FIL11 Q3 M10-Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 11

1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 10: Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang
mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa (Iskaning, Iskiming at Brainstorming)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rhea V. Iranzo
Editor: Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Caroline T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 11
Ikatlong Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip
Ang mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa
(Iskaning, Iskiming at Brainstorming)
Manunulat: Rhea V. Iranzo
Editor: Vida Bianca M. Laus / Tagasuri: Cherry C. Cariño

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 - Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 10 para sa araling Iba’ Ibang
Tekstong Babasahin Kalakip ang mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa
(Iskaning, Iskiming at Brainstorming).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro

Isang maligayang pagbati sa inyong lahat aking mga mag-aaral!


Kumusta ang inyong araw! Nawa’y punong puno kayo ng kaalaman para sa
masiglang talakayan!

Kasabay ng pangyayaring nagaganap sa ating bansa nawa’y bukas


ang ating isipan sa mga pagbabagong naganap sa ating paraan ng pag-aaral.
Ito ang “new normal” kaya’t sa pamamagitan ng modyul na ito bilang
estratehiya ng pampagkatuto ay makatulong ito sa inyo. Inaasahan ko na
magiging tapat kayo sa pagsagot ng mga pagsubok at tatatak sa inyong
isipan ang mga nakatala. Hiling ko na magkaroon kayo ng sariling kwaderno
para mga pagsasanay, aralin at gawain para ikakabuti ng inyong pag-aaral.

Hiling ko ang inyong kaligtasan at Pagbutihin nyo!

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 10 ukol sa Iba’t Ibang Tekstong Babasahin
Kalakip ang mga Estratehiya ng Mapanuring Pagbasa (Iskaning, Iskiming at
Brainstorming).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos talakayin ang modyul, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
A. natutukoy at nakilala ang kahulugan ng tekstong akademiko at iba’t
ibang estratehiya sa mapanuring pagbasa tulad ng iskiming, iskaning
at brainstorming;
B. naipakikita ang kakayahang pangkomunikasyon sa pag-unawa ng
teksto;
C. nabibigyang-halaga ang karanasan sa ECQ at GCQ sa panahon
pandemic gamit ang estratehiya sa pagbasa ng teksto;

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat sa patlang ang A kung tama ang pahayag at B kung mali
ang pahayag.

______ 1. Sa pagbasa hindi na kailangan maging maingat at aktibo ang


mapaparaan.
______ 2. Kailangan sa pagbasa mabusisi upang makuha ang tunay na
nilalaman nito.
______ 3. Ang brainstorming ay hindi na kailangan sa pagbasa.
______ 4. Upang maunawaan ang binabasa dapat hindi gumamit ng
estratehiya sa pagbasa.
______ 5. Kailangan sa pagbasa ang pagkakaroon ng pag-unawa sa
pangkalahatang impormasyon.

BALIK-ARAL
Panuto: Sa tulong ng value data bank, punan ng hinihinging datos ang
mga patlang sa loob ng kahon mula sa nakaraang aralin.

1. Napatunayan ko na __________________________________________________

2. Naniniwala akong ____________________________________________________

3. Natutuwa ako dahil___________________________________________________

4. Nangangako ako na __________________________________________________

6
ARALIN 4
Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang mga Estratehiya ng
Mapanuring Pagbasa (Iskaning, Iskiming at Brainstorming)

Nababatid mo ba ang ibig ipahiwatig ng larawan? Kung gayon, bakit


mahalaga ang pagbabasa ng teksto? Ano-ano kaya ang mga estratehiya na
maaaring gamitin upang mas mapalalim pa ang pag-unawa sa isang
babasahin?

Sa pagbasa ng iba’t ibang teksto nangailangan ito ng paghahanda,


pagpoproseso ng impormasyon at pagbibigay ng reaksyon upang malaman
kung naunawaan ang tekstong binabasa. Mahalaga na taglay ng isang
mambabasa ang kaalaman sa pagsusuri ng isang teksto. Isa ang tekstong
akademiko, na nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo at
mapamaraang pagbasa, upang higit na maunawaan ng mambabasa ang
akda.

Mga dapat isaalang-alang sa pagbasa ng teksto:

1. Maingat. Sa pagbasa ng teksto kailangan usisain at suriin ang mga


ebidensya at lohikal ang pagkakalahad.
2. Aktibo. Nangangailangan ng pagtatala at anotasyon habang
nagbabasa upang maging maliwanag ang pagbasa sa teksto.
3. Replektibo. Habang nagbabasa, nabibigyan ng katibayan ang
nababasa mula sa sariling kaalaman
4. Maparaan. Gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang mabuti
ang teksto.
Ito ang mga estratehiya sa mapanuring pagbasa tulad ng Iskiming,
Iskaning, Brainstorming, Previewing, Contextualizing, Questioning,

7
Reflecting, Outlining & Summarizing, Evaluating at Comparing &
Contrasting.

Ang Iskiming ay tinatawag pasaklaw na pagbasa o mabilis na pagbasa


upang makuha ang pangkalahatang ideya. Ito ay maaari ring gamitin sa
pagpili ng materyal na babasahin sapagkat sa prosesong ito tinitingnan sa
mga pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang ideya sa
tekstong babasahin. Gayundin ang paghahanap ng mahahalagang
impormasyon na maaaring magamit sa term paper o mga pananaliksik.

Mga paraan:

1. Pahapyaw na pagbasa ng pamagat at paksang pangungusap


2. Pagbasa sa mga mahahalagang salita
3. Pagbasa sa buod ng isang teksto
4. Pagkuha ng pananaw at layunin ng teksto
Iskaning. Pagbasa nang mabilisan na hindi gaanong binibigyang-pansin
ang mahahalagang salita. Karaniwang kinukuha lamang ang susing salita
at sub-titles.

Halimbawa:

Paghahanap ng numero sa directory.


Nakapasa sa board exam
Paghahanap ng trabaho sa classified ads
Brainstorming. Ito ay isang paraan ng isang tao o grupo upang
magkaroon ng kalayaang makapagbigay ng opinyon o input sa
pangkahalatang ideya kaugnay sa isang tekstong babasahin.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
A. Tukuyin ang maaring estratehiyang gagamitin sa bawat pahayag. Isulat ang
letra ng iyong sagot sa bawat patlang.

A. Iskiming B. Iskaning C. Brainstorming

______1. Sino ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas?


______2. “Covid 19”.
______3. Saang bansa nagmula ang Covid 19?
______4. Mungkahing solusyon para sa pagbukas ng ABS-CBN.
______5. “Anti-Terrorism Act”

8
Pagsasanay 2
B.Ikaw ba ay nagbabasa ng iba’t ibang teksto, anong proseso ng
pagkakasunod-sunod ang gagamitin mo sa iyong pagbasa? Lagyan ng bilang
1-5 ang patlang ayon sa nais na pagkakasunod-sunod.

_______ Pagtukoy sa salitang hindi pamilyar

______ Pagtatalakayan sa pamamagitan ng brainstorming


______ Pagbasa ng teksto
______ Pagtingin sa pamagat
______ Pagtatala ng mga tanong
______ Pag-uugnay sa karanasan
Pagsasanay 3
C.Basahin ang maikling tula. Sagutin ang hinihingi sa tsart.

“Covid 19”
ni Rhea V. Iranzo

Oh! Covid nakakatigil ka sa mundo


Bagsik ng sakit, dala mo’y pasakit
Mayaman, mahirap, ikaw ay kumakapit!
Kaya naman lahat ay natatakot!

Tanong ng marami, kailan ka matatapos?


Sa lupit ng dala mo, maraming naghihikahos!
buhay at hanapbuhay iyong kinikitil
ikaw ang salot na hindi napipigil!

Tanong Sagot
1. Tungkol saan ng tula?
2. Ano ang naidudulot ng covid
19 sa buhay ng tao?
3. Sino ang mga nagkakaroon
ng covid 19?
4. Ano ang akmang gamitin sa
estratehiya ng pagbasa ng
tula?

9
PAGLALAHAT
Ibigay ang iyong natutuhan sa aralin, tumatak sa isipan at
kaalamang magagamit sa araw-araw sa pamamagitan ng bilang na 3-2-1.
Ipaliwanag din kung bakit kailangan ito?
3 natutunan sa aralin
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
______________________________________________________________
2 bagay na tumatak sa isipan
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

1 kaalamang magagamit sa araw-araw


__________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Tanong: Paano mo nalampasan ang mga pagsubok na iyong naranasan sa
panahon ng ECQ at GCQ? Gumawa ng mga Hashtag Campaign
gamit ang mga estratehiyang natutunan mo. Patunayan ang
kahalagahan nito?

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT
A. Tukuyin ang hinihingi sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

_________1. Ito ay nangngailangan ng maingat, aktibo, replektibo at


mapamaraang pagbasa, upang higit na maunawaan ng
mambabasa ang akda.

_________2. Tinatawag na mabilisang pagbasa na hindi gaanong


binibigyang pansin ang mahahalagang salita.

_________3. Ito ay isang paraan na nangangailangan ng pagtatala at


anotasyon habang nagbabasa upang maging maliwanag ang
pagbasa sa teksto.

_________4. Ito ay isang paraan ng isang tao o grupo upang magkaroon


ng kalayaang makapagbigay ng opinyon o input sa
pangkahalatang ideya kaugnay sa isang tekstong babasahin.

_________5. Ito ay tinatawag pasaklaw na pagbasa o mabilis na pagbasa


upang makuha ang pangkalahatang ideya.
B. Lagyan ng masayang mukha ang bawat pahayag kung tama ang
pahayag at malungkot na mukha kapag mali ang
pahayag.

_______1. Ang replektibo ay isa sa dapat isaalang-alang sa pagbasa ng


teksto.

_______ 2. Sa pagbasa ng teksto hindi kailangan gumamit ng estratehiya


sa pagbasa.

_______ 3. Nagiging makabuluhan ang pagbasa kapag gumagamit ng mga


estratehiya.

_______ 4. Ang paghahanap ng numero ng telepono ay matatawag na


iskaning na pagbasa.

_______ 5. Sa loob ng silid aralan sa pagbuo ng ideya kailangan ng mag-


aaral ng isang brainstorming

11
SUSI SA PAGWAWASTO

12
13
Sanggunian
Aklat
Alma Dayag at Mary Grace Del Rosario, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik (Phoenix Publishing House Inc, 2017)

Aurora Batnag at Crizel Sicat-De Laza, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Tekstto Tungo sa Pananaliksik (Rex Printing Company Inc, 2016)

Heide Anastacio, Rita Morales at et al, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik (Mutya Publishing House Inc, 2013

Website

Ibat-ibang-estratehiya-ng-pangangalap-ng-impormasyon
https://www.slideshare.net/JonalynTabora

14

You might also like