Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gurong Nagsasanay : Lady Lorraine M.

Tuario
Gurong Kritiko : Nicanora C. Limpahan
Asignatura : Filipino
Baitang : 10
Pamamaraan : 4A’s

I. Layunin a. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan (F10PN-Ii-j-68)

II. Paksang Aralin : Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan
(F10PN-Ii-j-68)

Kagamitan : Laptop, TV, Power Point Presentation, Speaker, Video Clip, Larawan.

III. Istratehiya : Groupings


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Review:
(Sinasabi ng Guro ang tinalakay nila
kahapon).
Ano nga ang tinalakay natin kahapon?
Ang tinalakay natin noong nakaraan ay
patungkol sa paggamit ng iba’t ibang teknik sa
pagpapalawak ng paksa:
• paghahawig o pagtutulad
• pagbibigay depinisyon
• pagsusuri
Ano nga ang ibig sabihin ng salitang
paksa?
Ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat
usapan kinakailangan ng paksa upang may pag-
usapan. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar
o pangyayari na nagsisilbing pokus ng diwang
sinasaad sa pandiwa. 
May tatlong paraan o teknik sa
pagpapalawak ng paksa.
1. Paghahawig o Pagtutulad
Ang mga bagay na magkakatulad
ay pinaghahambing upang mapalitaw ang
kanilang mga tiyak na katangian,
samantalang ang magkakaiba ay
pinagtatambis upang maibukod ang isa sa
isa. 

2. Pagbibigay Depinisyon
Ang mga salitang hindi agad-agad
naintindihan ay kailangang bigyan ng
depinisyon. Ito ay mga bagay o kaisipan
na kailangang higit na masaklaw ng
pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan
at kaibahan ng mga salitang ito ay
binibigyang-diin sa pagbibigay ng
depinisyon.

3. Pagsusuri 
Ito ang nagpapaliwanag hindi
lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng
isang bagay pati na rin ang kaugnayan ng
mga bahaging ito sa isa’t isa.

Paghahanda
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Ngayon, may ipapakita ako sa inyong
isang video clip. Pagkatapos ay magtatanong ako
batay sa nakita ninyo sa video clip.

(Magpapakita ng Video Clip ang guro)

Base sa inyong napanood sa video clip,


maaari ba ninyong ilarawan kung ano ang
nakikita ninyo?

Pahapyaw na nagtatalakay sa laman ng


Video Clip.

Gusto nyo bang malaman kung ano ang


sanhi at bunga at ang mga hudyat nito?

A. Paglalahad

Ngayon ay ating gagamitin ang mga


hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
.
(Ipinapaliwanag ng guro ang Learning
Compentency.)

Ang sanhi o dahilan ay nagsasaad ng


dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari.
Samantalang inilalahad naman sa bunga o
resulta ang siyang kinalabasan o dulot ng
naturang pangyayari.

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang


pangkatang Gawain. Papangkatin ko kayo sa
dalawang pangkat. Baway pangkat ay pumili ng
isang lider, sekretarya at tagapamahala ng
materyales. May inihanda ako ditong mga pira
pirasong papel. Ang gagawin ng bawat grupo ay
aayusin ninyo ito hanggang sa makabuo kayo ng
isang larawan.

(Tinatalakay ng guro ang ang mga hudyat ng


sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,
sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)

Mga Hudyat na Ginagamit sa Sanhi:


1. dahil/dahilan sa/kay 3. kasi
2. sapagkat 4.
Palibhasa
Mga Halimbawa ng Sanhi:
1. Marami ang namatay sa nakaraang
pagbagyo sapagkat hindi nila
napaghandaan ang storm surge.
2. Nahuli siya sa pagpasok dahil matagal
siyang natulog kagabi.
3. Nakatapos siya ng pag-aaral kasi
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
nagtiyaga siyang mag- working student.
Mga Hudyat na Ginagamit sa Bunga:
1. kung kaya 3. sa gayon
2. bunga ng 4.Sa ganitong paraan

Mga Halimbawa ng Bunga:


1. Tanghali na siyang nagising kung kaya
huling-huli na siya sa kanyang trabaho. 
2. Bunga ng korapsyon, maraming tao ang
naghihirap.
3. Puspusan ang ginawang paglilinis ng mga
tao sa ganitong paraan, maiiwasan ang
mga sakit na maaring dulot ng maduming
kapaligiran.

Paggamit/Paglalapat

Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Papangkatin ko ang klase sa
dalawang grupo. Pumili ng lider, tagasulat, taga-
ulat at tagapamahala ng materyales. Bawat grupo
ay may tig iisang larawan. Ang gagawin ng bawat
pangkat ay gagawa kayo ng sanhi at bunga gamit
ang mga hudyat nito batay sa nakita ninyo sa
larawan.

PAMANTAYAN PUNTOS
Kaugnayan sa paksang 10
Paghahalaw/Paglalahat
ibinigay
Ano nga ang ibig Angkop ang 10
sabihin ng Sanhi at Bunga? pagpapaliwanag sa
Ano-ano ba ang larawang ibinigay
mga hudyat na ginagamit sa Maayos na paglalahad sa 5
sanhi? gitna
Ano-ano ba ang KABUUAN: 25
mga hudyat na ginagamit sa bunga?

IV. Pagsusulit

Panuto: Sumulat ng mga halimbawa ng


pangungusap na pinapalooban ng mga hudyat ng
sanhi at bunga. Maaaring tatlong sanhi at
dalawang bunga o talong bunga at dalawang
sanhi. Bilugan ang mga hudyat na ginamit at
salungguhitan ng dalawang beses ang mga grupo
ng salitang nagsasaad ng sanhi at bunga.

You might also like