Kurso ng Pamagat Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Kurso ng Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at Deskripsiyon nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan. Kredit ng Kurso 3 Unit Modalidad Modular Proyekto ng Porfolio ( Pasasama-sama ng lahat ng Aktibodades ) Asignatura
MODYUL PARA SA SARILING PAGKATUTO
SA
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
MODYUL I
Ang pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Eukasyon at Lagpas Pa
KAKAYAHAN: Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyon sa lipunang Pilipino
KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA
Ang Saligang Batas ang pinangkukunsultahan na batas ng bawat
bansa. Makapangyarihan ito sapagkat ito ang nagsasabi ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang pamumuhay ninuman. Kinapapalooban ito ng mga mahahalagang probisyong sanligan ng mga bagay at kilos na dapat na igawi para sa isang matiwasay na bansa. Sa Pananakop ng Espanyol, espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo na ginamit nila sa mga kapwa nating Pilipino. Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit nila sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Dumami ang natutung magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935, halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. Ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa konstitusyong probisyunal ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika upang makapag-paabot sila ng mga impormasyon na nalalaman ng marami. Sa konstitusyon ng Malolos, (Enero 21, 1899), itinatadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga bumubuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng Ingles sa bansa. Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie. Na kung saan dito nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. Ang probisyong pangwika ay nasa seksyon 3, Artikulo XIII. ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting wikang opisyal. Si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte. Nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa. Mula sa orihinal na resolusyon nito, ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika. Style Committee Nagkaroon ng pagbabago ang resolusyon dahil dumaan ito sa kanila. Sila ang nagbibigay ng huling pasiya sa burador ng Konstitusyo. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon ito ng Seksyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935. Si Manuel L. Quezon ang unang ginawa ng administrasyon niya ay ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika. Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig niya ang kanyang Plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang tungkulin ng surian ay gumawa ng pag-aaral ng wikang katutubong sa Pilipinaas, sa layuning mapaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa. Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod; 1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas 2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika;at 3. Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at panitikang tinanggap
Enero 12, 1937, hinirang ng pangulo ang mga kagawad ng Surian,
alinsunod sa seksyon 1, Batas Komonwelt 185. ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang Pambansa ay sina: Jaime de Veyra(Bisaya,Samar-Leyte) – pangulo Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad Filemon Sotto (Cebuano) – Kagawad Casimiro Perfecto (Bicolano) – Kagawad Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) - Kagawad Hadji Butu (Mindanao) – Kagawad Cecilio Lopez(Tagalog) – Kagawad
Hindi tinanggap ni Sotto ang kanyang posisyon at pinalitan siya ni Isidro
Abad. Sa kadahilanang siya ay mayroong karamdaman. At maging si Hadji sa kadahilanang namatay siya sa hindi inaasahang kadahilanan. Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng sampung buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. Wikang tagalog ang halos tumugon sa hinihiling ng Batas Komonwelt Blg. 184.
Disyembre 30, 1937, anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, lumabas
ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at diksyunaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938 hanggang 1940. Hunyo 18, 1938 may pagbabagong naganap sa Batas Komonwelt Blg. 184. Sinusugan ito ng Batas ng Batas Komonwelt Blg. 333 at sa batas na ito, ang surian ay ipinapailalim sa tuwirang pamamahala at pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas. Binago ng lubusan ang seksyon 10 ng Batas Blg. 184. Sa lumang batas ang kalihim ng Edukasyon ang magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pangwika at iyon ang magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng lathalaing opisyal at aklat na pampaaralan. Noong Abril 1, 1940, inilabas ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinag- uutos nito ang: 1. Pagpapalimbag ng Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat ng gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. Pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940, sa mga Paaralang pampubliko at pribado sa buong kapuluan. Sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas pinagtibay ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Blg. 570. Na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas sa pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1946. Noong 1942 nabuo ang isang grupong tinawag na “purista”. Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Nang panahon iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. At kanilang pinasigla ang panitikan nakasulat sa tagalog. Sa Artikulo IX, Seksyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, “Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tagalog bilang pambansang wika.
Noong Hulyo 4, 1946, ganap nang Abril 4 taon-taon. Alinsunod ito sa
pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang Makata ng Lahi. Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang pagpalit sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon- taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na kinilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Noong 1959, inilabas ng kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “Kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay Tatawaging Pilipino”. Oktubre 24, 1967, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino. Marso 27, 1968, inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum Serkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito. At inutos rin ng sirkular na gawin sa Pilipino ang Pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawaning pamahalaan. Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7, ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino sa kurikulum mula elementarya hanggang sa kolehiyo pampubliko man o pribado. Noong 1974, sinimulang ipinatupad ang patakarang edukasyong bilinguwal sa bansa. Noong 1978, iniatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha naman ng 12 yunit. Noong Marso 12, 1987, sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.kasabay nito ang pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.