Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL II ng Pansariling Pagkatuto sa KKF-Ika-apat na Bahagi

PAGPROPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON


Pagproproseso ng impormasyon-ay tumutukoy sa aktibidad ng utak mula sa mga gawaing
kinakasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang indibidwal.
Ito ay isang mahalagang dulog ng pananaliksik na bahagi ng kognitibong rebolusyon sa
sikolohiya, na nagbunga ng pagbabago ng paradigma kung paano sinubukan ng mananaliksik sa
larangan ng sikolohiya ang pag-unawa sa isip ng tao.

SANGGUNIAN/BATIS NG IMPORMASYON ay ginagamit sa maraming mga kalipunan, sakop, o


saklaw ng kaalaman ng tao, na umaako ng mga antas ng kahulugan na partikular sa mga diwa o mga
konteksto na pinaggagamitan nito.
-ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan na kailangan para makagawa ng mga pahaya
- ay source/s ng mga impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa/nakikinig/nanonood.
KAHALAGAHAN
Makakatulong sa lalim ng argumento ng isang pag-aaral ang kakayahan ng mga mananaliksik
na gumamit ng ibat-ibang uri ng sanggunian bilang batayan. Kung wala ang kakayahang ito, maaaring
hilaw at pawang opinyon lamang ang mabubuong laman ng isang sanaysay samakatwid, hindi ito
maituturing na iskolarli o isang makabuluhang pag-aaral.

IMPORMASYON – kasingkahulugan ng salitang katotohanan.


*Mas matibay na impormasyon ay mas paniniwalaan
URI NG IMPORMASYON
1. Kaalaman – ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o maaaring
natamo o natanggap mula sa may mas maraming naging karanasan.
2. Datos – ay mga kaalamang kinokolekta, sinusuri, pinag-aaralan inuunawa at pinaglalaanan ng
sapat na panahon upang makabuo ng impormasyon.

MGA KATEGORYA NG SANGGUNIAN


1. PRIMARYA
- ay ang impormasyong galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari.
- ay mga datos na hinalaw o nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon na
isinasagawa ang aktwal na pananaliksik.
- ay nanggaling sa mga orihinal na dokumento kung saan ang pananaliksik ay
nakabatay.
Halimbawa
1. Dokumento – mga bagay o usaping nakasulat sa papel
2. Literatura – produkto ng sining, kasaysayan at pamumuhay ng sinaunang tao
Halimbawa( Dokumento at Literatura )

A. Talumpati
B. Liham
C. Birth Certificate
D. Diaries
E. Transkrisyon ng live news feed
F. Sarbey
G. Rekord ng korte
H. Panayam
I. Pangunahing balita ng kaganapan
J. Orihinal na Pananaliksik
K. Pananaliksik na nakalathala sa iskolarli o akademikong dyornal

2. SEKONDARYA
- ay impormasyon galing sa iba at nalaman lang ang pangyayari dahil sa taong
nakasaksi o sa taong matuturing na primaryang batis.

- ay mga datos na nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos ang isang


kaganapan

- ay mga impormasyong nakalap batay sa interpretasyon ng may-akda o manunulat sa


mga kaganapang nangyari na maaaring kinasasangkutan ng obserbasyon at may kinikilingan at
subhektibong komentaryo na sinusubukang ipaliwanag ang isang pangyayari.
Halimbawa
1. Datos na nanggaling sa mga sangguniang material ( Inference Materials ) tulad ng diksyunaryo
at ensayklopedya
2. Aklat at artikulo na nagbibigay ng interpretasyon , rebyu, o binigyan ng synthesis ang orihinal
na pananaliksik
Halimbawa ( 1 at 2 )
A. Dyaryo
B. Mga libro
C. Radyo
D.Music recordings
E.Movies of historical events
3.TERSIYARYA
-ay tumutukoy sa mga datos na hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan sa mga primarya at
sekondaryang sanggunian.
Halimbawa
1. Indexes -nagbibigay ng mga pagkakilanlan kung saan nanggaling ang imporrmasyon
katulad ng may-akda, pamagat ng aklat, artikulo at dyornal, tagapaglathala, petsa, bolyum
at isyu bilang ng paglathala, at bilang ng pahina.
2. Abstrak- ibinubuod nito ang primarya at sekondaryang sanggunian
3. Databases- mga online na indexs na karaniwang kinabibilangan ng mga abstrak para sa
primarya at sekondaryang sanggunian, at maari rin naman na digital na kopya ng
sanggunian.

MGA MUNGKAHI SA PAGKUHA NG IMPORMASYON BUHAT SA MGA SANGGUNIAN


1. Nangangailangan ng tamang pagtugon sa mga pamantayang pang-akademiko sa pagkuha
ng mga impormasyon at datos para sa isinasagawang pananaliksik.
-tungkuling mabigyan ng rekognisyon ang may-akda ng sanggunian na ginamit ng
mananaliksik o mag-aaral upang ang kanyang pagtalakay ay magkaroon ng malalim na
perspektiba.
2. Kailangang gawin kung sasangguni sa mga aklat at dyornal.
-mahalaga na bigyan ng pansin ang pahina bilang ng sanggunian kung ang mahalagang
kaisipan ay iyong sisipiin, aayusin bilang talata o bibigyan ng buod.
3. Kailangang gawin kung gagamitin na sanggunian ang internet
-mahalaga na makuha ang URL at ang petsa kung kalian kinuha ang impormasyon sa
isang website
4. Tngkulin na laging tandaan na ang tamang rekognisyon sa may-akda ay nararapat lamang na
kabayaran para sa kanyang karunungang hindi ipinagdamot kailanman.
- Ang hindi pagtupad sa tungkuling ito ay katumbas ng paglapastangan sa kanyang
kabutihang mamahagi ng kaalaman sa iba at katumbas ng pagnanakaw ng karunungan ng ibang tao.

You might also like