Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.

MALVAR, SANTIAGO CITY


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
TAONG PANURUAN 2020 – 2021
FILIPINO DEPARTMENT
FILIPINO 11
IKAAPAT NA MARKAHAN
Bb. Espiritu, LPT, G. Guevarra, LPT, Gng Javier, MAEd., Bb. Pacyod, LPT G. Samiling, LPT

MODYUL 8

ARALIN 2: Mga Paraan at Tamang Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAMANTAYANG PANGNINILALAMAN:
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng
masinop na pananaliksik.
Mini Task
Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahang
makapagsuri ng isang konseptong papel.

PAMANTAYANG PAGGANAP: Makasulat ng isang


maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.

MAHAHALAGANG TERMINOLOHIYA
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:
PAKSA – Paksa ang pinakasentro ng ideya ng
anumang sulatin. Ito ang puso ng anumang katha na
kumukontrol sa takbo ng sulatin. Dito nakasalalay ang
Habang pinag-aaralan mo ang aralin, ikaw ay buhay ng isang mananaliksik.
inaasahang:
1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng KOSEPTONG PAPEL O PAUNANG MUNGKAHING
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa PAPEL – Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik; at saang direksiyon patungo ang paksang nais
pagtuunan.
2. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan
IN-TEXT CITATION- ito ay makikita sa loob ng
ng mga ideya sa pagsulat ng isang pananaliksik; at pagtalakay ng pananaliksik. Ipakilala ng mananaliksik
3. Nakapagsusuri ng isang konseptong papel. ang pinaghanguang datos sa pamamagitan ng
pagbibigay ng apilyedo at taon ng pagkalimbag ng
aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang
parentetikal at ang paggamit ng kataga bilang
signal.
A. PAUNANG PAGSASANAY
Anak, alam kong ang malayo na ang
narating mo. Kaya alam kong kayang-kaya Tunay bang sinubok ang iyong kaalaman sa bagay na
mo ang susunod na gawain. Kaya ano pang maaaring alam mo o hindi mo alam? Huwag mag-alala sa
hinihintay mo? Sagutin ang paunang pagkakataon na ito ay maliliwanagan ka na.
pagsasanay na nakalagay sa worksheet sa
mga susunod na pahina.
B. PANIMULA
Isang malaking hamon para sa iyo bilang isang mag-aaral na maging bukas ang isip na mapaunlad ang iyong
kaalaman at kasanayan sa pananaliksik lalo na’t pinatutunayan sa pag-aaral nina JohnBitchenera, at Helen
Basturkmenb (2006) na nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng pananaliksik lalo na sa pagtatanong sa paraang
pakikipanayam. Karamihan sa mga tagatugon sa nasabing pag-aaral ay naniniwala na mahirap gawin ang tesis.
Limitado lamang ang kanilang kaalaman sa pagbuo nito. Kahit man ang mga mag-aaral sa paaralang gradwado ay di
pa nasasanay sa mga ganitong gawain dahil kung may karanasan man sila sa panahon ng Kolehiyo ay nakakalimutan
na nila ang bagong istilo ng bawat bahagi kung paano bubuuin lalo na sa mga suring-basa na likom mula sa iba’t ibang
kaugnay na babasahin sa paraang pagdodokumento o kopya nito. Ngunit hindi ito ang hadlang upang huminto ka na
mapalawak pa ang iyong kaalaman sa pananaliksik sapagkat sa unang aralin ukol sa pananaliksik ay nabatid mo na
kung gaano kahalaga ang pananaliksik sa ating buhay kaya marapat lamang na pahalagahan ang pagkatuto rito. Huwag
kang mag-alala dahil sa araling ito ay gagabayan kang matututo sa paraan at tamang proseso kung paano isasagawa
ang pananaliksik.

C. TALAKAYAN:

1. PAGBABAHAGI 2. PAGGALUGAD

Matagal nang nagsimula ang laban ng iyong Ang galing! Nakarating ka sa bahaging ito!
buhay anak. Kaya bumalik sa iyong Hindi pa riyan natatapos ang iyong gawain.
worksheet at gawin ang naiatang sa’yong Kaya huwag magsasawang matuto dahil
gawain. Alam kong kaya mo, ikaw pa ba! siguradong ito’y makatutulong sa iyo.
Nananalaytay sa iyo ang dugong saletino Magtungong muli sa worksheet at sagutin ang
dugong may sigasig at talino! tanong na naroon.

3. PAGPAPALIWANAG

MGA PARAAN AT TAMANG PROSESO NG PAGSULAT NG ISANG PANANALIKSIK

1. PAGPILI NG PAKSA
▪ Paksa ang pinakasentro ng ideya ng anumang sulatin. Ito ang puso ng anumang katha na kumukontrol sa
takbo ng sulatin. Dito nakasalalay ang buhay ng isang mananaliksik. Dahil dito, marapat lamang na masusi
ang pang-unawa sa paksang pipiliin at dapat manggaling sa mananaliksik upang magkaroon ng “sense of
ownership”. Maaaring manggaling ang paksa mula sa karanasan, sariling ideya, pang-araw-araw na gawain
na batay sa mga nakaraang pag-aaral o patuloy na pag-aaral at experimental na pananaliksik.
Mga Gabay na Tanong sa Sarili sa Pagpilli ng Paksa
1. Interesado ba ako sa paksang ito?
2. Angkop, makabuluhan at napapanahon ba ang paksang ito?
3. Masyado bang masaklaw o limitado ba ang paksa?
4. Kaya mo kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinibigay?
5. Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong mapagkuhanan ng impormasyon upang mapalawak
ang paksang napili? kung oo ay maaari ng magpatuloy sa ikalawang hakbang.

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa


1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng sulatin – Bago simulan ang pagpili ng paksang sasaliksik ay
mahalagang alam mo ang layunin sa pagbuo mo ng pananaliksik para maiugnay mo sa mga layuning ito ang
iyong mga gagawin.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik – Maaaring pagpilian ang mga
paksang ibibigay ng guro subalit kung wala kang magugustuhan o walang naibigay na pamimimilian ay maaaring
humingi ng pahintulot sa iyong guro para ikaw ay makapamili ng paksang iyong sasaliksikin ngunit pakatandaan
lamang na sa pamimili ng paksa ay itala ang mga paksang malapit sa iyong puso at interes. Mahalaga rin na laging
makipag-ugnayan sa iyong guro para makuha ang pananaw niya sa mungkahi mong paksa bago mo ito simulan
para maiwasang masayang ang oras kung sakaling may ibang suhesyon pa ang guro kaugnay nito.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya – Matapos na maitala ang mga paksang malapit sa iyong puso at interes ay
suriin kung alin ang pinakamainam na saliksikin. Suriin ito batay sa mga sumusunod na tanong:
▪ Alin sa mga ito ang kawili-wiling saliksikin para sa iyo?
▪ Bakit ka interesado?
▪ Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
▪ Alin ang alam na alam mo na at gusto mo pang makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
▪ Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
▪ Alina ng masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
▪ Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
▪ Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Muling suriin ang mga napili mo at magdesisyon batay sa mga sumusunod na tanong:
▪ Alin sa mga ito ang pinakagusto mo at pinakamalapit sa puso mo, pinakamadali mong maihanap ng kasagutan,
pinakamadaling maiugnay sa layunin mo at tiyak na matatapos sa limitadong oras na ibinigay para tapusin mo
ang gawain?
5. Paglimita sa Paksa
▪ Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mula sa napili mong paksa kaya’t kailangan itong
limitahan upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Makikita sa ibaba ang ilang

Paraan ng Palilimita
Malawak na Paksa Nilimitahang Paksa Lalo Pang Nilimitahang Paksa
Sagutin ang tanong na “Ano ang gusto Sagutin ang tanong na “Sino ang iyong magiging
kong malaman o matuklasan ukol sa kalahok at saan ko isasagawa ang pananaliksik?”
paksa?”
Labis at Madalas na Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat
Pagpupuyat ng Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng
mga Mag-aaral Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang- Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang
akademiko Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-
akademiko

2. PAGSULAT NG TENTATIBONG BALANGKAS


▪ Mahalaga ang paghahanda nito dahil ito ang magbibigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong ideya at
upang matukoy kung anong materyal pa ang kailangang hanapin.
▪ Sa pinal na balangkas ay tiyakin ang mga posisyon ng pangunahing kaisipan at pansuportang ideya.
Siguraduhing hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat lebel o antas ng balangkas. Kapag malinaw ang nabuo
mong blangkas ay siguradong hindi ka mahihirapan sa pagsulat ng burador.
▪ Gamitin ang card ng biliograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng balangkas.

Mga Uri ng Balangkas


1. Papaksang Balangkas - Ito ay binubuo ng parirala o isang salita na ang bawat bahagi ay nahahati sa mga
pangunahing ideya ng sinusuportahan ng mga subordineyt na ideya o kaugnay na detalye.
2. Papangungusap na Balangkas - Ito ay binubuo ng mga mahahalagang pangungusap na sadyang bahagi na
ng sulatin.
3. Patalatang Balangkas - Ito ay binubuo ng mga pangungusap na nagsasabuod sa mga gagawing talata.
Pinagsusunod-sunod lamang ang mga talata at hindi nangangailangan ng detalye.

▪ Kung may mga impormasyong nakahanda para sa paksang napili, maaaring gumamit ng paksang pangungusap
na balangkas. Kailangang maging malinaw ang pangkalahatang ideya sa bawat bahagi ng pananaliksik. Bago
umpisahan ang balangkas, isulat sa itaas na bahagi ang panimulang haka at isunod ang mga pangkalahatang
ideya at bawat isa ay bigyan ng pansuportang detalye.

Halimbawa ng Balangkas
Tesis na Pahayag: Ang HIV/AIDS ay isang nakamamatay na sakit at nagiging suliranin na ito ng pamahalaan.
I. Pagpapaliwanag sa Sakit na HIV/AIDS – Pangunahing Ideya
A. Depenisyon ng HIV/AIDS 3
B. Pinagmulan ng sakit na HIV/AIDS
Pantulong na Ideya
C. Kasaysayan ng HIV/AIDS
D.
II. Mga Kasalukuyang Nagkakasakit ng HIV/AIDS(Estadistika) – Pangunahing Ideya
A. Estadistika ng mga nagkakasakit sa buong mundo(2009)
B. Estadistika ng mga nagkakasakit sa Pilipinas(2010)
Pantulong na Ideya
III. Mga Programa para Maiwasan ang Sakit at Ilang Tritment – Pangunahing Ideya
A. Mga programa ng buong mundo para sa sakit na HIV/AIDS
B. Mga programa ng Pilipinas para sa sakit na HIV/AIDS

3. PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI


▪ Bagamat hindi pa ito pinal na bibliyograpiya sapagkat maaari ka pang magdagdag at magbawas ay makatitipid
ka ng oras at panahon sapagkat ito ang katuwang mo habang isinusulat mo ang iyong pananaliksik.
▪ Mahalaga matiyak na maaayos, tama, kompleto at beripikado ang mga impormasyong isasama sa bubuuing
pananaliksik. Mahalagang suriin ang mga pinagkukuhanan ng datos tulad :
1. Aklatan(maaaring hindi napapanahon)
2. Internet(maging maingat lang at suriin ang mga talang makukuha) Suriing mabuti ang mga Web site na
nagtatapos ng .edu(Educational Institution), .gov(Government), .org(Nonprofit Organization) at
.com(Commercial).gov(Government)- minsa’y nakapanig ang nilalaman sa pamahalaan.com(Commercial)-
minsa’y hindi beripikado at madalas ay nagsisilbing daan para makapagpakilala ng mga produkto at
makabenta.
▪ Narito ang Hakbang sa Paggawa ng Pansamantalang Bibliyograpiya:
1. Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgada ang ginagamit ng iba.
2. Isulat sa mga index ard na ito ang mga mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian. Ang ganitong
paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
3. Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian. Maaaring ilagay
ito sa isang kahon, folder o sobre.

4. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL o PAUNANG MUNGKAHING PAPEL


Bilang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang konseptong papel.
Ang konsepto papel o paunang mungkahing papel ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo
ang paksang nais pagtuunan. Mahalagang mailahad kung paano isasakatuparan ang napiling paksa bago ang
pagsasagawa ng mismong pananaliksik. Ito ang una o panimulang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa
pagsusulat. Nagsisilbi itong gabay upang maipakita ang potensyal ng gagawing pag-aaral sapagkat makikita rito kung
ano at saang direksyon ang patutunguhan ng paksang nais tutukan.

Narito ang mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel:


1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa
Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.
2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik(Rationale)
▪ Tinatalakay dito ang saligan o batayang dahilan sa pagsasagawa ng pananaliksik upang maipahiwatig na
rin ang kahalagahan ng gagawing pananaliksik.
▪ Paglalahad ng suliranin bilang pagpapakilala sa proyektong nais simulan.
▪ Nakatala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa at pinagmulang ideya.
▪ Ang mga suportang dokumentasyon katulad ng mga datos at estadistika ay maaaring banggitin upang
mabigyang-diin ang pangangailangang maisakatuparan ang pananaliksik.
▪ Ilahad kung bakit mahalaga ang gagawing pananaliksik.
▪ Iugnay ito sa mga nauna nang pag-aaral pati na ang mga teoretikal at praktikal na implikasyon ng proyekto.
▪ Bahagi rin ng rationale ang mga kaugnay na literatura na siyang nagpapatatag sa pananaliksik.
3. Layunin
▪ Inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik.
▪ Ito ang adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas o ipagawa sa pananaliksik.
▪ Isinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa
pananaliksik.
▪ Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, balikan ang mga layunin at siguraduhing natupad o
nagawa nga ang mga ito.
▪ Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaaring hindi nasunod ang wastong proseso, lumihis
sa pokus ng pananaliksik o naiba ang tunguhin nito.
Paano Bumuo ng Layunin?
Ang mga layunin sa pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. sa pagbuo ng mga layunin ng
pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:
1. Nagsasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gawin.
2. Makatotohanan o maisasagawa.
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan
bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Mga Salitang Maaaring Gamitin sa Pagbuo ng Layunin Sa Pananaliksik


Matukoy, mailarawan, maihanay, makilala, mailahad, maisa-isa, maihambing, maipaliwanag, maiulat,
makapaghulo, maibuod, magamit, mapili, masaliksik, masuri, makabuo, makagawa, masukat, makapagpahayag,
makapag-organisa, makabuo ng konsepto, makapili, makatalakay

Halimbawa:
Layunin ng pananaliksik na ito ang mabigyan- kaalaman ang mga kabataan sa ngayon kung ano nga ba talaga
ang mga salik na bumubuo sa HIV/AIDS. Ninanais din ng pananaliksik na ito na mailahad ang mga dahilan ng
pagkakahawa ng mga kabataan sa sakit. Layon din ng pananaliksik na ito na mabigyan ng ideya ang mga
mambabasa sa tamang pagpapadayagnos at mabigyan ng ideya sa tritment sa sakit na ito.

4. Metodolohiya
(Ito ay tumutukoy sa paraan ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos tulad ng sarbey, interbyu, paggamit
ng talatanungan, obserbasyon at iba pa.)
▪ Tinutukoy rito kung paano maisakatuparan ang proyekto.
▪ Ibigay ang pangkalahatang ideya ng metodolohiyang maaaring gamitin.
▪ Kabilang dito ang lahat ng makabagong dulog, teknik o mga proseso.
▪ Anong paraan ng pangangalap ng datos ang balak gamitin para sa pananaliksik?
▪ Siguraduhing magkakaugnay ang layunin at metodo.
▪ Ilakip din sa iskedyul ng pananaliksik, kung kalian ito sisimulan at kung kalian ito inaasahang matapos.

Halimbawa:
Ang pananaliksik na ito ay bubuuin sa pamamagitan ng pangangalap ng datos sa mga hanguang
sekondarya. Magsasagawa rin ng interbyu ng ilang awtoridad sa paksang ito.
5. Inaasahang Bunga
▪ Nakalahad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto.
▪ Nakalahad din dito ang inaasahan sa proyekto at paano ito mapapakinabangan.
6. Mga Sanggunian
▪ Ilista ang mga sangguniang ginamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang
maaaring magamit at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.

5. PANGANGALAP NG DATOS
▪ Kadalasang ginagawa kapag tapos ng buuin ang konseptong papel, sumasailalim sa depensa at, rebisyon ayon
sa kinalabasan ng depensa.
▪ Binibigyang-diin ang kahalagahan ng malinaw na paglalatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong
konseptong papel at tesis na pahayag dahil ito ang gagabay sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon.
▪ Maaaring makakalap ng impormasyon sa aklat, panayam, pananaliksik, dyornal, website, ulat atbp.

Iba’t Ibang Paraan ng Pangangalap ng Datos


Paano isinasagawa ang pangangalap ng datos?
▪ Ito ay kadalasang isinasagawa matapos mabuo ang konseptong papel, sumasailalim sa depensa at rebisyon
ayon sa kinalabasan ng depensa.
▪ Binibigyang-diin ang kahalagahan ng malinaw na paglalatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong konseptong
papel at tesis na pahayag dahil gagabay sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.
▪ Maaaring makakalap ng mga ideya at impormasyon sa mga aklat, panayam, pananaliksik, jornal, website at iba
pa.
▪ Mas mabuting paghandaan at tiyakin kung ano-ano ang mga datos na gagamitin at kung paano mapag-uugnay
ang mga konsepto ng isang sulatin.

Saan maaaring humango ng impormasyon?


1. Silid-aklatan
2. Internet
▪ Ito ang pinakapraktikal na paraan ng pagkalap ng datos lalo na sa makabagong panahon ng teknolohiya
▪ Suriing mabuti ang nilalaman at muling tingnan kung wasto o totoo ang impormasyong isinasaad dito.
3. Panayam
▪ Humingi ng pahintulot sa taong nais kapanayamin kung maaari niyang paunlakan ang panayam. Mahalagang
maipaliwanag sa kaniya ang proseso at mabigyan siya ng ideya sa magiging daloy ng panayam bago ito
isagawa.
▪ Itanong kung kalian at saan nais kakapanayamin maganap ang panayam o magkasundo kung kalian at saan ito
gaganapin.
▪ Planuhin ang mga itatanong sa panayam. Maghanda ng talatanungan upang masigurong maitatanong ang mga
nais malaman o dapat bigyang-diin at nang hindi ito malimutan habang nakikipanayam. Maaari ding irekord ang
panayam kung sa palagay mo ay hindi ka makakaagapay sa daloy ng panayam. Ngunit irekord ang panayam,
humingi muna ng permiso sa taong kakapanayamin.
▪ Ibigay ang mga impormasyon kung paaano makikipag-ugnayan kung sakaling may nais linawin pagkatapos ng
panayam.
▪ Tanungin ang kakapanayamin kung may nais silang linawin o itanong tungkol sa panayam
4. Obserbasyon
▪ Pangunahing paraan sa siyentipikong pananaliksik
▪ Mainam itong gamitin kung nais na ganap na masuri ang paksa ng obserbasyon sa natural nitong kalagayan.
▪ Ang bentahe sa rito ng mananaliksik ay:
1. May direktang ugnayan sa sitwasyon sa mismong paksa ng obserbasyon
2. Tiyak at direkta ang impormasyong makakalap at agad itong naitatala.
3. Mabisa at higit na malalim ang pang-unawa sa paksa ng obserbasyon at kalagayan
▪ Kung may bentaheng makukuha rito ay mayroon ding disbentahe. Narito ang ilang disbentahe:
1. Maaaring kumiling sa panig ng mananaliksik, at maaari ding hindi natural ang magiging gawi ng
inoobsebahan dahil alam niyang siya ang paksa ng pag-aaral.
2. Nangangailangan ng sapat na oras upang maisagawa o matagal gawin.
3. Dahil lantad, maaaring may epekto ito sa pagiging balido ng mga datos at kung lingid sa kaalaman ng
paksa ng inoobserbahan ang isinasagawang pagmamasid, may nilalabag itong etika na usapin.
5. Sarbey at Talatanungan - Ang sarbey ay isang paraan upang makakuha, masuri at mabigyang-kahulugan ang
pananaw ng mga taong pinag-aaralan o inoobserbahan. Ginagamitan ito ng estatistika sa pag-aaral at pagsusuri
at interpretasyon ng mga datos na nakalap. Sa pagsasagawa ng talatanungan, laging isaalang-alang na gawin
itong simple at maikli. Ang mga tanong ay hindi uubos ng oras o panahon sa mga taong tinatanong o sumasagot.

6. PAGSULAT NG UNANG DRAFT


▪ Ito ay pansamantalang pagsulat sa kabuuan ng papel.
Mga Paraan sa Pagsulat ng unang draft o burador
▪ Isulat ang mga bagay na nasasaisip at huwag masyadong umasa sa mga pag-aaral ng ibang mananaliksik.
▪ Kilalanin lahat ng pinagkuhanan ng sanggunian.
▪ Matapos makagawa ng burador, basahin itong muli o kung maaari ay ipabasa sa iba upang malaman ang
kaayusan ng naisulat na burador at kung paano ito naiintidan ng mga mambabasa.
Karagdagan Kaalaman:
▪ Gumamit ng paghahawig, buod o sipi sa pagsulat ng bawat ideya at impormasyong gagamitin sa tala.
▪ Isulat sa kard at markahan ang bawat kard ayon sa pagkasunod-sunod ng kaisipan na isinulat sa tentatibong
balangkas.
▪ Kapag pinagsama-sama na ang mga talang ito upang makasulat ng buong sulatin, siguraduhing magtataglay
ng kaisahan at kaayusan.
▪ Hindi kailangang sunod-sunod ang pagkakasulat ng panimula, katawan at kongklusyon.
▪ Maaaring unahin ang pagsulat ng katawan ng pananaliksik dahil ito ang magsasaad ng nilalaman ng sulatin
▪ Planuhin nang maigi ang pagsulat ng panimula at kongklusyon.

Dapat tandaan:
1. Magkaroon ng Introduksyon- kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa sa kabuuan ng sulatin.
2. Katawan- kababasahan ng pinalawig ng bahagi ng iyong balangkas.
3. Kongklusyon- buod ng natuklasan sa pananaliksik. Gamitin ang iwinastong balangkas at mga card ng
tala upang magsimulang sumulat ng burador.
Dapat Pag-ukulan ng pansin ang mga sumusunod:
1. Pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan,
2. Payak ang wikang gagamitin ngunit malinaw, tamang baybay, bantas kaayusang gramatika, pormal ang
anyo, footnote o talababa
3. At nasa ikatlong panauhan.

7. PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON
Sa aklat ni Atanacio et.al (2009) binigyan ng kahulugan ang dokumentasyon bilang pangangalap at pagsasaayos
ng mga materyal tulad ng teksto, video, aklat, magsin at iba pa. Isa itong teknikal na gawain na ngangailangan ng sapat
na kaalaman upang maging masinop at maayos ang isang sulating akademiko. Ang kaalaman ng dokumentasyon ay
lalong nagpapatatag sa kredibilidad ng isang sulatin.May ilang pamamaraang maaaring magamit sa dokumentasyon:
1. MLA o Modern Language association - Madalas itong gamitin sa larangan ng literatura at wika.
2. Chicago Style - Sa kasalukuyan ay ginagamit ang Chicago Manual sa larangan ng ekonomiks at iba pang
kaugnay na disiplina.
3. APA o American Psychological Association - Ito ang pinakagamiting pamamaraan ng dokumentasyon
sa larangang arte at siyensya. Mahigpit na sinusunod ang tamang pagtatala ng mga datos sa pamamagitan ng
in-text citation at dokumentasyon ng mga sangguniang ginamit sa pananaliksik.
In-text Citation - Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik. Ipakilala ng
mananaliksik ang pinaghanguang datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng apilyedo at taon ng pagkalimbag ng aklat
na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentetikal at ang paggamit ng kataga bilang signal.

Dalawang Pamamaraan In-text Citation


1. Signal na Kataga
▪ Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon kay/kina/sa, Bataykay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa.
▪ Makikita sa unahan ng ideya at tanging ang taon ng pagkakalimbag ang nakapaloob sa panaklong.
▪ Kung dalawa ang awtor, dapat gamitin ang at at hindi ampersand(&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor.
▪ Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga hanguang walang awtor mga awtor.
Halimbawa: Binigyang-diin ni Santos (2008)na ang wika ay isang behikulo upang magkaunawaan…

2. Talang Parentetikal
▪ Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng ideya makikita at parehong nakapaloob ang apilyedo ng awtor at
ang taon ng pagkalimbag ng aklat.
▪ Samantalang ang signal na kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging ang taon ng pagkakalimbag
ang nakapaloob sa panaklong.
▪ Kung dalawa ang awtor, gamitin ang ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor.
▪ Maaaring gamitin ang talang parentetikal sa iba’t ibang hanguan subalit tanging sa parentetikal na pamamaraan
lamang puwedeng maitala ang mga hanguang walang mga awtor gaya ng isang website o aklat na walang
awtor.
Halimbawa: Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaaan ang…(Santos, 2008)
Signal na Kataga Talang Parentetikal
Isang Awtor May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa
Ayon kay Halliday(1973), may gamit na instrumental mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto
ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa niyang gawin(Halliday,1973)
ang mga bagay na gusto niyang gawin.
Dalawang Awtor Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa
Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at mga paa, pagkabulag at pagkapipi at iba pa ay isang
Readman(2006), ang pisikal na kapansanan tulad ng malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-
kapansanan sa mga paa, pagkabulag at pagkapipi at iba araw na pamumuhay ng mga ito (Carpenter at
pa ay isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa Readman, 2006)
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ito.
Tatlo hanggang limang awtor Iminungkahi sa isinagawang pananaliksik na ang mga
Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay mag-aaral ay maaaring magkaroon ng mas maliit na
nagmungkahi na ang mga bilingguwal na mga mag-aaral leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi
ay maaaring magkaroon ng mas maliit na leksyon sa bilingguwal na siyang dapat mas pagtuunan sa
bokabularyo kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang pagtuturo ng bokabularyo(Oller, et al. 2007)
dapat mas pagtuunan sa pagtuturo ng bokabularyo.
Grupo o institusyon Ang muling pagrebisa sa ortograpiya ay ibinunsod ng di
Ayon sa komisyon sa Wikang Filipino(2009), ang ganap na pagtupad sa kautusang pangkagawaran ng
muling pagrebisa sa ortograpiya ay ibinunsod ng di 1987 (Komisyon sa Wikang Filipino,2009)
ganap na pagtupad sa kautusang pangkagaawaran ng
1987
Dalawa o higit pang na Hanguan na pareho ang awtor Sa pag-aaral na isinagawa, inilarawan na ang isang
Ang pag-aaral ni Wynn(1992, 2001) ay naglalarawan sa sanggol na wala pang isang taong gulang na
abilidad ng isang sanggol na wala pang isang taong makapagsasagawa ng isang matematikal na gawain
gulang na makapagsasagawa ng isang matematikal na tulad ng adisyon, subtraksyon sa isang simpleng
gawain tulad ng adisyon, sutraksyon sa isang simpleng pamamaraan. Wynn1992, 2001)
pamamaraan.
Walang awtor Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na
nauubos ng mga naninigarilyo ay labindalawang minuto
ang nababawas sa buhay ng mga ito(A Fitsful of Risks,
1996,pp.82)
Dalawa o higit pang awtor na may parehong apilyedo Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa
Ayon kina E. Trece at J.W. Trece Jr.,(1977), ang masinop at kontroladong sitwasyon para sa layunin ng
pananaliksik ay pangangalap ng datos sa masinop at prediksyon at eksplanasyon(E. Trece at J.W. Trece
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at Jr.,1977)
eksplanasyon.
Direktang hanguan Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at
Binigyang-diin ni Gleason(1995, sa Bernales, 2009)na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng ng
ang wika ay saing masistemang balangkas na pinili at mga taong nasa iisang komunidad(Gleason, 1975, sa
isaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga Bernales, 2009)
taong nasa iisang komunidad.
Website na walang awtor o hanguang elektroniko Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang
nakamamatay na sakit. Sa mahigit na 20 taon na
nakalipas, ang mga manggamot sa Estados Unidos
ang unang nakakilala ng naturang sakit at kinakitaan ng
unang kaso lalo na sa San Francisco. Sa kasalukuyan,
mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit na HIV-
AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon ang
namamatay sa ganitong sakit sa bawat
taon(http://www.kidshealth.org)
Tandaan! Ang et al. ay pinaikli ng salitang lating et alii(and others). Samakatuiwd, hindi dapat tuldukan ang et. Ang
al. ang dapat tuldukan
PAGBUO NG TALASANGGUNIAN
Isa pang mahalagang kasanayan na dapat matutuhan ng isang mananaliksik ay ang pagbuo ng talaan ng mga
sanggunian bilang pagkilala sa mga pinagkuhan ng datos upang mapatipay ang pag-aaral o pananaliksik. Narito ang
ilang dapat pakatandaan:
1. Taon. Kung mahigit sa tatlong taon na hanguan, gamitin ang pinakabago. Sa hanguang elektroniko, kung
walang taon kung kalian ito opisyal nai-publish, maaaring lagyan ng n.d na ang ibig sabihin ay no date.
2. Awtor. Kung walang awtor ang website, pamagat ang magsisilbing pamalit sa puwesto ng awtor.
3. Pamagat. Malaking titik ang unang letra ng unang salita ng pamagat at ang mga sumusunod ay maliliit na titik
na lamang maliban sa mga pangngalang pantangi.
4. Lugar ng publikasyon. Itala ang lugar kung saan inilimbag ang aklat.
5. Publisher. Itala ang tagapaglathala ng sanggunian.

Tuntunin at Halimbawa sa Pagbuo ng Talasanggunian


1. Simulan sa apilyedo ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor(o buong pangalan kung abeylabol ang
datos)
Kessler, A. Lynn, J., & Harold, J.
2. Isunod ang taon ng publikasyon. Tuldukan.
Kessler, A.2001 Lynn, J., & Harold, J. 1998
3. Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita lamang ng pamagat ang magsisimula sa malaking
titik, pangngalang pantangi at subtiltle na karaniwang sumunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng
pamagat.
Kessler, A.2001. The Gift wrapped in Sorrow: A Lynn, J., & Harold, J. 1998. The Soul of Education
Mother’s quest for healing.
4. Isunod ang lugar ng publikasyon at ang publisher. Paghiwalayin ang dalawa ng tutuldok at tapusin sa tuldok.
Kessler, A.2001. The Gift wrapped in Sorrow: A Lynn, J., & Harold, J. 1998. The Soul of Education.
Mother’s quest for healing. Palm Spring: CA Makati City: Mutya Publising House, Inc.
Publishing.
5. Kung mahigit sa dalawa ang awtor, sundin lahat ng tuntunin maliban sa tuntunin 1 na kailangang ilista ang
awtor at lagyan ng ampersand sa halip na salitang at bago ang huling awtor.
6. Sa inedit na aklat, simulan sa apilyedo ng editor, tuldukkan at sundan ng Ed/Eds sa loob ng panaklong at
sundin ang tuntunin 2,3,4.
Salzman, J.,Darling. S. & Devis, K.(Eds). 2008. Encyclopedia of African American Culture and History. New
York: Greenhaven Press.
7. Sa inedit na bolyum ng isang aklat, simulan sa/mga apilyedo ng editor, tuldukan at sundan ng Ed/Eds sa
loob ng panaklong at sundin ang tuntunin 2,3,4. Isingit ang bilang ng bolyum pagkatapos ang tuntuning ika-3 at
bago ika-4.
Salzman, J.,Darling. S. & Devis, K.(Eds.). 2008. Encyclopedia of African American Culture and History. Vol. 4.
New York: Greenhaven Press.
8. Sa hanguang walang awtor o anonymous, sundin ang tuntunin 3 at sundan sa tuntunin 2 bago ang 4.
Publication manual of the American Psychological Association. 2001. Washington, DC: American
Psychological Association.
9. Para sa mga hanguang elektroniko, sundin ang tuntunin 1, 2 at sundan ng date retrieved, buwan, araw at
taon, sundan sa pamagat ng artikulo/aklat/pdf bago ang URL/linked ng website.
Belsie, H. 2001. Ethics of stem cell research. Retrieved March 08, 2011, from St. Louis University, Center for
Health Care Ethics. Http://www.slu.edu/centers/chce/drummond/belsie.html.

8. PAGWAWASTO AT PAGREREBISA
• I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang dapat iwasto. Pumili ng tiyak na pamagat ng iyong susulatin. Ihanda
ang paunang salita, talaan ng nilalaman at pinal na bibliograpiya. Para sa mga sangguniang nagamit ay huwag
kalimutang magbigay ng pagkilala sa awtor sa pamamagitan ng fotenote at biliograpiya. Mahalaga ang fotenote sa
pagbibigay-kahulugan na nangangailangan ng karagdagang paliwanag.
• Dapat tandaan sa pagsulat ng Biliograpiya:
1. Pagsasama-samahin ang mga aklat,pahayagan,website at iba pa;
2. Isaayos nang paalpabeto ng awtor gamit ang apilyedo bilang basehan;
3. Kung ang naipiling istilo ng pagsulat ng bibliograpiya ay APA(American Psychological Association), sundin ang
pattern na ito.
A. Aklat- 1)Apilyedo, Pangalan. 2)(Taon ng paglilimbag) 3)Pamagat .4) Lungsod ng tagapaglimbag.
B. Artikulo sa Pahayagan o Magasin- 1)Apilyedo, pangalan,2)(Taon ng paglilimbag) 3) Pamagat ng
artikulo. 4)Pamagat ng Pahayagan o magasin, 5) paglilimbag#. 6) (Isyu#), 7)pahina#.
C. Internet- 1)Awtor. 2)(Petsa ng publikasyon) 4)"Pamagat ng artikulo o dokumento". 5) Petsa kung
Kailan siinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa http://.
9. PAGBUO NG PINAL NA DRAFT
▪ Dito inaayos nang higit ang pananaliksik batay sa ginagawang burador at pagwawasto ng adviser o tagapayo.
Higit na kailangan ang pagiging matapat ng mananaliksik dito.
▪ Kailangang basahin muli ang sinulat na pinal na papel para makita na tama ang pagbabaybay, pagbabantas o
ang salitang nawawala.
▪ Sa pagsulat ng draft o burador ay dapat bigyang-halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya kaysa kung
paano ito ilalahad.
Karagdagang kaalaman
▪ Tandaang may tatlong bahagi ang sulating pananaliksik
1. Introduksiyon (Maikli)
Ito ay naglalaman ng: Kaligiran ng paksa, Layunin ng paksa, Thesis statement, Kahalagahan ng
pananaliksik, Saklaw at Limitasyon ng pananaliksik
2. Katawan
(Mas mahaba sa introduksiyon at kongklusyon sapagkat ito ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay
sa iba’t ibang kaisipan)
Ang organisasyon ng ideya sa katawan ay batay paghahati-hati ng ideya sa pinal na balangkas.
Maaaring simulan ang paglalahad ng ideya sa katawan sa pamamagitan ng:
A. Banggitin ang mga naunang pananaliksik tungkol sa paksa at ilahad kung ano ang hindi natalakay ng
mga ito na tatalakayin sa iyong pananaliksik.
B. Ang kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang mahalagang papel na gagampanan ng iyong pananaliksik
tungkol sa sitwasyong ito. Ang mga naunang mga pangyayari o kasaysayan ng iyong paksa patungo sa
mga kasalukuyang pangyayari
C. Mas mainam na nakagrupo ang iyong mga ideya na magkakaugnay sa isa’t isa. Gumamit ng headings
upang pagpangkat-pangkatin ang mga ito. Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
upang maging malinaw ang daloy ng ideya. Mahalaga ang paggamit ng transiyunal devices upang hindi
magulo ang ideyang inilalahad
3. Kongklusyon(Maikli)
A. Nagpapahayag ito ng sintesis, ebalwasyon o paghatol sa mga datos na nakalap na maaaring sumuporta
sa thesis statement na nakasaad sa introduksiyon.
B. Buod ng mga pangunahing ideyang nilinang sa katawan ng pananaliksik
C. Anumang pahayag na nagbubuod sa pananaliksik
D. Pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon.
E. Huwag kalimutang ilahad ang resulta ng pananaliksik
F. Ilahad ang kongklusyon ay balikan ang mga ideya sa introduksiyon at ilahad ang buod kung paano ito
nalinang.
Mga Dapat Isaalang-Alang Sa Anyo ng Akademikong Pagsulat
1. Papel - gumamit ng malinis at magandang uri ng papel na may sukat na 8 ½” x 11”
2. Margin - kadalasang isang pulgada 1” sa itaas , ibaba , kaliwa , at kanang bahagi ng bawat pahina.
3. Pahina ng pamagat
Tandaan:
▪ Huwag isulat sa malaking titik ang pamagat
▪ Huwag maglagay ng mga panipi , salungguhit , o tuldok sa dulo ng pamagat
▪ Ang pangngalang pantangi ay kailangan na nagsisismula sa malaking titik.
▪ Paglalagay ng bilang sa bawat pahina
▪ Paglalagay ng espasyo - Lahat ng sulating akademiko ay may dobleng espasyo sa bawat linya at
margin na 1” sa lahat ng gilid
▪ Indensyon - Kadalasang nasa limang guhit o kalahating pulgada sa pagsisimula ng talata.
▪ Paglalagay ng pamagat
▪ Tipo ng katawan ng sulatin
4. PAGPAPALAWAK 4. PAGTATAYA

Naging malinaw ba ang pagpapaliwanag ng aralin? Kapit pa, malapit ka na sa huling bahagi! Kaya sa puntong
Umaasa akong naintindihan mo ang mga ito sapagkat ito atin nang tayain kung hanggang saan na nga ang
nakarating ka na sa puntong ito. Upang sukatin ang mararating ng iyong kaalaman. Huwag susuko! Tandaan
iyong naunawaan, umarangkada ka na sa mga nasa kamay mo ang sarap ng buhay. Sagutang muli ang
susunod na gawain na nakalagay sa worksheet. Kaya nasa worksheet.
mo’t kakayanin mo! ☺

D.PAGSASANAY E. SUMMATIVE ASSESSMENT

Huminga muna saglit. Hindi masamang magpahinga. Pagbati dahil nakarating ka na sa bahaging ito! Ibig
Upang maging makabuluhan ang oras tapusin na ang sabihin, malinaw na naintindihan ang mga aralin.
gawaing nakahanda sa worksheet para sa bahaging Nang buong katapatan, sagutan ang mga sumusunod
ito. na pagsasanay. Magpatuloy sa worksheet.

F. MINI TASK H. PAGPAPAHALAGA

Magpahinga muna saglit anak. Subuking bilangin ang


mga bituin sa itaas. Kung hindi mabilang magmuni- Isulat mo sa iyong worksheet
muni muna kahit saglit lang. Pagkatapos ay ang iyong napagnilay-nilayan hinggil sa
magpatuloy sa worksheet. araling tinalakay.

Mga Sangngunian:
Dayag, Alma M. and Mary Grace G. del
G. BUOD (2017). Pinagyamang Pluma:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Phoenic
Ang paglinang sa mga kasanayan sa Publishing, Inc.
pananaliksik ay isang biyaya sapagkat Medina, Kulay C and Arjohn V.
mapapakinabangan mo ito sa kahit anong Gime(2018). SIKHAY: Aklat sa
larangan ka nabibilang o maging sa personal o Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
propesyunal na buhay. Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Philipines: St.
Natutunan mo sa araling tinalakay na Bernadette Publishing House,
ang mga kasanayan sa pananaliksik ay may Corporation.
sinusunod na paraan at tamang proseso na
dapat sundin sa pagpili ng paksa, pagsulat ng
balangkas, pagbuo ng tentatibong
bibliyograpiya, konseptong papel, pangangalap
ng datos, pagsulat ng unang draft,
pagsasaayos ng dokumentasyon, pagwawasto
at pagrebisa at pagsulat ng pinal na draft.
Binigyang-halaga rito ang pagsunod sa mga
tuntuning pampananaliksik sapagkat
ipinupunla sa inyong isipan na sa katapusan ng
aralin ay inyong matandaan na kapag kayo ay
bubuo ng isang pananaliksik ay dapat may
kaisahan, kaayusan, matatag,
mapagkakatiwalaan, at magagamit sa susunod
na henerasyon. Ang pananaliksik na inyong
magagawa ay magdudulot ng kapakinabangan.
panahon.

You might also like