28. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women.
29. Isa ring batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan laban sa anumang uri ng
diskriminasyon, itaguyod ang pagkapantay- pantay ng babae at lalaki sa lahat ng bagay.
30. Sa anong rehiyon ng Asya ang may mataas na datos ng karahasan at dikriminasyon sa mga
kababaihan?
31. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling
makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
32.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
34. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “ LGBT Rights are human rights” ayon kay Ban Ki
Moon , UN Secretary General .
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao. C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao. D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa
karapatang pantao.
35. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa
noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang
oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
36. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006
nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing
layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon at rekomendasyon sa LGBT laban sa
pang-aabuso , diskriminasyon at karahasan.
37. Ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.
38. Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
I. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao,iniinsulto ka;
II. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
III. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
IV. hindi nagseselos .
39. Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
40. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman
ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na
magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
41. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Dapat kilalanin na ang lahat ay pantaypantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang
ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat
42. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng
buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa
consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
44. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian .
45. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga batas.
46. Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga natutunan ko
sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng
49. Ang mga sumusunod ay uri ng pang aabuso sa mga kababaihan maliban sa isa:
50. Mga nararanasan na domestic violence para sa mga bakla, bisexual at transgender;
I. Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
II. Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender
III. Sinasabi na wala kang puwang sa mundo.
IV Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente
- Emma Watson
ANSWER KEY