Buod, Alexander Manalo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALEXANDER MANALO

Buod ng KAHAPON NGAYON AT BUKAS

Ang kahapon ngayon at bukas ni Aurelio Tolentino ay nag-papakita hindi pagsang-ayon ng pagpapalawak
ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at naka-pokus ang tagumpay ni Inang Bayan
laban sa mga nangliit sa kanya. Asal hayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam
na Sila Tagailog ay babakahin si Haringbata.

Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan en dahil ipinagbili ni Asalhayop ang
kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan na sumalakay kay
Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si
tagailog in sinaksak siya.Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong
sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.

Buod ng Tanikalang ginto

Si liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin: pakasalan ang nag iisang mahal na si K’ ulayaw o ang
pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na mag pakasal si
Liwanag kay K’ulayaw nais niyang makasama at mapagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay
sumakabilang buhay. Inatasan niya si Nagtapon, ang kanyang alipin na bantayan at pagbawalan ang
pagkikita ng dalawa. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya upang hadlangan ang pag
iibigan ng dalawa. Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang Ginto at pinangakuan ng marami pang
kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin si Liwanag. Ang Tanikalang Ginto ang
nagsisilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Subalit nanaig ang
kagustuhan ni Liwanag na sumama at magpakasal kay K’ulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan
ang pagpupumilit ni maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling Kapatid.

Buod ng Walang Sugat

Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang
kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama.

Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at
nais ni Teyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si
kapitana Puten.
Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may
dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayang nag ngangalang Miguel.

Sa pagalaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay Lucas para
ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang
nagkaroon ng labanan.

Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si
Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.

Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay


na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong.

Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel
at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang
anak.

Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang
Sugat! Nilinlan lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.

You might also like