Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

6

Filipino 6
Ika-apat na Markahan – Modyul 2:

Salitang Magkakaugnay
Filipino – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 2: Salitang Magkakaugnay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Janessa E. Entea
Editor: Melle L. Mongcopa
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Aileen P. Buscato, Hazel T. Manilag, Emelie A. Toro,
Susan B. Esturas, Angelica C. Balibalos
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis, JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Salitang Magkakaugnay!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Salitang Magkakaugnay!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

Ang mga kaalaman na iyong natutuhan tungkol sa iba’t ibang salita


sa wikang Filipino at pagpapalawak ng mga talasalitaan ay malaking tulong
sa iyo sa kasalukuyan. Ito ay maaaring kapaki-pakinabangan mo sa araw-
araw na pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

Ang pagpapatibay ng talasalitaan sa kasalukuyang taglay ng isang


tao ay mahalaga upang mas mahasa pa siya sa wastong paggamit ng mga
salita sa wikang Filipino.

Kaya naman sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang


pagpapangkat-pangkat ng mga salitang magkakaugnay.

Handa ka na ba sa bagong leksyon? Halina’t sabay-sabay nating


galugarin ang bagong kaalaman.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

 Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay


F6PT-IVb-j-14

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa aralin na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakatutukoy ng mga salitang magkakaugnay;


2. Nakapapangkat ng mga salitang magkakaugnay batay sa paksa; at
3. Nakapagpapatibay ng kaalaman sa pagsagot ng mga salitang
magkakaugnay.

1
SUBUKIN

Panuto: Punan ang tsart ng mga salita na may kaugnayan sa “Pista sa Nayon” o
mga karaniwang makikita o ginagawa kapag may pista. Piliin ang sagot sa
loob ng banderitas na makikita sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

1.

10. 2.

9. 3.

Pista sa Nayon

8. 4.

7. 5.

6.

2
D. E.
A. B. C.
pagdarasal pagsasalo-
banderitas parol peryahan
sa patron salo

F.
G. H. I.
mga
handaan kantahan sayawan
paligsahan

J. L.
K.
Christmas maraming
parada
Tree tao

Mahusay! Nagawa mo ang


panimulang pagtataya. Sigurado akong
kayang-kaya mo ang mga susunod pang
mga gawain. Kaya ngayon, huwag na
nating patagalin pa at simulan na natin
ang pagtuklas ng mga bagong
kaalaman.

3
TUKLASIN

Basahin ang sanaysay sa ibaba.

Diwa ng Kapistahan
Isinulat ni Janessa Entea

“Hhhhhmmmmmmm! Ang sarap ng amoy! Teka, bakit parang may naririnig


akong kalampag ng sandok. Mayroon ring ingay na tila nagtatadtad ng kung ano-
ano. May mga taong maiingay din”, ang pagtataka ni Althea habang napipikit-pikit pa
ang mga matang galing sa mahabang pagtulog. Bigla siyang napabangon. “Anong
meron? Naaalala ko na! Ito ang araw na pinakahihintay ko!” Galak na galak na
naisambit niya.

Paglabas pa lang ng kwarto, namangha si Althea sa dami ng tao. Lahat ay


abala sa paghahanda kaya dali-daling siyang tumulong. Linis dito, linis doon. Maya-
maya, “Althea, maghanda ka na at tayo’y magsisimba”, ani ng ina niya. “Huh?
Magsisimba? Bakit kailangan magsimba eh pista lang naman dito sa atin ah? Hindi
naman pasko o di kaya’y may birthday”, naitanong ni Althea sa kanyang sarili. Kahit
na nalilito, dali-daling niyang inihanda ang kanyang sarili.

Pagdating sa simbahan, nagsindi agad ng kandila sina Althea at ang kanyang


nanay. Maraming gustong itanong si Althea ngunit magsisimula na ang misa para sa
pagdiriwang ng kapistahan kaya isinantabi na muna niya ang mga tanong upang
makinig. Hindi maiwasan ni Althea na tumingin-tingin sa paligid. Pansin niyang
maraming tao ang nagsisimba ngayon kahit mga taga ibang lungsod ay naroroon
din. Nang matapos ang misa, tinanong agad ni Althea ang nanay niya habang sila ay
papauwi. “Bakit marami pong tao ngayon dito sa simbahan? Hindi po ba dapat ay
nasa mga kabahayan sila upang makakain ng mga masasarap na mga pagkain at
magsaya?”

Napatawa ng kaunti ang nanay ni Althea. “Anak, ano sa tingin mo ang dahilan
kung bakit tayo nagdidiriwang ng kapistahan?” Nabigla si Althea sa tanong ng
kanyang ina. “Di po ba kaya may kapistahan ay para magsaya at mapakain ang mga
taga ibang lugar dito sa ating lungsod?” Ito ang naging pahayag ni Althea. “Alam mo
anak, nagaganap ang kapistahan sa iba’t ibang bayan o lungsod bilang pasasalamat
sa kanilang patron o santo dahil sa mabuting ani o mabuting pangyayari sa kanilang
sariling lugar. Kagaya nalang dito sa atin, maraming nagsisimba tuwing kapistahan
bilang pasasalamat na rin nila sa mga biyayang natatanggap ng bawat isa. Maliban
doon, naipapakita rin ang sariling kultura o gawain nila sa pamamagitan ng mga
programa o di kaya’y mga parada at prusisyon. Ang lahat na ito ay nagpapakita ng
debosyon ng mga Pilipino sa pagdiwang ng mga pista.”

4
“Ganoon po ba inay?” Manghang naitanong ni Althea sa kanyang ina. “Bilisan
na nating umuwi inay at baka maraming tao nang naghihintay sa bahay. Sigurado
akong abala na ang lahat ng kamag-anak natin sa paghahanda para sa mga bisita.
Sigurado rin po ako na nandoon na ang mga pinsan kong galing sa ibang bayan.
Tiyak, reunion na naman ito”, masayang naisambit ni Althea. “Tunay ngang
makahulugan ang diwa ng kapistahan. Aking natutunan, biyayang ating natatanggap
ay dapat ipagpasalamat sa poong maykapal at kuturang Pilipino ay dapat ipagmalaki
ng todo”, naiwika ni Althea sa kanyang sarili.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Ano-ano ang mga kaugalian ang natutuhan ni Althea sa ginagawa ng mga tao
tuwing may kapistahan?
3. Bakit ipinagdiriwang ang pista?

Tingnan ang mga salita na galing sa tekstong iyong binasa. Ano ang iyong
napapansin?
*masaya - galak na galak
*lungsod - bayan
*patron - santo
*parade - prusisyon

Ang mga salitang nasa itaas ay mga salitang magkakaugnay.

5
SURIIN

Napalalawak ng talasalitaan ang kasanayan sa pagtukoy sa salitang


magkakaugnay, magkakaparehas o magkakapangkat.

Ang mga sumusunod ay makatutulong upang ikaw, na isang mahusay na


mag-aaral ay matuto tungkol sa Pag-uugnay ng mga Salita:

* Pagpapangkat-pangkat
Ito’y pagtatala ng mga salitang magkakapangkat sa ilalim ng isang punong
salita o paksa. Dapat pag-aralan ang tiyak na kahulugan ng mga salita sa tulong ng
isang diksyunaryo at pagtatanong sa marurunong.

Mga halimbawa:
Kulay- puti, pula, itim, bughaw, rosas, atbp.
Bansa- Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Thailand, atbp.
Panahon- tag-ulan, tag-araw, taglagas, tagtuyot, atbp.

* Pagsisingkahulugan
Ito’y pagtatala ng mga salita na magkatulad ang kahulugan.

Mga halimbawa:
nabuwag, nasira, nawasak, nagiba, gumuho
mahirap, maralita, dukha, salat, hikahos
maganda, marilag, marikit, maalindog

Pamprosesong Tanong:

1. Gaano kalawak ang iyong kaalaman sa mga salitang magkakaugnay,


magkakaparehas?

2. Makatutulong ba ang paggamit ng mga salitang ito sa iyong pagkatuto?

6
PAGYAMANIN

Panuto A: Hanapin sa Hanay B ang nararapat na bagay para sa mga manggagawa


na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa kuwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Mangingisda a. pang-araro
2. Karpintero b. sabon
3. Barbero c. pisara
4. Mananahi d. tubo
5. Magsasaka e. lambat
6. Drayber f. sandok
7. Kusinero/Kusinera g. martilyo
8. Guro h. sasakyan
9. Labandero/Labandera i. gunting
10. Tubero j. sinulid

Panuto B: Pag-aralang mabuti ang mga larawang pagpipilian sa bawat bilang. Alin
sa mga ito ang hindi nabibilang batay sa ibinigay na paksa? Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. PISTA

A B
. .
. .

https://tinyurl.com/yzszf5dd https://tinyurl.com/t9k67zku

7
C D
. .

https://tinyurl.com/d8cvz893 https://tinyurl.com/knbct8c

2. Mga Larong Pinoy

A B
. .
. .

https://tinyurl.com/jbynhabp https://tinyurl.com/dmu5v5jc

C D
. .
. .

https://tinyurl.com/2zf968xz https://tinyurl.com/upatxju9

8
3. Mga Gawaing Bahay

A B
. .
. .

https://tinyurl.com/84eha4c4 https://tinyurl.com/4wm95dmr

C D
. .
. .

https://tinyurl.com/bkt6azxp https://tinyurl.com/245etr6n

4. Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Epidemya

A B
. .

https://tinyurl.com/ct9psa9x https://tinyurl.com/2r8etdtn

C D
. .
. .

https://tinyurl.com/2erjad8c https://tinyurl.com/4crwwh4d

9
ISAISIP

Napapalawak ng talasalitaan ang kasanayan sa


pagtukoy sa salitang magkakaugnay, magkakaparehas
o magkakapangkat. Magkakaugnay ang mga salita
kung ang mga ito ay pinag-uugnay ayon sa gamit,
pinagmulan, o katangian.

ISAGAWA

Panuto: Magbigay ng tiglilimang (5) halimbawa ng mga salita batay sa paksang


ibinigay sa bawat kolum. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Punong- Gamit Panlinis sa Mga Halimbawa


kahoy Loob ng Bahay ng Gulay
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
6. 6. 6.
7. 7. 7.

10
TAYAHIN

Panuto: Pangkatin ang mga salitang nasa loob ng ulap na magkakaugnay sa bawat
kolum sa tsart. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Tandaan: May mga salita na hindi nabibilang sa kahit na anong kolum. Piliing mabuti
ang iyong mga sagot.

Mga Uri ng Prutas na may Mga Uri ng hayop na may Mga Gamit sa Kusina
ma buto Apat na Paa
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

sandok, mangga, martilyo, mansanas, kambing,


kaldero, palakol, tigre, kalapati, langka, abokado,
baboy, plato, petchay, kabayo, kutsara, kutsilyo,
elepante, bayabas

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Tukuyin ang salitang hindi dapat mapasama sa pangkat sa bawat bilang.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. masaya, maligaya, galak na galak, nag-uumapaw na kasiyahan, nagdaramdam


2. doctor, pulis, guro, nars, klinika
3. petsay, santol, repolyo, ampalaya, kangkong
4. sagabal, hadlang, sagwil, kaakit-akit, balakid
5. kamay, ulo, kuko, taenga, mabait, buhok

11
12
TAYAHIN
Mga Uri ng Prutas na may ma buto Mga Uri ng hayop na may Apat na Paa Mga Gamit sa Kusina
1. Mangga kambing sandok
2. Mansanas tigre kaldero
3. langka baboy plato
4. abokado kabayo kutsara
5. bayabas elepante kutsilyo
KARAGDAGANG GAWAIN
1. nagdaramdam
2. klinika
3. santol
4. kaakit-akit
5.mabait
PAGYAMANIN
A. B.
1. e 6. h 1. b
2. g 7. F 2. d
3. i 8. c 3. d
4. j 9. b 4. a
5. a 10. d
SUBUKIN
1. A 6. G
2. C 7. H
3. D 8. I
4. E 9. K
5. F 10. L
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa. Dane Publishing House Inc. 1999.

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika. Dane Publishing House Inc. 1999.

Agarrado, Francia, Guerrero & Gojo Cruz. Alab Filipino 5. FEP Printing
Corporation.2016.

Dela Pena, Gaisan, Garcia, Panot, Tura, Uy, Valencia & Villarez. Pinadaling Paraan
ng Pagtuturo ng Filipino: Sanayang Aklat.2017

Ramiro, Ryan. “Kahalagahan ng mga Pista.” ginawa noong Marso 3, 2016.


https://nadsfil9amgasanaysay2016.wordpress.com/2016/03/03/kahalagahan-
ng-mga-pista/

Rish, Jay. “Pagpapangkat ng mga Salita ayon sa Kategorya.” Nailathala noong


Setyembre 26, 2015.
https://www.slideshare.net/mercadoleairish/pagpapangkat-ng-salita

Aragon, Angelita L & Ril, Francisco G. “Mga Estratehiya at mga Banghay-aralin sa


Pagtuturo ng Filipino para sa Elementarya Baitang 4-6.”, published on March
22, 2010. https://issuu.com/vibal/docs/2010-03-22-14.17.05/42

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like