Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAGSULAT SA

PILING LARANG

Inihanda ni:
Maria Theresa C. Yu, STEM 1A

Ipinahanda ni:
Gng. Leosa T. Dela Cruz
Introduksyon

Ang isang mabuting estudyante ay gagawa ng kaniyang mga tungkulin bilang


isang mag-aaral. Gagawa hindi lamang para sa marka kung hindi para sa mga bagay
na maaari pa niyang matutunan sa loob ng paaralan. Ang mga kaalaman na kaniyang
matututunan ay ang mag-gagabay sa kaniya patungo sa magandang kinabukasan.

Ang nilalaman ng portfolio na ito ay koleksyong ng mga awtput sa asignaturang


Pagsulat sa Piling Larang na sakop ng ikatlong markahan. Ito ay isa sa mga gawaing
maglilinang at makatutulong sa akin bilang isang mag-aaral sa pagpapaunlad at
paglilinang ng aking kaisipan.

Pagsikapang malampasahan ang hamon ng pag-aaral ngayong pandemya. Para


sa kinabukasan ng bawat kabataang nakikibaka tulad ko, tuloy lang ang laban!

i
Talaan ng Nilalaman

Introduksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i

MGA AWTPUT
Talambuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2-3
Bionote . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4
Sintesis . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5
Maria Theresa C. Yu, STEM 1A

Ang Aking Talambuhay


Ako si Maria Theresa C. Yu, 17 taong gulang at nag-aaral ngayon sa paaralang
Cristo Rey High School. Ipinanganak noong 2003 ng ika-20 ng Oktubre sa Tarlac. Ako
ang pinakabata sa aming tatlong magkakapatid na si Jeanette at Victor. Ang aking mga
magulang ay sina Jhonson P. Yu at Norieta C. Yu. Kami ay kasalukuyang nakatira sa
Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac.

Isa ako mga kabataang hindi laman ng lansangan, tahimik lamang sa klase, at
matulungin pagdating sa gawaing bahay. Hilig ko ang pagguhit, pagbabasa, at
panonood ng mga anime series at Hollywood movies bilang libangan ko sa loob ng
bahay. Ngunit ngayon na ako ay patuloy na lumalaki, marami akong mga pagbabagong
napapansin sa aking sarili. Mas hilig ko na ngayon ang matulog kapag wala akong
ginagawa at pagdating sa aking mga magulang, gusto ko sila ay laging masaya at
malusog na dati ay wala akong pakialam. Siguro, ito ay dahilan na rin ng pag-aalala
dahil sila ay matatanda na.

Simple lang ang aking mga pangarap sa buhay --- makapagtapos ng pag-aaral,
makahanap ng permanenteng trabaho at makatulong sa aking pamilya. Isasantabi ko
muna ang pagbuo ng pamilya at susulitin ko muna ang mga panahong kasama ko pa
ang aking mga magulang bilang sukli na rin nang kanilang pag-aalaga at pag-papalaki
ng maayos sa akin. Ngunit, ang lahat ng ito ay matutupad lamang kung pahihintulutan
ng Diyos.

1
Maria Theresa C. Yu, STEM 1A
Impact of the COVID-19 Pandemic on Physical and Mental Health in Lower and
Upper Middle-Income Asian Countries: A Comparison Between the Philippines
and China
Inihanda nina:
Michael Tee, Cuiyan Wang, Cherica Tee, Riyu Pan, Patrick W. Reyes, Xiaoyang Wan,
Joseph Anlacan, Yilin Tan, Linkang Xu, Chloe Harijanto, Vipat Kuruchittham, Cyrus Ho,
Roger Ho
Mula sa mga paaralang:
College of Medicine, University of the Philippines Manila, Manila Philippines
Faculty of Education,Institute of Cognitive Neuroscience, Huaibei Normal University,
Huaibei, China
Department of Psychological Medicine, Yong Loo Lin School of Medicine, National
University of Singapore, Singapore, Singapore
Southeast Asia One Health University Network, Chiang Mai, Thailand
Department of Psychological Medicine, National University Health System, Singapore,
Singapore
Institute of Health Innovation and Technology (iHealthtech), National University of
Singapore, Singapore, Singapore

ABSTRAK
Ang mga pagkakaiba sa pagitan ng pisikal at kalusugang pang-kaisipan ng mga taong
naninirahan sa lower-middle-income country (LMIC) at upper-middle-income country
(UMIC) sa panahon ng pandemyang COVID-19 ay hindi pa tukoy. Nilalayon ng pag-
aaral na ito na paghambingin ang antas ng epekto sa sikolohikal at kalusugang pang-
kaisipan sa pagitan ng mga Pilipino (LMIC) at Tsina (UMIC). Ito rin ay upang maiugnay
ang mga parametro na may kinalaman sa mga pisikal na sintomas at kaalaman tungkol
sa COVID-19.

Ang isinagawang sarbey ay nakakolekta ng mga impormasyon tungkol sa datos


demograpiko, mga pisikal na sintomas, kasaysayan sa mga nakakasalamuha, at
kaalaman tungkol sa COVID-19. Ang sikolohikal na epekto ay sinuri gamit ang Event
Scale-Revised (IES-R), at ang kalagayan ng pag-iisip ay sinuri ng Depression, Anxiety,
and Stress Scale (DASS-21).

Kasama sa populasyon ng pag-aaral ang 849 na mga kalahok mula sa 71 mga lungsod
sa Pilipinas at 861 na kalahok mula sa 159 mga lungsod sa Tsina. Ang mga
2
respondenteng Filipino (LMIC) ay nag-uulat ng mas mataas na antas ng depresyon,
pagkabalisa, at stres kaysa sa mga Tsino (UMIC) sa panahon ng COVID-19. Habang
ang mga Tsino naman ay lampas sa cut-off para sa mga sintomas ng PTSD. Sa
kabilang banda, ang mga Filipinong respondente ay mas nag-uulat din ng mga pisikal
na sintomas kahawig ng impeksyon sa COVID-19, mababang kumpiyansa sa mga
serbisyong medikal, kamakailang direkta at di-direktang pagharap sa COVID-19, pag-
aalala sa kasapi ng pamilya sa pagpipigil ng COVID-19, at hindi kontentong
impormasyon pangkalusugan. Sa kaibahan, ang mga Tsinong repondente ay humihiling
ng karagdagang impormasyon tungkol sa COVID-19. Para sa Pilipinas, ang katayuan
ng mga mag-aaral, mababang tiwala sa mga doktor, hindi kontento at mababang oras
ng paggugol sa impormasyong pangkalusugan, pag-aalala sa mga kasapi ng pamilya
sa pagpipigil ng COVID-19, pagpapatalsik, at pag-bagabag tungkol sa COVID-19 nang
hindi kinakailangan ay nauugnay sa masamang epekto sa kalusugan ng pag-iisip. Ang
pisikal na sintomas at mababang tiwala sa sariling kalusugan ay naiuugnay sa
masamang epekto sa kalusugan ng parehong bansa.

Ang natuklasan sa pag-aaral na ito ay nagmumungkahi ng malawakang pagsusubok sa


COVID-19 sa MIC upang maibsan ang mga hindi magandang epekto sa kalusugan sa
pag-iisip sa mga taong mayroong sintomas. Kinakailangan ng Pilipinas ang mas
epektibong edukasyon sa kalusugan upang mapahusay ang mga impormasyong
malalaman tungkol sa kalusugan.

3
Maria Theresa C. Yu, STEM 1A

BIONOTE
Bionote ni Gng. Elita M. Laxamana
Si Elita M. Laxamana ay nakapagtapos ng Bachelor
of Science in Education Major in English sa Holy Angel
University noong 1958, ika-3 ng Abril. Siya ay ipinanganak
sa taong 1958, ika-3 ng Setyembre. Ngayon ay 63 taong gulang at kasalukuyang
nagtuturo sa Cristo Rey High School. Ang kaniyang mga tinuturuan ay apat na seksyon
sa Baitang-7 at isang seksyon sa Baitang-8.

4
Maria Theresa C. Yu, STEM 1A

SINTESIS
Pagkuha ng Kursong Medisina
Mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng trabaho sa hinaharap ang mga
kukuha ng doktor, nars, at iba pang propesyong pangkalusugan dahil sa patuloy na
paglawak at paglago ng industriya sa medisina. Isang patunay na lamang ang
kasalukuyan nating kinakaharap --- ang pandemyang COVID-19.

Sa pamamagitan ng pagkuha ng kursong ito, sigurado na may agarang trabaho


ang naghihintay sa iyo, sapagkat kinakailangan ang mga propesyonal sa medisina
upang isa sa mga tutulong sa pag-sugpo ng mga sakit at isa na ring pangangailangan
ng mga taong nangangalaga sa kanilang kalusugan. Ang mga komplikadong sakit na
kinakailangan ng agarang atensyon at pag-aalaga sa mga bata lalo sa mga may edad
na upang mas mapahaba pa ang kanilang buhay.

You might also like