Gawain 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TAKDANG GAWAIN sa PAGBASA at PAGSUSURI ng IBAT IBANG TEKSTO tungo sa PANANALIKSIK

PANGALAN : _______________________________ MARKA : ________________

ANTAS/SEKSYON : ________________ PETSA : _________________

I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang maisakatuparan ang gawain.

SANAYSAY TUNGKOL SA MGA KABABAIHAN NOON AT NGAYON

Sa pagbabago ng lipunan batay sa progresong nais nitong maabot ay kapunapuna
ang mga batas at alituntunin na nagnanais ng pagkakapantay pantay. Isa
na rito ang pagbabago ng katayuan ng mga kababaihan sa lipunan; binigyan ng
pansin ng pamahalaan ang karapatan ng mga ito na dati’y isa lamang palamuti
sa tahanan.
Sa nakalipas na panahon, ang edukasyon ay para lamang sa mga kalalakihan;
nakatuon ang mga babae sa pagsisilbi sa kanilang magiging kabiyak. Ang buhay
ay umiikot lamang sa loob ng tahanan; sila ay walang boses at karapatan para
ipaglaban ang sarili. Ang posisyon sa lipunan ay pawang sa mga kalalakihan
lamang at doon sa sulok kababaiha’y matatagpuan. Walang karapatang
mangarap at umabot ng sariling kinang na kanyang ikatatampok.
Sa pagkakasadlak ang bagong panahon ay naghudyat ng pagbabago;
nagkaroon ng mga batas para sa pagpapaunlad ng mga natatanging kakayahan
ng mga kababaihan. Ang dating pinapangarap na edukasyon ay nakamit at higit
sa lahat nagkaroon ng babaeng presidente tanda ng kalayaan sa batayang
umapak ng kanilang pagkatao. Ang pagkakapantay pantay ay tuluyang umiral;
nagpasa ng mga batas na mag-iingat sa mga kababaihang inaabuso. Pinalakas
ang kanilang pwersa at tuluyang namuhay ng may dangal, karapatan, dignidad,
at pangarap.
Ang tagumpay ng kasalukuyang panahon ay bunga ng mga pagkakamali ng
nakalipas; sa tulong ng edukasyon at matalinong pag-aanalisa nakabubuo ng
bagong ideya na naglalayon ng kabutihan sa bawat nilalang sa mundo. Mahalin
at patuloy na irespeto ang bawat nilalang sa mundo.

PANUTO :Magtala ng limang salita mula sa tekstong binasa.Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay
ibigay mo ang kahulugan, at sa ikatlong hanay naman ay gamitin ang mga salita sa makabuluhang pangungusap.
Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.

SALITA KAHULUGAN MAKABULUHANG PANGUNGUSAP

II . MGA IBAT IBANG URI NG TEKSTO

A. PANUTO:Kumalap ng isang balita o anunsiyo mula sa diyaryo na lumabas kahapon. Punan ang hinihingi ng
grapikong pantulong gamit ang impormasyong makakalap mula sa balita o anunsiyo. Gupitin o i-print ang balita o
anunsiyo at ipasa ito kasama ng gawain sa ibaba.

Sino?

Ano?
PAKSA

Kailan?

Saan?

Paano?
B.PANUTO:Sundin ang sumusunod na panuto.

1. Magsulat ng pangalan ng isang bagay, tao, lugar, o hayop, pantangi man (hal. Rodrigo R. Duterte) o karaniwan
(hal. pangulo), sa kahon na nasa ibaba.

2. Gamit ang sampung salita na isinulat sa kahon, mag-isip at pag-ugnauganayin ang mga ito upang makabuo ng
isang maikling kuwento na binubuo lamang ng sampung pangungusap.

_______________________________________________________________________________________________

C. PANUTO: Maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na nangangailangan ng iyong pangangatuwiran. Tiyaking

malinaw ang proposisyon at ang iyong mga argumento. Isulat sa inyong sagutang papel ang iyong karanasan sa
bawat sitwasyon.

_____________________________________________________________________________

PAMILYA _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
KAIBIGAN _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
PAARALAN _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
KOMUNIDAD _____________________________________________________________________________