Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

DEVELOPED BY SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO

Name: _________________________________Grade & Section: __________________ Score: __________


School: _______________________________Teacher:______________________ Subject: EKONOMIKS 9
LAS Writer: CHRISTINE JOY E. FANAGEL Content Editor: WILMA A. BARCELONA
Lesson Topic: Ang Prinsipyo ng kalakalang panlabas _________Quarter 4, Week 8, LAS 1
Learning Targets: Naipaliliwanahg ang prinsipyo ng kalakalang panlabas (AP9MSP-IVe-16).
Reference: Balitao, B., Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A. and Mondejar, I., 2015
Ekonomiks 10, Quezon City, Philippines, Vibal Publishing Company, pp 453- 456.
________________________________________________________________________________________

Ang Prinsipyo ng Kalakalang Panlabas


Sa isang bansa, hindi kayang matugunan ng local na pamilihan ang pangagailangan ng tao sa mga
produkto at serbisyo kaya nagkakaroon ng kalakalang panlabas sa pagitan ng mga bansa. Ayon sa Oxford
Dictionary of Economics, ang kalakalan ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa
ay tinatawag na kalakalang panlabas na ang pangunahing layunin nito ay matugunan ang pangangailangan ng
tao sa bansa. Ang kakapusan sa mga likas na yaman at mga salik sa produksyon upang makabuo ng produkto
ay nagiging dahilan kung bakit nagaganap ang kalakalang panlabas. Halimbawa, dahil ang Pilipinas ay isang
agricultural na bansa, nagluluwas tayo ng mga produktong agrikultura samantala ang bansa naman ay salat sa
mga produkto tulad ng langis kaya ang bansa naman ay nag-aangkat nito.
Dahil sa mga pagbabagong nagaganap, nagkaroon ng iba’t ibang teorya o pananaw tungkol sa
kalakalang panlabas na siyang nagdulot ng pagkawala ng sistemang barter noong sinaunang panahon. Ang
absolute advantage at comparative advantage theory ay mga teorya na kung saan ito ang nagiging basehan ng
bawat bansa na lumahok sa kalakalng panlabas. Ang pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa pandaigdigang
kalaklan ay tinatawag na export, samantalang ang tawag naman sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo
mula sa ibang bansa ay tinatawag na import.
Ang absolute advantage theory ay teoryang ipinanukala ni Adam Smith na kung saan sinsabi sa
teoryang ito na ang isang bansa ay dapat pagtuuunan ng pansin ang paglika ng mga produkto at serbisyo.
Samantala ang comparative advantage theory naman ay kapag ang isang bansa ay may kahusayan o efficient
sa kanyang produkto o serbisyo kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo. Sa larangan ng kanyang
paghahambing sa ibang bansa, ang bansa ay dapat na magpakadalubhasa sa kanyang produkto o serbisyo at
mailuwas ito sa ibang bansa at mag-aangkat na lamang ng mga produkto o serbisyo na masasabi niyang hindi
pa efficient ang pagprodyus nito.

Gawain: Isulat sa nakalaang patlang ang tamang sagot.


_________________ 1. Tumutukoy sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa.
_________________ 2. Isinasaad ng teoryang ito na ang isang bansa ay dapat na magpakadalubhasa sa
paglikha ng mga produkto o serbisyo ang dapat niyang pagtuunan o
pagkadalubhasaang iprodyus.
_________________ 3. Isinasaad ng teoryang ito na kapag ang isang bansa ay kaya niyang gawin ang
produkto o serbisyo nang mas efficient kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo.
_________________4. Tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan.
_________________5. Tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o serbisyo mula sa
ibang bansa.

You might also like