Ca18 Activity Tula

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name: Mark Kenneth Ceballos Code: CA18

Course & Yr: BCAED 2 Date:

TULA

PULANG LINYA

Ang dating mundong masagana at payapa

ay biglang ginambala ng isang pandemya.

Lahat ay nabigla sa isang kalabang hindi nakikita.

Unti unting pag babago ng mundo, dulot ng sakit na di makatao.

Isang metrong pag layo, isang takip sa bunganga't ilong.

Instrumentong umusbong, upang sakit di maikulong.

Napaka dami nang nagbago

sa pamumuhay ng mga tao.

Interaksyon ay iniiwasan

upang mailayo ang sarili sa kapahamakan.

Ang dating malayang mundo ay naging tahimik at magulo.

Ang mga batang nag lalaro sa labas,

ngayo'y kung mag kulong ay wagas.

. Pag babagong hindi makatao,

Makakabangon pa kaya tayo?

Sa panahong ngayon disiplina at kooperasyon ang kailangan

upang ang pandemyang ito ay malagpasan.

Pandemya din ay may katapusan

kailangan lang nating maniwala at mag tiyaga

upang kaayusan ay ating makamtan.

You might also like