Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Locking down Lumad Education: Schools under Attack amid a Pandemic

Save Our Schools Network

Ang Save Our School’s Network ay alyansa ng iba’t ibang indibidwal, simbahan, seminaryo at
institusyong pang-akademiko gaya ng mga kolehiyo at unibersidad na tumutulong sa mga
lumikas na lumad upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng tinatawag
na Bakwit school.

Ngayon, nilikha nila ang artikulong ito upang isalaysay ang naging kalagayan ng mga Lumad
bago pa ang pandemya at lalo na noong kasagsagan nito.

Ang pokus nga nito ay ang pagpapasara sa mga Lumad School sapagkat ang mga ito raw ay
“child warfare training ground” at pinararatangan ding terorista ang mga guro’t estudyante
nito. Subalit nang interbyuhin ang mga mag-aaral binahagi nila na ang mga itinuturo lamang sa
kanila ay kung paano paunlarin ang ekonomiya ng kanilang komunidad. Dagdag pa rito, ayon sa
deped, may kakulangan umano ang paaralan pagdating sa dokumento upang ipagpatuloy ang
pagbibigay nito ng libre at kalidad na edukasyon sa mga Lumad. Ang pahayag na ito ay isang
kabalintunaan dahil hindi lamang sinusunod ng mga Lumad Schools ang basic education
curriculum na minandato ng DepEd, idinagdag din nila bukod sa academic ang agriculture at
health bilang bahagi ng kanilang kurikulum upang punan ang kakulangan sa mga batayang
serbisyong pampubliko sa kanilang komunidad at nakaaambag din sa kanilang katutubong
pagkilos para sa pagkakaroon nila ng sariling pagpapasya sa kanilang lupang ninuno. Sa
madaling salita, ang oryentasyon ng kanilang edukasyon ay makamasa, makabayan at
siyentipiko na lapat sa pangangailangan ng bansa

Subalit malinaw na ang pagsasarang ito ay dahil lamang sa desperasyon ng estadong dahasin
ang mga Lumad, upang maipagpatuloy ang mga mapanirang proyekto ng mga naglalakihang
korporasyon. Ayaw nilang matuto ang mga lumad sapagkat hindi na sila mauuto. Hindi katulad
noon na ilan lamang ang nakababasa at nakasusulat kaya naloloko nilang pumirma ng kontrata
ang mga elder at leader ng Lumad upang ibenta ang kanilang lupang ninuno.
Noong nakaraang taon sa gitna ng pandemya, habang pinoproblema ni DepEd Secretary
Briones ang pisikal na klase o ang pagkakaroon ng maayos na internet connection, ang suliranin
ng mga lumad ay ang pagsasara ng kanilang mga paaralan. Bukod pa rito, sila ay naging biktima
ng karahasan. Sila ay ginipit at tinakot sa pamamagitan ng pag pagpapasok ng kampo ng mga
militar sa kanilang komunidad at paaralan. Nagbanta pa nga ang ating pangulo na bobombahin
sila. Nasaksihan natin na sa halip na magbigay ng kagyat na solusyon at pondo para sa
serbisyong medikal ay inuna ng pangulo ang paghahasik ng terorismo kaysa sa kalusugan at
kaligtasan ng kaniyang mamamayan.

Ngayon bakit mahalagang maisalin ang akdang ito?

Para sa akin, mahalaga itong maisalin sapagkat ito ay totoong datos at naratibo ng karahasang
sinapit ng mga Lumad at ang pamamasista sa kanila ng estado. Mahalaga ito upang tayo ay
maging mulat at hindi basta-bastang maniwala sa black propaganda na pinakakalat ng estado.

You might also like