Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gatdula, Ron Joseph S.

MFE – 1B MARCH 09 , 2020

Of the letters of the Filipinos (Blair, E. H., & Robertson, J. (Trans.). (1903). The Philippine
Islands, 1493-1898 (Vol. 12). Manila.)

May akda:

Si Padre Pedro Chirino , ang may akda ng sulat na Relacion de las Islas Filipinas na
naglalaman ng mga salaysay na patungkol sa kung paano sumulat gamit ang baybayin. Si Padre
Pedro Chirino ay isang heswitang espanyol na naging miyembro ng Society of Jesus sa edad na
23 taong gulang at si Padre Pedro Chirino ay nakapag tapos ng abogasya. Siya ay dumating sa
Pilipinas sa taong 1590 kasabay ng bagong gobernador heneral na si Gomez Peres Dasmarinas.
Noong siya ay dumating sa Pilipinas siya ay naging misyonaro ng mga tagalog at bisaya. Dagdag
pa siya ang naging superior sa Colegio ng Jesuit sa Maynila at Cebu. Nag karoon siya ng
kaibigan na isang gobernador heneral na si Heneral Esteban Rodriguez de Figueroa naingganyo
niya ito ipatayo ang isang Colegio de San Ignacio at Seminario De San Jose sa Maynila.

Ang may akda ay gumamit ng pansilang pananaw sapagkat ang kanyang isa siyang taga-
labas at ang kinakausap niya rin ay taga labas o ang mga Espanyol patungol sa kasaysayan ng
Pilipinas.

Konteksto na Ginagalawan ng Batis Pangkasaysayan:

Kalikasan ng dokumento? (Pampubliko o pambribado)

Pampublikong dokumento ang naratibong ito dahil naglalaman ito ng mga impormasyon
at mga detalyadong salaysay patungkol sa naganap na misyon ng mga Jesuit sa Pilipinas. At ang
ilang salaysay ni Padre Pedro Chirino patungkol sa kung paano ang tamang paggamit ng mga
baybayin at ito ay naglalayong maihatid at mabasa ng publiko noon bago pa man tayo tuluyang
masakop ng mga Espanyol.

Kalian at saan nasulat/ nalimbag/ produs ?


Noong 1602, ang taon nung bumalik si Padre Pedro Chirino sa Roma para manghikayat
ng iba pang Jesuit na magiging misyonaryo sa Pilipinas ito ang naging dahilan niya para masulat
ang mga akdang ito , at noong 1603 ay nag simula siyang isulat ang Relacion de las Islas
Filipinas sa wikang kastila pero ang librong ito ay nailimbag sa taong 1604 na sa kalaunan ay
naging isang pang-akademikong pagsasanay ito ng mga Jesuit na magiging misyonaryo sa
pilipinas.

Kaganapan at kalilangan/tradisyon na umiiral sa nasabing panahon?

Naganap ito sa nasabing panahon, ngunit hindi pa ito lubusang naipapalaganap ng mga
kastila ang kristiyanismo dahil ang mas naunang nakarating ay ang relihiyon ng
Mohammedanismo. Noong dumating ang mga mohametan at ang mga muslim sa parte ng sulu at
Mindanao binago nito ang paniniwala ng ibang tao dito patungkol sa relihiyon. Subalit bago pa
dumating ang mga espanyol sa lugar ng Mindanao at Sulu ay mayroon nang kultura at kaugalian
ang mga katutubong Pilipino .

Sintesis:

Ang akdang ito ay patungkol sa paggamit ng baybayin ng mga taga Luzon at Bisayas
bago pa man tayo tuluyang masakop ng mga Espanyol. Dito inilihad ni Padre Pedro Chirino na
nag karoon siya ng isang lalaking mag aaral na mabilis natuto magsulat at halos mas maganda pa
ang sulat nito kaysa sakanya kaya ang ibang sulat niya, ay pinasulat niya sa kanyang mag aaral.
Ang naratibong ito ay nag lalahad din ng mga madetalyadong salaysay patungkol sa kaibahan ng
pagsulat ng Chinese at Japanese sa atin sapagkat ang pag sulat ng mga Chinese at Japanese ay
nag uumpisa pataas papunta sa pababa at ang pag sulat naman natin ay nag uumpisa sa kaliwa
papuntang kanan at natuto din ang mga Chinese at Japanese sa atin ng tamang pag sulat gamit
ang pluma at papel.

Pagsusuri:

Sino ang kausap? Sino ang nagsasalita?


Si Padre Pedro Chirino ang nagsulat, at siya rin ang nagsasalita sa binasang teksto. Ang
kapwa naman niya Jesuit ang kanyang kausap na nagnanais na mag patuloy ng misyon niya sa
Pilipanas upang mag karoon ng mas malawak na pag unawa patungkol sa Pilipinas . Isinulat ni
Padre Pedro Chirino ang akdang ito para sa mga mambabasa ng espanyol upang mahikayat ito na
mag bigay ng tulong sa misyon ng mga Jesuit dito sa Pilipinas.

Ano ang usapin at suliraning panlipunan at pangkasaysayan na inilahad ng naratibo?

Ang naging usapin sa naratibong ito ay kung paano natuto ang Japanese at Chinese ng
tamang pagsulat at tamang pag gamit ng pluma at papel at kung paano nag babago ang pagbigkas
nito sa pamamagitan ng pag lagay lamang ng isang maliit na kudlit.

Ano ang mga bias na iyong napansin sa pangkasaysayan?

Naging bias ang sumulat dahil mapapansin naman natin na nasa panig siya ng mga
Pilipino kahet na siya ay isang Espanyol. Naging bias din ito dahil mas binigyang diin nya ang
tamang pag gamit ng pluma at papel at tamang pagsulat ng mga Pilipino.

Ano ang layunin ng pagkakasulat?

Upang makapag bigay kaalaman sa mga mambabasa, at makapang hikayat ng iba pang
espanyol upang ipagpatuloy ang nasimulan nilang misyon at mabigyan ng tulong ang mga
misyonaryo sa Pilipinas .

Para kaninong pakinabang ang naratibo ?

Kapakipakinabang ang tekstong ito sa mga Espanyol, upang maliwanag ang kapwa nya
Espanyol kung paano ang tamang pagsulat ng mga Pilipino at tamang pag bigkas ng mga salita.
Naging kapakipakinabang din ang tekstong ito sa mga Pilipino dahil makakatulong din ito sa
mga isyu ng tamang paggamit ng baybayin.

Paano ang paglalarawan ng mga tao sa Pilipinas? Lipunang Pilipino? Kulturang Pilipino?

Base sa kanyang akda inilarawan niya na ang mga Pilipino ay magagaling sumalat at mas
madali o mas mabilis matuto ng tamang pag sulat. Sa kulturang Pilipino, ay may tamang
sinusunod ang mga Pilipino sa kung anong tamang pagsulat na mula sa kaliwa papuntang kanan
at tamang paggamit ng pluma at papel.
Konklusyon:

Ang tekstong ito ay isang representasyon na ang mga Pilipino, bagaman nasa iisang
bansa ay nagkakaroon ng iba’t-ibang kultura. Maaring may mga tradisyon sa ibang lugar na
katanggap-tanggap sa kanila ngunit sa iba naman ay hindi. Nakapag ambag ito sa aking
kaalaman at nag bigay ng maraming impormasyon patungkol sa kung paano ang tamang
paggamit ng baybayin at kung paano nababago ang pagbigkas nito. Mahalaga ang ganitong
teksto dahil minumulat tayo nito sa katotohanan na hindi lang tayo basta isang Pilipino lamang,
Pilipino tayo na may naiaambag din na kaalaman at karunungan sa ibang lugar . Sa pag aaral
maraming mga mag aaral na namamali sa pag gamit ng mga baybayin nais ng may akda na mas
maliwaanag tayo at mas matuto sa kung paano ang tamang paggamit, at hindi lang dapat limitado
ang pag kaunawa natin sa kung ano ang nakagawian at kinamulatan natin.

Sanggunian:

Blair, E. H., & Robertson, J. (Trans.). (1903). The Philippine Islands, 1493-1898 (Vol. 12).
Manila.

Significant daily events in ancient and recent Philippine history. (n.d.). Retrieved from
https://kahimyang.com/

Morrow, P. (2002). Baybayin - Ang Lumang Sulat ng Filipinas. Retrieved from


http://www.elaput.org/chirn17.htm

Chirino, P. (n.d.). Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas. Retrieved from


http://www.elaput.org/chirn17.htm

Chirino, P. (n.d.). Pagsulat at Pagbaybay ng Pilipino. Retrieved from


http://www.elaput.org/chirn17.htm

You might also like