Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto at Balangkas para sa Final na papel ng PAN120 (Panitikan ng Pilipinas: Rehiyon at Bayan)

Panuto: Pumili ng isa o higit pa sa mga anyo ng panitikan na matatagpuan sa mga rehiyon ng Bisayas at
Mindanaw. Kung maari ay mula sa sarili o karatig ninyong lugar. Mas maganda kung malapit sa inyo
sapagkat mas alam ninyo ang uri ng lipunan ninyo. Maaring ang panitikang ito ay oral na panitikan
(kailangan ng dalawa) o kaya panitikang nakasulat (isa lang) o panitikang itinatanghal o play (isa lang
din).

Talakayin ang nasabing akda o anyo ng panitikan at ipalutang ang sumusunod na mga mahahalagang
kabatiran na mag-uugnay sa paliwanag, kahulugan, layunin, at sakop ng PAN120 na kurso.

I. Pagpapakilala ng paksa
1. Sabihin kung ano ang anyo at akdang napili at saang rehiyon o partikular na lugar ito
nagmumula.
2. Ibahagi ang background ng lugar/rehyong pinagmumulan nito (ng akda) sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga mahalagang detalye (demographic and topographic na impormasyon)
kasama rito ang uri ng kultura (wika, relihiyon, pananampalataya, sistemang panlipunan) at
iba pang mga mahahalagang detalye na magpapakilala sa nasabing rehiyon o lugar at
maging pamilyar ito sa isang tao na di pa nakararating sa nasabing lugar. Hinihiling na ang
detalye ay mula sa awtentikong mga dokumento.
II. Ang Akda
1. Ibigay ang buod ng akdang napili maikli ngunit detalyado sa mahahalagang nilalaman.
2. Sabihin din Para sa nakasulat na panitikan-sabihin kung kailan naisulat, saan nalimbag at
sino ang awtor. Kung oral na panitikan saan ito nakuha, papaanong paraan ito nalalaman ng
mga tao, at paano ninyo nakuha (interview ba o direktang pakikinig sa mga nagkukwento)
III. Pagtalakay/Discussion (Layunin ng pagtalakay na ito na maipakilala kung anong uri ng “bayan”
ang nilalaman ng akdang gusto ninyong ibahagi. Maari ninyong tingnan bilang guide ng
pagtalakay ang mga sanaysay ni R.C. Lucero, na may mga pamagat; Music on Pestle-Mortar,
Traki ng mga Manobo bilang Dalumat ng espasyo…, Teresita Maceda’s introduksyon ng mga
akda ni Maracel Navarra, Resil Mojares’ waiting for Mariang Makiling at ang Introduksyon ni
Merlie Alunan sa librong “Sa Atong mga Dila”, partikular sa kanyang pagtalakay sa paano ituturo
ang panitikang nakasulat sa Mother tongue (matagal ko na itong naibigay sa inyo. Muling
rebyuhin pati ang FB group at GC natin PAN113 noon)
Narito ang mga giyang tanong para sa pagtalakay
1. Ano ang uri ng lipunang inilarawan ng iyong akdang napili? Kibibilangan ito ng mga politikal
at ekonomik na sistema na isiniwalat ng akda, uri ng paniniwala at pananamplataya,
sistema ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan ng mga tao. Gayundin ang uri ng mga
karanasan na maaring may pagdidiin sa kahirapan bunsod ng panlulupig at
pagsasamantala at pagsakop at iba pang mga hulagway (larawan) na ipinakita.
2. Paano inuugnay ng akda ang uri ng rehiyon o lugar na kinahubugan nito. Ibig sabihin,
tukuyin sa loob ng akda/anyo ng panitikan ang magsasabing ito ay tumugon sa uri ng
kasalukuyang lipunan o lugar na pinagmulan ng akda. Halimbawa, kung ang akda ay mula
sa bayan ng Siquijor, anong mga detalye sa loob ng akda ang sa tingin mo’y mag-uugnay na
ang akda nga ay mula sa Siquijor? Natutulungan kayong matukoy ito sa pamamagitan ng
salita, mga tayutay, mga paniniwala, mga pakikibaka, pangyayari sa kasaysayan, o iba
pang imahe at impormasyon mula sa balita o media, mula sa mga kwento kwento at iba pa.

3. Ipakita ang iba pang kakayahan o katangian ng akdang pinili, na hindi lamang tungkol sa
nilalaman nito kundi maging sa kanyang porma o istilo, lugar na pinagmulan, awtor uri ng
kultura na siyang magtatangi ng akdang ito sa iba pang mga akda o anyo ng panitikan ng
ibang lugar.

IV. Implikasyon ng kahalagahan ng pag-aaral


1. Batay sa analisis na ginawa mo sa iyong piniling akda, paano mo ngayon bibigyan ng
kahulugan ang salitang “bayan”? at pangatwiranan ang tanong na “Sino dapat ang
magbibigay ng kahulugan ng “bayan”, ang nasa sentro ba na siyang nagtatakda ng
standardisasyon ng mga akdang pampanitikan, o mula sa mga partikular na lugar na
karamihan ay marginalized o nasa laylayan?
2. Ano sa tingin mo ang kontribusyon ng iyong papel para sa pagsusulong ng panitikan ng
rehiyon para sa pagbubuo ng pambansang panitikan?
3. Bilang isang indibidwal, paano ka nahimok o na-moved ng akdang binasa mo? Ano ang mga
personal na kontribusyon ng akdang ito sa sarili mong mga pagpapakahulugan sa buhay?

V. Referens: Kailangang may proper citation (kung anong citation ang ginamit nyo sa inyong
pananaliksik under kay sir Chem, APA ba o MLA iyon na lang inyong gamitin.

Mekaniks:
Isumite ito sa filename na PAN120_lastname_title
Short bondpaper
“1” and margin ng bawat side
Double space at naka-justify
Times New Roman at 12 ang font size

You might also like