Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LPO1: May bukas na kamalayan, may direksyong pansarili at mabuting huwaran

Ako ay may bukas na kamalayan, direksyong pansarili ,mabuting huwaran at isinasabuhay ang
pananampalataya.
LPO2: Malakas ang loob, Mapanuri, Positibong hinaharap ang mga suliranin
Ako ay malakas ang loob, mapagsiyasat, positibong hinaharap ang mga suliranin at
nagpapamalas ng pagkamalikhain at karisma.
LPO3: Mapagkakatiwalaan, Maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at Aktibong kasapi ng
pamayanan
Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng
pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong
pakikilahok.
LPO4: Malinis ang kalooban, Mahusay, at Magaling sa iba’t ibang larangan
Ako ay malinis ang kalooban, mahusay, at magaling sa iba’t ibang larangan at may kakayahang
ipagpatuloy ang misyon ko sa buhay.
LPO5: Maaruga, Tagapagtaguyod ng Kapayapaan at Pangkalahatang Kaayusan
Ako ay Maaruga, Tagapagtaguyod ng Kapayapaan at Pangkalahatang Kaayusan na ginagabayan
ng habag at pag-ibig sa kapwa

EPO1. Natatasa ang natatanging katangiang pansarili, paraan ng pag-iisip, talento at naipaliliwanag kung
paano mapagtitibay ang kakayahan upang patuloy na malinang ang pagkatuto at personal na
katuparan(L2);
EPO2. Nailalarawan at naipaliliwanag ang mga bagong kakayahan na nalinang bilang resulta ng mga
nagawang proyekto at sariling kusang pagkatuto (L5);
EPO3. Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang kawastuan,
pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi maging ang tono nito at kung paano
ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan ng iba (C1);
EPO4. Nagpapatuloy sa paghahanap ng katugunan mula sa kaalaman ng mapagtitiwalaang indibidwal sa
ganap na kawastuan, kalinawan, katotohanan at tono ng kanilang pakikipagtalastasan at magsanay
sa pagrerebisa at muling pagsasagawa hanggang maging katanggap-tanggap (C2);
EPO5. Nakapagbibigay halaga at tumutugon ng tapat at maayos sa puna/pidbak ng iba tungkol sa
kanilang pakikipagkomunikasyon at pagkilos.C3);
EPO6. Bumubuo ng pagkakaisa at lumilikha ng pagkakaunawaan na naghahatid ng magandang bunga at kaayusan
sa lahat ng kasapi. (C4)
EPO7. Kusang loob na naghahanap ng mga karagdagang impormasyon upang makalikha o makabuo ng
mga bagong unawaan para sa paghahanap ng mga posibleng solusyon sa mga dumarating na
suliranin.
EPO8.Nagpaplano at nagdidisenyo ng mga gawaing may taglay na kariktan gamit ang mga ideya at
kagamitan sa kakaibang pamamaraan.
EPO9. Naglalaan ng oras sa pagpapaunlad ng kasanayan sa napiling larangan upang magamit ng
epektibo sa pagharap sa iba’t ibang pagsubok sa buhay.
EPO10.Patuloy na isinasaayos ang mga mapanghamong adhikain sa buhay na nangangailangan ng tiyaga
, motibasyong pansarili at disiplina na kung saan ay maaaring masubaybayan at mapatotohanan ng iba.

You might also like