Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“CRUSH”

Simpleng salita pero sobra ang saya, sobra ang saya sa tuwing nakikita kita.
Alam mo ba ang nararadaman ko sa tuwing magkasama tayo? Malamang hindi dahil
sobrang manhid mo. Di joke lang pero ang tanong hanggang kaibigan mo nalang ba
ako?
Gusto kong iparamdam sayo na mahalaga ka at isipin mo na merong
nagmamahal sayo at sa tuwing tinetext mo ako at tinatanong mo kung kumain na ba
ako o sasabihan mo ako na matulog na dahil napapansin mo na napapadalas ang
pagpupuyat ko, alam mo ba kung bakit? Kasi gabi gabi ikaw lagi’y nasa isip.
Bakit ang sweet sweet mo sa akin, ayaw ko mang isipin na baka nag tatake
advantage ka lang sa aking nararamdaman, kahit may pagkakataon na sasabihin ko
lahat ng aking nararamdaman pero hindi ko parin magawa.
Alam mo kung bakit? Baka pagsinabi ko sayo ang lahat ng aking
nararamdaman eh baka bigla mo akong iwan, at yung dati tayong magkasama? Baka
ilayo mo na ang sarili mo sa akin at ayaw ko yung mangyari.
Baka yung dating saya na narararamdaman ko sa tuwing nakikita kita,
mapalitan na ng kalungkutan. Ewan ko ba kung bakit ako patay na patay sayo, kahit
na pigilan ko na mahalin ka, kaya titiisin ko na lang na hanggang dito na lang talaga
tayo.
Kung maari man, bago ako mawala, kahit sandali ay mayakap ka at kahit
marinig mo man itong sasabihin ko sayo na MAHAL NA MAHAL kita… wala rin
itong pupuntahan kundi sa hangin lang na saksi sa lahat ng sakit na aking dinaranas...
at kung may pagkakataon na masasabi ko sayo ito nang harapharapan eh sana sabihin
mo na MAHAL mo rin ako...
Pero tama na, ayoko na, tanggap ko na, na hindi tayo para sa isat isa hindi ko
na ipipilit ang sarili ko sayo, kaya iiwas na ko sayo, kahit masakit titiisin ko kahit
masakit kakayanin ko. Ang mahalagay nasabi ko na sayo ang lahat ng nararamdaman
ko…
Nagmamahal sayo

You might also like