Professional Documents
Culture Documents
Fil 9 Q4, W1 - LAYOUT
Fil 9 Q4, W1 - LAYOUT
Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG
NOLI ME TANGERE
Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI
ME TANGERE
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Para sa mag-aaral:
ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
ii
i
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
i
v
ALAMIN
SUBUKIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat sa kwaderno ang titik ng iyong
napiling sagot.
Panuto: Pamilyar ba sa iyo ang Noli Me Tangere? Gayahin ang dayagram sa iyong
kuwaderno at isulat sa mga biluhaba sa paligid ang alam mo tungkol sa
salitang nasa gitnang biluhaba.
NOLI ME TANGERE
Panuto: Suriin ang mga larawan. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong nalalaman o
obserbasyon sa bawat larawan.
Larawan 1 Larawan 2
Larawan 3
https://images.app.goo.gl/apYzrX5hokHmae3N8 https://images.app.goo.gl/Q66kv1oHk2WaEsgK6
Larawan 4 Larawan 5
https://images.app.goo.gl/GGuxhNQHVTH21hoA9 https://images.app.goo.gl/342H3tn3H2Xy8YRy8
Larawan Sagot
1 -
________________________________________________
2 -
________________________________________________
3 -
________________________________________________
4 -
________________________________________________ 5 -
________________________________________________
SURIIN
Alam mo ba na ang nobelang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal hindi rito
sa Pilipinas?
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang
siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga
Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya
ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay nananalig sa isang
mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong
yaon.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere"
noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng
pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa
Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle
Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga
aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang
iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa
kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-
samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya
sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang Noli Me Tangere. Ang lahat
ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog
ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista.
Itinulad niya ito sa isang bulok o kanser sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng
isang tao.
Sa simula ng nobela, magandang pag-ukulan ng pansin ang siniping epigrape ni
Rizal, maging ang kaniyang paghahandog. Ang epigrape ay mula sa “Anino ni
Shakespeare” ng manunulat na Aleman na si Freidrich Von Schiller. Mahalaga ang
tanong na iniwan nitong epigrape hinggil sa abang bansang ito, na kinakatha ni Rizal
sa kaniyang nobela: “Ngunit ang tanong ko, Kaibigan/ sinong Dakila ang lilitaw/ Sa
ganitong mga Hamak? Anong/ Kadakilaan ang mangyayari/ sa pamamagitan nila?”
Sa kaniyang paghahandog naman, inilalarawan niya na ang “nakasulat sa
kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan ay isang kanser na may katangiang
napakalubha kaya nagpupuyos sa galit. Munting masaling ay nanggigising ng
matatalim na kirot.” Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong
dinaranas din ng bansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya
at binabata ang lamig at pangungulila: “Nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na
kalusugan din namin, at hinahanap ang pinakamabuting panlunas.”
Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao na naglalantad ng mga maysakit
sa “baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunas ang sinumang dumating
na mananawagan sa Bathala.” Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela.
Nais niyang “ilarawan” ang kalagayan ng bayan “nang buong tapat at walang
pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen ng lambong na “tumatabing sa
karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa ng kaniyang bayan.
Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitong pagtatanghal
ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng lipunan.
-http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan
Mga Gabay na Tanong:
1. Anong kalagayang panlipunan mayroon ang Pilipinas sa kamay ng mga
dayuhang iyon?
2. Bakit kaya isinulat ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
3. Kung ang paraan ni Rizal ay sa pamamagitan ng pagsulat ng nobela, sa paanong
paraan mo naman maipakikita ang pagmamahal mo sa bayan? Patunayan.
PAGYAMANIN
ISAISIP
ISAGAWA
Panatang Makabayan
GAWAIN
Panuto: Unawaing mabuti at ibigay kung sino o ano ang hinihingi ng bawat pahayag.
Kopyahin sa kuwaderno at isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
8-10. Ano-ano ang tatlong lugar kung saan isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me
Tangere?
(simula) (pagpapatuloy) (nalimbag)
11. Ang Noli Me Tangere ay mula sa wikang Latin. Ano ang salin nito sa Filipino?
A. Uncle Tom’s Cabin C. Touch Me Not B. Ang Panlipunang
Sakit D. Huwag Mo Akong Salingin
12. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Noli Me Tangere?
A. Nobela C. Maikling Kuwento
B. Parabula D. Alamat
13. Sa anong sakit inihalintulad ni Rizal ang sitwasyon ng lipunang Pilipino noong
panahon ng mga Espanyol?
A. Hika C. Ulcer
B. High Blood D. Kanser
14. Anong nobela ang naging inspirasyon ni Rizal upang maisulat ang Noli Me
Tangere?
A. Uncle Tom’s Cabin C. Moby Dick B. A Time To Kill
D. The Lawyer
15. Para kanino isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Para sa tatlong paring martir C. GOMBURZA
B. Para sa mga Pilipino D. Para sa mga Espanyol
REFLEKSIYON
SUSI SA PAGWAWASTO
.B 15
.A 14
.D 13
.A 12
.D 11
Nobela 7.
taong gulang 6. 26
Jose P. Rizal 5.
Jose P. Rizal 4.
Uncle Tom’s Cabin 3.
Noli Me Tangere 2.
Noli Me Tangere 1.
Pangwakas na Pagtataya •
.B 15 .D 10 5 .A
.B 14 .A 9 .A 4
.A 13 .B 8 .A 3
.C 12 .D 7 .A 2
.A 11 .C 6 1. B
Paunang Pagtataya •
MGA SANGGUNIAN
http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan https://www.google.com/search?
ei=U3rtXvWNA4jAoASCh4yQDw&q=ang+awit+ni+
maria+clara+lyrics&oq=awit+ni+maria+clara+lyric&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgBMgII
ADIGCAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjIGCAAQFhAeOgQIABBHUJTIA1iB
0gNg6PwDaABwAngAgAH8BIgB9Q6SAQswLjEuMy4xLjAuMZgBAKABAaoBB2d3cy
13aXo&sclient=psy-ab https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers -Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%209%204rth%20Q.pdf
De Leon, J.R., https://www.kapitbisig.com/philippines/songs-written-by-dr-jose-
rizalang-awit-ni-maria-clara-ni-dr-jose-rizal-tagalog-version-of-canto-de-
mariaclara_549.html © 2009-2020 KapitBisig.com Philippines
https://www.slideshare.net/images/jmpalero/filipino -9-kaligirang-pangkasaysayan-
ngnoli-me-tangere\
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa
:
Department of Education
– Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental