Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:

Ano ang ginagawa mo kapag bakasyon?

Pagtakda ng Layunin:

Ano kaya ang ginagawa ng mga bata sa kuwento kapag bakasyon?

Babasahin ng guro ang pamagat:

Ang pamagat ng ating kuwento ay “Bote Dyaryo”.

Basahin ang kuwento.

Kapag bakasyon, maraming bata ang nag-iisip kung paano kikita ng

pera.

Nagtitinda ng dyaryo si Luis tuwing umaga. Nilagang mais at saging


naman ang itinitinda ni Karen.

“Luis, magkano ang kinikita mo sa pagtitinda ng dyaryo?” tanong ni


Karen.

“Humigit-kumulang sa isandaang piso araw-araw,” sagot ni Luis.


“Ibinibigay ko kay Nanay ang kalahati at inihuhulog ko sa alkansya ang natitira,”
dugtong pa niya. “Ikaw, magkano ang kinikita mo?” tanong ni Luis kay Karen.

“Katulad mo rin. Nakapagbibigay din ako kay Inay at nakapag-iipon pa


ako,” ni Karen.

“Dyaryoooo! Boteee!” ang sigaw ng isang binatilyo na may tulak ng


kariton.

“Malaki rin siguro ang kinikita ng namimili ng bote at lumang dyaryo,


ano,?” tanong ni Karen. “Tiyak iyon,”sagot ni Luis.

Para sa mga batang ito, ang marangal na gawain ay dapat ipagmalaki.

Level: Grade 4

Bilang ng mga salita: 131


303
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang
sagot.
Ano ang ginagawa ng mga bata sa kuwento?

Kumakain sila ng masarap na mais at saging.

Naglalaro sila ng inipong mga bote at dyaryo.

Naghahanap sila ng pagkakakitaan ng pera.

Ano ang ibig sabihin ng “humigit-kumulang sa isandaang piso”?

tiyak ang halaga ng pera

kulang ang halaga ng pera

hindi tiyak ang halaga ng pera

Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang nina Luis at Karen?

Nahihiya sila.

Natutuwa sila.

Nagugulat sila.

Ano-anong mga salita ang nagsasabi tungkol kina Luis at Karen?


Sila ay ___________________________ .
malinis at matipid

masipag at matipid

magalang at matulungin

Alin sa sumusunod ang nagpapakitang marangal ang ginagawa


nina Karen at Luis?
Pinag-uusapan nila ang kita nila.

Ipinagmamalaki nila ang pera sa alkansya.

Nais nilang gumawa ng paraan para kumita ng pera.

Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento?

Mainam kapag nakatutulong at nakaiipon.

Mainam kapag nagtatrabaho habang bata pa.

Malaki ang kita ng namimili ng bote at dyaryo.


304
Pagtatapos na Pagtatasa sa Filipino – SET A (Level Grade 4)

BOTE DYARYO

Kapag bakasyon, maraming bata ang nag-iisip kung paano kikita ng pera.

Nagtitinda ng dyaryo si Luis tuwing umaga. Nilagang mais at saging


naman ang itinitinda ni Karen.

“Luis, magkano ang kinikita mo sa pagtitinda ng dyaryo?” tanong ni


Karen.

“Humigit-kumulang sa isandaang piso araw-araw,” sagot ni Luis.


“Ibinibigay ko kay Nanay ang kalahati at inihuhulog ko sa alkansya ang
natitira,” dugtong pa niya. “Ikaw, magkano ang kinikita mo?” tanong ni Luis
kay Karen.

“Katulad mo rin. Nakapagbibigay din ako kay Inay at nakapag-iipon pa


ako,” sagot ni Karen.

“Dyaryoooo! Boteee!” ang sigaw ng isang binatilyo na may tulak ng


kariton.

“Malaki rin siguro ang kinikita ng namimili ng bote at lumang dyaryo,


ano,?” tanong ni Karen. “Tiyak iyon,”sagot ni Luis.

Para sa mga batang ito, ang marangal na gawain ay dapat ipagmalaki.

Mga Tanong:

1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa kuwento?

a. Kumakain sila ng masarap na mais at saging.

b. Naglalaro sila ng inipong mga bote at dyaryo.

c. Naghahanap sila ng pagkakakitaan ng pera.

2. Ano ang ibig sabihin ng “humigit-kumulang sa isandaang piso”?


a. tiyak ang halaga ng pera

b. kulang ang halaga ng pera

c. hindi tiyak ang halaga ng pera

3. Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang nina Luis at Karen?

a. Nahihiya sila.

b. Natutuwa sila.

c. Nagugulat sila.

4. Ano-anong mga salita ang masasabi tungkol kina Luis at Karen?


Sila ay ___________________________ .
a. malinis at matipid

b. masipag at matipid

c. magalang at matulungin

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang marangal ang ginagawa nina


Karen at Luis?
a. Pinag-uusapan nila ang kita nila.

b. Ipinagmamalaki nila ang pera sa alkansya.

c. Nais nilang gumawa ng paraan para kumita ng pera.

6. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento?

a. Mainam kapag nakatutulong at nakaiipon.

b. Mainam kapag nagtatrabaho habang bata pa.

c. Malaki ang kita ng namimili ng bote at dyaryo.


Gr. 4

Bote Dyaryo

1.c
2.c
3.b
4.b
5.c
6.a

You might also like