Insights Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Insights

Dagala-

Bilang mga mag-aaral sa Filipino, responsibilidad nating pagyamanin hindi lang ang ating mga
natutunan sa paaralan sa larangan ng pnitikan kundi ang ibahagi ang mga ito sa kapwa natin
Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik. Ang panitikan ay sumasalamin sa kultura ng isang
lugar. Mahalagang saliksikin at balikang muli ang mga naka idlip na kwentong bayan ng ating
mga ninuno sapagkat ito ang ating pinagmulan. Mga kwentong bayan na magpapatibay at
magiging sandigan ng ating pagka Pilipino. At bilang guro sa hinaharap, malaki ang magiging
ambag natin sa panitikan ng ating pinagmulan kung maibabahagi rin natin ito sa ating mga
mag-aaral. Hindi lang sa pamamagitan ng sulat maaaring maipasa sa susunod na henerasyon
ang mga ito, maaari ring sa pamamagitan ng salin dila. Ang mahalaga ay hindi natin ito dapat
kalimutan sa halip ay panatilihin natin ito at pagyamanin sa ating mga gunita.

Edon-

Bilang mga mag-aaral sa Filipino at magiging guro rin sa hinaharap ay kailangan nating
tuklasin, suriin at pag-aralan ang panitikan ng ating bansa partikular na sa ating lalawigan.
Kailangan natin itong pagyamanin sapagkat ito ang isa sa mga susi para magiging
makabuluhan ang ating mga buhay. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Filipino
ay kailangan natin palawakin at palawigin ang ating kaalaman sa panitikan. Alam natin na
marami pa ang hindi nakakaalam kung anong panitikan mayroon ang bayan ng Surigao at ang
mga karating bayan nito. Kailangan nating alamin ang mga bagay-bagay na naglalaman
ngmakabuluhang kasaysayan ng Surigao na isa na rito ang kanyang panitikan.

Mosa- Isa sa kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong
pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain sa pagbuo ng isang lipunan. Kaya ito
ang napili naming pag-aralan ay upang mas makilala natin ang ating sarili bilang isang
mamamayang surigawnon at matalos natin ang ating pinagyamang isip at angking talino sa
ating pinanggalingang lugar. Napakahalaga itong pag-aralan upang malalaman,
masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang mga katauhang Surigawnon.
Bilang isang mag-aaral ng kursong ito at guro sa hinaharap, napakahalaga ito sa akin upang
mas mapalawak o paigtingin pa ang aking kaalaman hinggil sa mga kwentong bayan ng
Surigao del Norte, at sa mga nabuo kung mga kaalaman sa paraan ng pag-aaral na ito, at kung
sakaling ako ay maging guroo na ay ibabahagi ko sa aking mga mag-aaral ang aking mga
nabuong kaalaman.
Inilantad ng panitikan ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa iba't ibang bokabularyo, istraktura ng
pangungusap, koleksyon ng imahe, at salaysay kaysa sa mga aklat. Maaari itong bigyan sila ng
tulong sa pagiging malikhain at maaaring hikayatin silang magtuloy ng mga bagong linya ng
pangangatuwiran at isang mas malalim na proseso ng pag-iisip.

You might also like