Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

2 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION
OFFICE MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Mga Karapatan at Tungkulin bilang
Kasapi ng Komunidad

Manunulat: Arlene D. Lastimosa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Mga Karapatan at Katumbas na
2 Tungkulin bilang kasapi ng komunidad

Alamin

atapos ng araling ito, ay inaasahang:


aliliwanag mo na ang mga karapatang tinatamasa ay may katumbas na tungkulin bilang kasapi ng k
utukoy na ang bawat karapatan ay may kaakibat na
in ng bawat kasapi ng komunidad.

Subukin
Ayusin ang mga ginulong letra upang makabuo ng isang salita na ang
kahulugan ay nasa ibaba nito. Ilagay ang nabuong salita sa kahon.

1. TANKAPARA
Ito ay mga pangangailangang dapat tinatamasa ng isang
tao upang makapamuhay nang maayos.
2. LINTUNGKU
Ito ay pananagutang dapat gawin ng isang tao katumbas ng
karapatang tinatamasa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan
Bilang isang bata, ano–ano ang mga gawaing bahay ang kaya mong
gawin? Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1.
2.
3.

Tuklasin
Basahin at unawain mo
Ang bawat karapatan na tinatamasa ay
may kaakibat na Tungkulin.
Mahalagang malaman mo na ang mga karapatang
tinatamasa ay may katumbas na tungkulin upang makapamuhay
nang maayos at masaya sa kinabibilangang komunidad.
Ang isang bata o tao ay isinilang na malusog at binigyan ng
pangalan sa pamamagitan ng pagrehistro nito. Ito na marahil
ang unang karapatan na naibibigay ng magulang sa anak
kapag isinilang. Tungkulin ng anak na ingatan ang kanyang
pangalan at sarili. Maliit man o malaki ang tahanan ay dapat
may pagmamahalan ng bawat kasapi ng tahanan. Kaya
nararapat na sundin ang mga payo ng mga magulang. Kapag
ganito ang tinatamasa mong pamumuhay tiyak ikaw ay masaya
at malusog na pumapasok sa paaralan, pribado man o
pampubliko. Sinusupurtahan ng pamahalaan ang iyong libreng
pag–aaral dahil sa libreng edukasyon, kaya mag–aral ka ng
mabuti.
Tahimik at ligtas ang kinabibilangang mong komunidad
kaya hindi ka mag–aatubiling tumulong sa paglilinis ng
kapaligiran. Malaya ka ring makapaglalaro sa plasa o parke.
Tungkulin mong iingatan ang mga kagamitan sa plasa o parke.
Higit sa lahat sinisikap ng mga magulang mong mabigyan ng
sapat at masustansyang pagkain upang hindi maging sakitin.
Bukod dito, ay binibigyan ka rin ng atensyong medikal kung
kinakailangan.
Kung lahat ng karapatan mo bilang bata ay natatamasa,
ikaw ay lalaking maayos, malinis, malusog, at kapaki-pakinabang
sa lipunan, at komunidad na kinabibilangan. Huwag kalimutang
isagawa ang mga tungkulin mo.
Mga Tanong. Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno
1. Ano-anong karapatan ang nabanggit sa talata?
2. Ano-anong tungkulin ang dapat gampanan sa bawat
karapatan?
3. Sa iyong palagay, tinatamasa mo ba ang mga
karapatan mo bilang bata? Bakit mo ito nasabi?

Suriin
Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang bawat karapatan ay iyong
tinatamasa.

1. Mabigyan ng pangalan.
2. Makapaglaro at makapaglibang.
3. Magkaroon ng malusog na pangangatawan.
4. Magkasakit.
5. Maayos at payapang tahanan.

Pagyamanin
Punan ang mga kahon ng mga karapatang ipinakita ng larawan.

1. Karapatang

2. Karapatan kong
3.

Karapatang

4. Karapatang

5. Karapatang .

Isaisip

a tahanan, makapaglaro at makapaglibang, magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan, makap

Isagawa
Pumili ng isang karapatang tinatamasa mo bilang bata at iguhit ito sa
isang papel. Maari rin mangalap ng larawan at idikit ito sa papel.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Paghusayan Nakuhang


5 4 pa Puntos
3
Kalinisan
Simbolong
Naiguhit/Larawan
Kaangkupan ng
Konsepto
Kabuuan (15 puntos)
Tayahin
Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot ng
mga tinutukoy na pangungusap.
A. Mabigyan ng pangalan.
B. Makapaglaro at makapaglibang.
C. Magkaroon ng maayos na tahanan.
D. Makapag – aral.
E. Makapamuhay ng maayos, malinis at tahimik na pamayanan.
F. Magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan.

1. Si Maria ay nagsilang ng isang malusog na sanggol.


Kinabukasan ay agad itong ipinarehistro sa Civil Registry ng
Lungsod.
2. Pinag-aral ni Mang Jose si Ashley dahil nais niyang matuto
ito at hindi lumaking mangmang.
3. Ang Barangay na kinabibilangan ni Ben ay may malinis at
maayos na parke o plasa upang malayang makapaglaro.
4. Ang mga magulang Maria ay naghahanapbuhay upang
mayroong maihahain sa hapag.
5. Ang mga Barangay Tanod at Pulis ay nagroronda sa gabi
upang tiyakin ang katahimikan at kaayusan ng komunidad.
6. Buwan-buwan dinadala ni Maria ang kanyang anak sa
Health Center upang tiyakin ang kalusugan nito.
7. Mahirap lang si Mang Kario pero napapag-aral niya ang
anak sa pampublikong paaralan.
8. Si kapitan ay kasamang nag-iikot sa gabi upang matiyak
ang kapayapaan ng komunidad.
9. Tinitiyak ni Edith na makakain ang mga anak kahit sila
ay mahirap.
10. Ang bawat kasapi ng tahanan ay may mga gawaing
ginagampanan para madaling matapos ang mga gawain.
Sanggunian

Danao, Carolina, and Reyes, Babeth. Lunday ng Kalinangang Pilipino. Quezon City: SIBS
Publishing House, 2015.
Villanueva, Voltaire. AKO BIBO KASE DAPAT #ABKD. Makati City: VMV11483 Book
Publishing House, 2018.
Honradez, Editha Slideshare , Pagolo Elem. School Valenzuela City. S. Moralejo
Slideshare Valenzuela City

Susi sa Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Arlene D. Lastimosa Aaron S. Enano Aaron S. Enano
Manunulat: Editor:Nathalia A. Malaga
Tagasuri – Panloob:
Tagaguhit ng Kober:

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Libararian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address:

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7

You might also like