Professional Documents
Culture Documents
Fil 5
Fil 5
com/
FILIPINO – V
UNANG MARKAHAN
SY 2014-2015
Pangalan:___________________________________ Baitang/Pangkat:_______________________
Paaralan:____________________________________ Petsa:____________ Iskor:______________
PAKIKINIG:
Panuto: Pakinggang mabuti ang mga kwentong babasahin ng guro bago sagutin ang mga tanong.
1.Sino ang nag-anyaya kay Pangulong Manuel L.Quezon na pumunta sa bansang Hapon?
A. Ang mga Hapon C. Taga- interprete
B. Emperador ng Hapon D. Mga Pilipino
2. Paano kinausap ng emperador si Pangulong Quezon?
A. Isang interprete ang nagsalin ng kanilang sinabi. C. Nagsalita ng Niponggo si Pangulong Quezon.
B. Wikang Filipino ang tanging ginamit nilang salita. D. Nagsulatan ang pangulo at ang emperador.
3. Ano ang ginawa ng Pangulo nang bumalik siya sa Pilipinas?
A. Nag-aral siya ng wikang Niponggo at tinuruang magsalita ang mga Pilipino bata man o matanda.
B. Nagpatibay siya ng kautusan tungkol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa sa buong kapuluan.
C. Nagpagawa siya ng isang imbitasyon para sa emperador ng Hapon upang bumisita sa Pilipinas
D. Nagpalagay siya ng mga palamuti sa buong bahay gamit ang mga dala galing sa bansang Hapon.
4. Bakit mainam magkaroon ng Wikang Pambansa?
A. Ito ang nagbuklod-buklod sa mga mamamayan ng bansa C. Naging sikat ang isang bansa dahil sa wikang ginagamit.
B. Yumayaman ang isang tao dahil sa wikang ginagamit. D. Hindi na kailangan pang gumamit ng iba pang wika.
5. Alin ang angkop na pamagat ng kwentong napakinggan?
A. Ang Wikang Pambansa at ang Emperador ng Hapon C. Si Pangulong Quezon at Ang Kautusan Para sa lahat
B. Si Pangulong Quezon at ang Wikang Pambansa D. Ang mga Pilipino at Hapones , Noon at Ngayon
6. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa kwento. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
1. Humanga si Pangulong Quezon sa mga palamuti sa palasyo.
2. Nagpatibay siya ng kautusan tungkol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
3. Si Pangulong Quezon ay inanyayahan ng Emperador ng Hapon.
4. Isang interprete ang nagsasalin ng kanilang sinasabi sa wikang Ingles.
A. 4-3-2-1 B. 1-3-4-2 C. 3-1-4-2 D. 1-2-3-4
7. Ibigay ang paksa ng ulat na napakinggan.
A. Pagreresaykel ng Basura C. Pagkakasakit ng mga tao
B. Pagtatapon ng Basura D. Pagkalat ng Basura
8. Aling detalye ang sumusuporta sa pangunahing ideya ng napakinggang ulat?
A. Naging marumi at mabaho ang paligid dahil sa nagkalat na basura.
B. Nagkasakit ang mga tao sanhi ng nakatambak at mabahong basura.
C. Nilalangaw na ang mga nagkalat na bulok na basura sa mga kalye.
D. Gawing pataba sa mga halaman ang mga nabubulok na basura.
PAGSASALITA
Panuto:Tukuyin ang gamit ng pangngalang nasasalungguhitan sa bawat pangungusap.
9. Si Apolinario Mabini, ang dakilang lumpo ay ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
A. Simuno B. Panaguri C. Layon ng Pandiwa D. Pinaglalaanan
10.Nagluluto ng escabeche ang masipag na ina.
A. Simuno B. Panaguri C. Layong ng Pandiwa D. Ganapan
Panuto: Uriin ang mga pangngalan ayon sa kayarian.
11.Isa palang bantay-salakay ang napaalis na guwardiya sa bangko noong isang buwan.
A. Maylapi B. Tambalan C. Inuulit D. Payak
12.Namumulot ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan nang biglang nagkaroon ng high tide.
A. Inuulit B. Maylapi C. Payak D. Tambalan
14. Maituturing na bayani ng bansa ang masisipag na magsasaka, mangingisda at sinumang ulirang mamamayan.
A. Pantangi B. Pambalana C. Kongkreto D. Lansakan
Panuto: Gamitin ang tamang panghalip sa pagbuo ng bawat pangungusap.
15. Nauuhaw na ang mga trabahador. Bigyan n’yo na _____ ng maiinom.
A. siya B. kami C. sila D. Tayo
16. Naalimpungatan _____ sa pagtulog nang marinig ko ang malalakas na putok ng baril.
A. ka B. ako C. kami D. kanila
Panuto: Gamitin ang angkop na pang-uri sa tamang antas sa pagbuo ng mga pangungusap.
17. Sa lahat ng mga karpintero sa aming lugar, si Mang Damian ang ____________.
A. higit na masipag B. masipag C. pinakamasipag D.di-gaanong masipag
18.Ang dilis ay ___________ kaysa malaking isda na tabang.
A. higit na masustansiya B. masustansiyang-masustansiya C.napakamasustansiya D. masustansiya
19. Labis kang humahanga sa pinsan mong magaling umawit. Aling pahayag ang sasabihin mo?
A. Binabati kita, magkasinggaling tayong umawit! C. Kaibigan, galingan mo pa sa susunod.
B. Binabati kita, ang galing-galing mong umawit! D. Pinakamagaling ka talagang umawit kaysa akin!
20. Sa kapanahunan ng dating Pangulong Marcos, ginawa niya ang lahat ng kaparaanan para malunasan ang
suliraning pangkapayapaan ng ating bansa. Alin ang pandiwa sa pangungusap?
A. kapanahunan B. ginawa C.suliranin D. pangkapayapaan
PAGBASA
Panuto : Basahin ang sumusunod na pangungusap at sagutin ang mga tanong.
21. Sa kabila ng tagumpay ,nanatiling mapagkumbaba si Rina. Pinatunayan ito ng mga guro sa St. John Academy.
Aling panlapi ang ginamit sa salitang pinatunayan?
A pina B in-an C pin-yan D pina-an
22. Ang samahan ay nagpanukala ng mga gawaing ginagampanan ng mga taong may kapansanan mula sa Tahanang
Walang Hagdan (TWH). Ano ang salitang-ugat ng sinalungguhitang salita?
A pana B nukala C panukala D kala
23.Ang luksong-tinik ay paboritong laro ng mga bata.
Tukuyin ang kahulugan ng nasasalunggughitang salita.
A Katutubong laro B larong takbuhan C makabagong laro D larong tinik
Ang mga magsasaka ay naglinis ng isang punla upang pagsabuyan ng mga butil ng palay. Sa may dakong unahan
nilinis nila ang lugar bago araruhin. Nang malinis na ito, inararo nila ang lupa at sinuyod ang mga natirang mga damo. Nang
handa na itong pagtamnan at malaki na rin ang napunlang palay, binunot na ang mga ito at itinanim. Makalipas ang tatlong
buwan, nagsimula nang umani ang mga magsasaka.
PAGSULAT
32. Alin sa sumusunod na pamagat ng kwento ang naisulat nang wasto?
A.Ang Pilipinong makabansa B ang Bahay sa Nayon C Pilipinas kong mahal D Ang Wikang Filipino
33. Sipiin sa pangungusap ang salitang dapat lagyan ng gitling.
. Ano ano ang paborito mong kainin sa handaan?
34. Lagyan ng panipi at kuwit ang tuwirang pahayag.
Ito ang pinakapaborito kong aklat sa lahat na nabasa ko ang sabi ni Mykee sa mga kaibigan niya.
_____________________________________________________________________________________
35.Lagyan ng tamang bantas ang pangungusap sa ibaba.
Nakapunta na ako sa Ocean Park noong bakasyon
36-40. Isulat nang maayos ang talatang ididikta ng guro.
Rubric
Mga Pamantayan:
-Nagagamit ang wastong sangkap sa pagsulat ng talata na
*may wastong bantas
*tamang baybay ng mga salita
*may palugit at pasok
*wastong paggamit ng malaking titik
*maayos at malinis ang pagkasulat ng talata
5 puntos -Naisulat ang talatang idinikta ng guro at nasunod ang lahat ng ibinigay na pamantayan.
4 puntos - Naisulat ang talatang idinikta ng guro ngunit may isang hindi nasunod batay sa ibinigay na pamantayan
3 puntos -Naisulat ang talatang idinikta ng guro ngunit may dalawang hindi nasunod batay sa ibinigay na
pamantayan
2 puntos - Naisulat ang talatang idinikta ng guro ngunit may tatlong hindi nasunod batay sa ibinigay na pamantayan
1 puntos -Naisulat ang talatang idinikta ng guro ngunit may apat o higit pang hindi nasunod sa ibinigay na
pamantayan
Walang puntos -Walang naisulat
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________.
Visit DEPED TAMBAYAN for K-12 Materials - http://richardrrr.blogspot.com/
PARA SA GURO
FILIPINO V
PAKIKINIG
Para sa aytem bilang 1-6.
Nang si Manuel L. Quezon ay Pangulo ng Pilipinas,inanyayahan siya ng emperador ng Hapon. Tinanggap siya
ng emperador sa palasyo.Humanga si Pang. Quezon sa mga palamuti sa palasyo na pawang yari sa kanilang bansa.
Napansin din ni Pang. Quezon na wikang Hapon ang ginagamit nila sa pag-uusap. Isang interprete ang nagsasalin ng
kaniyang sinasabi sa wikang Ingles upang maunawaan ito ng emperador. Ganoon din ang ginagawa ng interprete kapag
nagsasalita ang emperador upang maunawaan naman niya ito.
Nasabi ng emperador na para sa kanila, ang kanilang wika ang pinakamaganda. Ipinaririnig nila ang Niponggo sa
kanilang mga panauhin. Dahil dito, nabuksan ang puso at isipan ni Pangulong Quezon. Nang bumalik siya sa Pilipinas,
nagpatibay siya ng kautusan tungkol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa para sa buong kapuluan.
Basurang nagkalat at nakatambak. Ito ang isa sa mga suliraning pangkalinisan saanman. Mabaho ang paligid.
Nilalangaw ang mga bulok na basura. Nagiging sakitin tuloy ang mga tao, lalo na ang mga maliliit na bata.
Pagreresaykel ng basura.Ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaang lokal. Gawing pataba sa mga
halaman ang nabubulok na basura upang maging kapaki-pakinabang na muli.
PAGSULAT
Para sa bilang 36-40.
Isang umaga, nagulantang ang mga mangingisda at mamamayan sa dalampasigan at matahimik na Lingayen Gulf.
Limang dambuhalang isda ang banayad na lumalangoy kasama ng mga alon. Pambihira ang kulay ng mga ito! Abuhing itim
na may patak-patak na puti. Gayon na lamang ang tuwa nila nang makita ang mga balyenang ito.
Mga Kasagutan:
PAKIKINIG:
1.B 21.D
2.A 22.C
3.B 23.A
4.A 24.D
5.C 25.B
6.C 26.D
7.A 27.D
8.D 28.C
9.D 29.disgrasya
10.C 30.A
11.B 31.B
12.C 32.D
13.D 33. “Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng aklat na
14.B nabasa ko,” ang sabi ni Mylene sa mga kaibigan niya.
15.C 34.A
16.B 35.Nakapunta na ako sa Ocean Park noong bakasyon.
18.C 36.-40.
19.B
20.B
Visit DEPED TAMBAYAN for K-12 Materials - http://richardrrr.blogspot.com/
FILIPINO – V
FIRST GRADING
TALAAN NG ISPISIPIKASYON