Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Bohol

(HEALTH 4)

Quarter : 4 Week : 2 Day : 4 Activity No. : 2


Competency: : Demonstrates proper response before, during, and after a disaster
or an emergency situation
Code: H4IS-IVbd-29/MELCQ4W2W3
Objective : Natutukoy at naipapakita ang mga angkop na tugon bago, habang,
at pagkatapos ng isang kalamidad, sakuna, at oras ng kagipitan.
Topic : Safety Guidelines during Disasters and other Emergency
Situations- (Storm and Flood)
Materials : Graphic Organizer
Reference : Mila C. Taño, Maria Teresita Garcia-Aguilar, Juvy B. Nitura EdD, Marie
Fe B. Estilloso, Mark Kenneth Camiling, Minerva David, Aidena Nuesca,
Reyette Paunan, Jennifer Quinto at Giselle Ramos. Edukasyong
Pangkatawan at Pangkalusugan - Ikaapat na Baitang. Pasig:
Department of Education, 2015.

Copyrights : Classroom use only


DepEd Owned Material
Concept Notes:
Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi
sadyang pangyayari tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.
MGA ANGKOP NA PAGHAHANDA AT GAWAIN
SA PANAHON NG BAGYO
BAGO DUMATING ANG BAGYO
Manood ng balita sa telibisyon, o makinig sa radyo ukol sa lagay ng panahon
Itsek ang bubong ng bahay at ang mga puno sa bakuran na posibleng bumagsak dahil sa malakas
na hangin
Siguraduhing kumpleto ang mga emergency supplies tulad ng radyo, first aid kit, flashlights
Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain. Punuin din ang baterya ng mga cellphones.
Isaayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga importanteng bagay at mahalagang papeles.
Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng
hangin (para sa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at
dingding ang lakas ng hangin sa pamamagitan ng pagtatali o pagpapako ng maayos sa mga ito

HABANG MAY BAGYO


➢ Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo
➢ Iwasang bumiyahe maging sa daan, dagat, at himpapawid
➢ Maging handa sa posibleng pagbaha
➢ Kapag bumaha, patayin ang main switch ng kuryente
➢ Huwag lumusong sa baha kung hindi kinakailangan

PAGKATAPOS NG BAGYO
❖ Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay at bakuran kung mayroon.
❖ Iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas sa sakit.
❖ Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang pinsala sa linya ng kuryente, tubig at telepono
❖ Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung kailan ligtas nang bumalik sa inyong
bahay.
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Bohol

MGA ANGKOP NA PAGHAHANDA AT GAWAIN


SA PANAHON NG PAGBAHA

BAGO ANG BAHA


Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo.
Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA
Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles
Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar

HABANG MAY BAHA


➢ Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas na bago pa masira ang
mga daan at mga tulay.
➢ Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag
lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa.
➢ Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga
binahang ilog.
➢ Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha lalo na kung malakas
ang agos nito at hindi matantya ang lalim.

PAGKATAPOS NG BAHA
❖ Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay.
❖ Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
❖ Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang pinsala sa linya ng kuryente, tubig at telepono
❖ Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng kuryenteng
nabasa at lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.

Ang pagsunod sa mga alituntunin


at batayang pangkaligtasan ay
pagtitiyak sa pagpapanatili at
pangangalaga sa buhay. Tayo ay
dapat na maging handa sa lahat ng
oras upang maiwasan ang
malaking pinsala sa mga ari-arian
at maging sa buhay ng tao.
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Bohol

Activity No. 1

Lagyan ng tsek ang kahon kung ang ipinapakita sa bawat larawan ay ang nararapat gawin sa
bawat kalamidad at ekis naman kung hindi ito nararapat gawin.

1. 2.

https://tinyurl.com/y593
7phm

HABANG may Bagyo


BAGO ang Bagyo

3. 4.

https://tinyurl.com/y3mdsls5

HABANG may Bagyo


HABANG may Baha

5.

https://tinyurl.com/y449fto3

BAGO ang Bagyo

Bakit kailangan nating sumunod sa mga angkop na paghahanda at gawain sa tuwing may
sakuna?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like