Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino at Integrasyon ng Lipunan

Higit pa sa ambag ng wikang Filipino sa ating pagkakilanlan, ito ay susi sa pag-uugnay


ng mga mamamayang Filipino. Isa sa mga dahilang iminumungkahi ng ilang
siyentistang panlipunan sa mabagal na pagsulong ng lipunan ay ang kahinaan ng
integrasyong panloob (Boeke,1953; Tullao, 1994).
• Ang pagtanggi sa paggamit ng wikang Filipino ay nakabatay sa mababang antas ng
pagiging intelektuwalisado nito kahit ito ay nauunawaan ng nakararaming Filipino.
• Isang panukala ng maraming lider at intelektuwal ng ating bansa na gamitin ang
wikang Ingles bilang wikang pamagitan na magbubuo sa ating lipunan.
• Batay sa lumalakas na pagtanggap ng wikang Filipino at lumalaking bahagi ng
bansa ay nakauunawa nito, mabigat ang potensyal ng wikang Filipino na maging
wikang mapag-ugnay at mapagbuo.
• kinakailangan ang intelektuwalisasyon upang ang potensiyal nitong maging
instrumento sa pagbubuo ng ating lipunan ay maisakatuparan.
Hindi kukulangin sa 100 taon bago maging intelektuwalisado ang wikang Filipino. Isa sa
matinding problema sa pagpapatupad nito ay ang pagtanggi ng maraming iskolar,
propesor, intelektuwal, at pinuno ng ating bansa sa paggamit ng wikang Filipino sa
kanilang disiplina at sektor dahil sila ay mga aral sa wikang Ingles at higit na magaan
itong gamitin sa kanilang mga komunikasyon at transaksiyon. (Bonifacio SIbayan,
1999).

You might also like