Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1|Page

SORSOGON STATE COLLEGE


Magallanes Campus
Magallanes, Sorsogon

MC FIL 1

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL


2|Page

Aralin 1
Inaasahang Matutuhan:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Naisa-isa ang mga bahagi ng pananalita.
2. Naipaliwanag ang bawat pahagi ng pananalita.
3. Nakapaglahad ng mga kaukulang halimbawa sa bawat bahagi ng pananalita.
4. Nakabuo ng mga pangungusap na ginagamit ang mga bahagi ng pananalita, gamit ang katutubong wika

BAHAGI NG PANANALITA

PANGKAYARIAN

Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (Ingles: Part of speech), o kauriang panleksiko, ay isang
lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang
binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang
Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam.
Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pangulong
Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa. Isa na rito ang Makabagong Balarilang
Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may
sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:

Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay


b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

2. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip


b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri

Sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa ito nahahati sa
iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL


3|Page

Aralin 2

SINTAKS

Pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.


Pag-aaral ng palatanungan, palabuuan at talasalitaan, mga pagsasanay tungkol sa pagpili ng maayos na
pangungusap, na may isa lamang maliwanag na kahulugan.
Pag- aaral ng istruktura ng mga Pangungusap
Pangungusap Ayon sa Tungkulin
1. Paturol o Pasalaysay / Declarative - pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag ng isang bagay na paturol o
pasalaysay. Ito ay maaaring nasa karaniwang ayos na gaya ng mga pangungusap na sumusunod. Ang bantas na
ginagamit sa pangungusap na pasalaysay ay tuldok (.).
Hal: a. Siya ay tanghaling dumating.
b. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.

2. Patanong/ Interrogative – pangungusap na nagtatanong ng isang bagay o mga bagay. Gumagamit ng tandang
pananong (?).
Hal: Kailan ang kaarawan mo? Saan nagtungo si Kaye? Dadalaw ka ba sa ospital?

3. Pautos / Imperative - pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang bagay.


Ito ay may dalawang uri.
Hal: Pedro, tawagin mo si Nene. Samahan mo si Lea, Pat.
Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay yaong nakikiusap na gawin ang isang bagay.
Ang uri ng pautos na ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping ipaki at ng salitang maaari.
Hal: Pakibigay mo nga ang litratong ito kay Kathy. Maaari bang buksan mo ang pinto, Nelia?

4. Padamdam / Exclamatory -pangungusap na nagpapahayag ng dikaraniwang damdamin. Ang pangungusap na


ito ay maaaring magpahayag ng malaking galak, takot, o galit, kaakit-akit. Ginagamitan ng tandang padamdam (!).
Hal: Mayaman na ako ngayon! Nakamit ko na ang tagumpay!
Mga Pangungusap na Walang Paksa
1.Pangungusap na Eksistensyal - nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba
pa.Pinangungunahan ito ng may o mayroon.
Hal: May mga turista ngayon sa Baguio.
2. Pangungusap na Pahanga -nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.
Hal: Kay gara ng bago mong damit. Ang bait mo pala.
3. Mga Maikling Sambitla - tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Hal: Aray! Aruy! Ay!
4. Mga Pangungusap na Pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
Hal: alas-tres
malamig ngayon
umaaraw
tanghali na  
5. Formulasyong Panlipunan -mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Hal: Magandang gabi po.
Tao po.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL


4|Page

Mano po.
Makikiraan po.
Aralin 3

Kayarian ng Panaguri

Ang panaguri ay maaring buuin ng isang salita, isang parirala, o isang sugnay.
Panuguring Salita
• ito ay isang salita lamang ay maaaring pangngalan, panghalip, pang-uri, pangabay, pandiwa, o pawatas.
Sa sinasabing isang salita ay hindi isinasama ang mga pananda.

Panaguring Parirala
• ay maaaring pariralang pang-ukol o pariralang pawatas na gumaganap ng tungkulin ng pangngalan,
panguri o pang-abay.
Halimbawa ng pariralang pang-ukol:
1. Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang kumprehensya kahapon.

Halimbawa ng pariralang pawatas:


1. Mag-aaral magmaneho ng sasakyan ang aasikasuhin niya ngayong bakasyon.
• Maari ring gamiting panaguri ang sugnay. Gumaganap ang sugnay ng tungkulin ng pangngalan.

Panaguring Sugnay:
1. Ang sinasabi niya ay ipapadala raw kami sa Malaysia.
Ang mga uri ng panaguri ay mga payak na panaguri.

Kayarian ng Panaguri

• Payak sapagkat may iisa lamang salita, parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit pang salita, parirala,
o sugnay na pinag-uugnay ng pangatnig, ang panaguri ay sanasabing tambalan.
Halimbawa ng panaguring tambalang pangngalan:
1. Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.
Halimbawa ng panaguring tambalang parirala:
1. Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng mga artikulo.
Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:
1. Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at ipasyal mo kami sa Rizal Park.

Kayarian ng Paksa

Ang paksa ay maaari ring buuin ng isang salita, isang parirala, o isang sugnay. Tulad sa panaguri, ang paksang
iisahing salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o pawatas.

Halimbawa ng paksang iisahing salita:


PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL
5|Page

1. Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya.


Maaari ring buuin ng pariralang pang-ukol o pawatas ang paksa. Halimabawa ng paksang pariralang pang-ukol: •
Ang para sa amin ay sa inyo na.

Halimbawa ng paksang pariralang pawatas:


• Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang.

Halimbawa ng paksang sugnay:


• Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas ay hindi mapasusubalian.

Payak na mga simuno ang mga uri ng simuno ng mga nasa halimbawa. Kapag ang simuno ay may dalawa o
higit pang salita, parirala, o sugnay, ang simuno ay tinatawag ng TAMBALAN.

Halimbawa ng tambalang salita:


1. Si Balagatas at si Husing Sisiw ay mga makatang Pilipino.
2. Kahanga-hanga ang mabait, matalino, at masipag.

Halimbawa ng simunong tambalang parirala:


1. Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi pa tinatalakay sa pulong.
2. Libangan ng kanyang may bahay ang magbasa ng mga magasing Tagalog at manood ng pelikulang Tagalog.

Halimbawa ng simunong tambalang sugnay:


1. Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay magbabakasyon ngayong tag-init ay pasyalan mo na.
2. Natitiyak ni danilo na may tao sa bahay ngunit walang tao sa bakuran.

Gawain

I. Gumawa ng isang iskrip patungkol sa nararanasan nating pandemya sa ngayon at gamitan ito ng mga iba’t ibang
istruktura ng pangungusap.
II. Gumawa ng 5 halimbawa ng mga sumusunod:
a. Pangungusap Ayon sa Tungkulin
b. Mga Pangungusap na Walang Paksa
c. Kayarian ng Paksa

Sanggunian

Cid V. Alcaraz, M. O. (2005). Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: LORIMAR PUBLISHING
CO.,INC.

Tiangco, A. O. (2000). Makabagong Balarilang Filipino. Quezon City: REX Printing Company,INC.

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA MCJL

You might also like