Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REHABILITASYON HINDI ELIMINASYON

Aking mga kapwang mga Pilipino, halos apat na taon na tayong di pinapinapatulog ng walang
kamatayang isyu ng War on Drugs, kung saan marami na ang dugong dumanak, at ang mga
pandaigdigang institusyon ay tila nagsusumamo sa ating pamahalaan na itigil na ang kahibangan.
Tila iba na ang landas na tinatahak ng ating bansa, isang landas na taliwas sam ga prinsipyo ng
moralidad at sakop ng batas,isang landas ng dibisyon at pagkakawatakwatak, isang landas na
patungo sa nakaraang kay lupit at kay brutal.
Kapwa kong Pilipino, buksan natin ang ating mata at gumising mula sa isang panaginip na sa
katunayan ay isang bangungot, na nagdudulot ng takot at pangamba sa ating bansa. Huwag
nating pairalin ang takot at pangamba sa ating mga puso, sa halip, puno ng walang pag-
aalinlangan ipahiwatig ang ating mga hinaing sa kinauukulan.
Ang mga indibidwal naguudyok ng ganitong mga isipan ay mga nagbabalatkayong Satanas sa
lupa
Hindi walang habas na kamatayan ang solusyon sa Droga, kundi damayan!
Rehabilitasyon hindi Eliminasyon!
Hindi DAHAS, upang ipakita ang kapangyarihan ng batas!
Hindi kamatayan ang solusyon, upang iligtas ng pamayanan!
Hindi GALIT, upang iwaksi ang drogang kay pait!
Marami na ang nasawi at nadamay sa isyung ito. Huwag nating hayaan na marami pang dugo
ang dumanak. Ang hindi nating pagkilos, ay katumbas sa pagkakaroon ng mga bahid ng dugo sa
ating mga kamay. Kailangan nating wakasan ang walang hanggang siklo ng kamatayan, sapagkat
ito’y magdudulot pa ng kamatayan, at pagdanak ng dugo na walang katapusan.
Ang illigal na droga ang salot, hindi ang mga taong sangkot dito. Hindi sila mga peste na
kailangan tirisin, kung gayon man, tayo mismo ang mga salot sa lipunan kung hayaan natin
umiral sa ating mga isipan ang makitid na paniniwalang at disposisyong ito.
Sa halip na dugo ang dumanak sa mga ulo ng tao, ay mga ideya at kongkretong solusyon ang
dumanak, upang maresolba ang isyu sa droga.
Walang katuturan ang krusada laban sa Droga, kung ang pamamaraan nito ay taliwas sa
estandarte ng moralidad at sangkatauhan, kung ang ating pagtrato sa mga sangkot ay pisteng
dapat tirisin.
Kung gusto nating bumunga ng mabuti ang ating krusada, dapat ang ating mga pamamaraan ay
dapat ksy puri at makatao at hango sa konsepto ng hustisya……… Hustisya ng Diyos at ng Tao!
Jean Christer S. Ibanez
Alexandra Angelie M. Amantillo

You might also like