Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Batman (Ang Pagpapatuloy)

Hello, Spookify. Salamat sa pagtangkilik sa unang parte ng kuwento ni Batman. At sa mga nagtatanong
kung may pangatlong parte pa ang kuwento ni Jayson ay hindi ko pa masasabi ngayon. Ang alaala ng
musmos naming pagkakaibigan ay palaging nasa diwa ko. Ngunit hayaan ninyo akong magpatuloy sa
aking inilalahad na kuwento.

Natapos ang nakakapangilabot na pagbabahagi ng kasama naming PL o Parent Leader sakto sa unang
bahay na aming kakapanayamin. Kung dati ay naghahati kami sa isang sona ng mga kasama ko para
mapadali ang aming trabaho ay hindi na iyon natupad. Halos hindi na kaming apat naghihiwalay at
naghihintayan na lang sa bawat bahay ng 4Ps na kasali sa panayam.

Sa loob ng dalawang oras ay limang bahay pa lamang ang natatapos namin at gahol na kami sa oras.
May sampung bahay pa kaming kailangang puntahan at medyo may mga distansiya pa ayon sa PL na
kasama namin. Kaya sa ayaw at sa gusto naming lahat ay kailangan kaming maghati hati para matapos
namin ang trabaho. May nagboluntaryo pa na isang ginang para sumama sa pag iikot sa Sitio. Sampung
papel ang pinaghatian naming apat. Kaming dalawa ng kasama ko ay napunta sa medyo liblib at halos
ilang metro ang agwat ng mga bahay na dinadaanan namin. Tila sinauna dahil mabato pa rin ang daan.
Samantalang ang dalawa naming kasama ay naiwan sa sentro ng Sitio na kung saan umpukan ang mga
bahay. Hindi kami makaangal dahil nagbunutan kami ng papel at yun ang nakuha namin. Tsk.

Gumayak na kami sa paglalakad. Lahat ay tahimik at tila kinakain ng sariling isipin. Walang masyadong
maririnig kundi ang mga huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa batis na nasa gilid ng daan. Madalang ang
sasakyan at simula nung pumasok kami sa Sitio na iyon ay wala pa akong nakasalubong. Puro kalabaw at
kariton ang nakikita ko. Meron din sigurong habal habal pero hindi ko lamang alam kung dumadaan
doon. Pinipilit kong labanan ang takot na unti-unting lumulukob sa isip ko. Bakit hindi ka tatablan ng
takot? Wala akong tao na nakikita at para kaming pumasok sa gubat na hindi ko alam kung makakalabas
pa ng buhay. Natawa ako sa sarili ko. Tsk. Napalatak ako. Yan ang nakukuha sa kakapanood ng mga
palabas kagaya ng 'Wrong Turn.' Haha.

Pagkatapos ng halos tatlumpung minutong lakaran ay narating namin ang dalawang bahay na
magkatabi. Natapos ang panayam na tila kami hinahabol sa pagmamadali. Ganun na lamang ang
kagustuhan naming matapos iyon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad na tila kaybigat ng bawat hakbang na aking ginagawa. Ang dalawa kong
kasama ay masayang nagkukuwentuhan. Hindi ko masyadong maintindihan dahil naagaw ang pansin ko
ng isang bahay na bato na nakatirik sa gitna ng palayan. Napatigil ako at hinayon ko ng tingin. Matibay
ang istruktura ngunit tila napabayaan. Basag na ang mga salaming bintana. Ang bakod ay kableng may
tinik. May koral at kulungan ng mga hayop sa tabi ngunit bakante.

May naaninag ako sa isa sa mga bintana na anino na tila nakadungaw. Sa malayo ay hindi mo matutukoy
kung tao ba o kurtinang nilipad ng hangin ang nakita ko. Tinatanaw ko ng maigi ang bahay na bato ng
biglang may humila sa akin at natakpan kami ng payong na dala niya. Yung ginang na kasama namin ang
humila sa akin. Sinabi niyang hindi iyon ang bahay na pupuntahan namin kundi sa kabilang ibayo. Tila
ibinabad sa suka ang mukha niya sa pagtataka ko. Bakit? Ngunit nagpatianod ako. Pinilit kong payapain
ang sarili ko at iwaglit ang nakita ko.

Inabot kami ng alas kuwatro bago namin natapos ang lahat ng kailangang kapanayamin. Nagmadali na
kaming bumalik. Kahit wala ng sikat ng araw at hindi naman umuulan ay nakabukas pa rin ang payong ng
ginang na kasama ko. Inaakay niya ako habang kami ay naglalakad. Sa wari ko ay tinatakpan niya ako.
Bakit?

Halos hindi na sumasayad ang paa namin sa lupa sa pagmamadali sa paglalakad. Tiyak kasing aabutin
kami ng dilim sa daan. Bago magtakip silim ay nakalabas kami sa tulong ng ginang at ng PL na kasama
namin. Pinahatid kami sa asawa ng ginang sakay ng kariton na hila ng kalabaw.

Bago umalis ang sinasakyan namin ay bumulong pa ang ginang sa akin sa panggigilalas ko.

"Ne, halion mo ang jacket mo ta natatandaan ka niya. Kursunada ka ni Batman. Hahanapon ka niya."

Sa sobrang gulat at takot ko ay mabilisan kong nahubad ang suot kong jacket. May panloob pa naman
akong T-shirt. Halos gusto ko na ding hilahin ang kamay ni Manong para paandarin na ang kariton para
makaalis na kami sa lugar na iyon.

Sa pag usad ng sinasakyan namin ay kasabay nun ang buntung hininga ko na malalim. Tanging
konsolasyon ko na lamang ay tapos na namin ang Sitio na iyon at hindi na ako babalik.

Puwes, yun ang akala ko.

Marhay na banggi saindo gabos.

Bicolana Oragon

~Donna

You might also like

  • C16
    C16
    Document2 pages
    C16
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C2
    C2
    Document2 pages
    C2
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C3
    C3
    Document2 pages
    C3
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C6
    C6
    Document4 pages
    C6
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C18
    C18
    Document2 pages
    C18
    Juanito Alfonso
    No ratings yet
  • C9
    C9
    Document2 pages
    C9
    Juanito Alfonso
    No ratings yet