Filipino 8 Q4 Week 1 - Kaligirang Kasaysayan NG Florante at Laura True

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

8

Filipino
Ikaapat na Markahan
Kaligirang Kasaysayan ng
Florante at Laura
(Unang Linggo)

1
Aralin 1 Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
MELC: 1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitang
ng:pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito,pagtukoy sa layunin ng
pagsulat ng akda at pagsusuri ng akda pagkatapos itong isulat. (F8PB-4a-b-33)

Susing Konsepto:

Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar


Si Francisco “Balagtas” Baltazar ay isang kilalang Pilipinong makata at
may-akda. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" o “Ama ng
Balagtasan”. Ang kanyang palayaw ay Kiko. Isinilang ang makatang si Francisco
Balagtas noong ika- 2 ng Abril taong 1788 sa Panginay, Bigaa (Balagtas), Bulacan. Si
Kiko ay bunso sa apat na anak nina Juana dela Cruz, isang maybahay, at Juan
Baltazar, isang panday. Ang kanyang mga kapatid ay sina Nicolasa, Felipe at Concha.
Noong siya ay nasa edad na upang mag-aral, ipinadala siya ng ina sa isang kamag-
anak sa Tondo, Maynila. Labing-isang taon si Kiko nang lumuwas upang mamasukan
bilang utusan kay Doña Trinidad, dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya
pinag-aral siya sa Colegio de San Jose. Ang mga asignaturang pinag-aralan niya ay
Gramatika, Latin, Kastila, Doctrina Christiana at Batas sa Canones. Nagtapos ng pag-
aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Ang kanyang mga asignaturang pinag-
aralan ay Teolohiya, Humanidades at Pilosopiya, naging guro niya si Padre Mariano
Pilapil. Samantala naging guro naman niya sa larangan ng panulaan si Jose dela
Cruz (Huseng Sisiw), isang bantog na makata at mandudulang Tagalog sa Tondo.
Natuto si Balagtas na sumulat at bumigkas ng tula ngunit nagsilbing hamon kay
Balagtas dahil hindi tumulong si Jose dela Cruz sa pag-aayos ng tula sa kadahilanang
wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Namayagpag sa larangan ng panulaan si
Balagtas.

Mula sa Tondo ay lumipat sa Pandacan, Manila. Dito niya


nakilala si Selya o Maria Asuncion Rivera. Naging magkasintahan
sila subalit karibal niya sa pag-ibig si Mariano “Nanong” Capule,
isang mayaman at makapangyarihang pamilya. Ipinabilanggo niya si
Balagtas upang hindi siya makahadlang sa panunuyo sa dalaga. Pinaniniwalaang
dahil sa kabiguan ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at
Laura.
Sa Udyong, Bataan nanirahan si Balagtas matapos makalaya. Dito niya nakilala
si Juana Tiambeng. Ikinasal siya sa edad na 54. Nagkaroon sila ng 11 anak. Dahil sa
may mataas na pinag-aralan si Balagtas ay humawak siya ng matataas na tungkulin
sa Bataan tulad ng pagiging tagapagsalin at tenyente mayor.

Sa lalawigan ng Bataan, muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na


pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan. Lumaban siya sa kaso at naubos
ang kanyang kayamanan sa pag-apela. Paglabas niya sa bilangguan, ipinagpatuloy pa
rin niya ang pagsulat hanggang bawian siya ng buhay noong Ika-20 ng Pebrero
taong 1860 sa gulang na 74.

2
Ilan sa mga akda ni Francisco Balagtas ay ang:

 Orosman at Zafira (1860) Komedya na may apat na bahagi


 Hatol Hari Kaya ( Kundiman)
 Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (Tula)
 Rodolfo at Rosamunda ( Komedya)
 Pagpupuri kay Isabel II, Reyna ng Espana ( tula)

Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong


1838, panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit
na ipinatupad ang sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na
tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol.Dahil sa pagkontrol ng
mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol
sa relihiyon o sa
paglalaban ng Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-moro,
gayundin ang diksyonaryo at aklat-panggramatika. Sa kabila ng mahigpit na sensura
ng mga Espanyol ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit at
ang paglalaban ng mga Moro at Kristyanismo rin ang temang ginamit niya rito
bagamat naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya sa
pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang mensaheng pagtuligsa at pagtutol sa
kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol. Gumamit din siya ng simbolismo na
kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga
pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay
kasasalaminan ng mga naganap na kataksilan, kalupitan at ang kawalang
katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Ang Florante at
Laura ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay
naglalaman ng mga mahahalagang-aral sa buhay tulad ng:

• Wastong pagpapalaki sa anak


• Pagiging mabuting magulang
• Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
• Pag-iingat laban sa mga taong mapagkunwari at makasarili
• Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno dahil sa pinunong
sakim at mapaghangad sa yaman
Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura at hindi mapapabulaanan ang mga
aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling
makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilpino hanggang sa
kasalukuyang panahon.

3
Mga Pagsasanay

Gawain 1
Panuto: Punan ang mapa ng konsepto ng angkop na kasagutan kaugnay ng iyong
naunawaan sa pag-aaral ng kaligirang kasaysayan ng akda.

Layunin ni
Francisco
Balagtas sa
Pagsulat ng
Akda

Mga Gabay na Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kalagayan ng bansang Pilipinas sa panahon na naisulat ang awit na


Florante at Laura?
2. Bakit isinulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura?
3. Paano itinago ni Balagtas sa mga kastila ang totoong kahulugang tinataglay ng
Florante at Laura?
4. Paano nakatulong ang akda ni Balagtas sa paggising na natutulog na kamalayan
ng mga Pilipino?

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
4
5

You might also like