Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

THE ELITES:

Roaring Thunders

A NOVEL BY AMAERANTHINE

ONE

The Weird Things


“Ms. Hartelle! Ikaw na naman!”

Napapikit ako dahil sa sigaw ng Principal. Nakaupo ako kaharap ang kaklase
ko na mukhang galit na galit sa ‘kin, na may halong takot. Kung tignan niya
ako, parang kasalanan ko lahat ng nangyayari sa mundo. Kasalanan ko ba
magsabi ng totoo?

“E, kasi po, Sir-

"I want to talk to your guardian, Ms. Hartelle. I don't know why you
keep on causing troubles in the school! Hindi magandang tignan ang
pabalik-balik ka rito sa opisina ko," paliwanag niya. "And also you, Ms.
Lopez. Hindi ko gusto ang pagsigaw mo sa kaklase mo. Bring your
guardian tomorrow, too."

Napayuko na lang ako dahil sa sama nang tingin ni Maria. Alam ko


naman 'yun. Hindi ko naman gusto makagulo. Nadamay pa tuloy siya.

"For now, you're free to go home. I want to talk to your guardian,


alright? Bring her tomorrow. After that, I'll ask your teachers about your
performance in school, aside from your troubles. Then I'll decide if I'll
let you stay."

"Yes, Sir."
Nag-bow ako at nagpaalam na aalis na. Kaka-start pa lang ng klase pero
heto at nasa Principal's Office agad ako. Nagku-kwentuhan lang naman
kasi kami nung transferee. Since wala namang may gusto kumausap sa
'kin dito na old students.

"A-Ari..." Nauutal kong tawag sa kaniya.

"Huh? Ano 'yun?" tanong niya habang binibigyan ako ng 'ang-weird-


mo-look'.

Napalunok ako ng laway at nanginginig na tinuro ang likod niya. "S-


Sa... Likod mo..."

Pagtingin niya sa likod ay bigla na lang siyang tumili nang malakas.


May babaeng biglang lumitaw sa likod niya! Naka-school uniform na
katulad ng amin, at may dugong tumutulo sa ulo niya. Oh my God!

"Ari!" Sunod sunod na tawag nila nang biglang mahimatay ang


transferee. Sinamaan ako ng tingin ni Maria, 'yung kaibigan niya na may
galit sa 'kin.
"Ano na naman bang ginawa mo, Thea?! Lahat na lang ba ng tao
tatakutin mo?! Masaya ka ba tuwing may nabibiktima ka sa kaka-
ganiyan mo?!" Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagsigaw niya.

"Maria—"

"Lagi na lang! Bakit ba hindi ka na lang umalis dito?! Gulo lang naman
ang dulot mo, e!"

I sighed. Tama naman siya. Gulo lang naman talaga ang dulot ko. Noong
unang beses na napatawag ako sa Principal's Office, may nakasagutan
akong kaklase at napaso siya nang bigla niya akong hawakan. Noong
pangalawa naman, bigla na lang nadaplisan ng kidlat ang umaaway sa
'kin. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang mga ganoong pangyayari sa
'kin.

Ilang beses na rin napatawag si Mama sa school. Pero dati kasi, teachers
ko lang ang nagpapatawag. Ngayon, nasaktuhan kasi na nadaanan kami
ng Principal.

Kabadong kabado ako habang nakasakay ng jeep pauwi. Syempre,


naaawa na rin ako kay Mama. Lagi na lang siyang napapatawag dahil sa
gulo ko. Hindi ko rin kasi talaga maintindihan kung bakit nangyayari
'yun.
Feeling ko nga minsan superhero ako, e. Ewan ko na lang din sa utak ko.

"Nandito na po ako..."

Hindi ko pa naibababa ang bag ko sa couch nang lumabas si Mama


galing ng kwarto niya. Malungkot niya akong nginitian at binuka ang
mga braso niya. Nangilid ang luha ko at tumakbo sa kaniya para
yumakap.

"Sorry po, 'Ma... Pinapatawag po ulit kayo sa school dahil sa 'kin,"


malungkot kong sabi. Hinaplos niya lang ang buhok ko.

"Kahit anong sabihin ng mga tao sa 'kin, alam ko na hindi mo 'yon


ginustong gawin. Anak kita, at mas kilala kita kaysa sa kanila. Hindi mo
na kailangan humingi ng tawad..."

Isiniksik ko lalo ang sarili ko kay Mama. Kahit dalawa lang kami, hindi
ko naramdaman na kulang ako sa pagmamahal. Dahil sinisigurado ni
Mama na sobra sobra pa ang pinaparamdam niya. Kakayanin ko kahit
magalit at katakutan ako ng lahat, 'wag lang mawawala sa tabi ko si
Mama.

"Thank you po, 'Ma..." Natawa siya at mas hinigpitan ang yakap sa 'kin.
***

Sa lahat ng nangyayari sa 'kin, hindi ko kailanman sinabi kay Mama.


Hindi ko rin alam kung anong sinasabi ng mga teachers sa kaniya
tuwing pinapatawag siya. Hindi niya rin naman sinasabi sa 'kin. Kahit
kailan, hindi ko rin tinanong kung nasaan ang Papa ko. Feeling ko kasi,
malulungkot lang siya. At hindi ko gusto 'yun.

Pero sa ganitong edad ko, syempre, nagsisimula na akong magduda


tungkol sa pagkatao ko. Mula sa sarili ko hanggang sa mga nangyayari
sa paligid ko. May mga panahon na iniisip ko, siguro hindi ako tunay na
anak ni Mama. Na baka iniwan o pinaampon lang ako sa kaniya.

Nakakalito. Lalo na kung mismong si Mama ay walang sinasabi. Mabait


ang Mama ko, walang duda 'yon. Pero sumobra siya sa kabaitan kaya
ayaw niya nang malaman ko ang mga bagay na alam niyang
makakasakit o makaka-apekto sa 'kin.

Ngayong araw, hindi ako pinapasok ni Mama. Siya na lang daw ang
pupunta sa school at kakausapin ang Principal. Kung ano raw ang
magiging desisyon ay maluwag naming tatanggapin. Kaya naman pag-
alis niya pa lang ng bahay, naghanap na agad ako sa Internet ng mga
schools. Wala pa namang one week mula mag-umpisa ang klase, for
sure may malilipatan pa ako.

"Ano ba naman 'to... Ang mamahal ng tuition..."


Scholar kasi ako sa school na 'yon. Hindi ko nga alam bakit hindi pa rin
natatanggal ang pangalan ko roon kahit napakarami ko nang record. Pero
okay lang. Atleast, hindi na kailangan intindihin 'yon ni Mama.

"Siguro mas mabuti kung ako mismo tumingin?" bulong ko sa sarili.

Sampung minuto akong umikot-ikot sa sala bago nakapag-desisyon na


lumabas. Kumain muna ako at naligo. Nagbihis lang ako ng simpleng
white shirt at jeans. Nagsuot din ako ng sneakers. Nag-iwan lang ako ng
note para kay Mama na dinikit ko sa ref.

'May titignan lang po ako. Babalik din ako agad. Ako na po magluluto
ng hapunan! Love you!
-Thea <3'

Cellphone at wallet lang ang dala ko. Ang pera ko ay sakto lang din para
sa pamasahe. Inumpisahan kong humanap sa medyo malapit.

"Hi, Miss! Mag-i-inquire po sana ako..."

Saglit akong tinapunan ng tingin ng bantay sa registrar. "Yes?"


"Uh... May slot pa po ba kayo para sa Psych?" tanong ko.

"Wait, Miss. Iche-check ko lang," sagot niya at may pinindot na sa


computer.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya natapos. "I'm so sorry,


kakaubos lang ng slots para sa course na hinahanap mo. May vacant pa
naman kami sa Biology, gusto mo?"

"Ah, hindi na po. Thank you."

Nanlulumo akong napaupo sa isang bench. Halos lahat ng


napagtanungan kong school ay wala nang vacant slots para sa course ko.
Ayoko naman mag-shift. Gusto kong panindigan 'yung pinili ko.

"I'm sorry, we ran out of vacancies since last last week. Maybe try
enrolling next sem."

"Sorry, wala na po kaming slot para sa course na 'yan."

"I'm sorry, ubos na po. May vacant pa, pero ibang courses na. Gusto
niyo po ba alamin?"
Quotang-quota na ako sa 'sorry' ngayong araw. Tsaka ko lang napansin
na hapon na pala. Kailangan ko umuwi ng maaga dahil magluluto pa
ako. Baka pwede ko na rin tanungin si Mama ngayon kung anong napag-
usapan nila ng Principal. Baka sakaling mag-kwento na siya...

Iyon nga lang, sinulit ko na yata ang kamalasan sa araw na 'to. Pagtayo
ko sa bench ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtakbuhan ang
mga tao para makasilong.

Ako? Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa langit. Hindi ko alam


pero pakiramdam ko, umaayon sa emosyon ko 'yung panahon. Lalo na
kung galit ako o malungkot. Tulad ngayon. Malakas ang buhos ng ulan
pero hindi masakit sa balat. Para lang siyang bumubuhos kapalit ng luha
ko.

"Ang malas malas mo talaga, Thea," sambit ko sa sarili bago naglakad


pauwi.

Malapit na mag-alas sais nang makarating ako sa bahay. Nasa kusina na


si Mama at naghahanda ng lulutuin.

"Oh, nariyan ka na pala. Saan ka galing? Bakit naman basang basa ka?"
nag-aalalang tanong niya. Pumasok siya sa banyo at kumuha ng twalya.
Siya na rin ang nagpunas sa 'kin.
"Naku naman itong batang 'to... Bakit naman nagpapakabasa ka sa ulan?
Paano kung magkasakit ka? Alam mo namang mahina ka sa ganiyan..."
Sermon niya habang tinutuyo ang braso ko.

"Bigla po kasing umulan, 'Ma. Wala po akong dalang payong."

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ba at lagi kong binibilin na


magdadala ka lagi ng payong at panyo?"

Napakamot ako sa ulo. "Wala ka naman po kanina kaya walang


nagpaalala."

Tinuktukan ako bigla ni Mama kaya napahawak ako sa ulo ko. Aray!
Minsan, may pagka-sadista rin talaga 'tong Nanay ko.

"Aray naman, 'Ma! Child abuse! Kukuhanin na ako ng DSWD!"

Hinila naman niya ang ilang pirasong buhok ko na pinpatayo niya.


"Napaka-OA mo talaga. Hindi ko alam kung kanino ka nagmana."

"'Ma, nakakasakit ka na po, ah! Lalayas na lang talaga ako rito! Battered
daughter ako! Kakampihan ako ng DSWD!"
Tinulak niya ako paakyat sa hagdan. "Sige na, sige na. Gusto mo ay
samahan pa kitang mag-file ng complaint. Basta maligo ka muna at
magbihis. Pagkatapos ay bumaba ka na para kumain."

"'Ma, seryoso po ako!" Nagdadabog kunwari kong sabi.

"Oo na, sige na. Sasamahan agad kita mamaya pagkatapos kumain,"
aniya habang winawasiwas ang kamay sa ere.

"Mama naman, e!"

"Bilisin mo na riyan!"

***
Pagkatapos kumain ay natulog agad si Mama dahil pagod daw siya. Ako
ang naiwan para magligpit. Nang matapos ay nagpunas lang ako at
nahiga na. Hanggang ngayon ay umuulan pa rin sa labas. Hindi na siya
malakas kaya binuksan ko ang bintana.

Imbes na ma-enjoy ko ang dahan dahang patak ng ulan ay bigla itong


bumuhos nang sobrang lakas. Kumidlat at kumulog na rin na siyang
nagpagulat sa 'kin! Bakit naman bigla biglang tinotopak 'tong panahon?!
Noon ko lang napansin na hindi pa nakasarado ang bintana kaya lumapit
ako roon upang isara. Pero bago ko pa man 'yon magawa ay may biglang
dumaan na kidlat at tumama mismo sa katawan ko.

Ang huling nakita ko ay liwanag at para akong nahuhulog bago nagdilim


ang paningin ko.

TWO

Thea in Wonderland

Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa 'kin ang puting kisame.


Amoy gamot ang lugar.

Nasaan ako?

Anong nangyari sa 'kin?

Ang huling natatandaan ko ay... Nasa kwarto ako, umulan bigla ng


malakas at...
Oh my God!

Bigla akong napabalikwas ng bangon at tinignan ang buong paligid.


May dalawang kama na magkatabi. May nakaharang lang na dalawang
bedside table. May dalawang cabinet sa paanan ng bawat kama. May
dalawang pinto. Isa siguro para sa CR at isang main door. May maliit na
kusina rin sa loob.

May mga nakasabit pang dream catcher, lucky cards, at kung anu-ano
pang lucky charms sa buong kwarto. Sobrang swerte na siguro ng may-
ari ng kwarto. Grabe naman kasi. Effort kung effort.

Hindi ko alam kung okay lang ba na libutin ko ‘yung kwarto nang


walang permiso ng may-ari kaya hindi ko na ginawa. Nanatili akong
naka-upo sa kama. Nasaan kaya ako?

“Aish! Baka hinahanap na ako ni Mama…”


Kagat ko ang daliri ko habang nag-iisip.Napag-desisyunan ko na
hanapin ang may-ari ng kwarto. Syempre, hindi pwedeng pa-VIP ako
rito, ‘no! Masakit kaya matuktukan ni Mama!

Akma akong lalabas ng pinto nang bigla ‘yong bumukas. Ang ending, nauntog
ako sa pinto.
“Aww…”

“Oops, sorry!” Sabi nang babaeng nagbukas ng pinto. Maliit siya at maliit din
ang mukha niya. Medyo chubby pero ang cute niya! Para siyang manika!

“Sorry talaga. Hindi ko kasi alam na gising ka na pala,” aniya at inalalayan ako
paupo sa kama.

“Ayos lang. Nasaan pala ako?”

Natigil siya sa pag-aayos ng mga bitbit niya. “Huh? Hindi ka nag-aaral dito?

“Nag-aaral? You mean… Nasa school tayo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Aba, parang imposible naman ‘yun? Akala ko nasa kapitbahay lang ako!

“Not literally… Nasa dorm tayo ngayon.”

“Oh my gosh… Paano ako napunta rito?” inis na tanong ko sa sarili ko.

“”Yun din ang tanong ko! Naku, lagot ako nito kay Ms. Kris… Anong gagawin
ko? Anong sasabihin ko kapag naramdaman nila ang presensya niya?
Mapapalayas ba ako? Saan na lang ako pupulutin? Ang malas ko naman!”
Para na siyang baliw na pabalik-balik na naglalakad sa kwarto niya.
Natataranta siya na ewan. Hello? Mas may karapatan akong mataranta dahil
hindi ko alam kung nasaan ako! Paano kung lugar pala ‘to ng mga adik, ‘di ba?

Natigil lang siya nang kakasabi ng ‘malas’ nung may nagsisigawan na sa labas.

“Hala, ingat naman!”

“Bakit bigla akong nadulas?!”

“”Yung dal among timba, nabutas!”

“Hala… Lagot,” biglang sabi ni… Ano nga bang pangalan niya?

“Mina! Anong nangyayari sa ‘yo?! Mina!” Sigaw sa labas at sunod-sunod na ang


kumatok. Lahat sila ay tinatanong kung napano ba si Mina. Siguro, Mina ang
pangalan nitong babae.

“Tumayo ka, sumama ka sa ‘kin,” biglang sabi niya at hinila ako palabas ng
dorm niya. Paglabas namin ay nakita ko ang mga tao sa labas. Para silang
dinaanan ng kamalasan.

Gulo talaga ng mundo.


“Saan tayo pupunta?” tanong ko nang lagpasan lang naming ang mga tao sa
labas ng dorm niya.

“Sa Principal.”

“Huh?! Irereklamo mo ba ako?!” Natataranta kong tanong. Sawang sawa na


ako makaharap ang mga Principal, please lang!

“Hep! Wait lang. Stop ka muna, okay?” pigil ko at binawi ang kamay ko sa
hawak niya. “Baka pwedeng pag-usapan muna natin ‘to ng maayos? Hmm?
Kahit ituro mo na lang sa ‘kin ‘yung daan palabas, ayos na! Hindi ko sasabihin
ang pangalan mo kahit kanino! Promise!”

Ginamitan ko pa siya ng puppy eyes at pinagdikit ko pa ang dalawang palad


ko. Gagawin ko ang lahat makaalis lang dito nang matiwasay.

“Hindi pwede, okay? Hindi ka naman ikukulong ni Principal. Siya lang ang
kakausap sa ‘yo dahil hindi ko na alam ang gagawin,” paliwanag niya.

“Sure ka ba na hindi ako ikukulong?”

“Oo nga. Siya rin ang bahala kung paano ka makakauwi.”

Napahinga naman ako nang maluwag. “Dapat sinabi mo agad! Halika na sa


Principal’s Office, ‘wag na natin siya paghintayin.”
“Ang weird mo,” komento niya kaya napaismid ako.

“Akala mo ikaw, hindi? Tara na!”

Pagdating namin sa office, naroon ang isang babae na nakaupo at parang


inaabangan kami.

“Ms. Principal-“

“So it’s you.” Biglang sabi ng Principal habang nakatingin sa ‘kin.

Huh? Ano raw? It's me? Ang ano?

“Ako po?” takhang tanong ko.

She smiled. Okay, talk about creepy.

“I’ll send a letter of notice to your guardian. In the meantime, you’ll stay here.”
Sabi niya at humarap naman kay Mina.

“Good job in bringing her here, Mina. Now, can you escort her to the Elites’
dorm?” aniya kay Mina. Natulala naman ang huli sa’kin. “Off you go, sweetie.
Please explain to her how did she got here. Okay?”
“Yes, Miss,” sagot naman nitong katabi ko. Huh? Saan naman nila ako balak
dalhin ngayon?

Nagulat na lang ako ay hila na naman ako ni Mina papunta sa kung saan.

“Hello? Saan na naman ang punta natin? Hindi niyo pa ba ako papauwiin?”
natataranta kong tanong.

“Anong pangalan mo?” biglang tanong niya.

“Sagutin mo muna ako!”

She sighed and let go of my hand. “Kagabi, pauwi ako galing sa mission.
Masiyadong malakas ang ulan at madilim kaya halos hindi ko makita ang daan.
Nagulat na lang ako dahil biglang kumidlat at lumiwanag nang sobra. Tapos,
nakita kita sa daan, walang malay.”

Walang malay? Liwanag? Tama. Umuulan nang sobrang lakas kagabi. “So?
Bakit hindi niyo pa ako-“

“Akala ko ay bago ka sa Academy. Kaya kinuha kita at dinala sa dorm. At


noong sabihin mo na hindi ka taga-rito, hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya
dinala kita kay Principal. Pero sa reaction niya, mukhang katulad ka rin
namin,” paliwanag niya. Hinila niya na ulit ako papunta sa elevator.
“Katulad niyo? Malamang. Tao tayo pare-parehas kaya katulad niyo talaga
ako!”

She shooked her head. Pinindot niya ang 4. “Ihahatid kita ngayon sa dorm ng
mga makakasama mo. Sa totoo lang, hindi ko rin naiintindihan ang
nangyayari. Sila na ang bahalang magpaliwanag sa ‘yo.”

Pagdating namin sa 4th floor ay may nag-iisang pinto roon. Tinulak ako bigla
palabas ni Mina sa elevator.

“Bye! ‘Wag mo sila tadtarin masiyado ng tanong, okay? Bisitahin mo ako!”

Shoot. What am I going to do here in this wonderland now?

THREE
Meeting the Elites

“Come on, brain. Think… Think…” Bulong ko sa sarili ko habang palapit sa


pinto. Malay mo, ditto pala tinatapon ‘yung mga naliligaw dito sa lugar na ‘to.

Mama, huhu. Nasaan na ba kasi ako?


“Tao po? Papasok po… Hindi po ako masamang tao… Hindi kop o kayo
nanakawan, promise!”

Walang sumagot kaya pumasok na ako agad. Isang hallway ang bumungad
sa’kin pagpasok. May dalawang hallway ulit sa kaliwa’t kanan. May nakalagay
na ‘Girls’ sa kanang hallway at ‘Boys’ naman sa kaliwa.

Living room naman ang tinutumbok nitong hallway. May malaking TV, mga
speakers, at may DVD rack. Kaharap naman nito ang isang mahabang couch at
tig-isang one-seater na couch. Sa gitna ay ang center table na nakapatong sa
carpet. May balcony rin sa likod ng sala. Sa gilid ay archway na papunta
naman sa kusina at dining area.

Para akong nasa hotel. Ang ganda naman dito! Puno rin ng stocks ang ref at
mga cupboards kaya sure na may nakatira rito. Kung ditto lang din ako
itatapon at ikukulong, ayos lang.

Pumunta naman ako sa kanang hallway. May limang pinto roon. Dalawa sa
kanan at tatlo sa katapat. May design din na nakalagay sa bawat pinto. Sa una
ay parang may ilog na may mga paru-paro. May dove na ibon at swan din. May
puno ng apple at roses. Para rin siyang kumikinang. In short, sobrang ganda at
elegante tignan. Sa tag ay may pangalang nakalagay- Bella.

Sa tabi nito ay simple lang ang design. May malaking olive tree at nasa tuktok
nito ang isang owl. Nakasandal naman sa trunk ang spear at shield na may ulo
ng mga ahas. Parang napag-aralan ko na ‘yun dati pero hindi ko matandaan.
Veda naman ang pangalan na nasa tag.
Ang pangatlo ay parang metal door na maraming gears and cogs. May
malaking martilyo na umaapoy sa gitna. Naka-engrave ang Reese sa taas. Ang
simple pero parang nakakatakot buksan dahil baka may biglang sumabog sa
loob.

Ang nasa tapat naman ay parang garden ang design. Buhay ang mga halamang
nakadikit sa pinto. May mga bulaklak at mga wheats na naroon. Parang
nakaka-relax tignan. Ano kayang nasa loob nito? Isa pa, amoy mint din ‘to.
Pagtingin ko sa pangalan, Sian ang nakalagay.

Ang katabing pinto ay plain. Walang kahit ano. Siguro tamad ang nasa kwarto
na ‘to? Pero wala rin kasing pangalang nakalagay. I sighed and went back to
the living room. Ngayon ko lang napansin, parang kumikinang sa ginto at
kumikintab ang buong dorm. May mga vines din na gumagapang sa ceiling, at
may ilang paru-paro na lumilipad paikot doon. May kakaibang locks din ang
main door. Maliwanag din kahit na patay naman ang mga ilaw. May mini
garden din sa balcony. Sobrang… ganda.

Nataranta ako nang marinig na may nagbubukas ng lock. Inikot ko ang


paningin ko at naghanap ng pwede taguan o pagtakasan. So far, ‘yung balcony
lang ang nakikita kong option. Mahilig ako mag-cliff diving at pumunta sa
matataas na lugar kay sisiw lang ‘to… I think.

Pagbukas ko ng siliding door ay bumukas din ang main door. Pumasok ang
tatlong babae kasunod ang tatlong lalaki. Mukhang nagulat sila katulad ko.
Sino ba naming hindi magugulat kung may bigla na lang papasok sa dorm niyo
nang walang paalam?!

“Shit.” Mura ko sa sarili at unti-unti silang sinalubong ng tingin. “Hi?”

Biglang tumili ang isang babae. Para siyang… Dyosa. Ang ganda, grabe! Walang
sinabi ‘yung mga artista na nakita ko sa personal! Habang naglalakad siya
palapit sa ‘kin ay napaka-elegante niya tignan. Para siyang kumikinang!

“Hi, pretty! I’m Bella, nice to meet you!” Aniya nang nakangiti. Para akong
hinehele nang boses niya. “Hey, pretty?”

Bakit hindi ganiyan ‘yung akin?! Unfair!

“Bakit naman kasi ikaw agad ‘yung kumausap, B? Ayan tuloy,” sabi ng babaeng
medyo matangkad kay Ganda. Morena siya at may kulot na mahabang buhok.
Bilugan ang mga mata niya at color black, kakulay ng buhok niya.

“What did I do? Veda?” Naka-pout na sumbong niya sa tahimik na babaeng


nasa gilid.

Lumapit sa ‘kin ‘yung babaeng tinawag ni Ganda na Veda. Siya yata ang
pinakamatangkad doon sa tatlo. Maputi siya at mukha talagang strikto. Gray
ang kulay ng mata niya at black naman ang shoulder-length na buhok niya.
Nakatali ‘yon nang maayos, hindi gaya ng kay Curly na magulo.
“Here, drink this,” aniya at inabutan ako ng tubig. Tinanggap ko ‘yon at
nagpasalamat. “I’m Veda, by the way. The loud one is Reese. And, you already
know the beautiful girl.”

“Uh… I’m Thea. Thea Hartelle,” pakilala ko sa sarili ko.

“Yo!” Biglang sumulpot sa likuran ni Veda ang isang lalaki. He has this sly grin
in his face, like he’ll do something silly anytime. Matangkad, maputi, at golden
brown ang medyo curly niyang buhok.

“Hi-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang nawala.

“Hi!” Bigla niyang sabi habang nakasilip galing sa likod ko!

“Oh my God!”

“Loki, you jerk!” Sita ni Reese sa kaniya at sinipa siya sa tagiliran.

“Ouch! Napakasadista mo!”

“That one’s Loki. Iwasan mo na lang lumapit sa kaniya. Siguraduhin mo rin na


iche-check mo lagi ang mga gamit mo kapag nasa malapit siya,” sabi ni Veda
na naka-akbay sa ‘kin.

“Hey, that’s foul! I don’t steal from friends!” Apila ni Loki.


“Kung gano’n nasa’n ang relo ko, freaky dumb thief!”

Inangat ni Loki ang kanang kamay niya na may hawak na… relo. “Oops.”

Nagsimula na silang maghabulan at nagulo ang buong sala dahil kung anu-ano
na ang pinagtatapon ni Reese kay Loki.

“Someone stop them before Sian come home,” sabi ni Veda at pumunta na sa
kwarto niya. Oh right.

“Let’s go to your room!” Excited na sabi ni Bella at hinila ako papunta sa mga
kwarto.

Geez. Feeling ko mahihimatay ako any second dahil sa mga nangyayari sa


paligid. Oh God, help.

FOUR
I Suddenly Had A God For A Father

“WHAT THE HELL HAPPENED HERE?!” nagulat ako nang may biglang
sumigaw galing sa labas. Pagtingin ko kay Bella ay mukhang ine-expect niya
na ‘to.
“Let’s go. Mukhang kumpleto na sila sa labas.”

Okay. Nauna siyang lumabas. Mukhang nagkakagulo sila sa labas kaya


natatakot ako umalis dito sa kwarto.

“Sian, calm down,” sabi ni Veda.

Nandito na ako sa hallway at sinisilip ang nangyayari sa sala. Nakaupo sa


sahig si Reese at Loki na parang maamong tuta. Nasa harap naman nila ang
isang petite na babae. Hawak siya ni Bella sa balikat. Si Veda naman ay
nakaupo sa couch. May dalawang lalaki ang nakaupo sa mahabang couch.

“What the hell are you doing?”

Napatili ako nang marinig ang boses na ‘yon galing sa katapat na hallway. Una
kong napansin ang mata niya. Kulay brown. Matangkad, maputi, at halatang
lagi siyang nasa gym. He has rough features na feeling ko kapag lumapit ako sa
kaniya ay kaya niya akong tirisin.

“U-Uh… Ano kasi…”

“Oh, Thea! Sian, look, it’s Thea!” Bella exclaimed. Biglang lumingon ‘yung Sian
sa ‘kin. Kung si Loki ay mukhang laging mant-trip, itong si Sian naman ay
sobrang inosente tignan.

“Oh my… Hi, Thea! I’m Sian, daughter of Demeter.”


Daughter? Daughter of who raw?

“Uh… Hi? I’m Thea, daughter of Elena?” hindi ko sure kung dapat ba sabihin
ang pangalan ng magulang kapag magpapakilala?

They all burst out laughing. Sabin a nga ba dapat ‘di na lang ako nagsalita.

“Oh right. Nakalimutan pala naming magpakilala nang buo,” sabi ni Bella. “I’m
Bella, daughter of Aphrodite.”

Aphrodite? Huh? Parang narinig ko na siya somewhere.

“Goddess of Love, Sexuality, and Beauty,” dagdag niya.

“Teka anong-“ hindi pa ako nakakamove on ay nagsalita na rin sila.

“I’m Veda, daughter of Athena. Goddess of Wisdom, War, and Courage.”

“My mother is the Goddess of Agriculture, Fertility, Sacred Law and the
Harvest,” ani Sian.

Nagtaas naman ng kamay si Reese. “Tatay ko si Hephaestus. Diyos ng Apoy,


Metalworking, tsaka mga forges. Kaya kung may nasira kang gamit, katok ka
lang.”
“Yo. Anwong mewon?” biglang sumulpot ang isa pang lalaki galing sa kusina.
Matangkad din siya at maputi. May baby face kaya kahit mas malaki siya sa
‘kin, parang ang cute cute niya. May hawak siyang pack ng biscuits at fries na
nakaipit sa braso niya.

“That’s Lucas. Son of Apollo. God of Poetry, Healing, and Knowledge.”

“Ywep!” Tumango-tango pa si Lucas.

“Tatay ko ang pinaka-cool sa lahat. God of Trades, Traveling, at tinuturing na


Messenger of the Gods! Siya rin ang pinaka-bata tignan sa lahat ng mga Diyos.
Loki at your service!”

“Nakalimutan mong God of Thieves din ang Ama mo, Loki.”

You might also like