Las 4.5 El Fili

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Aralin 4.

5
Panitikan: EL FILIBUSTERISMO – Si Isagani
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 22: Ang Palabas
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 35: Ang Piging
Kabanata 37: Ang Hiwaga

Gramatika: Mga Salitang Naghahambing

Sanggunian: Mga Aklat sa EL FILIBUSTERISMO

I. Simulan Natin:

A. Ipahayag Mo!

Bigyang-reaksiyon o impormasyon ang mga sumusunod na larawan

1. 2.

4.
3.

B. Ilahad Mo!

Sa pamamagitan ng 3-2-1 chart, punan ang talahanayan tungkol sa pangunahing


tauhan ng aralin

Alam Gustong Malaman Tanong na Nais


Masagot
1. 1. 1.
2. 2.
3.
SINO SI ISAGANI?
Si Isagani ay isa sa prominenteng tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Dr.
Jose P. Rizal. Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at katipan ni Paulita
Gomez. Maliban pa rito, Si Isagani ay isa sa mga estudyanted sumuporta sa
hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang Kastila sa
Pilipinas

Alam mo ba na…
Nakapagtapos si Isagani sa Ateneo Municipal? Siya ay isang makata at manunugma.
Inilalarawan siya bilang malungkutin at tahimik.
Sa huling kabanata ng nobela, si Isagani ang nagtapon ng granadang nakasilid sa
handog na ilawan ni Simoun sa araw ng kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez.
Dahil sa pag-ibig, nagawa ni Isagani na iligtas ang lahat ngunit binigo nito ang
rebolusyong balak ni Simoun.

II. Ating Alamin:


Alam kong handa kang kilalanin ang isa pang tauhan ng El Filibusterismo, si Isagani.
Buhat sa mga kabanatang ito makikilala mo ang binatang si Isagani kung paano niya
inilarawan ang mga kabataan upang magkaroon ng kamalayan sa mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan noong panahong iyon.

SI ISAGANI
Kabanata 2, 14, 15, 22, 27, 35 at 37
Si Isagani na inilarawan bilang may paninindigan, diretsong magsalita, makata,
manunugma, tahimik at malungkutin ay isa sa mga kabataang naglaan ng panahon, talino
upang maisulong ang pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.
Pamangkin ni Padre Florentino na sinasabing dahil sa pagsunod sa magulang ay
nagpari. Si Paulita Gomez ang kaniyang pinakamamahal na kasintahan na sa huli ay
nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Nagtulong-tulong ang iba pang mga kabataan na kasama ni Isagani kabilang si
Makaraig na ibinoluntaryo ang kaniyang bahay upang pagdausan ng klase. Naroon din si
Sandoval na bagamat isang Kastila ay may liberal na kaisipan. Kasama rin si Pecson at
marami pang iba.
Maraming ginawang hakbang upang maisulong ang akademya tulad ng paghingi ng
tulong kay Ginoong Pasta na isang abogado na maging daan upang mapapayag si
DonCustodio sa panukala subalit sinabi niyang isawsaw ang kaniyang daliri sa gayong
kaselang bagay. Pinayuhan pa nga niya si Isagani na kumuha ng medisina, na mag-asawa
ng mayaman at huwag makialam sa bayan at sa pulitika.
Naging malapit din si Isagani kay Padre Fernandez na itinuturing niyang kaiba sa
mga paring Kastila. Itinatangi niya ito kapag ang apri ay inaalipusta.
Si Pepay na isang mananayaw ay kinasapat din ng mga kabataan sa pangunguna ni
Macaraig upang mapapayag din sa panukala ni Don Custodio na sa bandang huli ay
pumayag ngunit may kondisyon na ito ay pamamahalaan ng korporasyong Kastila kung
sakaling hindi magustuhan ng mga Dominikong ianib ang akademya saa pamantasan.
Matapos malaman ang tugon ni Don Custodio, sabay-sabay nang tumindig ang mga bianta
at iniwan ang pagtatanghal.
Samantala, sa kasal ni Paulita at Juanito ay may nagbabadyang pagsabog dahil sa
ilawang lampara at mga pulbura sa iba’t ibang sulok ng bahay at ilalim ng mesa na inilagay
ni Simoun. Nalaman ito ni Basilio kaya’t sinabi niya ito kay Isagani. Nang malapit nang
mamatay ang mitsa ay may aninong kumuha ng lampara at itinapon sa ilog. Maraming
buhay ang naligtas sa maagap na pagkilos ni Isagani.
Naging usap-usapan ang pangyayari at malaking hiwaga kung sino ang lalaking
anino. Mataman lamang na nakikinig si isagani. Walang pagsabog at naiwasan ang
maraming buhay na maaaring nawala.

III. Pag-unawa sa Binasa:


A. Paglinang ng Talasalitaan

Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag:

1. May pakpak ang balita , may


tainga ang lupa
2. Walang lihim na hindi
nabubunyag
3. “Kung gayo’y bakit di unahing
isaayos muna ang sarili?”

B. Unawain Mo!

Sa iyong sagutang papel, ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa mga sumusunod
katanungan.

1. Ano ang mga kaisipang namayani sa akda?


2. Ilahad ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga sa mga kaispang
namayani sa mga kabanata.
3. Paano ipinakita ang kabuluhan ng edukasyon sa aralin? Patunayan ang
kasabihang ang edukasyon ang tanging yamang di mananakaw ninuman.
4. Isa-isahin ang mga ginawang hakbang at sakripisyo ni Isagani at ng iba pang
mga kabataan upang isulong ang pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.
5. Naipakita ba sa aralin ang kabayanihan at karuwagan ng tauhang si Isagani?
Itala ang mga patunay na ito.

C. Pag-uugnay

Ipakillala at suriin ang pangunahing tauhang si Isagani ayon sa sumusunod:


Bilang isang
Pananaw,/s
Katangian at aloobin kabataan at
IV. Pagpapalawak
ISAGANI ng Aralin:
pagkakakilanlan pagmamahal sa
/damdamin
Alam mo ba na… bayan

Ang paghahambing ay dalawa o higit pang pinaghahambing na iisa ang tinutukoy? Ang
tayutay ay isang halimbawa nito. Dalawa sa uri nito ay madalas na ginagamit.
1. Pagtutulad o Simile – isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao,
bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng,

Pagsasanay

Tukuyin kung anong paghahambing ang mga sumusunod:

1. Mayroon siyang mala-porselanang kutis.


2. Kawangis niya ay leon kung magalit.
3. Ang puso niya ay bato.
4. Isa siyang ahas na tumuklaw sa sarili niyang kapatid.
5. Tulad mo ay isang bituing nagniningning.

V. Paglalapat:

Sa panahon ngayon, kanino ninyo maihahalintulad ang isang kagaya ni Isagani bilang mag-aaral o
kabataan? Patunayan.

VI. Paglalahat:

Kahanga-hanga ba ang isang mag-aaral/kabataan/kasintahang katulad ni Isagani? Pangatwiranan.

VII. Payabungin:

Sumulat ng isang paglalarawan ng isang maituturing o kinikilalang bayani ng makabagong panahon.


Ilahad ang kanilang katangian at patunayan.

Pamantayan:
Nilalaman…………………………………….15 puntos
Pagkakabuo…………………………………10 puntos
Gamit ng Paghahambing…………………..10 puntos

Kabuuan………………………………………35 puntos

You might also like