Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hello, guys! This is Lei again.

I'm telling the story per episode kaya sorry kung medyo bitin. Hindi naman
po kasi everyday may nagpaparamdam at mas nakakatakot 'yung ganun.

Nadagdagan ang takot ko sa boarding house pero hindi naman ako nagdecide na lumipat kasi I was
comfortable with my boardmates. Mahirap kaya makahanap ng mga boardmates na makakasundo mo.
Nang ikwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, nagpapasama na kami mag-CR sa isa't isa. Minsan pa
nga sumasama talaga sa loob ng CR (kapag iihi lang.)

One night, nagising ako mga hatinggabi. Hindi ko alam ang exact time basta nagising na lang ako kasi
may nagbukas ng main door. Nagtaka ako kasi wala namang susi 'yun dahil sira ang door knob. Sa loob
lang talaga siya pwedeng buksan o i-lock. Nang bumukas ang pinto, nakarinig ako ng naglalakad na
nakatakong. Kinilabutan ako kasi alam kong hindi isa sa amin ang pumasok. Hindi naman kasi kami
umuuwi ng dis oras na ng gabi.

Tinalukbong ko ang kumot kahit pawisan na ako. Naglakad 'yung nakatakong papunta sa kusina at
binuksan ang gripo. Maya-maya, naglakad ulit. This time narinig kong binuksan ang back door kasi
tumunog 'yung kadena. Nakakandado kasi ang pinto sa kusina kaya maririnig mo kung sakaling tumunog
ito lalo na at tahimik ang paligid. Binuksan nito ang pinto at lumabas. Paglabas mo kasi sa pinto sa
kusina, madadaanan mo ang bintana ng mga kwarto kung diretso lang ang lakad mo kaya kinabahan ako
dahil baka dumaan siya sa labas ng bintana namin. Doon pa naman ako nakapwesto sa tabi ng bintana.
Pero biglang tumahimik. Wala na akong narinig hanggang sa makatulog ako.

Ilang gabi ko ring narinig ang pagpasok, paglalakad, at paglabas ng nilalang (hindi ko alam kung anong
klase) na nakatakong. Kinwento ko sa mga kasama ko at mas nadagdagan ang takot nila. Aba, hindi
naman pwedeng ako lang no. 🤣

Saka na nagkwento ang isang boarder sa Room 3 na narinig din niyang nahulog ang mga pinggan at
kutsara mula sa lalagyan pero kinaumagahan ay maayos naman sa kusina at wala rin namang may nag-
mention na nakarinig sila ng ganun. Ilang gabi na rin daw niya itong naririnig at 'yung roommate lang
niya ang pinagsabihan niya.

One night, nangyari ulit. Naalimpungatan ulit ako sa tunog ng pagbukas ng pinto at paglalakad ng
nakatakong. Marahan kong niyugyog ang katabi ko para magising siya.

"Shey, gising. Ayan na 'yung sinasabi ko sa'yo.." Bulong ko. Ilang segundo pa siya bago nagdilat ng mata
at napayakap na lang siya sa akin nang mapatunayan niyang totoo ang sinasabi ko. Siya lang ang gising
ko kasi siya ang katabi ko at ayaw naming lumikha ng ingay.

Pareho kaming nanginginig sa takot at hindi namin alam kung paano kami nakatulog nang gabing 'yun.
Kinaumagahan, sinabi namin sa landlady ang narinig namin. Sinabi ko rin na ilang gabi ko nang naririnig
'yun pero hindi sila naniwala. Kahit pinatunayan iyong ng roommate ko, sinabi ng landlady na guni-guni
lang namin 'yun. Sinabi rin ng boarmate naming taga-Room 1 ang naririnig niya kung gabi pero hindi pa
rin sila naniwala. Nang hapon ding iyon, dinala ng landlady ang aso nila sa boarding house at doon itinali
sa may pinto sa kusina. Nagtaka kami kung bakit nila iyon ginawa.
Nang gabing iyon, hindi kami natulog ni Shey. Inabangan namin ang pagbukas ng pinto. Magkahawak-
kamay kaming dalawa. Tulog na ang tatlo pa naming kasama sa room at hindi na namin sila ginising.
Ganoon ulit ang nangyari. Ang pinagkaiba lang, nung nasa kusina na ang footsteps, tumahol 'yung aso ng
landlady namin. Tumigil lang siya sa pagtahol nang narinig namin ang tunog ng mga bato sa labas,
meaning nakalabas na 'yung nakatakong.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa amin kung sino o ano ang naglalakad na 'yun. Hindi rin kami
pinaniniwalaan ng landlady namin kahit lahat kami nagsasabi na ng mga experiences namin sa boarding
house. Well, I dont know kung hindi siya naniniwala o kami ang ayaw niyang maniwala sa mga naririnig
namin.

Thank you for reading!

-Lei

You might also like