Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGYAMANIN

1. Ano-ano ang ginawa nina Kapitan Tiyago at Pia Alba para lamang magkaroon sila ng anak?
Magbigay ng mga patunay mula sa mga kabanata para sa iyong kasagutan.
Ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascal Baylon at Sta.
Clara at sa Nuestra Sra. de Salambaw. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang anak ni
Pia ay pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa
Obando.
2. Paano pinakita nina Ibarra at Maria Clara ang pag-iibigan nila sa isa’t isa bago sila maghiwalay
noong sila ay bata pa? Ilahad.
Ipinakita ni Ibarra ang kaniyang wagas at tunay na pagmamahal kay Maria Clara sa
pamamagitan ng pananatiling tapat sa dalaga kahit sila ay malayo sa isa't isa at hindi niya
kailan man ito kinalimutan o ipinagpalit sa iba.
3. Bakit ayaw anyayahan ni Maria Clara si Padre Salvi sa pagtitipon na gagawin nila? Tama lang ba
na magduda si Maria Clara sa mga ikinikilos ng kura para sa kanya? Bakit?
Oo, sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa
tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria Clara at
mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito.
4. Ano ang ibinigay ni Maria Clara sa ketongin? Kung ikaw si Maria Clara, ibibigay mo rin ba ang
isang mahalagang bagay para sa isang taong kapus-palad? Bakit?
Ibinigay ni Maria Clara ang laket na handog ng kanyang ama. Katulad ng ginawa ni
Maria Clara ibibigay ko ang laket sapagkat mayroong mga taong kapos palad at kinakailangan
ng tulong.
5. Kanino balak ipakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara? Bakit ang binatang ito ang kanyang napili?
Balak ni Kapitan Tiyago na ipakasal si Maria Clara kay Linares sapagkat nakini-kinita
niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si
Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng
mga tao.

You might also like