Pagsusuri Sa Akdang Ang Punong Kawayan Ni Francisco Rodrigo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Pagsusuri sa akdang Ang Punong Kawayan ni Francisco Rodrigo

I. A. Pamagat ng Akda
Ang pamagat ng akda ay “Ang Punong Kawayan” na patungkol sa kakaibang
katangian ng punong kawayan na wala sa ibang mga puno. Ang kawayan o punong
kawayan ay isang uri ng damong tropiko na animo’y punong-kahoy. Ang mga dahon
nito ay patulis at payat ang katawan. Ito ay may karaniwang taas na labinlima
hanggang apatnapung tamalampakan. Pangkaraniwan itong makikita sa Pilipinas na
naging bahagi ng kulturang Pilipino sapagkat malaki ang pakinabang nito kaugnay ng
iba’t ibang tradisyon, pagdiriwang, hanapbuhay, musika, at bilang kagamitan sa bahay
at sa larong pampalakasan sa loob ng bansa.

B. Anyong pampanitikan
Ang akdang “Ang Punong Kawayan” ay isang kuwentong bayan. Ang akdang ito ay
isinalaysay mula sa kathang- isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri o antas ng
mamamayan sa lipunan. Hindi tinukoy ang bayan na pinagmulan ng akdang ito ngunit
maiuugnay ito sa bayan kung saan naninirahan ang may akda o kung saang bayan ito
isinulat. Kaugnay nito, ang may akda ay isang tubong Bulacan kaya naman mahihinuha
rito na ang akdang ito ay kwentong bayan mula sa Bulacan. Sa baying ito ay
pangkaraniwang makikita ang nagtatasang mga kawayan na tumutubo sa ibat- ibang dako
nito. Patunay rito ang industriya ng paggawa ng mga kasangkapang mula sa kawayan
tulad ng upuan, kubo, higaan, lamesa, at marami pang iba.

C. May-akda
Ang sumulat ng akdang ito ay si Francisco “Soc” Aldana Rodrigo na isang manunulat,
abogado, at apat na beses na nagging senador mula 1955 hanggang 1969. Siya ay
ipinanganak sa Bulakan, Bulacan noong ika-29 ng Enero, 1914. Nagtapos siya ng sa
elementarya sa Mababang Paaralan ng Bulakan, Bulacan at nagtapos naman sa
sekondarya sa Unibersidad ng Pilipnas. Nakamit niya ang pinakamataas na parangal
bilang Magna Cum laude sa kursong Bachelor of Arts and Bachelor of Science in
Education sa Ateneo de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Dagdag pa rito, siya rin
ay isang mamamahayag, isang orador, at kampyon sa pakikipagdebate. Siya ay kilala
sa palayaw na “Soc” na isinunod sa pangalan ng pilosopong si Socrates. Ang palayaw
na ito ay nagmula sa kaniyang guro na humanga sa kaniyang masigasisg na kaisipan.
Isa rin siyang kolumnista sa pahayagang Malaya at Philippine Star. Naging
mamahayag sa telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc Rodrigo”
Higit sa lahat ay kilala siyang kritiko ng politika at isyu ng sosyo-ekonomikal.

D. Sanggunian
Ito ay mula sa aklat na Yaman ng Diwa 6 – Wika at Pagbasa pahina 214-215.
Inilathala ng KLEAFS Publishing Company.

E. Antas ng mag-aaral at bilang ng Kwarter


Ang kuwentong bayan na ito ay ginagamit sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag- aaral
na nasa ika-6 na baitang sa ikaapat na markahan o kwarter. Ito ay kaugnay ng
kompetensiyang nagsasaad na “Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan” (F6PB-
IVa-1).

II. Buod
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga
ang Santol na mahal ng mga bata, mayabong ang Mangga na kinagigiliwan ng mga
ibon, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan. Minsan, nagpaligsahan ang mga
punungkahoy. Ibinida ng mga punongkahoy ang kaniya-kaniya nilang taglay na
katangian maliban kay Punong Kawayan. Tinuya pa nila ito dahil bukod sa payat, at
walang bulaklak at bunga ay wala rin siyang kakibu-kibo. Pinagtawanan nila ang
Punong Kawayan. Maya-maya’y nagalit si hangin sa narinig niya na usapan ng mga
punongkahoy. Sa loob ng isang oras ay pinalakas niya ng pinalakas ang kaniyang pag-
ihip dahilan para malagas ang mga bulaklak, mahulog ang mga bunga, at mabuwal ang
puno ng mayayabang na punongkahoy. Tanging si Kawayan ang nag-iisang nakatayo
at di nasalanta matapos ang pagsunod-sunod niya sa malakas na ihip ng hangin.
III. Pagsusuri

A. Anyo at Paglalahad
Tuluyan ang anyo ng panitikan na ito sapagkat ito ay malayang isinalaysay ng may
akda sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pangungusap. Walang tugma, sukat
o bilang ng mga pantig , at taludtod. Sa halip ay gumamit ng mga pangungusap sa
paglalahad ng akda. Ang daloy ng mga pangyayari sa kuwentong bayan ay may
pagkakasunod-sunod at madaling maunawaan. Sa panimulang bahagi ay inilahad ang
tagpuan. Ang mga tauhan ay ipinakilala sa pamamagitan ng kani-kaniyang mga
katangian. Kung ikukumpara ito sa totoong buhay ay makatotohanan ang paglalarawan
sa bawat tauhan na punongkahoy sapagkat tugma ito sa totoo nilang itsura. Malinaw
ring nailahad ang suliranin sa akda sa pamamagitan ng panunuya ng mga mayayabang
na punongkahoy kay Kawayan. Nailahad ng malinaw ang pataas na aksiyon sa akda
nang pagtawanan ng mga punongkahoy si Kawayan dahil bukod sa wala itong
bulaklak at bunga, ay hindi rin ito kumikibo. Gayundin, detalyadong nailahad ang
kasukdulan nang magalit si Hangin sa mayayabang na punongkahoy at ang pababang
aksiyon na ipinakita ang pagkasira ng mga punong kahoy. Patnunay rito ang bahagi ng
akda na “pinalakas niya nang pinalakas ang kaniyang pag-ihip at sa isang oras niyang
pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga, at nangabuwal ang
puno ng mayayabang na punongkahoy” Panghuli, ang wakas ng kuwento ay
detalyadong nailahad sapagkat binanggit na si Kawayan ang tanging nakatayo at di
nasalanta matapos ang malakas na pag-ihip ni Hangin.

B. Mga Puna sa:


1. Tauhan
Ang pangunahing tauhan ay si Punong Kawayan. Siya ay inilarawan sa akda bilang
isang payat, walang bulaklak, at walang bungang punongkahoy. Ngunit siya naman ay
natatangi sapakat siya lamang ang tanging may kababaang-loob sa mga punongkahoy.
Bukod pa rito ay siya lamang ang matatag na nakatayo at di nasalanta pagkatapos ng
malakas na ihip ng hangin. Kung ihahalintulad sa katayuan sa lipunan, si Punong
Kawayan ay isang taong may kababaang-loob at hindi basta naaapektuhan sa panunuya
ng ibang tao. Ang pisikal na anyo man niya ay kakaiba, mayroon naman siyang
matatag na kalooban. Maging sa pagdating ng mga problema o unos sa buhay ay
matatag pa rin siyang nakatayo. Samantala, ang iba pang tauhan ay sina Santol,
Mangga, Kabalyero at Niyog. Sila ay inilarawan sa akda sa pamamagitan ng kanilang
mga katangian sa totoong buhay. Ngunit, lumabas ang kanilang mga hindi magandang
katangian sa kanilang pagyayabang at matapos nilang pagtawanan si Punong
Kawayan. Kung ikukumpara sa totoong buhay, sila ay ang mga taong mayabang at
mapagmataas. Sila ang mga taong mahilig ipagyabang kung anong nakamit nila sa
buhay. Minamaliit nila ang isang tao batay sa pisikal na anyo nito. Samantala,
matapos kutyain ng ibang tauhan ang pangunahing tauhan ay ipinakilala ang tauhang si
Hangin. Siya ay ang naging tagapamagitan at nagbigay ng hatol sa hindi magandang
asal ng mga punongkahoy. Kung ihahalintulad sa totoong buhay, siya ay isang taong
walang kinikilingan, may paninindigan, at hindi nagbabatay sa pisikal na kaanyuan.

2. Tagpuan
Hindi tinukoy sa akda kung kalian naganap ang kwentong bayan at ang partikular na
lugar kung saan ito umusbong. Ang tanging nabanggit na tagpuan sa akda ay “ sa isang
bakuran” Hindi naging detalyado ang tagpuan sa akda. Ngunit sa pamamagitan ng
pagpapakilala sa tauhan ay malalaman ng mambabasa na ang akda o kuwentong bayan
ay nagmula sa isang probinsya. Mapapansin na ang mga tauhan ay mga puno na
kadalasang makikita sa probinsiya at malayo sa siyudad. Dagdag pa rito, isa lamang
ang tagpuan sa akda sapagkat walang naganap na pagpapalit ng tagpuan at hindi
umalis ang mga tauhan.

3. Istilo
Pangkaraniwan ang daloy ng mga pangyayari sa akda. Sinimulan sa paglalahad ng
tagpuan at pagpapakilala sa mga tauhan. Sumunod ang paglahad ng suliranin at pataas
na aksiyon. Detalyado ang wakas ng kuwento sa pamamagitan ng paglahad ng epekto
ng pataas na aksiyon sa mga tauhan. Ang mga salitang ginamit ay mababaw kaya’t
tugma lamang sa gulang o edad ng mambabasa at madali nila itong maiintindhan.

4. Dayalogo
Ang dayalogo ng mga tauhan ay payak at madaling maunawaan ng mambabasa. Lahat
ng tauhan ay may kanya-kanyang dayalogo maliban sa pangunahing tauhan na si
Punong Kawayan. Siya lamang ang hindi nagsalita sa kwento ngunit ito ay tugma
lamang sa kaniyang katangian na walang kakibu-kibo. Marahil ay ito ang dahilan kung
bakit walang dayalogo ang pangunahing tauhan sa kuwento.

IV. Bisang Pampanitikan

1. Bisa sa isip
Ikinikintal sa isip ng mambabasa na ang bawat nilalang ay may kanya-kanyang
katangian. Maaring ang pisikal mong anyo ay kakaiba at hindi gusto ng mga tao sa
paligid mo. Hindi ito nangangahulugang wala ka nang silbi o pakinabang sa buhay. Sa
kabilang banda, kung ikukumpara sa ating lipunan, ikinikintal sa isip ng mambabasa
na hindi nababatay sa katayuan sa buhay ang mga bagay-bagay. Mayroon ka mang
maipagmamalaki o isa ka lang simpleng mamamayan, hindi mo dapat ikahiya ang
iyong sarili sapagkat mayroon kang natatanging kakayahan na wala sa iba.

2. Bisa sa damdamin
Marami man ang manghamak sa ating pagkato o subukin man tayo ng mga pagsubok
at unos sa ating buhay, nararapat na tayo ay maging matatag. Tumayo at tumindig tayo
at huwag magpaapekto sa sasabihin ng ibang tao o sa sakit na idinulot ng ating
pagkalugmok.

3. Bisa sa Kaasalan
Maging mabuti tayo sa ating kapwa anoman ang kaniyang katayuan sa buhay o
kakayahan. Huwag tayong maging isa sa mga taong walang ginawa kundi ang
mangmaliit ng kapwa. Huwag nating tingnan ang pisikal na anyo lamang bagkus ay
isaalang-alang din natin ang kakayahan at kalooban ng isang tao.

V. Teoryang Ginamit
Ang teoryang realismo ay naangkop sa panitikang ito. Ipinakita nito ang maaaring
nasaksihang karanasan ng may akda bilang isang pulitiko, mamamahayag, at
komunista. Hindi man tuwirang totoo ang kuwento na ang mga tauhan ay mga
punongkahoy na nagsasalita, ito marahil ay hango sa totoong buhay at isinaalang-alang
lamang ng may akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang akda. Mapapansin
na sa ang mga tauhan sa akda ay may katangian na maihahalintulad sa tao o sa totoong
buhay. Ito ay ang kaasalan ng mga tauhan bilang mapagmataas at minamaliit ang
kapwa. Patunay rito ang kanilang pagyayabang sa isa’t isa at ang winika ni Mangga sa
mga punongkahoy na “ daig kita, mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga
kaya maraming ibon sa aking sanga” Sila ay maihahalintulad sa mga taong mataas ang
tingin sa sarili ngunit mahina sa pagdating ng pagsubok. Samantala, ang pangunahing
tauhan naman ay maihahalintulad sa isang tao na bagamat hindi kinagigiliwan ng
lahat, ay may kababaang-loob at matatag sa oras malaking dagok sa buhay.

Isa pa sa mga teoryang pampanitikan na naaangkop sa akdang ito ay ang teoryang


sosyolohikal sapagkat ang pangunahing tauhan na si Kawayan ay inaapi o minamaliit
ng ibang mga tauhan. Ito ay sumasalamin sa tunay na nangyayari sa lipunan. Bagamat
ang akdang ito ay kuwentong bayan at ang mga tauhan ay nagsasalitang mga
punongkahoy, msasalamin nito ang nagaganap sa ating lipunan. Patunay rito ang
winika ni Santol sa mga punongkahoy na “naku, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat
at wala pang bulaklak at bunga” Ang kaniyang tinuran ay hindi pagkaawa bagkus ay
panunuya sa pangunahing tauhan na si Kawayan. Kung ating mapapansin, maraming
tao sa ating lipunan ang basta na lamang humahamak ng mga taong walang kalaban-
laban at naiipit sa sitwasyong dulot ng pagmamataas ng iba.

You might also like