Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:

Paggamit ng Computer,
Internet at Email sa Ligtas at
Responsableng Pamamaraan
Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit
ng Computer, Internet at Email sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Tagamamanihala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Marina S. Salamanca, PhD, CESE
Casiana P. Caberte PhD, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruel B. Ranido, Gina E. Pucot, Lorelin R. Cabrillos


Editor: Grace P. Mendez, PhD, Reynaldo D. Anto EdD
Tagasuri: Renato D. Calamba, PhD, Ma. Maya Tumalon PhD, Amelita Credo, Fuentes,
Jocelyn T. Rotersos, Firmo A. Tubac
Tagapamahala: : Bianito A, Dagatan EdD, CESO V
Marina S. Salamanca Phd, CESE
Casiana P. Caberte PhD, CESE
Carmela S. Restificar PhD
Grace P. Mendez PhD
Josephine D. Eronico PhD

Department of Education – Region VII, Division of Bohol

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address:deped.bohol@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ika-apat na Markahan–Modyul 2:

Paggamit ng Computer,
Internet at Email sa Ligtas at
Responsableng Pamamaraan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ICT 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa araling Naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit ng Computer, Internet
at Email sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang


magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa ICT 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


Naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit ng Computer, Internet at Email sa
Ligtas at Responsableng Pamamaraan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iii
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iv
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa module na ito ay naipapamalas ang Kaalaman at Kakayahan sa paggamit ng


Computer, Internet at Email sa Ligtas at Responsableng Pamamaraan.

Ang module na ito ay tungkol sa:

• Aralin 1 – Ang mga Panganib na Dulot ng Malware at Computer Virus (EPP4IE-0C-5)


at (EPP4IE-0C-6)
• Aralin 2 – Nagagamit ang Computer, Internet at Email sa Ligtas at Responsableng
Pamamaraan bilang mapagkukunan ng iba’t-ibang uri ng impormasyon. (EPP4IE-0d-
7) at (EPP4IE-0d-8)

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mga sumusunod:

• Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus


• Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at virus ang mga dahilan
• Naipaliliwanang ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus
• Naiisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at matatanggal ang malware at
computer virus
• Naipapaliwanag ang mga Panuntunan sa Paggamit ng Computer, Internet at Email
Subukin

TALASALITAAN: CROSSWORD PUZZLE


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng crossword puzzle. Punan ang mga kahon ng
mga tamang sagot sa mga katanungan sa ibaba.

1 2

Pahalang

1. Isang malawak na ugnayan ng mga computer network na maaaring gamitin ng


publiko sa buong mundo

3. Halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba sa simpleng mobile phone na maaari ding


makatulong sa iyo sa pangangalap at pagproseso ng impormasyon.
4. Ito ay isang Electronic device na ginagamit upang mas mabilis na makapagproseso ng
datos o impormasyon

Pababa

5. Pag-uugnay ng mga computer upang mabilis na makapagsalin at makapagpalitan ng


mga datos.
Aralin ANG MGA PANGANIB NA
1 DULOT NG MALWARE AT
COMPUTER VIRUS
Malaki ang pakinabang sa atin ng paggamit ng internet lalung-lalo na sa pagsasaliksik
ng mga datos at impormasyon. Nakakapagpalitan tayo ng mga mensahe, video at iba pang
media. Subalit, may mga kaakibat na panganib ang dulot ng mga ito. Isa na ang pagkalat ng
malware at computer virus na ating malalaman sa araling ito.

Balikan

Gamit ang Graphic Organizer, magbigay lamang ng tatlong bagay na dapat isaalang-
alang para sa Ligtas na Paggamit ng Internet.

1
1

2
1

31
Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay gabay sa mga mag-aaral upang masasagutan nila ang
mga pagsasanay na nasa ibaba.

Tuklasin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal at pagre-restart ng iyong computer


anumang gadget?
2. Ano ang ginawa mo nang maranasan ito?
3. Ano sa iyong palagay ang dahilan ng pagbagal at restart ng iyong computer?
Suriin

ANO ANG COMPUTER MALWARE?

Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira sa computer. Sa


pamamagitan ng malware, maaaring illegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa
computer. Ang mga halimbawa ng malware ay virus, worm o trojan.

Ilang Karaniwang Uri ng Malware

• program na nakakapinsala ng computer at maaaring magbura


ng files at iba pa. Mas matindi ito kaysa sa worm. Halimbawa
virus nito ay I LOVE YOU VIRUS (gawa ng isang Pilipino programmer
noong taong 2004 na gumulo sa computer system sa buong
mundo)
• isang nakakakpinsalang program sa computer na nagpapadala
worm ng mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computer sa
pamamagitan ng isang network. Halimbawa: W32
SillyFDCBBY, W32Trresba.

spyware • malware na nangongolekta ng impormasyon mula s amga tao


nang hinid nila alam

adware • software na awtomatikong nagpe-play, nagpapakita, o


nagdadownload ng mga anunsyo o advertisement sa computer

• malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard


keyloggers keystrokes at ipinapadala ang mga ito sa umaatake upang
magnakaw ng mga password at personal na data ng mga
biktima

• software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit


dialers ang computer kung ang dial-up modem ang gamit na internet
connection

• isang mapanirang program na nagkukunwaring isang kapaki-


trojan horse pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong
computer. Nakukuha nito ang iyong mahalagang impormasyon
pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski Trojan
ANO ANG COMPUTER VIRUS?
Ang computer virus ay isang uri ng program ana ginawa upang makapanira ng mga
lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit at
nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot
mula sa gumagamit o user.

Paano malalalaman kung ang isang kompyuter ay may virus?

Basahin at pag-aralan ang ilang paraan sa pagtukoy na may virus ang isang computer.

MGA DAHILAN SA PAGKAKAROON NG COMPUTER VIRUS AT MALWARE

Biglaang
pagbagal
Pagbabago ng takbo
ng anyo ng ng Paglabas
kompyuter kompyuter ng mga
tulad ng Ilang error
desktop Paraan message sa
display, sa binubuksa
wallpaper, Pagtukoy ng websites
cursor kung
may
Virus Di-
Biglaang ang isang pangkarani
pagrestart Kompyut wang ingay
ng er sa loob ng
kompyuter Hindi kompyuter
paggana ng
anti-virus
software ng
kompyuter

Wala o mahinang anti-virus

Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website

Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o mensahe


na hindi alam ang pinanggalingan o hindi kilala ang sender

Panonood ng malalaswang panoorin sa internet

Pagda-download ng mga dokumento o ilegal na kopya ng


kanta, pelikula, o mga palabas mula sa internet.

Pag-iinstall o paglalagay ng mga libreng program o toolbar ng mga


browser
Mga Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer, Internet at Email
Pagyamanin

MALWARE . . . Iwasan!

Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng
malware sa computer. Sagutan ang tseklist sa ibaba. Lagyan ng kung ang naisasagawa at
kung hindi.

Mga Paraan kung Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Malware sa Computer

OO HINDI
1. Pag-uupdate ng computer at software
2. Paggamit ng account na hindi pang-administrator
3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link, magdownload
ng anumang bagay, magbukas ng mga attachment o larawan sa
email
4. Paggamit ng anti-virus

Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.


1. Sa iyong palagay, nahahawahaan ba ng computer virus ang mga tao? Ipaliwanag.
2. Nahahawahan din ba ang ibang gadgets tulad ng mobile phones, tablets at smart TV
ng malware at computer virus? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunan sa ligtas na paggamit ng computer,
internet at email?
Isagawa

PUWEDE O DI-PUWEDE?

Sa gabay ng mga magulang, basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Pagkatapos
ng mga pahayag ang mga bata naman ay sasagot ng salitang “PUWEDE” kasabay ang thumbs
up na senyas kung ang pahayag ay mabuting gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng
computer virus/malware. Sabihin naman ang “DI-PUWEDE” kasabay ng thumbs down na
senyas kung hindi ito nararapat gawin.

Pag-scan nang regular sa iyong kompyuter gamit ang anti-


virus

Paglalagay ng anti-virus na makapagkakatiwalaan

Panonood ng malalaswang palabas

Pag-iwas sa pagbukas ng mga email o mensahe na kahina-


hinala.

Pagbubukas ng attachment sa email na naglalaman ng


malware

KAYA KO NA!
Gumawa ng tig-iisang sariling panuntunan gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Patakaran ng
Paggamit ng
Computer

Patakaran ng
Paggamit ng
Internet

Patakaran ng
Paggamit ng Email
Tayahin

Panuto: Isulat kung ang sumusunod ay TAMA o MALI:

______1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o


files sa loob ng computer.
______2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan na may virus ito.
______3. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa
mga tao nang hindi nila nalalaman.
______4. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang program ana nagkukunwaring isang
kapakipakinabang na aplikasyon.

Karagdagang Gawain

Panayam sa gumagamit ng Computer

Magsagawa ng isang maikling panayam sa isang miyembro ng tahanan/kapitbahay


gamit ang sumusunod na katanungan:

1. Naranasan mo na bang gumamit ng computer? Ano ang kadalasan mong gagawin kung
gagamit ka nito?
2. Mayroon bang anti-virus ang inyong computer o anumang gadgets?
3. Kung wala, ano ang dahilan kung bakit hindi nakapaginstall ng anti-virus?
LIGTAS AT
Aralin RESPONSABLENG
2 PAGGAMIT NG
COMPUTER,INTERNET AT
E-MAIL

Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng kagamitan at


pasilidad sa Information and Communication Technology (ICT) katulad ng computer , internet
at email. Sa araling ito, nauunawaan, nagagamit at naipaliliwanag ang computer, internet at
e-mail upang magamit sa ligtas at responsableng pamamaraan.

Balikan

TALASALITAAN: CROSSWORD PUZZLE

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang naaayon sa mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.

S P Y W A R E Q
U Y Q O G H O W
R U T R Y U I D
I P Y M E T A R
V A D W A R E T
T Y U P B N M V
T A W Q B M Z C
1. Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila alam.
2. Isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito
sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network
3. Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga anunsiyo o
advertisement sa computer.
4. Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa. Mas matindi
ito kaysa sa worm. Halimbawa nito ay W32 SFCLMOD

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay gabay sa mga mag-aaral upang masasagutan nila ang
mga pagsasanay na nasa ibaba.

Tuklasin

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan, at mga lugar-pasyalan


na produkto ng makabagong teknolohiya?
2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito? Bakit?
Suriin

Ang Computer, Internet at ICT


• Computer
- Kagamitang tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos o impormasyon
- Maaaring gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa anyong
elektoniko o soft copy.

• Internet
- Malawak na ugnayan ng mga computer network sa buong mundo
- Binubuo ng maraming networks na pampribado, pampubliko, pangkomersyo,
pampaaralan o pangpamahalaan.

• Information and Communications Technology o ICT


- Tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon
- Halimbawa nito ang radio, telebisyon, smart phones, computer at internet.

Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiyang ito sa pangangalap ng iba’t ibang
uri ng impormasyon?

Sa pangangalap ng impormasyon sa internet, gumagamit tayo ng mga web browser gaya ng

Internet Explorer Google Chrome Mozilla Firefox


Mga search engine sites naman tulad ng:

Screenshots credits from Ruel B. Ranido’s PC


Google Search Engine Yahoo Search Engine

Ang mga ito ang binabasa natin upang mas mapadali ang pangangalap ng
impormasyon. Kailangan lamang i-type ang mga salita o keywords na tumutukoy sa paksang
nais nating saliksikin at ibibigay na sa atin ng search engine ang mga kawing o links sa mga
website na maaaring may kinalaman sa ating sinasaliksik. Napakaraming uri ng impormasyong
maaaring makuha sa internet, gaya ng teksto, musika, video, at animation.

MGA KAPAKINABANGAN NG ICT

• Mas mabilis na komunikasyon-

- ang mga produktong ICT tulad ng webcam, mobile phones at apps ay lubos
na nakatutulong sa mas mabilis at mas malawak na komunikasyon.

• Maraming trabaho

- maraming oportunidad sa paghahanapbuhay tulad ng pagiging computer


programmer, web designer, graphic artist, encoder, at technician.

• Maunlad na komersiyo

- tinatawag na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng


internet. Gamit rin ang mga social media apps at online selling sites
nakakapagbili ang mga maliliit na negosyante ng kanilang mga produkto sa
iba’t-ibang lugar sa bansa.
• Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon

- ngayong tayo ay nasa Information Age, isang mahalagang kasanayan ang


matalinong pagsusuri at pangangalap ng makabuluhang impormasyon
gamit ang makabagong teknolohiya.

Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet at E-mail

Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan, kasangkapan, at


teknolohiya na tumutulong sa mga tao upang makakuha ng impormasyon, maproseso ito,
maitago, at maibahagi. Itinuturing din itong Sining at Agham ng pagtatala (recording), pag-
iingat (storage), pagsasaayos (organizing) pakikipagpalitan (exchange), at pagpapalaganap ng
impormasyon (information dissemination).

Ngunit may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito. Ang ilan sa mga ito ay:

•Exposure o pagkalantad ng mga di-naaangkop na materyales.


•Maaari kang makakita ng materyales na tahasang seksuwal,
marahas at ilegal

•Viruses, Adware at Spyware


•Maaaring makakuha ng mga virus sa paggamit ng Internet na
maaaring makapinsala sa mga files at memory ng computer at
makasira sa maayos nitong paggana

•Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber Bullying


•Maaari ka ring makaranas ng cyber bullying o malagay sa
peligro dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga hindi kakilala

•Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft


•Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay gamitin ng
ibang tao sa paggawa ng krimen. Maaari ding makuha ang
impormasyonna hindi mo nalalaman o binibigyang pahintulot.
Ito ang tinatawag na Identity Theft.
MGA KASIYA-SIYA AT TAMANG PAMAMARAAN SA PAGGAMIT NG
COMPUTER, INTERNET AT EMAIL

•Tiyakin/itakda kung
aling websites ang
maaaring bisitahin at
Website kung gaano katagal
maaaring gumamit ng
kompyuter, internet at
email.

Mga •Magpa-install o
magpalagay ng internet
Pamamaraan sa content filter. internet, at
Internet email. Magagamit ito
Paggamit ng Content upang ang
kapakipakinabang na
computer, Filter nilalaman lamang ang
mababasa at maida-
internet at email download gamit ang
Internet
•Makipag-ugnayan
lamang sa mga kakilala
o kaibigan tuwing
online. Sundin ang
tamang gabay na
Online itinakda sa paggamit ng
mga social networking,
instant messaging,
email, online gaming, at
webcam.
Pagyamanin

Gayahin ang posisyon ng mag-aaral sa larawan. Nagpapakita ito ng wastong posisyon


ng bawat bahagi ng katawan sa gagamit ng computer.

KAYA KO NA!

Bumuo ng 2 grupo sa pamilya at maghanda ng isang maikling dula-dulaan na


nagpapakita ng iba’t-ibang kapakinabangan ng ICT.

Tatalakayin ang sagot sa mga tanong na ito:

Anong mga kapakinabangan ng ICT ang ipinakita sa inyong maikling dula?


Sa paanong paraan nakatutulong ang ICT sa pangalap ng makabuluhang impormasyon?
Isaisip

Sagutin ang mga tanong nga ito:

1. Bakit mahalagang malaman at sundin ang tamang posisyon ng katawan sa paggamit ng


computer?

Isagawa

Gumawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng computer o internet lalo na sa


buhay ng mga mag-aaral ngayon.
Tayahin

Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang- alang sa paggamit ng computer.

1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:


a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom
2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong
gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.
3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
b. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para
makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro.

4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o


address, dapat mong:
a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito.
b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng Facebook,
upang makita ninuman.
c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung
kanino ka nakikipag-ugnayan.
Karagdagang Gawain

PAMANTAYAN SA TAMANG PAGGAMIT NG COMPUTER


Isawaga ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek ( /) ang hanay ng
icon na napili
1. May sandalan ang upuan at maaaring i-adjust ang taas
nito.

2. Habang nagta-type,mas mababa nang kaunti ang keyboard


sa kamay.

3. Bahagyang nakaangat ang kabilang dulo ng keyboard.

4. Nakaupo nang tuwid at nakalapat ang mga pa

5. Tama lang at hindi masyadong mahigpit ang


pagkakahawak sa mouse at naiki-click ito nang mabilis

6. Walang liwanag na nakatapat sa screen ng monitor.

7. Tinaasan o binabaan ang liwanag o brightness ng monitor


hanggang sa maging komportable na ito sa iyong
paningin.
Sanggunian:

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Patnubay ng Guro


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan sa mag-aaral

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bohol Division


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412 – 4938 (038) 411 – 2544 (038) 501 – 7550
Telefax: (038) 501 – 7550
E-mailAddress: deped.bohol@deped.gov.ph

You might also like