Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VIII
Dibisyon ng Timog Leyte
VILLA JACINTA NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ESP-7

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1.1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad (Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala
sa mga ito
EsP7PS-Ia-1.1
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
B. Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay
(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at pagiging
mabuti at mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong:
1.Anu-anong mga pagbabagong inaasahan ko sa aking pagdadalaga/pagbibinata?
2.Alin sa mga kakayahan ko ang dapat kong linangin?
3. Anu-anong mga bagay ang dapat ko nang kalimutan o iwaksi? 
C. Sanggunian:
Brizuela, Mary Jean B., Arnedo, Patricia Jane S., Guevara, Goeffrey A., Valdez, Earl
P., Rivera, Suzanne M., Yumul, Benedick Daniel O., Rito, Glenda N., Gayola, Sheryll
T. 2019. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul 13. Published Modules
D. Kagamitan:
Activity Sheet, Coloring Materials, “Star in Action” (Reward System) sa mga mag-aaral
na magbabahagi ng gawain sa harap ng klase, Sagutang papel, bolpen, susi sa
pagwawasto, mga larawan at Powerpoint presentation
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pambungad na panalangin
Pagbati
A. Pangganyak
a. Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang artista noon bata pa sila
hanggang sa sila ay maging ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang
buong klase:
b. “Anu- ano ang inyong napansin sa mga pagbabagong naganap sa mga artistang ito?”
c. Matapos magtawag ng ilang mag-aaral, sasabihin ng guro: “Nais ko rin malaman kung
anu-ano ang mga pagbabagong naganap sa inyo sa pamamagitan ng ating gawain.
Simulan na ito upang makapagbahagi pa tayo ng ating mga awtput.”
B. Paglalahad
1.PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Isahang Gawain: Panuto: Sa iyong activity sheet, itala ang mga positibong pagbabagong
napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng
limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong
palagay ay nagpapakita ng mga kategoryang ito. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong
gabay ang halimbawa sa unang kategorya.
C. Pagtatalakay
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang
kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto
sa paaralan.
D. Paglalapat
Ngayon, ikaw naman:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
1. _____________________________ (Pagdikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
1. _____________________________
2. _____________________________ (Pagdikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
1. _____________________________
2. _____________________________ (Pagdikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa
3. _____________________________ kategorya)
4. _____________________________
5. _____________________________
d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya
1. _____________________________
2. _____________________________
(Pagdikit ng larawan opagguhit ng angkop sa kategorya)
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
IV. PAGTATAYA/EBALWASYON

A. Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa
naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay
nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.

PROFAYL KO, NOON AT NGAYON


AKO NOON (gulang 8-11) AKO NGAYON
Ako Ngayon Pakikipag-ugnayan Hal. Kalaro ko ang aking mga Hal. Karamay ko ang mga
sa mga kasing-edad Kaibigan. kaibigan ko sa mga hinaharap
na suliranin.
Papel sa lipunan bilang babae o Hal. Tungkulin ko ang maging Hal. Nagtatrabaho at nag-aaral
lalaki isang mabuting mag-aaral. ako para makapasok sa mas
mahusay na trabaho.
Pamantayan sa asal sa Hal. Masunurin ako sa utos ng Hal. Sumusunod ako sa batas
pakikipagkapwa aking mga magulang dahil alam upang makaiwas sa suliranin
nila ang mabuti para sa akin.
Kakayahang gumawa ng Hal. Ang aking mga magulang Hal. Ginagawa ko kung ano ang
maingat na pagpapasiya ang nagpapasya para sa akin. alam kong makabubuti sa akin
at sa aking pamilya.

Ikaw naman:
PROFAYL KO, NOON AT NGAYON
AKO NOON (gulang 8-11) AKO NGAYON
Ako Ngayon Pakikipag-ugnayan
sa mga kasing-edad
Papel sa lipunan bilang babae o
lalaki
Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpapasiya

B. Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, isa-isahin at ipaliwanag ang mga
pagbabago sa iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon. Tayain kung
positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa iyong sarili.

V. TAKDANG ARALIN

Linya ng “Profayl ko, Noon at Ngayon”

 Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging pagbabago sa iyo.
Kung hindi ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa positibong pagbabago sa iyo.
Sa iyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing na iyong
ginawa.
Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan?
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?

You might also like