Professional Documents
Culture Documents
Buod at Tanong
Buod at Tanong
Buod at Tanong
Kabanata 16
Talata 1 – 2
[pwede pa itong paikliin if you want]
Talata 3 – 4
[pwede pa itong paikliin if you want]
Kabanata 16
Talata 5 – 6
[pwede pa itong paikliin if you want]
Talata 7 – 10
[pwede pa itong paikliin if you want]
Matapos na ilapag ni Sisa ang inihaw na tatlong tawilis sa palayok ng kanin, hinintay
nito ang pagdating ng anak. Habang naghihintay, ipinagdasal ni Sisa ang kaligtasan
ng mga anak sa Birhen at sa Diyos. Matapos, idinaan niya sa pag-iyak ang ginawa ng
asawa at dali-dali namang nagsaing muli at nag-ihaw ng tatlong tawilis dahil alam
niyang gutom ang mga anak nito. Nagsimulang umawit na kalaunay tumigil si Sisa.
Nanalangin ito, nanungaw at tinanaw ang landas na dadaanan ng dalawang anak.
Maya-maya ay mayroong malakas na katok na narinig si Sisa. Narinig niya ang tawag
ni Basilio sa kaniya. Siya naman ay nahintakutan.
Mga Tanong: Kabanata 16
1. Sino ang ina nina Crispin at Basilio? Sino ang asawa nito?
2. Ayon sa akda, paano inilarawan ang asawa ni Sisa? Bakit mo nasabi na ganitong
uri ng asawa ang asawa ni Sisa?
5. Ano ang ibinalita ni Sisa sa kaniyang asawang si Pedro habang ito ay nagbabadya
nang umalis ng bahay?
Kabanata 17
Talata 1 – 5
[pwede pa itong paikliin if you want]
Dumating sa kaniyang maliit na kubong tinitirahan si Basilio nang duguan ang noo
nito. Papasok ng kubo si Basilio nang biglang bumagsak ito at agad namang nasapo
siya ng kaniyang inang si Sisa. Gulat ang ina nitong hindi nakita ang kapatid niyang
si Crispin na dapat ay kasamang nakauwi. Patuloy naman ang pagdugo ng noo ni
Basilio. Hindi maipaliwanag ang di mapawing panlalamig si Sisa dahilan na rin sa
pagtataka nito kung bakit hindi kasama ni Basilio ang kaniyang kapatid. Hindi
magawang umiyak ni Sisa. Natauhan na lamang ito at bigla namang sumigaw.
Pinakalma ni Basilio ang ina at sinabing huwag matakot dahil buhay pa si Crispin at
nasa kumbento ito. Patuloy ang pagtataka ni Sisa kung bakit mayroong sugat ang
anak nitong si Basilio habang yakap at hagkan nito ang anak.
Talata 6 – 10
[pwede pa itong paikliin if you want]
Kabanata 17
Talata 11 – 15
[pwede pa itong paikliin if you want]
Itinanong ni Sisa kay Basilio kung kumain na raw ba ito at mayroon itong inilutong
tuyong tawilis. Wala namang ganang kumain si Basilio at gusto na lamang nitong
uminom ng tubig. Inisip ni Sisa na hindi gusto ni Basilio ang ulam. Isinaad nito na
ipinagluto niya ang magkapatid ng masarap na ulam kaya lang ay inubos ito ng
kanilang ama pagka-uwi. Dahil sa galit ni Basilio, nagtiim ito ng bagang na siya
namang napansin ng kaniyang ina kaya naman ay humingi ito ng tawad sa anak.
Dahil din sa galit nito ay nasabi niya na mas mabuti na lang kung silang magkapatid
at ina na lang ang magkakasama at wala ang ama. Humingi kalaunan ng tawad si
Basilio sa kaniyang ina tungkol sa mga nasabi nito tungkol sa kaniyang ama. Hindi
na napilit ni Sisa na pakainin si Basilio kaya naman ay hinayaan niya na lamang
itong matulog.
Talata 16 – 20
[pwede pa itong paikliin if you want]
Matapos ang pagdadasal ni Sisa, tumabi ito sa anak niyang si Basilio upang matulog.
Hindi naman makatulog si Basilio dahil sa inaalala niya ang kaniyang kapatid na si
Crispin na naiwan sa kumbento. Nang makatulog, napanaginipan ni Basilio ang
kapatid na pinahihirapan ito. Sa panaginip ni Basilio, walang tigil na palo ang inabot
ni Crispin mula sa kura habang hawak nito ng sakristan mayor. Sipa, tadyak, suntok
hanggang mabuwal sa lapag ang natanggap ni Crispin habang ito ay nagsusumikap
na lumaban. Nagsimula nang dumugo ang mga kamay ni Crispin. Nagkaroon naman
ito ng pagkakataon upang kagatin ang kamay ng kura. Nabitawan naman ito ng kura
at agad na kinuha ni Crispin ang pagkakataong paluin ng yantok ang kura. Agad
namang hinampas ng nahagilap na tungkod ng sacristan mayor si Crispin dahilan ng
pagbulwak ng dugo nito sa ulo sanhi ng pagkahimatay niya. Ginising ni Sisa ang anak
nito na umiiyak na sa dahil sa kaniyang panaginip. Agad na tinanong nito kung bakit
umiiyak si Basilio at itinago na lamang ni Basilio ang tunay na panaginip nito.
PAGBUBUOD
Kabanata 17
Talata 21 – 25
[pwede pa itong paikliin if you want]
Hindi na pinilit pa ni Sisa ang anak na i-kwento ang mga panaginip ni Basillio dahil
hindi naman ito naniniwala sa mga ganoon. Ikinuwento na lamang ni Basilio na
napanaginipan niya raw sila na nasa bukid na mayroong mga lalaki at babaeng may
dalang bakol na puno ng uhay ng palay. Tsaka naman isinaad ni Basilio ang balak
nito sa kaniyang ina. Nais niya lamang na mag-trabaho sa bukid at ayaw nitong mag-
sakristan. Balak din daw ni Basilio na pakiusapan si Crisostomo Ibarra na gawin
itong tagapastol ng kalabaw o baka. Pinakiusapan din ni Basilio ang ina na kunin ang
suweldo niya at sabihin sa kura na hindi na ito magsasakristan pa. Makapag-aaral
din daw si Crispin kay Pilosopo Tasyo dahil ito ay mabait at madasalin. Pagsisikapan
din daw ni Crispin ang pagiging isang mabuting pastol upang makahingi ng gatas at
baka mabigyan pa ng buong baka. Ipagbibili naman ni Basilio o kaya naman ay
ibibigay nito kay Crisostomo ang mga makukuhang bungangkahoy. Sa panahong may
sapat nang gulang si Basilio, hihilingin niya na ipagkatiwala sa kaniya ang lupang
maaari niyang sakahin. Masaya niyang sinabi na silang tatlo ay magiging masaya,
magsasama-sama, at magsasalo sa pagkain araw-araw. Masaya naman si Sisa sa mga
balak ng kaniyang anak ngunit mayroon pa rin itong kaunting kalungkutang nadama
dahil hindi kabilang sa mga plano ni Basilio ang kaniyang ama. Muli namang bumalik
sa higaan si Basilio at natulog.
Mga Tanong: Kabanata 16
1. Nang umuwi sa kanilang kubo si Basilio, saang parte ng katawan ito duguan?
o Sa noo
o Nakuha niya ito nang nahuli siya ng isang guwardiya sibili na tumatakas
at sinumulang paputukan ito.
3. Ano-ano ang mga kagamitang kinuha ng kaniyang ina upang gamutin ang
kaniyang sugat?
o Tubig
o Suka
o Basahan
o Pakpak ng gansa
4. Nang makatulog si Basilio dahil sa pagod nito, sino at ano ang pangyayaring
napanaginipan nito?