Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418


Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

PAMILYA, MIGRASYON at DISINTEGRASYON


ni: FANNY A. GARCIA

Two years lang ang contract ko, nag-extend ako ng ilang buwan, kaya two years and
six months. Sewer ako, mananahi ng mga party dress. Ang shop ay nasa baba ng mga amo
ko, malaki, parang mansyon hanggang 3rd floor. Sa ibaba ang tahian, pero meron pa silang
tanggapan ng bisita. Saudian ang mga may-ari, pero ang babae ang siyang amo ko talaga, kasi
siya ang nagpapasahod sa akin. Tatlo kaming tauhan sa parlor, pare-parehong Pilipina, doon
na lang nagkakilala. Lahat may asawa na. Ang isa, biyuda, 69 na. Iyong isa, hiwalay, 54. Ako,
44. Inabutan ko na sila roon. Iyong isa, 12 taon na siyang nagtatrabaho roon.
Si Meldy ang nagrekrut sa akin, ang anak ni Soledad. Nagbakasyon siya, gusto ko raw
bang mag-aplay na sewer. Ang kaibigan niya na nagtatrabaho rin sa Saudi ang magpapakilala
sa akin sa may-ari. Ang kaibigan ni Meldy ang naghahanap ng maipapasok sa amo niya.
Photographer si Meldy, sa Saudi din, sa Madina, pero hindi kami nagkita ni Meldy sa
Saudi. Ang Madina ang pinaka-holy country sa kanila, Al Munawara. Iyon ang una kong
paglabas ng bansa. Gusto kong bumalik sa abroad, gusto ko kasing matapos ang bahay namin,
gusto kong makapagtapos ang mga anak ko. Planado ko iyan kahit pa sa unang pag-alis ko.
Talagang plano ko na iyan.
Pag-uwi ko rito, parang sobrang hirap ng buhay. Parang ganito lang ang pera mo, tapos
ubos agad. Siyempre naiisip mo na wala kang trabaho rito, tapos ang asawa mo pa, may
trabaho, wala. Sino ba ang makakaisip na mag-stay rito? Babalik ako doon din mismo sa amo
ko. Bakasyon lang ako ngayon.
Nang nasa eroplano na ako pauwi, excited na excited ako na makita ang mga anak ko!
Nagulat nga ako, kasi ang lalaki na pala nila ng mga anak ko. Nang iniwan ko, maliliit pa! Nang
umalis ako, may dala akong picture, tapos hindi ko nga nakilala! Sa airport, hindi ko nakilala
si Jay, saka si Tricia. Una muna si Jay, siya kasi ang nasa airport. Si Tricia kasi, nasa sasakyan.
Sabi ni Jay, “Ma!” Sabi ko, “sino ka ba?” Tinanong ko, kasi ang tangkad masyado, kasi
tumangkad siya sa lahat!
“Si Mama, hindi ako nakilala,” sabi pang ganoon ni Jay. “Sino iyon, si Cecil?” Pagsilip ko
sa van, si Tricia pala! Ang tingin ko sa kanya, si Cecil na kapitbahay naming dito. “Si Tricia ba
iyan?” tinanong ko pa kay Sarah. Sabi ni Sarah, “Oo.” Ang pinakakilala ko ay si Sarah, saka si
Luis. Kasi sobrang tangkad na ni Jay at ni Tricia. Dalawa.
Pag-uwi, nagulat ako nang makita ko ang bahay, magulo, e. Kasi ako, ang bahay,
talagang nililinis ko. Pag-uwi ko, ang dilim tapos ang gulo! Lahat ng gamit, ang gulo! Ang mga
bangko namin, sira. Ang TV, sira. Halos lahat na ngayon, binili ko. Mga iyan. Nang dumating
ako, wala kang maupuan. Pati mga pinggan, bago. Binago ko na ang lahat, pati linoleum.
Naglinis, naghugas ako ng bahay, hinugasan ko ang lahat. Tinanggal ko ang lahat ng gamit.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Pati lalagyan ng TV, itinapon ko na, kasi inabot daw sila ng ilog. Ang mga luma naming bangko,
pinagtatapon na. Iyang dalawang mahabang upuan, mga bagong bili, saka ang lalagyan ng
TV. Inilagay ko sa itaas iyong sirang lalagyan ng TV. Iyang TV, bago, napanalunan ni Luis sa
raffle sa kanilang Christmas party.
Nang narito pa ako, maliwanag ang bahay dahil mas maliwanag ang ilaw, tatlo. Nang
dumating ako, madilim, iisa ang ilaw, madilim pa. Pinalitan ko. Nang dumating ako, sira ang
relo, bumili ako ng bago. Ewan ko sa kanila. Si Romy naman, lasing nang lasing, iniisip niya,
ang mga nag-aabroad, may asawa doon. Isinaksak niya sa isip niya, kaya gusto niyang
maglasing para pag-uwi, tulog. Sabi ko nga, bakit nagkaganoon? Tapos ang payat niya. Unang
kita ko sa kanya, namamaga pa ang pisngi. Sabi ko, “Ano ba iyang itsura mo?” Sabi ko nga,
“Ang payat-payat mo na, tapos ganyan pa ang itsura mo?” Sabi ko nga, “Ang pangit-pangit
mo!” Sabi ko nga, sana, sa susunod na pag-alis ko, hindi na siya ganyan, isipin na lang kung
paano mabubuo ang bahay.
Pag gabi, dalawa kami, nag-uusap kami. Sabi ko nga, “Bakit ka ganyan?” “Kasi sabi ni
Soledad, pag nag-abroad ka, may asawa ka doon.” Kaya parang naburyong ang utak ni Romy,
tinetext pa ako niyan na may lalaki ako. Ayun, talagang pati silang magkakapatid, ang gulo!
Siyempre, iba ang pakiramdam ko kung bakit nagkaganito. Lagi kong sinasabi, bakit ko
pinabayaan ang mga anak ko? Siyempre, nang narito pa ako, hindi naman ganito. Kasi dati
hindi. Si Romy, hindi naman laging umiinom, kasi lagi ko siyang napipigilan. Kasi walang
pumigil sa kaya ganyan ang nangyari sa katawan, nangayayat, napabayaan. Sabi ko nga, bakit
ganyan? Sabi ko, “Kung maniniwala ka sa mga ganyan, masisira ang buhay natin.”
Ako nga minsan, kapag nananahi ako, minsan natatahi ko ang daliri ko kaiisip sa kanya.
Minsan sa gabi, hindi ako makatulog. Minsan, si Sarah, sasabihin, “Mama, huwag mong
sabihin na sinabi ko.”
Nagtrabaho sa abroad si Meldy, pero wala rin. Ako naman iniisip ko, bago ako mag-
OFW, kung dito ako magtatrabaho, hindi kasya ang kita ko. Naisip ko, kung nasa abroad ako,
masusustentuhan ko ang kanilang pag-aaral. Hindi talaga sapat ang kita ni Romy, minsan lang
ang trabaho. Kagaya ngayon, dalawang araw pa lang ang trabaho mula nang dumating ako.
Kailangang maghanap nang maghanap ka ng trabaho, hindi permanente. Kapag umalis ang
lantsa, wala silang trabaho. Kapag dumating na may sira, saka lang sila may trabaho.
Nagtatrabaho na si Luis, pa-extra-extra sa Inna’s, sa may disco bar. Doon din
nagtatrabaho si Dexter na kamag-anak ni Romy, cook doon. ‘Boy’ si Luis. Pag hindi pumasok
si Luis, si Jay ang pumapalit. Gradweyt na sa hayskul si Jay, sabi niya, sa isang taon pa siya
mag-aaral. Pinag-aral ko sa STI si Luis, nagloko. Si Sarah naman, tapos na ang kontrata sa
Chowking. Malaking tulong na nabibili niya ang mga gustong bilhin para sa sarili niya, pero
pag hindi siya nagbalik sa pag-aaral sa STI, pare-pare-pareho na sila nina Luis at Jay na hindi
nag-aaral. Kaya ako nag-abroad para sa pag-aaral, saka para magawa ang bahay. Ang plano
ko, kung makaipon na ako ng kaunting puhunan, bibili ako ng makina. Kasi nasunog ang
dating makina ko, high speed. Mananahi na lang ako kapag may sapat na akong puhunan.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Kaya kong manahi ng kurtina. Natutuhan ko sa abroad ang pagtahi ng party dresses.
Puwedeng magpaarkila. Sabi ko nga, pag nakaipon na ako nang malaki, hihinto na ako sa pag-
aabroad, iyon na lang ang aasikasuhin ko. Sabi kasi nila, “Babalik ka pa, Mama?” Ayaw na
nilang bumalik ako. Sabi ko, “Paano iyon, pare-pareho tayong nakatanga rito?”
Pag Flores de Mayo, umaarkila ng pansagala. Pang-United Nations Day rin. Dati,
nagpapaarkila na ako. Nagkasunog lang. Kapag may nagpatahi sa akin ng kurtina, puwede.
Ganyan ang pangarap ko. Ayoko ko ring magtagal sa abroad, para iyon sa mga bata. Ayokong
magtagal sa abroad, pero kailangan, may hawak akong pera, iyon talaga ang gusto ko. Two
years ang contract ko, nag-extend. Kapos ako sa pera, kasi nag-aaral si Sarah. Wala rin akong
naipon. Kasi monthly, nagpapadala.
Bongga ang mga party dress na tinatahi ko roon. Nag-uwi nga ako rito. May skill na
ako, pera na lang ang kailangan pag nagnegosyo ako para sa ganito. Ang makina kong high
speed na nasunog, ang bili ko, Ᵽ12,000. Ang high speed, may pang-straight, mayroon ka pang-
zigzag, kailangang magkasama iyon. Kailangan may pera ka, kasi bibili ka ng mga tela. Kung
ilang damit lang, mga Ᵽ20,000, mayroon ka nang puhunan, sa mga tela lang iyan.
Doon ako natutong gumawa ng mga party dress. Marunong na akong manahi pero
simple lang, hindi pa ako gaanong marunong magtabas. Ngayon, talagang alam ko na. Doon
ako natuto sa kasama ko, tinuruan niya ako. Siyempre, pag interesado ka sa ganoon, madali
kang matuto. O ngayon, nahigitan ko pa siya. Pag nagagandahan ang mga customer ko,
binibigyan ako ng regalo. Natutuwa sila sa natahi ko kaya iyong nagturo sa akin, parang
nahigitan ko pa. Tinuruan niya lang ako na magtabas, e, ang mga may katalogo, tapos
gagayahin mo. Minsan naman, pag ayaw nila sa katalogo, “Ikaw na lang,” sasabihin na lang
nila kung paano, ikaw na lang ang magdaragdag ng design. Kayang-kaya ko na. Noong dati,
noong may makina ako, tahi lang ako nang tahi, lalo na pag magpa-Pasko. Dati hindi pa
masyado sa mga damit kaya kurtina muna. Okey naman, kaya lang nasunog ang makina ko
nang magkasunog. May katalogo para sa kurtina, puwedeng pumili ng design na gusto.
Iyon nga ang naisip ko, siguro kapag nakaipon ako, isang balik lang ako sa abroad. Pero
kahit kami nga doon, napapag-usapan namin doon, kapag naumpisahan mong mag-abroad,
hahanap-hanapin mo na ring umalis dahil sa perang iisipin mo. Kasi pagdating dito, mabilis
maubos ang pera, tapos wala kang hanapbuhay. Ang tatanda na nga nila nag-aabroad pa.
Sabi ko nga, “Bakit hindi pa kayo tumigil?” Wala na kayong mga anak na nasa inyo, may mga
asawa na!” Kasi nakahawak na ng pera. Dito, wala kang mahawakang pera. Doon, maghintay
ka lang ng buwan, may sahod ka. Dito maghintay ka, wala.
Ang sweldo naming doon, buwan-buwan, tuwing katapusan. Pero iba ang petsa nila,
Arabic sila. Sa Saudi, 1428 years pa lang, hindi 2008. Sa calendar natin, una tayo kasi, 10 days
bago matapos. Kasi sa kanila, minsan hanggang 29, 30. Tayo, may 31. Ang kalendaryo naming
doon, may nakalagay na English, may nakalagay na Arabic na petsa.
Bago ako umalis, nag-attend ako ng seminar. Nag-pidus ako, para malaman ko ang mga
regulation sa Saudi, iyong mga ganoon lang. Pag nakuha mo na ang certificate, iyon ang
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

pinakaimportante na nanggaling ka sa pagpipidus. Sa Makati ako nagseminar. Pag nagpidus


ka, paalis ka na. Iyon ang rules and regulations sa mga bansang pupuntahan mo – ang mga
dapat mong gawin at hindi dapat. Una, bawal magdala ng mga bawal. Bawal magsutsot, may
pangalan naman, tawagin mo sa pangalan. Huwag kang lilingon. Talagang napakahigpit,
maraming bawal. Pagdating ko sa Saudi, may sumundo sa akin na mga Pilipino. Tinawagan
ko ang employer ko. Sinundo ako ng employer ko, tinanong ako kung marunong ako
magsalita ng Arabic, hindi naman sila marunong mag-Ingles. Kaya hirap na hirap din ako sa
pagsasalita, kasi hindi nila ako naiintindihan, hindi ko rin sila naiintindihan. Dati, mayroon
akong kasamang Pilipina. Hindi ako natutong mag-Arabic kasi kapag kami ang magkasama,
Filipino rin ang salita namin. Pag-alis niya, noon ako nahirapan. Pag sinabi ng babaeng amo
ko na ganito ang kulay ng sinulid, ituturo niya ang sinulid, natututo siya ng Ingles, red. Sa
Arabic, akmar ang red. Tapos sumama na ako sa katulong, sumama na akong kumain. Noon
siyempre ako natutong magsalita ng Arabic. Kasi dati, mag-isa lang ako sa ibaba.
Sa ibaba ng kanilang malaking bahay ang shop, ang kuwarto ko. May sarili akong CR.
Hindi ko nakikita ang labas. Kasi compound, may bakuran na ubod nang laki, ang layo ng gate.
Pader ang nakikita ko sa may bintana. Buong linggo ang trabaho, walang day-off. Pag gusto
mong lumabas, hindi na ibibigay. Pero nakapunta na ako sa mga department store, mga mall
lang. Kasama ko ang katulong, ang babaeng amo namin. Kung may bibilhin kami, sama-sama
kami. Hindi naming nakakasama ang asawa ng amo namin, hindi naman siya ang amo namin.
May sariling bisnes siya, buy and sell. Nagpapatayo sila ng bilding, tapos binebenta nila. Iyong
babae, tahian ang bisnes niya. Ang dami nilang anak, walo. Ang mga may asawa na, hindi na
doon nakatira. Mga 60 na ang mag-asawa, marami nang apo. Iisa lang sa mga anak nila ang
kasama nila, nasa college ang bunso. Pag Biyernes, nagkakasama-sama sila, pero bawal
makita ang mga babae. Ganoon sila, bawal magkita ang babae at lalaki, ewan ko kung bakit
ganoon. Minsan naman, pag may permiso sa bunso ang panganay na anak, puwedeng makita
ng bunso ang mukha ng kanyang asawa.
Nakapantalon ako nang dumating sa Saudi. Pagdating doon, binigyan ako ng abaya,
kulay-itim na isinusuot, tapos nakabandana ka. Okey lang, kasi nakikita ko na marami sa
airport nakaganoon. Kapag nasa loob ako ng compound, hindi ako naka-abaya. Pati ang mga
babaeng amo. Halimbawa, ang nanay mo, puwede mong makitang walang ganoon.
Halimbawa, kung mayroon silang kailangang ipatrabaho sa mga lalaki, magsusuot sila ng
ganoon, nakatago sila. Hindi ako lumalabas ng kuwarto ko, sasabihan ako ng anak ng amo ko,
may lalaki doon sa itaas. Pag umakyat ka, mag-abaya ka.
Nagdala ako ng abaya rito. May retrato ako na kuha sa Saudi, naka-abaya ako.
Nadadapa nga ako doon. Okey naman ang weather doon kahit mainit, hindi naman kami
nagtatagal sa labas, basta pumasok kami agad sa mall, e, di ang lamig na.
Isinasama kami sa mall ng aming among babae para na rin kung may gusto kaming
bilhin. Pag nag-grocery ang amo ko, kasama ako. Pag walang maiiwan sa bahay, halimbawa
kasama nila ang katulong na mag-grocery sila, alam nila na ako lang ang maiiwan, isasama na
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

nila ako. Sasabihin ng amo ko, saan pa tayo pupunta? E, di kung saan-saan pa kami
pumupunta, kung saan mo gustong makakita ng damit. Tapos gabi-gabi may party—iyong
mga chika-chika nila. Magdadamit sila ng magaganda, makikipagkuwentuhan lang sila, naka-
party dress sila, pabonggahan. Ang mga tao doon, para ring dito, oy, ang ganda ng damit ni
ganito, masarap din ang pagkain. Puro babae sila, walang lalaki. Kahit ikakasal ka, hindi mo
makikita ang lalaki. Ang style ng damit, may makikita na ang mga suso, kasi nga puro sila mga
babae sa party. Sabi ko nga, ano ba iyan, bawal makita ang binti pero ang suso, hindi. Binibiro
ko nga iyong mga nagpapatahi, kasi sa labas, dapat na walang makita ang lalaki sa kanila.
Pagdating na nila doon sa pupuntahang party, tatanggalin na ang abaya, kanya-
kanyang sabit ng abaya. Ang mga abaya ang lagi mong makikita, ang nasa loob hindi. Kaya
nga ang iba, naka-pajama lang kung pumunta. Minsan nga naka-pajama, tapos walang panty,
nag-abaya lang, punta na sa mall.
Pero kapag halimbawa sila-silang mga babae, pagandahan na iyan, nakalabas ang mga
ano niyan, hindi sila nakikita ng mga lalaki. Ang mga lalaki naman, nakabukod naman na puro
sila lalaki. Kahit ikakasal ka, ang lalaki, kung pupuntahan na ang mapapangasawa, magsusuot
na ng abaya ang mga babae, e, di hindi rin sila kita. Nakita ko iyan dahil noong ikinasal ang
anak ng amo ko, nandoon ako sa hotel. Kasama ako, kasi baka mamaya, sa sobrang sikip ng
damit, mawawakwak. Ire-repair ko, e, ganoon sila magdamit, sobrang sikip. May nasira ang
zipper, tinahi ko, ginawan ko ng paraan.
Walang overtime doon, kung magkano ang monthly mo. Sa una kong pag-aabroad,
mali ang napirmahan kong kontrata dito. Ganoon ang suweldo, pagdating doon iba. Ang
pinirmahan ko, 1,500 riyal—pagdating doon, 1,000 lang. Sabi ko sa amo ko, bakit ang
pinirmahan ko sa Pilipinas, 1,500? Sabi, pag bumalik ako doon, magiging ganoon na ang
suweldo ko. Sabi ko pa nga, sana totoo. Sabi, natatakot nga sila na baka hindi na ako babalik.
Ayaw niya na hindi na ako babalik kaya tawag nga nang tawag kahit nandito ako. Sabi niya,
bibigyan talaga kita ng 1,500.
Sa iba, may malaking sahod talaga. Kaya lang ganito, umuwi, tapos hindi na bumalik sa
dating amo. Lumipat siya sa ibang amo, 2,000 ang sahod doon. Pero tinatawagan niya ako,
hindi naman mabuti ang among pinapasukan niya. Kasundo ko ang amo ko. Ang sabi niya sa
akin, pag ikaw umuwi, kung gusto mong bumalik, bumalik ka, kasi gamay mo na ang trabaho
mo diyan. Minsan ka lang makatagpo ng magandang amo. Ang mga lalaki doon mga salbahe,
hindi ka nakakalabas ng bahay.
Hindi ko maisip na si Romy ang mag-o-OFW, parang hindi niya kaya. Hindi niya kayang
mag-isa. Dati, may trabaho siya na puwede siyang dumayo sa ibang lugar, parang hindi raw
niya kaya. Pumunta siya sa Palawan pero tatlong araw lang, umuwi na, hindi niya raw kaya.
Pero noong binata pa siya, kaya raw niya. Nang may pamilya na, hindi na niya kaya. Dapat,
isang buwan siya sa Palawan, kaso, umuwi na tatlong araw pa lang, parang hindi raw niya
kaya. Sa lantsa sila nakatira, naggagalapatero—magre-repair ng kung anong sira, halimbawa
nasiraan banda doon, doon sila gagawa. Iyon ang nadadayo.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Ayokong mag-OFW ang mga anak ko. Si Luis, gustong magtrabaho sa Saudi. Sabi ko,
huwag doon, mahirap ang patakaran ng tao doon, mahirap sa Saudi. Hindi bale kung sa open
city—sa lugar ko, hindi open city doon. Pag hindi open city, bawal ang sigarilyo, maraming
bawal. Pag sinabing open city, puwede silang lumabas, wala silang abaya. Pero doon sa lugar
ko, bawal magkita ang babae at lalaki, pero meron din namang ibang parte na puwedeng
magkita ang babae at lalaki.
Si Jay, gusto niyang mag-abroad. Sabi ko, pag nasa hustong edad na siya. Mayroon
akong kakilala, parang nasa factory ng chocolate, may mga waiter. Pag nasa hustong edad na
siya, kasi mahirap pag ang gagamitin mo, e, ibang birth certificate. Kaya sabi ko, pag nasa
hustong edad na. Nineteen pa lang siya. Dapat 21, para birth certificate na niya ang
gagamitin. Hindi kami puwedeng magkasama sa trabaho, bawal, basta bawal sa trabaho ang
magkasama.
Ayokong payagan ang mga babaeng anak ko. Lalaki lang, siyempre sila ang bubuhay sa
pamilya nila. Kasi ang babae, kukunin iyan ng mga lalaki. Itong sina Luis at Jay, kailangang
matuto na rin sila para alam na nila kung paano maghawak ng pera, magbanat ng buto. Hindi
gaya rito, pagastos-gastos. Para matuto rin sila.
Si Sarah, kung talagang gusto niyang mag-abroad, e, di nasa kanya na iyon. Pero sa
sarili ko, ayokong magtrabaho ang babae siyempre. Siguro kung sa ibang bansa, hindi sa
parteng Saudi, iba kasi sa Saudi. Doon sa lugar ko, ayoko. Siyempre, ako nakaranas na, iba
talaga ang estado ng mga tao doon na ibang lahi. May mga nakilala akong Pilipina doon,
nagpatahi ang amo nila. Sabi, pinalo sila ng plantsa. Marami dito na nag-aplay na DH, mga
salbahe ang amo. Sinasabunutan, kinakaladkad sa hagdanan. Matatapang ang mga among
babae. Salbahe ang mga Arabo, may pinasok ng amo, kaya nga siya nag-asawa uli doon para
makaalis na siya. Hangga’t wala kang asawa doon, hindi ka matatanggal sa poder ng amo mo.
Uuwi ka sa bahay ng amo mo. Ayaw na niya kaya nag-asawa siya uli doon. Hindi ko alam kung
nagahasa siya talaga, hindi na naikuwento sa akin. Basta ang sabi lang niya sa akin, kaya siya
nakapag-asawa uli, nakita na lang niya na nakapatong na sa kanya ang amo niya. Marami rin
doon, may asawa dito, may asawa doon. Kasi ang trabaho nila, sa labas. Halimbawa may
shop, tapos nangungupahan sila ng bahay, sila ang nagbabayad ng koryente, lahat. May day-
off sila, may araw sila ng pagkikita.
Pero doon sa amo ko, ginhawa. May kasabay nga ako, Pilipina. Ginhawa, suwerte nga
talaga ako sa amo ko. Sa pagkain, okey ang lahat, kasi parang bodega nga ng pagkain, parang
grocery store, talagang magsasawa ka sa pagkain. Lahat ng ulam, makakain. Pati mga prutas,
lahat makakain mo—mga orange, mga mangga, mga pakwan, ganyan kalalaki! Lahat okey,
walang problema sa pagkain. Iyang mga salad na gulay, maraming gulay. May ref din ako sa
ibaba. Pag may regalong cake ang amo ko, kasi bawal sa kanila dahil may diabetes, dadalhin
sa akin, ilagay mo sa ref mo.
Wala akong masasabing pinakamasayang karanasan sa Saudi, trabaho lang. Pag
nalungkot ako, pag may tumawag sa akin, may problema rito. Minsan iisipin mo, nagpadala
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

na ako rito ng pambayad, magbabayad na naman. Pag nakikita ko ang mga papel ko, ganito
pala ang mga kinita ko sa loob ng dalawang taon.
Nagkasakit ako doon, trangkaso mga ganyan. Siyempre iisipin mo na baka mamatay
ako dito nang nag-iisa. Kasi naka-lock ang pinto, baka walang magbukas sa akin dito ng pinto.
Nila-lock ko, kasi sa ibaba, ako lang mag-isa. Dati, tatlo kami. Iyong isa, nang umuwi nga, hindi
na doon bumalik. Iyong isa, talagang pinaalis ng amo ko, kasi nga matanda na, mga 60 na
pero feeling bata. Marami siyang lalaking ka-textmate, iyong ganoon. Tapos bigla na lang
nainis ang amo ko, marami raw lalaking tawag nang tawag, iba-ibang lahi. Siyempre naririnig
pag nag-uusap, Arabic ang salita, siyempre naiintindihan ng amo ko, e, di pinaalis siya. Kasi
matanda na, 60 na pero feeling bata. Sabi ko, ilang taon ka na? Sabi niya, 32. Aba, mas
matanda pa ako sa iyo! Tawa nang tawa ang amo namin pag naggaganoon kami. Ayaw pang
umalis nitong si ‘feeling bata,’ 12 taon siya doon, kaya lang pinilit siyang pauwiin noon. Siya
iyong biyuda. Ang nagturo sa akin na magtabas, iyong hiwalay sa asawa, taga-Binangonan.
Siya ang nagturo sa akin na magtabas, kailangang gumawa ka ng padron, ganito, ganyan.
Natutuhan ko naman.
Hindi naman ako nagkaroon ng masamang panaginip o bangungot. Basta siyempre
bago ako matulog, nagdadasal ako talaga. Siyempre, mag-isa lang ako doon.
Dati may roaming sim card ako. Araw-araw text. Na-close ang ‘roaming’ ko, sandali ko
lang nagamit. Basta tinatawagan ko sila, kinakausap ko sa cellphone. Hindi sa sulat, walang
sulat. Talagang cellphone lang. Text saka tawag, ganoon lang. Mas mura doon, kasi riyal,
matatawaran mo. May araw na halimbawa Friday, may discount, imbes na three minutes,
magiging five minutes. Halimbawa pag 50 riyal ang bibilhin mo, mahaba na iyon, hindi mo
naman mauubos sa isang tawag iyon kapag araw ng Biyernes. Kaya minsan, lagi kong
natatawagan si Sarah. Ang Daddy nila, laging lasing. Nagseselos naman kay Sarah, “Puro ikaw
na lang ang tinatawagan,” ganito, ganyan hanggang sa umuwi ako. “Bakit laging si Sarah lang
ang tinatawagan mo?” Minsan nakasanla pala ang cellphone niya, text ako nang text, wala
pala ang cellphone niya. “Paano naman kita tatawagan, minsan nga, operator lang
nagsasalita!” Iyon pala, nakasanla ang cellphone. Sabi ni Sarah sa Daddy niya, “Nanaghili ka
pa, nasaan ba ang cellphone mo?”
Mula nang umalis ako, hindi naman bumaba ang grades ni Sarah. Si Jay, parang
bumaba, parang nagloko. Pero iyong dalawang babae, okey. Wala akong pabo-paborito. Pero
kay Romy, mukhang si Luis, kasi lahat ng gusto, nasusunod. Kamukha ni Romy si Luis,
panganay na lalaki, kasunod ni Sarah. Si Luis din ang paborito ng lolo’t lola nila. Paborito ni
Romy si Luis, kahit sinasabi naman niya wala siyang paborito. Kasi, ang gusto ni Luis, maipipilit
niya, masusunod niya pa rin kahit na sinabi nang walang ganoon, wala! Pag iba ang kumulit,
wala talaga. Ako, parang pantay lang.
Nitong umuwi ako, nalaman ko na nasaktan ni Romy si Tricia, lasing si Romy. Kasi si
Tricia, madaldal, sinasagot ang ama. Sabi ni Romy, kasi pagod na siya, sinasagot siya,
minumura pa! Sabi ko, “Dati naman, hindi naman nagmumura iyang mga anak mo!”
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Bago ako umalis, ako lahat ang nagtatrabaho sa bahay, lahat. Dahil aalis na ako, sabi
ko, magtulong-tulong kayo. May maglalaba, may mamamalantsa. Si Tricia, mas may
ginagawa kaysa kay Sarah. Kahit sa pera, si Tricia, siya ang may hawak ng baon. Kasi si Sarah,
kaya nila. Si Tricia, hindi nila kaya. Pag sinabi ko, pag hindi pumasok walang baon, hindi talaga
ibibigay ni Tricia, hindi nila mapilit. Kahit na si Romy, hindi nila kaya iyan.
Nang wala na ako, ang sakit ni Luis, sa ngipin. Si Jay, nagsasakit ang ngipin. Sabi ko
ipabunot, tapos magpapustiso.
Wala akong maalalang masasabi kong special occasion na masayang-masaya ako bago
umalis. Wala nga, e. Bago ako umalis, sa paglakad-lakad ko lang napunta ang pera. Pagod ako
noon sa kalalakad.
Pag Pasko, pinapaldahan ko sila ng pera. Lima sila. Apat ang anak ko, isa kay Romy.
Lahat sila, may kanya-kanyang pambili ng damit. Mayroon na silang panghanda hanggang
Bagong Taon.
Nang nasa abroad na ako, naggradweyt sa elementari si Tricia. Nitong bago umuwi,
naggradweyt sa hayskul si Jay. Si Sarah ang nag-attend sa graduation. Basta ako naman, pag
tumawag kung kailan ang graduation, heto ang pera panggastos. Kahit nang isasagala ni
Tricia, “O, Mama, isasagala ako,” papadalhan ko, “O, heto ang pang-arkila mo. Heto ang
pangmeyk-ap mo.” Pag may birthday sa kanila, ganoon din. Basta may bukod-bukod na
panggastos. Hindi na ako pinapadalhan ng mga retrato. Mahirap kumuha ng sulat sa post
office. Kung sino ang pinadalhan, iyon mismo ang kukuha, ayoko nang pumunta sa post ofiice,
problema pa. Mahirap lumabas.
Hindi rin ako ang nagpapadala sa Pilipinas ng pera ko, ang amo ko. Dati, sa driver ako
nagpapahulog. Ang amo ko ang tatawag sa driver para siya ang magbigay. Hindi kasi
puwedeng makausap ang driver. Ang driver ang maghuhulog. Hanggang sa nawalan pa ako
ng pera, naitakas ng driver ang pera ko. Ᵽ17,000 sa pera natin. Tumakas ang driver,
Indonesian. Kasama niyang tumakas ang katulong sa kabilang bahay. Kasamang nawala ang
pera ko. Hindi binayaran ng amo ko samantalang siya ang nagbigay sa driver. Nawalan ako
ng pera, pang-enrollment yata ni Sarah iyon.
Labas sa perang gamit niya sa pag-aaral niya, walang hawak na pera si Sarah. Si Tricia
ang naghahawak ng perang padala ko. Si Sarah kasi, hindi niya makaya. Sasabihin niya sa akin,
naku kinuha ni ganito. Sabi ko, “O, ibigay kay Tricia.” Alam ko kasi na hindi makaporma si Jay
kay Tricia kaya ang baon ni Jay, si Tricia ang may hawak. Pag ibinigay sa kanila nang buo,
mauubos agad. Hindi pa tapos ang buwan, wala na. Ngayon, pag humihingi ng baon nila, hindi
makaporma. Pag hindi pumasok, obligado walang baon. Si Romy, kay Tricia rin ibinibigay ang
suweldo. Hindi sila makaporma, mahigpit kasi.
Mga Problema? Ang problema ko, pera, iyon lang naman ang poproblemahin ko doon.
Ang mga anak ng amo ko, may mga katulong din silang mga Pilipina. Minsan pag araw ng
Biyernes, wala silang kasama, sa kanila ko sinasabi kung may pinoproblema ako.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Itong mga anak kong babae, pag may problema sila, minsan, ang takbuhan nila, si Tiya
Lolet, lalong-lalo na si Ate Zeny nila. Sina Luis at Jay, diyan din kina Tiya Lolet. Pag problema
sa pera, utang sa tindahan, utang kung saan-saan.
Ang asawa ko, sabi, huwag ka nang bumalik. Ang nasa isip, ang panlalalaki ko. Ang mga
anak ko, ayaw nila akong umalis. Takot sila sa ama nila, kasi si Daddy, ganito, lasing. Pero
sinasabi ko, kung nandito ako, wala tayong pera, ganito lang. Si Luis, gustong matapos na
talagang maipagawa ang bahay.
Si Romy, natatakot na manlalaki ako. Paano ko maipapagawa ang bahay kung dito lang
ako? Ibinibilin niya sa akin, “Basta ako, huwag mo akong lolokohin.” Niloloko ko nga, “May
text ka pang nanliligaw. May nililigawan ka ba?” Natatawa lang siya, “Hindi, sa mga anak mo
iyan!”
Si Sarah, sabi niya, “Mama, huwag ka nang umalis.” “Bakit ayaw mo naman akong
paalisin? Bakit mag-aasawa ka na ba?” “Hindi,” sabi niya. Sabi ko, “Kailangang umalis pa ako
nang mga dalawang taon pa. Pag nakaipon na ako ng pera, baka hindi na rin ako umalis.”
Si Luis, sabi rin niya, huwag na raw akong umalis. Lasinggero raw ang tatay niya, walang
mag-aasikaso. Pero nang sinabi ko na walang pera, “Sige, ipagawa mo iyang bahay.” Okey na
rin sa kanya.
Si Jay, ganoon din. “sige, Ma, mag-abroad ka. Gusto kong mag-aral.” Sige kung ano ang
kaya ko, pagkatapos ng ate mo.” Gusto rin niyang mag-aral, kaya lang ang problema, hindi
niya nakuha ang card niya. Aalis ako ngayong June 13. Wala akong pera. Pag-alis ko, hindi
muna siya mag-aaral. Sabi ko kay Jay, “Sa second sem ka na mag-aral. At least, may pera na
ako noon, kumikita na ako.” Hindi ako puwedeng mag-advance sa amo ko, parang hindi pa
nila na-experience ang ganoon. Parang wala pa akong narinig na ganoon. At saka ayaw ko rin
magganoon. Parang nakakatamad naman ang trabaho ka nang trabaho, tapos wala ka nang
matatanggap.
Gusto kong maipaayos ang aming bubong, wala pang biga sa gilid. Gusto kong
mabuhusan muna ng semento ang mga biga. Pampatigas ng bahay ang mga biga. Tinanong
ko kay Romy kung magkano ang para sa biga, sabi niya, Ᵽ10,000, puwede na. O kaya Ᵽ20,000,
kasama na ang mga bubong. Ako rin ang nasusunod kung ano ang gusto ko sa bahay, paano
ang ganito, ganyan. Kung saan ang hagdan, ako rin ang nagtuturo sa kanya. Kasi kung siya
lang, wala! Nang humingi ng pangyero, binigyan ko ng Ᵽ5,000, bulok na yero ang binili! E,
paano ka naman niyan, iisipin mo, maganda na ang bahay mo, may pinadala ka nang pera.
Pagdating ko, pagtingala ko, kita pa rin ang langit! Parang ayoko nang magtiwala!
Kaya nga nang dumating ako, nakamagkano ako sa aming linya ng tubig. Dati, ang hina-
hina ng tubig. Nilakihan ko ang tubo, ang liliit kasi, dugtong-dugtong. Naka- Ᵽ1,000 plus ako
sa tubo pa lang. Sabi ni Romy, kasi walang pera kaya ganito lang, dugtong-dugtong. Ang pinto,
gusto ko plastik. Kahit bumaha, hindi agad mamamaga, hindi tulad ng plywood. Inaabot kasi
ng baha itong ibaba ng bahay. Mainam ang plastik. Ang hamba, plastik. Ang pinto, plastik.
Ayos na ‘ka ko iyan. Isisin mo lang, hindi nabubulok. Kasi nga, kung kahoy iyan, may
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

pagkabulok pa iyan. Si Romy, humihingi ng pambubong daw, kasi raw may tulo. Nagpadala
ako bago ako umuwi. “Ang lumang bubong, lagyan mo ng bubong sa labas. Para pag umulan,
hindi papasok dito.” Palalagyan ko nga ng third floor kaya lang kahoy na lang ang third floor.
Kakahuyin na lang ang dingding—para kwarto ng mga lalaki. Karpintero si Romy pero kapag
hawak niya ang pera, ewan ko ba kung saan dinadala. Siya ang nasusunod, kaya ayun…
Ngayong narito ako, e, di feeling nanay uli, linis, laba….
Sa bahay ng amo ko, may agahan na. Pag gusto mong magluto, puwede kang magluto
kung anong gusto mo. Halimbawa, gusto mo ng pagkaing Pilipino, magluto ka.
Tapos sa tanghalian, tatawagin nila ako. Sa hapunan, doon din, tatawagin nila ako sa
itaas. Walang problema sa pagkain, libre.
Dahil nasa abroad ako, pag may problema sa iskul, si Sarah ang ‘nanay’. Pagkagaling sa
trabaho, nagluluto si Romy. Pag tanghali, bumibili yata sila ng luto na. Si Tricia ang naglalaba.
Si Sarah ang nagpaplantsa. Pagalitan ang kailangang pagalitan, pare-pareho silang
pinapagalitan ng Daddy nila. Minsan, ang tatay nila ang pinapagalitan nila. Ang bunso ko,
pinapagalitan ang Daddy niya.
Papel ko naman talaga ang magluto dito sa bahay. Nagluluto ako ng menudo, iyong
masasarap na paborito nila. Ang ayaw lang nila, isda. Sabi nga ni Romy kanina, “Hindi na ako
nakakatikim ng menudo. Hindi ako marunong magluto.” Pero hindi pa ako nakakapagluto ng
menudo. Sabi ko, “Sige, pag sumahod ka, magluluto tayo niyan.”
Hindi na ako makapagsimba sa Saudi. Bawal nga ako doon sa lugar ng amo ko kasi
Christian ako, hindi Muslim. Sinasabi nga nila na maging Muslim na ako. Hindi nila ako mapilit
na mag-Muslim. Sinasabi ko lang, “Shala.” Ibig sabihin ng shala, parang sagot na walang
totoong sagot.
Sa unang Pasko ko sa abroad, siyempre, naiisip ko ang pamilya ko, pero siyempre
masaya na rin ako na mabigyan ko sila ng pamasko, iyon ang feel ko. Walang Pasko doon.
Ang sa kanila, Ramadan—September o October. Ang mga iba, hindi nagtatrabaho pag
Ramadan, isang buwang hindi kakain ng kanin. Ako, nagtatrabaho.
May kanin din doon, nakahalo ang ulam. Pag gusto naming kumain ng pang-Pilipino,
may katulong na Pilipina. Pag sinabi niya, “Ate, gusto mo ng pagkain natin?” e, di, “Oo, sige!”
Ang ulam doon na talagang Arabo e tupa, may halo. Masasarap naman ang mga
pagkain nila. Ang ayoko lang, iyong ang tawag nila, e, molokiya, may saluyot na durog,
kalapot-lapot, hindi ko makain. Pero mahilig sila sa salad. Iyong salad na gulay, malakas akong
kumain noon. Kasi high blood ako, e, kaya kailangang kumain ako noon.
Pag nakaramdam ako na bumibigat ang dibdib ko, iyong bawang, hinihiwa ko nang
maliliit, tapos iniinom ko. Iyon ang turo nila sa akin doon. Dudurugin ko lang iyon, tapos
iinumin lang. Ganoon ang ginagawa ko, araw-araw iyon.
May impresyon na pag umuwi ang OFW, maraming pera. May mga lumapit, sabi ko,
wala. Alam naman nilang monthly, may dumarating, hinahatid dito, door-to-door. Malayo pa
ang uwi ko, sinasabi ko sa kanila na wala akong dalang malaking pera kaya alam na nila.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Hindi lang pagtahi ng party dresses ang alam ko. Halimbawa, basket na lalagyan ng
mga design na mga tela. Dati nga, hindi ako gumagawa noon. Tapos, gumawa ako ng mga
tanggap na lalagyan ng panty at bra. Tapos, mga lalagyan ng sapatos, iyong plastik. Marami
akong ginagawa doon, hindi lang damit.
Ang background ko sa makina ay noong dalaga pa ako, nag-aral ako ng makina, sa high
speed. Six months iyon. Nang natuto akong magpatakbo, hindi na ako pumasok, nag-aplay
na ako sa pabrika, doon ako nahasa. Ang nanay ko ang nagpaaral sa akin ng pananahi.
Sa abroad, natuto rin akong gumawa ng seat cover. Pag bumili ng seat cover ang amo
ko, nakikita ko na siyempre kung paano gagawin ang design. Nagsimula noon sa bangko,
marunong ka ba niyan? Sabi ko, subukin ko, konoberan ko ang mga bangko sa kainan,
nagustuhan niya. Eto na, may nagpapatahi na, bandang huli, hindi ko na kaya iyan! Gumawa
na rin ako doon ng kurtina. Pag sinabi mong marunong ka, pagagawin ka nang pagagawin.
Pare-pareho pa rin ang suweldo.
Twelve to 12 ang aming trabaho. Alas dose ng tanghali hanggang hatinggabi. Pero hindi
naman ako tuloy-tuloy, nasa akin naman ang oras ko. Walang day-off. May nagsasabi sa akin
na puwede kong ireklamo iyon pero ayoko ko. Sabi nila, panalo ako halimbawang nagreklamo
ako. Marami nang nagsusulsol sa akin, bibigyan ka niyan. Sabi ko, huwag na, kaya nga lagi
kong dala ang kontrata ko. Doon makikita, nandoon lahat ang pinirmahan ko.
Pero sinabi ko sa amo ko, mabuti pa sa Pilipinas, eight hours lang ang trabaho. Hindi
kumikibo. Walang alam, bobo kasi, wala silang alam sa mga ganyan. No read, no write yata
iyon. Ang lalaki lang ang may alam, pero ang babae, hindi. Iyon nga lang, mabait siya. Pero
maganda ang batas sa Saudi kung Saudian ka. Talagang lalabas ang totoo pag marunong kang
makipaglaban. Maganda na ang batas doon.
Eight hours na trabaho ang pinirmahan ko, 12 to 12 naman ang pinapasunod ng amo
ako. Okey na rin, nasa akin na rin iyon. Minsan nga, hindi ako nagtatrabaho nang isang araw.
Hindi nila alam, ang ginagawa ko, maglaro ng cellphone. Tatawag lang sila pag gusto nila
akong umakyat. Tinatawagan ako sa cellphone, halika na akyat ka. Ako pa ang taga-blood
pressure. Dapat nga, may additional na bayad ako. Ako pa ang taga-BP, saka iyong sugar nila,
ako pa ang tagatingin. Kaya sabi nila, naku, pag umalis ka, sino na ang titingin sa amin? Sabi
ko, kumuha ka ng nars. Pero mabait, regalo nang regalo. Cellphone. Gintong singsing, hikaw.
Bibigyan ka ng tela, ipapamili ka nila. Relo—marami na rin, may bago at pinaglumaan. Mas
maganda pa nga ang mga gamit na—kasi, sa kanila talaga. Ang isang relo, sa amo ko, five
years na nga raw sa kanya. Ang mga iba, sa mga anak ng amo ko. May Swiss watch. Ang
gintong singsing na bigay sa akin ng amo ko, kasyang-kasya sa akin. Mahal ang gold ngayon
doon, dati mura lang daw.
Ako ang tagatingin para sa blood pressure, sa diabetes. Paano nga, hindi sila marunong
mag-English. Ang one, two, three nga, hindi nila alam. Nakakaintindi na ako ng Arabic.
Tinatandaan ko ang mga sinasabi nila. Minsan nga, sinusulat ko pa. Sa one year ko, hindi ako
natuto dahil ang Pilipinang kasama ko, hindi ako tinuruan. Noong umalis na siya, saka lang
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

ako natuto. Hindi pa ako diretsong mag-Arabic, iniisip ko pa dati. Pag hindi ko maiisip, ini-
Ingles ko. Sabi ng amo ko, hindi rin niya maintindihan. Nitong bago ako umalis, nag-a-Arabic
na kami ng amo ko, pero hindi pa ako masyadong matatas. Parang Ingles din, isang salita
maraming meaning. Lasim, salam, alaykum, kefhalik. How are you? Mabuti, awa ng Diyos,
ganoon. Pag sinabing ma sha’a Allah, nakakatuwa. Ang maganda, kada kakain ka, bismillah.
Pagkatapos mong kumain, Alhamdulillah. Lahat ng gagawin mo, ano man ang gagawin mo,
bismillah. Papasok ka ng pinto, bismillah, para raw walang mangyari sa iyo.
Lagi na rin akong nagbi-bismillah. Sabi nga ng mga bata roon, bakit ikaw, hindi ka
nagsa-sanli? Ang sanli, dasal ang ibig sabihin. Sabi ng amo ko, huwag ko raw sabihin na
Christian ako. Sabi nga nila, tingnan mo kami, mga Islam, dasal nang dasal. Sa isip ko, dapat
lang kayong magdasal, kasi marami kayong kasalanan, e. Ang mga Christian, takot gumawa
ng kasalanan. Tinatanong nga ako ng mga katulong doon, marunong ka bang magdasal? Sabi
ko, kung ang mga magnanakaw nga, marunong magdasal e. Sabi sa akin, paano kayo
magdasal? Sabi ko, kahit dito lang, puwede kaming magdasal, hindi na kailangang pumunta
sa simbahan, kahit sa bahay lang. Si Robin Padilla nga nandoon, nag-hajj. Nagpapakalbo sila
isang lingo, kailangang makarating sila doon sa lugar namin, ang ikalawang pinakabanal na
lugar nila —Al-Madinah Al-Munawarah. Ang simbahan doon na ubod ng laki, iyon yata ang
unang-unang simbahang itinayo ng mga Muslim. Sa Makkah naman ang kuwadradong bato,
iyong apakan nang apakan. Doon yata nabuhay ang kanilang propeta.
Sa pag-uwi ko ngayon, inihatid ako sa airport ng katiwala ng anak ng amo ko, tapos ako
na lang. Pagbalik ko doon, tatawagan ko na lang ang amo ko. Hindi ka naman kasi nila ibibigay
sa iba kundi sa employer na susundo sa iyo. Sa kanya ibibigay ang passport mo, hindi mo rin
mahahawakan.
Hindi ko maidodrowing kung gaano kalaki ang compound. Ang mga bahay, puro
kuwadrado, patayo hanggang third floor. Eto ang kalsada, ganyan, may bahay-bahay. Sa
amin, malaki, kasi ang mga anak, nandito rin. Halimbawa, dito ang gate, malaki. Dalawa ang
gate nila, tapos ang layo ng bahay. Pag nag-buzzer ka sa itaas, may TV, saka bubukas ang gate.
Alam nila kung sino ang nasa labas.
Sa first floor ang tahian. Isang sala na panlalaki, sala na pambabae. May mga banyo rin
iyan. Tapos ang kuwarto ko, may banyo rin. Tapos sa second floor ang kuwarto nila, tatlong
kuwarto, sala at ang kainan nila na ubod nang haba. Doon sila. Tapos sa third floor ang kusina
na pinakamalaki. Tapos ang kuwarto ng isang anak. Isang sala na malaki. Tapos, kuwarto ng
katulong, saka ang banyo nito.
Sa ibaba naming hinaharap ang mga nagpapatahi.
Nang hindi pa ako OFW, ganito ang ordinaryong araw ko:
Pag may pasok, gumigising ako nang mga 6 o’clock. Nagluluto ako ng almusal.
Sinangag, ang ulam ay itlog o kaya maling. Ang ulam namin sa gabi, iyon din ang baon ni
Romy—adobong manok o tosino.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Pagkasaing sa umaga, aasikasuhin ko na si Romy, ihahanda ang baon niya. Mag-


aalmusal siya. Pag-alis naman siya, maglilinis na ako ng bahay, deretso na sa paglalaba. Tulog
pa ang mga anak ko, o kaya nasa iskul na sila. Deretso hanggang sa magluluto naman ako ng
tanghalian.
Dati, lingguhan ako kung mamili. Nakabadyet na ang pang-isang linggo namin.
Magluluto ako para sa tanghali. Ala una o alas-dos, matutulog ako. Gigising ng mga alas-tres,
maglilinis naman ako ng bahay nang kaunti dahil si Romy ayaw ng makalat. Tapos magluluto
naman ako ng hapunan, tapos manonood na ng TV. Ang iba sa pamilya ay nasa bahay at
nanonood din, ang iba ay nasa labas. Sina Luis at Jay, nasa labas minsan, nanonood ng
basketbol.
Si Romy ay nanood ng balita hanggang sa pagkakain. Nakakatulugan na niya kami
habang nanonood kami. Nang narito pa ako, minsan lang talaga siya makainom. Isang beses
lang, pag Biyernes lang, araw ng suweldo. Nagtatrabaho rin siya nang Sabado’t Linggo.
Minsan naman, isang linggong hindi siya umiinom. Red Horse o Emperador ang iniinom niya
sa bahay, tama lang. Napapasobra siya pag hindi sa bahay namin umiinom. Pag sobrang lasing
siya, nangungulit. Kukulitin niya ang mga anak sa mga maaalala niyang mga kasalanan sa
kanya. Pag nadadabugan siya. Kung inuutusan niya at ayaw sumunod. Iyan ang mga
ikinagagalit niya. Seloso siya. Sa akin ang sasabihin “Ikaw siguro, mayroon kang lalaki,” ganito,
ganyan. Parating ganoon siya, iyon lang naman ang pinag-aawayan namin. Hindi naman
nagkakasakitan, kulitan lang.
Ang nakakaaway niya ay ang bunsong kapatid na si Mario, noong buhay pa ang biyenan
ko. Minumura ako ni Mario, saka ang biyenan ko. Minumura rin ng asawa ni Mario. Naiinis si
Romy sa kapatid niya, sa mga bintang-bintang.
Pag Sabado’t Linggo, pareho lang ang umpisa ng araw. Umaalis ang mga bata, may
nagsisimba, ang mga iba, e, nasa basketbolan. Nagsisimba kami kapag Linggo ng hapon. Pero
hindi naman lingo-linggo, siguro isang beses isang buwan. Si Romy minsan ang nag-aaya,
sinasabihan ako, “Magsimba ka naman.” Pag Pista ng Patay, pag bertdey ng mga biyenan ko,
nagpupunta kami sa sementeryong katabi ng simbahan. Pagkasimba, maglalakad na kami
pauwi, kakain na ng hapunan.
Sa Saudi, ganito naman ang mga araw ko:
Sa umaga, pagkagising, mga 11 a.m, maliligo sa itaas. Habang naliligo, isasabay ko na
ang paglalaba ko ng damit sa araw-araw. May sampayan sila sa labas, sa terrace, pero sa loob
ako nagsasampay, may dryer naman, e. Pag tinanggal ko sa dryer, deretso na ako sa ibaba,
pinaplantsa ko na. Tulog pa sila. Ang gising nila, mga 2 p.m. Kasi doon, hindi natutulog sa gabi,
sa araw ang tulog.
Aakyat ako sa kusina sa third floor, gagawa na ako ng pagkain para sa almusal ko.
Minsan, tsaa at pizza, kung may natira kagabi. Iinitin ko ang pizza. O kung ano ang gusto ko,
magluluto ako. Mga 12:30 p.m., nag-aalmusal na ako sa ibaba. Mag-uumpisa na akong
magtrabaho pag 1 p.m. Mag-isa lang ako. Magtatrabaho ako hanggang 12 o’clock, pero hindi
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

naman obligado, nasa akin na iyon. Pag inantok ako, natutulog ako pero hindi ako himihiga.
Nakaupo lang ako, nakayuko sa makina. Naka-lock ang pinto.
Kakatok talaga sila. Minsan sasabihin nila, natutulog ka. Sasabihin ko, sumasakit ang
ulo ko. Siyempre halata naman sa mga mata ko na natulog ako. Libre naman ang mga gamot.
Mga 4 o’clock, tatawagan na nila ako. Aakyat ako sa itaas, kakain kami ng tanghalian.
Ulam, kanin, marami ring putahe. Minsan may kanin ka na, may tinapay ka pa. Pagkatapos
kong kumain, tsaa. May prutas din—orange, pakwan, parating may saging. Nasa mahabang
mesang kainan ang mga prutas.
May break kaya manonood sandali ng TV sa kuwarto ng mga katulong. Hindi puwede
sa akin ang may TV. Tatlo ang mga katulong— isang Pilipina at dalawang Ethiopian. Muslim,
taga-Cotabato, ang Pilipina. Hindi siya marunong mag-Tagalog, hindi kami nagkakaintindihan.
Sa Agosto, mag-iisang taon pa lang siya sa trabaho. Natapos ang kontrata ng Indonesian, siya
ang pumalit.
Matapos ang tanghalian, deretso sa trabaho uli, mananahi ka. Nandiyan na ang mga
costumer. Pag gabi na, mga 8 o’clock, saka dumarating ang mga customer. Minsan nga 12
o’clock na, may tatawag pa sa akin, anong oras daw ba ako matutulog, pupunta pa ako diyan.
Pag sinabi kong mga 12 matutulog na ako, sasabihin, hindi ba puwedeng maghintay ka
hanggang ala-una? Talagang gabi ang labas nila, kahit taglamig.
Ang panahon doon ay mainit, sobrang init pati ang tubig—kahit taglamig. Kaya nga
puro aircon. Hindi sila lumalabas kung araw. Talagang sa gabi kahit na mainit, kahit malamig.
Ngayong Mayo, mainit doon. Malamig doon mga September, October hanggang February.
Pag mainit, sobrang init ng tubig, hindi mo maipaligo kasi sobrang init, parang pinakulong
tubig. Kaya ang ginagawa ko, naglalagay ako ng tubig sa freezer. Gumagawa ako ng yelo para
ilagay sa pampaligo ko. Sobrang init, kaya lang hindi mo maramdaman ang init, kasi nga
maghapon kang naka-aircon.
Sa kanila, parang haram ang matulog nang maaga. Sa kanila talaga, ang tulog sa umaga,
e, 7 o’clock. Ang mga lalaki, natutulog nang 12 o’clock ng gabi, kasi gumigising naman ng 4
o’clock ng umaga. Kasi 4:30 o 5 o’clock ang dasal nila sa madaling araw. Pagkatapos ng dasal
ng mga lalaki, kailangang pumunta sila sa simbahan nila. Hindi katulad ng mga babae na
puwedeng magdasal sa bahay. Hindi na matutulog ang mga lalaki. Ang mga babae naman, sa
umaga natutulog. Talagang ganoon sila.
Wala akong kota sa pananahi, nabibilisan pa nga sa akin ang amo ko, mabilis kang
manahi! Nananahi ako kahit na Linggo. Pag may pinapagawa sila, sasabihin sa akin, gawin mo
nang mabilis, ibibili kita ng load. Mabait sila sa akin, ewan ko lang sa iba. Ang pinaka-Linggo
sa kanila, Biyernes. Walang pasok pag Huwebes at Biyernes. Ang pasok ay Sabado hanggang
Miyerkoles.
Pag Huwebes, hindi kumakain ng tanghalian sa bahay ang amo kong lalaki, kaya parang
day-off ng katulong sa pagluluto. Pag Biyernes, nag-iipon-ipon silang mag-anak. Pero puro
lalaki lang, kasi bawal ngang magkita-kita ang mga mag-asawa. Magsasama-sama sila sa
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

pagkain kaya ang katulong, e, maagang gumigising, kasi magluluto sila nang marami. Lahat
ng mga anak at mga apo, doon kakain. Ang mga lalaki, puwedeng mag-asawa nang higit pa
sa isa, pero ang mga amo, sila lang.
Ang gusto ko sa Saudi, sagot ng gobyerno ang pag-aaral ng anak-anak, may monthly
allowance pa. Kung ganyan sa Pilipinas, siguro ‘ka ko, nag-aaral ang lahat ng anak ko. Sinasabi
rin sa akin ng amo ko, kahit may asawa ka na, kahit anong tanda mo pa, basta nag-aaral ka,
may alawans ka. Ang mainam din sa kanila, okey lang kahit hindi sila marunong mag-Ingles,
mas gusto nilang gamitin ang kanilang salita hindi ang sa iba. Pero natutuwa rin ang amo ko
na natuto siya ng Ingles, natuto na ako ng Arabic.
Noong narito pa ako, ako ang nagbabadyet sa suweldo ni Romy. Binabadyet ko ang
isang linggong suweldo ni Romy, ibubukod ko na ang mga baon nila, ginaganyan ko na. Hindi
ko ibinibigay ang mga baon, hawak ko lang. Umaga hanggang gabi, binabadyet ko. Halimbawa
bibili ako ng mga itlog at bigas. Ang bili ko dati, sampung kilo kasi mura pa, hindi katulad
ngayon. Dati may Ᵽ18 lang isang kilo, medyo maganda na ang bigas. Bibili na ako ng ulam —
may manok, baboy, giniling, hotdog, itlog, tuyo. Lilinisin ko na ang isda, tapos isasaksak sa
freezer.
Nagtitinda ako noon ng almusal sa tapat ng bahay ni Tiya Lolet. Sopas, tsamporado,
pansit. Sa umaga, araw-araw. Nalilibre na ang aming almusal. Ang dami kong anak, biro mo,
kakain ang mga iyan, e, di iyon na ang tubo. Nakakabili ka ng bigas at ulam, hanggang doon
lang. Maliliit pa noon ang baon ng mga anak ko, nakukuha ko sa pagtitinda ko kahit paano.
May mga umuutang—mga ibang tao, mga kamag-anak. Mahirap naming hindian. Sasabihin,
ibibigay ko mamaya, pero ang mamaya na iyon, hindi mo na muna masisingil iyon. Talagang
kakambal na yata ng tinda ang utang. Nakakalimutan mo kung sino ang may utang sa iyo. Pag
naalala mo, matagal na pala, e, di mahihiya ka nang maningil. E, ako pa naman, mahiyaing
maningil.
Nitong nagbakasyon ako, nakakaisang buwan na ako. Dumating ako nitong April 9,
2008. Ngayon lang naman nagkatrabaho si Romy. Nagkatrabaho lang ng two days. Tapos
ngayon lang niya mabubuo ang linggo, pero siyempre pera ko ang pambadyet ngayon. Badyet
na badyet talaga ako. Pag hindi talaga nagkasya ang pera mo, iisipin mo talaga iyon. Ang
Ᵽ200, ulam lang, bigas. Kakain sa umaga, sa tanghali, sa gabi. Sa meryenda, hihingi sila ng
sampung piso, bahala na silang bumili ng ginataan, ganoon. Tigsasampung piso sila.
Naka-second year high school ako, hindi pa tapos. Sa Tandang Sora ako nag-
elementari. Taga-Culiat, Quezon City kami. Hindi ako doon ipinanganak, naroon ang bahay
ng tatay ko. Parehong patay na ngayon ang mga magulang ko. Taga-Maynila kami, tumira
lang kami sa Quezon City, nasa Grade II yata ako noon. Apat kaming magkakapatid, layo-layo.
Ang isa nasa Dagupan, dati sa Nueva Ecija. Ang isa naman sa FTI. Ang kuya nasa malapit lang
dito. Kilala lahat ng mga anak ko, pinupuntahan nila.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Nagkakilala kami ni Romy nang tumira kami rito ng nanay ko, dito sa Looban, sa
paupahan ni Mang Doming. Hindi na ako nag-aaral. Sixteen yata ako noon, pero nagtatrabaho
na ako sa Recto noon, sa record bar. Nang 15 ako, nasa Recto, Quiapo kami.
Kahera ako sa record bar. Magkaibigan ang nanay ko at ang may-ari. Doon din
nagtatrabaho ang nanay ko. Maliit lang ang record bar. Trabaho ko rin ang mag-tape. Isusulat
ng customer ang mga gustong kanta, irerecord ko. Nang umalis na ako doon, sabi ng nanay
ko, mag-aral ako ng high speed sewing sa Immaculate Conception sa Caloocan. Vocational,
Ᵽ160, six months. Pero hindi ko na tinapos ang six months, kasi naengganyo na ako na
maghanapbuhay. Dalawang buwan lang natuto na akong magpatakbo ng high speed,
pumasok naman ako sa pabrika ng bag, rubberized, mga ganoon. Mga backpack na pang-
Korea, tapos nagsarado iyon. Wala na naman akong trabaho. Lumipat ako sa pagawaan din
ng bag, sa Caloocan. Iba-iba ang napasukan ko, mayroon sa sapatos panlalaki, rubber shoes,
may sandals. Lahat ng pabrikang pinasukan ko, puro operation lang. Hindi ikaw ang bubuo,
kanya-kanya lang kayong operation. Kung sa tangkay ka, sa tangkay ka lang. Iba-iba kayo.
Naghiwalay ang nanay at tatay ko. Maraming asawa ang tatay ko, marami akong naging
kapatid. Hindi na nag-asawa ulit ang nanay ko. Mas malapit ako sa nanay ko. Hindi naman
ako nagrebelde sa tatay ko, kahit ano pang sama, magulang mo pa rin. Nagpupunta ako sa
tatay ko, kilala ko ang mga kapatid ko doon. Nagpupunta kami doon kada Bagong Taon noong
buhay pa siya. Hindi ko alam ang ikinamatay niya, sa ospital yata namatay. Nagpunta kami sa
burol, kami nga ang nagpalibing kasi walang pera. High blood ang ikinamatay ng nanay ko.
Maraming nag-abuloy kaya hindi na rin naging problema ang libing. Sa Tandang Sora
nakalibing ang tatay ko. Ang nanay ko, dito.
Nagtrabaho rin ako sa SM, sa Isetann. Parehong may uniform, nang nasa Recto ako
wala. Nagtrabaho ako sa Isetann-Cubao, Isettan-Carriedo, tapos sa West. Basta nag-aplay
ako, inilagay ko, high school graduate ako. Pag iniinterbyu ka at nakapasa ka, okey na. Lahat
ng inaplayan ko, pasado. Ewan ko, hindi ko nga alam, pero marami akong nakasama na hindi
nakakapasa. Ewan ko kung bakit ako, nakakapasa.
Pahinto-hinto ako sa trabaho, inoorasan ako ni Romy. Siya ang nag-ooras sa akin, saka
away kami nang away. Ayaw niya na naka-meyk-ap ako, papasok ako nang bagong ligo, wala
akong meyk-ap nagkukumahog na ako doon sa canteen, meyk-ap ako nang meyk-ap para sa
trabaho. Ayaw ni Romy na nakikita akong naka-meyk-ap. Pag wala ka naman blush-on,
bababa ka uli, hindi ka pa maka-punch. Minsan, nale-late ako.
Umalis ako sa lahat ng pinagtrabahuan ko dahil kay Romy. Puro selos, ganyan. Pag na-
late ka ng uwi, mag-aaway kaming dalawa. Sasabihin tuloy ng biyenan kong lalaki, “Huwag ka
na ngang magtrabaho, tumigil ka na.” E, di titigil na ako. Pero hindi pa naman ako nasaktan
ni Romy, puro lang bunganga. Hindi ka patutulugin sa kulit. Ganoon ang ugali noon.
Halimbawa, nakatulog ka na, pero galit pa rin sa iyo, hindi ka patutulugin. Sisikuin ka, dabog
dito, dabog doon, paano ka makakatulog? Kung hindi dahil sa kanya, nagkaroon na sana ako
ng mga regular na trabaho. Kung hindi ako nag-abroad, hindi rin ako magkakatrabaho nang
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

matagal nang matagal. Kasi nang narito pa ako, marami akong absent, nahihiya na akong
pumasok. Pag nagipit na naman kami, aplay na naman ako ulit nang panibago.
Nararamdaman din niya siguro, sabi niya, “kaya mo gustong mag-abroad, ano?” E, kung hindi
ako nasa malayo, natanggal na sana ako sa trabaho.
Napakabilis kung paano kami nagkatuluyan ni Romy. Itinanan lang ako noon. Sa
kakulitan niya, sabi ko, “Sige na nga, umuwi ka na.” Akala niya, sinagot ko na siya. Ang tatay
niya, pag lasing, pag nagwawala noon si Romy, tatawagin ako para magsaway. Pupuntahan
nila ako.
Saleslady ako noon, sinusundo ako ni Romy. Pinagbibigyan ko na lang. Ewan ko, basta
ang tatay niya, “Si Romy, umiinom, tawagin mo,” ganoon. Hindi naman ako natakot, ewan ko
ba kung paano nangyari iyon, hindi ko alam.
Itinanan niya ako, ayaw ko nga noon, e. Sa Ever ako nagtatrabaho, saleslady, sa record
bar na naman—kaya parang nasanay ako na magpatulog nang malakas, e. Basta ganoon lang,
sinundo niya ako. E, takot ako sa kuya ko, inoorasan niya ako sa pag-uwi. Alam niya ang oras
ng pag-uwi. Parang dalawang beses ko nang nagawa na gumagapang ako sa ilalim ng kulambo
huwag lang ako maramdaman. Sa pangalawa, hindi na talaga ako makagapang. Ginabi na
kami, pumunta naman kami sa ate ni Romy. Doon kami natulog, e, di nagtanan na kaming
dalawa, ganoon na. Hindi ko nga alam na iyon ang kapalaran ko.
Nang ipagbuntis ko ang pangatlo ko, si Jay, sa bahay na lang sana ako manganganak,
sa komadrona. Kaya lang, hindi nakaya ng komadrona na paanakin ako, bandang huli dinala
ako sa ospital. Maliit ang daanan ng bata. Sabi ng doktor, ang laki-laki mong babae, ang liit-
liit naman ng daanan ng baby. Ang laki ko pa naman magbuntis. Si Jay, naka-10 pounds! Si
Luis, eight pounds. Ang mga babae, seven pounds. Ang lalaki ng mga lalaki, ang lalakas! Nang
nakaapat na anak na ako, hindi na ako puwedeng mag-anak. Sabi ng doktor, “Manipis na ang
matris mo,” kasi nga ang lalaki! Walang diyeta, e, kain ako nang kain.
Nagka-emphysema ang biyenan kong lalaki. Sinamahan ko ang Tatay na magpa-X-ray,
talagang may tama na ang dalawang baga, kaunti na lang ang natira sa isang baga. Kasama
ako ng mga biyenan ko na kumuha ng senior citezen’s card. Para ‘ka ko may maipakita para
sa mga gamot. Nakakuha ang Tatay para sa monthly na gamot.
Ang Tatay naman, pag inilalayo mo ang mga bata nagagalit. Sinasabi ko naman sa kanila
noong maliliit sila na pag galing na sa bibig ni lolo ninyo ang kendi, huwag na ninyong kainin.
Kasi ang Tatay, nasa bibig na niya, isusubo pa sa apo. Pag napuna mo naman na ganoon,
magagalit. Nagkagalit sila ni Romy noon. Sabi ni Romy, “Tay huwag naman, delikado sa mga
bata.” E, hindi naman nauunawaan ng Tatay, sabi niya, “Pare-pareho kayong parang nandidiri
sa akin,” gumaganoon. Ako naman, sinasabihan ko na lang ang mga anak ko. Sabi ko, ang lolo
ninyo, may sakit na ganito, ganoon. “Huwag kayong iinom sa kape na iniinom ng lolo ninyo.”
Siyempre pag may edad ka na, maramdamin, ganoon ang Tatay. Ang dati, talagang iniiwas
ang lahat ng anak niya, pati siya. Pero sa awa naman ng Diyos, wala naman nahawa sa amin.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Mas malapit ako sa biyenan kong lalaki kaysa sa babae. Mas nakakaintindi ang Tatay.
Pinagseselosan ako noon ng Nanay. Noong bago pa kami ni Romy nagseselos pag nakikitang
kausap ko ang Tatay, ganoon. Selos na selos sa sariling nanay ko. Kaya nun namatay ang
nanay ko, hindi man lang nakaakyat sa bahay namin ni Romy. Kasi pag pumunta sa amin,
obligado na ang Tatay ang kawawa. Kaya rin inaaway ni Romy ang nanay niya, kasi nagseselos
sa akin, “Ano ka ba, ‘Nay? Ano ba iyan, tuhog? Anak ninyo ako, asawa ko si Nenita, tapos, si
Tatay pa ba?” Ganoon. Kahit ang manugang kay Mario na si Naty, pinagseselosan din. Hindi
ko na lang pinapatulan ang Nanay, kasi alam ko nang makitid ang utak niya, alam ko na ang
ugali. Halo-halo ang ugali nitong pamilya nina Romy, silang magkakamag-anak. Si Romy
naman, kaya naman iyan nagwawala, pag nag-aaway kami, sa labas niya ibinubunton. Pero
ang totoo, sa akin siya galit. Ang gawing-gawi niya, pag nagagalit siya sa akin, lalabas iyan,
maghahamon ng away. Minsan, nagdaraan lang at susuntukin niya. Kaya ayaw ko nang
gagalitin si Romy kung maaari lang. Ang gusto niya, nilalambing siya.
May sandaling panahon na tumira kami sa ibang lugar. Mas tahimik doon. Dito, umaga
pa lang, may naririnig ka nang “Putang-ina!” Siyempre pag bata ka pa at iyon lagi mong
naririnig, kalalakhan mo rin iyon. Kaya sabi ko sa pamilya ko, iba talaga ang tumira ka sa
tahimik na lugar at iba ang sa iskuwater. Dito, ang mga bata, maliliit pa, ikinatutuwa pa ng
magulang na nagmumura. Ako, pinipitik ko noon ang mga anak ko. Sabi ko sa kanila ngayon,
“hindi kayo marunong magmura noong umalis ako!” Talagang hindi sila nagmumura, hindi
ko naririnig. E, pagdating ko, naririnig ko na nagmumurahan. Sabi ko kay Romy, “Bakit ganyan
ang mga anak mo, nagmumurahan na nang ganyan? Ano na ang nagyari diyan?” Ang Tatay
din naman kasi, Sasabihin ng Tatay, “Murahin mo iyan,” tuwang-tuwa kapag sinusunod ng
bata. Doon na kami nag-away ng Tatay, saka ng Nanay. Huwag ‘ka kong turuan ninyo iyan ng
ganyan! Pag pinalo ko, ganito pa ang sasabihin nila, “Patayin mo na lang iyang anak mo,” ako
pa ang inaaway. Sabi ko, “Hayaan ninyo ako, dinidisiplina ko lang ang mga anak ko!” Si Luis
ang talagang paborito ng dalawang matanda. Pag pinapalo si Luis, kinukuha nila ang bata,
inaaway ko naman sila, “Bakit ninyo kukunin iyan? Dinidisiplina ko lang!”
Pagdating ng araw ng suweldo, magluluto ako ng menudo o kaya mechado. Basta sa
loob ng isang linggo, may isang araw na espesyal ang aming ulam. Karaniwan Linggo. Kasama
ko sila sa palengke, ibinibili ko sila ng mga shorts o kaya panty. Kung may tira sa badyet,
ibinibili ko sila ng mga damit. Nagagawa ko iyan linggo-linggo basta may trabaho si Romy
kahit paano. Pag wala siyang trabaho, e, di wala, magtiis kami. Pero noong hindi pa ako nag-
aabroad, pag natatagalan nang walang trabaho si Romy, itinutulak ko siya na maghanap sa
iba. Sasabihin ko sa kanya, ‘Hanggang wala pa ang hinihintay mong trabaho, maghanap ka
naman sa iba.” Parang tinutulak ko rin siya. Sabi ko. “Kung maghihintay ka sa trabaho, hindi
iyan lalapit sa iyo.”
Nitong dumating ako, walang trabaho si Romy, Sabi ko, “Ano ba, ang tagal mo nang
walang trabaho, mauubos na ang badyet natin!” Sabi niya, kasi ganito, aantayin ko pa. Nainis
talaga ako, “Gumising ka nang maaga, pumunta ka doon, maghanap ka ng trabaho,” sabi ko
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

sa kanya. Nang pumunta siya doon, heto, may trabaho pag-uwi. “Bukas, papasok na ako.”
Kung hindi pa ‘ka ko ipagtulakan ka, hindi ka pa gagalaw. Ginaganyan ko siya talaga.
Bago ako nag-OFW, ang mga dahilan kung bakit napapagalitan ang mga anak ko—pag
sumasagot, pag inuutusan tapos ayaw sumunod at marami pang salita, ganoon. Ang mga
lalaki, gabi na, ayaw pang umuwi, napapagalitan, ganoon. Si Sarah, tahimik naman. Basta ang
sinasabi ko sa kanya, pag ikaw, e, umalis, magpapaalam ka, kaya nagpapaalam siya. Ngayon,
ang sinasabi sa akin ni Romy, ang titigas ng mga ulo. Ang sabi naman sa akin ni Sarah, kaya
siya ginagabi pagtapos sa eskuwelahan, siyempre, magtatrabaho pa siya sa Chowking,
panggabi siya doon.
Pag kailangang disiplinahin, mas sumusunod sila sa akin. Sasabihan sa akin ni Romy,
pagsabihan mo iyang anak mo, ang kasalanan niyan, e, ganito, ganyan. Kinakausap ko naman
sila. Bago ako nag-abroad, si Sarah at si Tricia ang mas nasa bahay. Sa aming dalawa ni Romy,
ako. Nasa bahay lang ako. Anuman ang naging problema namin ni Romy, nagsisikap naming
lutasin, nag-iisip kami ng paraan. Kahit pa nag-aawayan kami ni Romy, kahit minsan, hindi ko
siya nilayasan. Pag nagwawala si Romy, iniisip ko, bakit pa ako pupunta sa iba, baka madamay
pa ang pupuntahan ko, ganoon. Ngayong nasa abroad ako, naaabot nga niya ako sa
cellphone, hanggang cellphone pa rin iyon.
Sinasabi ko sa mga anak na kaya ako nag-abroad ay para makapag-aral sila. Pag-aaralin
ko lahat sila hanggang sa makakaya ko. Basta ang nasa isip ko lang, gusto kong makatapos
sila, iyon ang laging nasa isip ko. Sinasabi ko sa kanila, “Ma-aral kayong mabuti.” Lahat naman
sila nagsabing gusto nilang mag-aral. Si Sarah, ang gusto dati, flight attendant, pero kulang sa
height. Ang bunsong si Tricia, ang sabi, “’Ma, gusto kong mag-HRM.” Sige ‘ka ko, hanggang
nag-aabroad ako. Nagluluto-luto na siya, madali naman siyang matuto. Sa lahat ng mga anak
ko, siya ang bokya sa eskuwela, pero desidido, masipag siyang mag-aral. Hindi katulad ng
dalawa kong anak na lalaki, marunong nga pero tamad namang mag-aral. Si Tricia, hindi siya
gaanong marunong pero talagang ang sipang niyang mag-aral. Si Luis ang nag-aral ng
computer, siya nga ang huminto, nagtrabaho. Kaya ang sinasabi ko sa kanila, kung kayo ay
mag-aaral, huwag ninyong haluan ng pagtatrabaho. Parati kong sinasabi kahit nasa abroad
na ako, pag ikaw ay nag-aral, huwag kang magtrabaho. Gusto ni Luis, may pera siya. “Wala
kasi akong pera kaya gusto kong magtrabaho.” Si Jay, marunong din, mahilig sa basketbol.
Nitong bumalik ako, ayaw maniwala ng mga iba na wala akong pera. Kahit na sabihin
ko na wala akong pera, na wala na kaming makain, hindi pa rin sila naniniwala. Hindi nila alam
na nag-abroad ka, wala ka pa ring pera. Pero alam naman nila na kung mayroon din lang ako,
matulungin naman ako. E, mababa ang dollar ngayon, nitong December, Ᵽ39, tapos naging
Ᵽ40, nang dumating ako, e, Ᵽ41 na. Kung may positibo akong masasabi sa sarili ko, basta
parang malambot ang puso ko, ganoon. Pag may humihingi ng tulong sa akin, kung ako lang,
e, mayroon, okey lang ako, iyong ganoon. Kaya ang mga kapitbahay namin, ang sabi, talagang
mabait ako. Isa pa palang masasabi kong positibo sa sarili ko, marunong akong magtrabaho.
Kahit na wala na akong asawa siguro, kaya kong magtrabaho para sa mga anak ko.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Naniniwala ako na basta desidido ka sa isang bagay, madali mo talagang matututuhan.


Itong iniuwi kong party dress, kaya kong mag-cut and sew. Gagawa ka muna ng padron. Kahit
mga pieces-pieces ang paggupit, ang liliit noon, pag pinagdugtong, talagang magkakakorte
na siya. Dati, basta mahilig talaga akong manahi. Kahit hindi ako nag-aral ng cuttering, basta
tinitingnan ko kung paano nagawa, binubulatlat ko—a, alam ko na ito! Nagulat din ang amo
ko sa akin, e. Sabi niya, alam mo bang magtahi nitong basket? Maganda talaga ang basket na
pangkasal. Sabi ko, siguro kaya ko, puwede ko bang tastasin iyan, pero ibabalik ko rin. Sabi
niya, sige. E, di tinastas ko. A, ganito lang pala ‘ka ko ang paggawa. Nang nakagawa ako ng
basket, ibinalik ko sa dati ang unang basket. E, di ngayon alam ko na kahit hindi na ako
magtastas. Pag hindi ko talaga kayang tahiin, tinatastas ko muna. Halimbawa iyang mga
basket na lalagyan ng tinapay sa Goldilocks, hindi ba may mga cover iyan? Kaya ko ring gawin
iyan, kasi ginawa ko na rin iyan doon—may mga takip siyang plastik din, may garter, tapos
may tela siyang ruffles dito. Kaya kong gawin ang mga ganyang basket.
Gumagawa ako ng mga party dress na mahahaba. Gumagawa rin ako ng mga
pambinyag nila. Pinapagawa nila ako ng terno-terno pa, ultimo basket, lahat terno. Ang damit
ng bata, lalagyan mo pa iyan ng mga bato-bato, kailangan. Pag nalagyan ko na ng mga bato,
pag plinatsa, tapalan mo ng tela bago mo plantsahin para hindi masunog. Nang makita ng
amo ko ang ginawa kong pambinyag, sabi niya, okey! Ang mga iba, pinagbabayad sila pag
nakasira ng tinahi. Ako, umabot ako nang dalawang taon, wala pa akong nabayaran.
Bago pa ako nag-abroad, nasubok ko nang manahi sa bahay. Nanahi ako ng mga
kurtina, dalawa pa kami ni Aling Nayda noon, binabayaran ko siya. Iyon nga, maraming
kurtina. May pinapahulugan kami, may binebenta na cash. Kaya lang, ayoko nang ako ang
naniningil, ganoon. May iba ring tao na siyang kukuha ng lahat ng tahi. May kinita naman
kami. Kaya lang, ang naisip ko, puro kurtina lang naman ‘ka ko. E, ang kurtina, siguro sa loob
ng isang taon, hindi naman araw-araw na bibili ang tao ng ganyan. Minsan lang, pag
December. Maganda na may puwesto ka sa palengke, tapos may puwesto ka pa sa bahay.
Mas maganda na sa palengke, gagawa ka ng mga daster, shorts, o kaya may nagpapatahi ng
kurtina.
Mabait naman si Romy, madaling utuin. Pag nauto mo, tanggal na ang galit niya. Pero
pag nagmatigas ka, talagang matigas pa rin siya. Ang ginagawa ko, minsan, kahit na inis na
inis na ako, iniisip ko na lang, kulang lang iyan sa lambing! Ganoon lang ang gusto niya, lagi
mo siyang lalambingin. Parang ganyan lang para lagi kayong magkasundo.
Si Sarah na panganay, maraming pumupuri sa ganda. Mas maputi siya noon, kasi dati,
hindi siya lumalabas. E, ngayon, natutong lumabas. Maganda siya, halimbawa, nakasakay
kami sa dyip, nakatingin sa kanya ang lahat. Marami siyang tagahanga. Ang ganda niya,
natural ang dating. Ay naku, tamad si Sarah! Hanggang hindi mo siya inuutusan, hindi gagawa.
Palabas-labas lang sila ng baklang pinsan ni Romy na si Rowie, ganyan. Hanggang doon lang
naman sila sa eskinita. Kailangang tawagin mo, “Sarahhh, maglinis ka! Sarahhh, magsaing
ka!”
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Si Luis, puro kunsumisyon. Ang magugustuhan mo naman sa ugali niya, pag may pera
siya, O, ‘Ma” may kaunting perang iaabot. Ang nakakakunsumi, sa lahat, parang siya ang hari
sa magkakapatid. Kinukunsumi niya ang mga kapatid niya. Halimbawa, uutang ng pera kay
Sarah, ayaw bayaran hanggang sa mag-away silang dalawa. Parang siga talaga! Ang okey sa
kanya, halimbawa, may pera siya, pag masaya siya, pasasayahin ka rin niya, “O, ‘Ma, eto
pagkain,” ganito. Pag bibili siya ng pagkain, ibibili ka rin niya ng mga ganoon. Nang-uuto rin!
Si Jay, mabait, iyan ang mabait. Sinasabi ko iyan sa kanila, si Jay ang mabait. Pag
nagsalita ka sa kanya, sumusunod agad siya. Tapos malambing pa, aakap-akap. Minsan nga,
niloko nga ni Tricia, oy, baka magselos si Daddy niyan. Hahaha! Kasi mahilig iyang umakap,
para ‘ka kong sawa. Pero kung minsan mabunganga lang. Kunwari may iuutos ka at ayaw
sumunod, ayayay, daldal iyan nang daldal. Mabunganga lang.
Ang bunsong si Tricia, masipag naman. Masipag siya talaga, may kusang magtrabaho.
Hindi katulad ni Sarah, na kailangang pukpukin. Naglilinis si Tricia, nagsasaing agad. Pag may
huhugasan, huhugasan. Pag binibiro ni Romy si Tricia, Luga ang tawag niya. Noong maliit si
Tricia, sa liit ng butas ng ilong niya, sa tenga lumabas pero walang amoy naman. Natanggal
naman, pero nang nilalagyan naming ng Vicks, nagiging kulangot na. Sabi namin, baligtad,
dapat ang ilong niya ang may kulangot., hahaha! Maliit pa siya noon, noon siya nabansagan
ng ganoon. Ang isang nakakainis kay Tricia, paladabog. Minsan may topak siya, naiinis ako
pag may topak siya. Pag ayaw niyang kumilos, ayaw niyang kumilos, hindi mo siya mauutusan.
Daldal siya nang daldal, nagdadabog. Palasagot talaga, sumasagot pag may topak ang bunso
ko. Sagot nang sagot, may sasabihin ka, dudugtungan niya nang dudugtungan.
Noong hindi pa ako OFW, pag may pera ako, ibinibili ko Romy ng t-shirt o briefs.
Ganoon. Iyong wala siya. Sa mga anak ko, pag may nag-“Ma, ibili mo ako ng slippers,” ganito,
ibinibili ko. Basta ba may pera ako. Ang slippers, mga Ᵽ200 plus, o Ᵽ100 plus. Minsan, kukuha
ako ng hulugan para sa kanila, ako ang maghuhulog. Kumukuha kami ng hulugan sa
kapitbahay, o kaya sa Avon, sasabihin nila, “O, ‘Ma, ikuha mo naman ako ng bra sa Avon.”
Ayun, basta kapag wala akong pera, kahit hulugan, e, ikinukuha ko sila. Nagbabayad ako pag
suweldo ko.
Si Luis naman, mga damit pambasketbol. Pag halimbawa kulang ang na-solicit nila para
sa basketball uniforms ng kanilang team, ako na ang magdaragdag para sa kanyang uniform.
Kay Jay, pareho rin. Kasi pag mayroon ang isa, kailangang mayroon din ang isa, hindi patatalo,
e. si Tricia naman, mga damit, iyong mga shorts. Sasabihin niya, “Ma, ibili mo naman ako ng
shorts,” pag namamalengke, kasama ko sina Sarah at Tricia. Pag nagturo sila at may sumobra
sa pera, binibili ko na. Ang shorts, tatlo sa Ᵽ100.
Nang nasa abroad na ako, pera ang ibinibigay kong pambertdey kay Romy. Sa una,
Ᵽ500 yata. Nitong nakaraan, Ᵽ1000. Nitong Pasko, may kanya-kanya silang pambili ng
pamasko. Lahat sila, kung ano ang sa mga bata, ganoon din ang kay Romy. Tig- Ᵽ5,000 sila.
Dati, binigyan ko rin yata ang ibang mga kamag-anak ni Romy, pero noong nag-aaral na si
Sarah, parang nagigipit din ako.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Si Luis, monthly, may padala akong Ᵽ500. Siya raw ang walang pera, kasi hindi siya nag-
aaral. Si Sarah, Ᵽ5,000 monthly, para sa tuition na installment, baon din niya. Tig- Ᵽ6,000 sina
Jay at Tricia, si Tricia ang naghahawak. Sa padala kong pera, ang iba, e, kay Romy. Pambayad
daw niya sa mga utang, ibinibili raw niya ng kabuhayan.
Nitong bertday ni Luis, Malaki ang naibigay, Ᵽ1,500. Sa iba, Ᵽ700. Kay Sarah, Ᵽ500,
nawalan ako ng pera noon, nang itakbo ng driver ang pera ko. Ang ipinadala ko sa kanila,
inutang ko pa. Sabay pa ng bertdey ni Sarah at si Romy, pantay sila, tig- Ᵽ500. Talagang
pinepera ko na lang, bahala na silang bumili.
Bago ako nag-abroad, kumpleto kami sa gamit. Washing machine, ref, ilang
bentilador—mga apat. May LPG stove kami. Nang nasa abroad na ako, nasira ang washing
machine, bumili ng bago. May nasira nang bentilador, bumili ng bago. May CD, DVD. Nasira
ang TV, nagpadala ako ng perang pampagawa. Ipinaayos ko ang bubong. Ipinaayos ko ang
gripo. Binayaran ko ang mga utang sa Meralco, kinuha ang kontador namin, wala pa ako sa
abroad nang kunin ang kontador. Ang laki ng inabot, Ᵽ8,000 dati, naging Ᵽ12,000, nagbigay
pa sila sa lumakad. Lahat ng pangangailangan nila, nalalaman ko sa cellphone. Minsan
tumatawag ako sa kanila. Minsan sila ang tumatawag sa akin. Nagugulat ako minsan. Hindi
nila sinabi na hindi pa sila nagbayad ng koryente nang monthly. Minsan magugulat ka, “O,
Mama, Ᵽ8,000 ang babayaran.” Iniisip ko, Ᵽ8,000? Magpapadala pa ako ng pang-tuition,
paano na iyon? E, di sasabihin ko naman, $1,000 lang ang sahod ko rito, tapos ganito pa
kalaki ang igagawa ko ng paraan? Bakit naman kayo ganyan, sasabihin ko. Pag inis na inis pa
ako, tatawagan ko si Romy, “Ano na ang ginawa mo? Bakit hindi ka nagbayad nang monthly?
Tingnan mo, pagkalaki-laki ng utang, kung kailan putol, saka ninyo sasabihin!” Sasabihin
naman niya, e, kasi ganito, marami akong binayaran, puro ganoon. E, di siyempre, wala ka
nang magagawa, talagang babayaran mo. Pag kulang ang pera ko, umuutang ako sa Pilipinang
kasama ko doon. Kulang ang suweldo ko sa isang buwan para sa kailangang ipadala ko, para
sa hinihingi nila sa akin. Si Sarah, naiintindihan ang sitwasyon ko. Pero si Daddy niya, hindi
naiintindihan. Sinasabi sa akin, bakit dati ang padala mo, e, Ᵽ14,000, bakit ngayon, e, Ᵽ10,000
na lang? E, nasa dollar ang sahod ko, e, sasabihin ko naman sa kanya. Dati, mataas ang dollar,
ngayon, e, maliit ang palit. Hindi na siya kikibo pero hindi pa rin niya naiintindihan, ang tagal
makaintindi.
Nang umalis ako, dala ko ang cellphone ni Romy, iyon lang ang cellphone. Ngayon,
ibinigay ko kay Luis ang cellphone na N70, pinakamahal ang cellphone niya sa mga cellphone
namin. Regalo lang sa akin ang N70. Pag Ramadan, may regalo ka. Iyon ang regalo sa akin.
Mga Ᵽ14,000 iyon dito. Dalawa ang camera ng N70, may video cam. Noong nakaraang
Ramadan, gintong hikaw at singsing ang regalo sa akin. Sa September o October, Ramadan
uli, ganyan. Regalo o pera ang ibibigay sa iyo. Pag pera, aabot ng $700, mga Ᵽ3,000 sa palitan
ngayon.
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Dati nahirapan sila, kasi dala ko ang cellphone kaya wala silang cellphone. Sabi nila,
pahingi ng pera, bibili kami ng cellphone. Bumili sila ng second-hand na cellphone, sa Cubao.
Nabigyan ko sila. Si Tricia, cellphone ang pambertdey ko sa kanya.
Ang mga dating cellphone nila, nasira na rin. Ang iba, nawala, may nagnakaw, katulad
ng cellphone ni Romy. Ginamit ni Tricia, ninakaw ng baklang kabarkada ni Rowie. Nakita ni
Rowie na ginagamit ng baklang kabarkada niya. Pumupunta pa rin dito sa Looban, pero hindi
na tulad ng dati na paakyat-akyat siya sa aming bahay.
Dito rin sa bahay nawala ang cellphone ni Zeny na bigay lang sa kanya ni Tiya Pacita,
napulot ni Tiya Pacita sa dyip. Ang suspetsa namin, ang unang boyfriend ni Sarah ang kumuha.
Kaya diniretsa ko si Sarah, hindi ako boto sa ganyang lalaki. Boto ako sa boyfriend ngayon ni
Sarah. Unang kausap ko pa lang, iba na ang dating, talagang nararamdaman naman siguro
iyon, Iyong unang boyfriend, unang kita ko pa lang, parang mabigat na ang dugo ko, parang
iba na ang dating. Ewan ko kung bakit minsan halimbawa, may nakaharap kang tao, kahit
ngayon mo pa lang nakita, parang iba ang dating—may mabigat, mayroon namang gustong-
gusto mo na.
Labas sa amin, si Tiya Lolet ang natatakbuhan pag may problema, halimbawa pag may
problema si Luis saka ang Daddy niya. Si Tiya Lolet nangangaral kay Luis. Umaawat din sa
kanila si Zeny. Mas silang dalawa. Si Zeny ang ka-close ng mga anak ko. Ako rin, mas close ako
kay Zeny, hindi masyado kay Tiya Lolet.
Pag may nagkakasakit sa amin, ako ang nag-aasikaso, si Romy rin. Tinatabihan ni Romy,
pinupunasan ng pawis, hinihilot-hilot. Ganyan si Romy sa mga anak, sa akin din pag
nagkakasakit ako. Maasikaso siya sa maysakit. Pag may nilalagnat, hindi siya matutulog.
Babantayan niya, ang pawis pupunasan niya. Mas matiyaga siya. Kasi ako, takot ako sa may
sakit-sakit. E, siya gagawin niya, papainumin ng gamot, tapos pag pinagpawisan, pupunasan
niya nang pupunasan, papalitan ng damit pag basa sa pawis ang damit. Kahit bata pa sila,
halimbawa may sakit si Sarah, tatabihan niyang matulog. Si Tricia, ganoon din.
Ang biyenan kong lalaki, ganyan. Pag may sakit ang mga anak ko, inaalagaan sila ng
kanilang lolo. Ang biyenan kong babae, si Luis lang ang paborito. Kaya nang tinuli si Luis, ang
Nanay ang talagang nag-alaga, ang tagalanggas. Ang Nanay pa rin ang kukuha ng dahon ng
bayabas. Kagagradweyt ni Luis noong Grade VI, mga 12 years old. Ang isinuot pagkatuli, e,
ang palda ng Nanay, iyong karaniwang suot ng Nanay. Siya ang gumawa ng panglanggas ni
Luis. Nang magpatuli si Jay kasama ang pinsang si Boy, Si Romy na ang tagalanggas. Patay na
noon ang Nanay saka ang Tatay.
Nandito ako nang unang reglahin si Sarah, pero hindi niya sinabi sa akin na niregla na
pala siya. Mga 13 si Sarah noon, first year high school. Itinago niya sa akin ang pagreregla
niya, hindi ko alam. Itinatapon pala niya ang panty niya niya, ang sumunod, itinatago niya sa
ilalim ng kama, ewan ko lang sino ang nakakita. Ang nakita ko ay ang itinago niya sa bag ng
typewriter niya, noon ko lang nalaman. Sabi ko sa kanya, may regla ka na pala. Iyon pala,
tapos na siya. Saka ko lang siya pinatalon ng hagdanan, hindi ko alam, e, Sabi ko, “O, labhan
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

mo ang panty mo. Ipahid mo sa mukha ang regla mo para makinis ang balat mo.” Para walang
pimples. Ganoon din ang ipinagawa sa akin ng nanay ko, e, di iyon din ang ipinagawa ko kay
Sarah. Pinatalon ko sa hagdan nang tatlong baytang para tatlong araw lang ang regla niya. Si
Tricia ay hindi ko na alam kung nagawa niya ang mga ganyan-ganyan, nasa abroad na ako
nang una siyang reglahin. Basta sinabi na lang daw ni Tricia kay Sarah. “Ate, niregla na ako,”
ganoon lang. Pareho kami ni Tricia na seven days ang menstruation. Sabi ko nga kay Tricia,
pinatalon ka ba nang tatlong baytang? Sabi niya, hindi. Sabi ko, kaya pala pitong araw ka kung
reglahin. Pag may menstruation si Tricia, nagagawa niyang makibili sa Daddy nila. Si Sarah, e,
nahihiyang makibili. Pero nasanay na si Romy sa akin, nauutusan kong ibili ako ng sanitary
napkin sa tindahan sa malapit. Kasi hindi ako palalabas talaga, e. Kaya minsan, sasabihin niya,
“Lumabas ka nga!”
Nang nasa abroad na ako at wala kaming washing machine, si Tricia ang naglalaba,
mano-mano. Si Tricia lahat! Kahit ang mga pantalon, siya ang nagba-brush kaya nga hangang-
hanga ako, masipag! Fifteen pa lang si Tricia, magkasintaas na yata kami, si Sarah ang naiwang
maliit.
Bago ako umuwi, sa cellphone, nalaman ko kay Romy na biglang namaga ang mukha
niya. Sabi ko, uminom siya ng gamot. Bakit ‘ka ko namaga? Kami na raw ni Sarah ang mag-
usap. Sabi ko kay Sarah, dalhin na niya sa ospital, baka may nakakagat, baka maimpeksyon.
Iyon pala, kumain ng balot, na-allergy.
Itong bahay namin sa itaas, ay may ‘nagpaparamdam.’ Noong narito pa ako, ako ang
unang nakaramdam, pagkatapos, sila rin. Hanggang ngayon. Hindi naman sila takot. May
nakikita silang nakaputi. Halimbawa, may inuman sa bahay. Kung sino ang nalasing, siya ang
nakakakita sa babae, una usok. Lahat sa amin nakakita. Nakita ni Sarah nang isang beses. Si
Luis din. Lalo na si Romy, kada lasing siya, sasabihin, may kaharap siya. Noong isang gabi,
katabi ko, kumakain siya, pumasok sa banyo, nasaan na ang mga tao rito, gumanyan. Pero
mabait iyong ganoon. Saka halimbawa, sinuntok si Luis ng Daddy niya, namaga ang mukha ni
Romy. Sabi ni Tiya Lolet, “Ayan, sa iyo tumama ang suntok mo,” Saka sinabi rin ng Tatay
noong araw na mayroon talagang ‘nagbibiro’ roon. Halimbawa, may nilapag ka, biglang
mawawala, hanap ka nang hanap, hindi mo makikita. Pag hindi mo na inintindi, bigla mo nang
makikita nang hindi mo sinasadya, doon din sa malapit, sa talagang makikita mo. Kunwari,
nagpapatugtog ka, biglang hihina. Sinasabi rin ni Anne. Noong bertdey ni Sarah, nitong
September lang, nagkakasayahan sila, iyon pala, itong tatlo pala, natatakot na pala, may
nakikita sila sa taas namin. Kasi sa hagdanan lang sila nakaupo. Sabi pa nga raw, “Hoy,
Gemma,” sabi kay Gemma ng mga kasama, “huwag kang tumingin, kasi bumababa,
bumababa na.” Minsan, natatakot din itong mga kapamilya ko.
Dito na kami sa ibaba natutulog. Sa itaas na kalagay ang mga unan, ang mga damit.
Hindi na kami natatakot, iniisip namin, mabait ang nasa bahay namin. Feeling din namin, pag
may umaaway sa amin, parang may ibang gumaganti sa kanila. Sabi nga ng Tatay, “May alaga
kayo rito.” Mas lalo ngayon. Mula nang maiburol yata sa bahay ang Nanay at ang Tatay,
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

parang may usok na puti. Bago nga namatay ang Tatay, tinitingnan pa ang bahay namin, sabi,
“Alam mo, itong bahay ay sa iyo na ito, maipapagawa mo na.” Pagkasabi niya, kinagabihan,
namatay na siya. Kasi alam niya na pag dumarating ang pera, sa kanila ni Nanay napupunta,
pantulong sa kanilang ikinabubuhay at para sa mga gamot-gamot nila. Sabi ng Tatay, e,
maipapagawa ko na ang bahay, hindi ko naman alam na makakapag-abroad ako. Iyon nga
siguro, maipapagawa ko na nga dahil wala nang iba kasing paggagastusan kung hindi iyong
sa amin na.
Nitong pag-uwi ko, gumastos ako sa mga pinggan at mga iba pang gamit. Bumili ng
dalawang pintong plastik , mga Ᵽ3,000. Bumili ng semento para kumapit ang hamba. Nagpa-
instalasyon ako ng tubig, ipinaayos ko lahat ang mga tubo, mas malalaki, at hindi dugtong-
dugtong. Ang ilaw, Ᵽ1,400. Nagbayad ng mga utang. Lahat-lahat siguro, mga Ᵽ35,000.
Mag-eenrol si Sarah sa October, walang pang-tuition nitong first semester. Kasi narito
ako. Ang perang nadala ko ay naubos sa bahay. Ang iba sana sa perang uwi ko ay pang-tuition.
Ᵽ21,000 isang sem. Nagbabayad kami ng Ᵽ6,000 sa umpisa ng klase, tapos, monthly, kulang
Ᵽ3,600.
Kahit may uwi akong pera, kinausap ko si Sarah na sa susunod na lang siya mag-aral.
Tingin ko talaga, kailangang ipaayos muna ang bahay. Pambayad sa koryente, kung ano-
anong gastos. Saka walang trabaho si Romy noong dumating ako, biro mo, kulang ng tatlong
linggo! Siyempre saan naman kami kukuha ng badyet! Ngayon, may trabaho na. Ang
susuwelduhin niya, iyon naman ang ibabadyet ko. Pag umalis na uli ako, e, di siyempre, mag-
aantay pa ng isang buwan bago magkapera. Iisipin ko ang padala sa kanila dahil magbabayad
ng mga gastos nila sa koryente, tubig, gaas, bigas….
Wala akong naipon. Nagkita kami dito ng dati kong kasamahan na umuwi. Siguro sobra
na sa sampung taon na nagtrabaho sa Saudi pero sa iba-ibang lugar, kaya lang wala pa ring
naipon. Kasi siya naman, lahat nga ng anak niya, may asawa na pero tinutulungan pa rin niya.
Lahat, sa kanya pa rin nakaasa, kaya wala pa rin siyang naipon. Sabi ko nga, may edad ka na,
kailangang hindi ka na mag-abroad. May manugang siya na nag-OFW pero hindi pa rin sapat,
kasi lalaki ang nag-abroad. Ipinatayo niya ng bisnes ang mga anak niya, parang nalugi din.
Kaya wala pa rin siyang pera.
Pag tumatawag ako sa cellphone, eto, nagpadala na ako ng pera sa ganitong araw,
siguro ganitong araw darating na diyan, ganoon lang. Pag kumontak si Romy, tungkol sa ano
ang babayaran, “Kailan ka magpapadala?” Iyon ang dahilan. Pag tinatawagan ko si Sarah,
tinatanong ko, kumusta na kayo diyan, nagbayad ka na ba sa iskul, iyong para sa kanila.
Sasabihin ni Sarah, “O, Mama, may babayaran tayo,” iyong ganoon. Hindi ko nakokontak si
Luis, minsan-minsan lang, kung bertdey niya. Nagtetext siya sa akin, “O, ‘Ma, malapit na ang
bertdey ko,” ganito, ganyan. Hindi ako kinokontak ni Tricia, basta nagtetext lang siya kung
may kailangan lang siya. Bertdey niya kaya siya nagtetext sa akin. Hindi ako kumokontak kay
Jay, hindi siya kumukontak sa akin. Kay Sarah ako madalas kumontak. Kahit naman kontakin
ko si Romy, kung hindi niya maintindihan ang sinasabi ko, ibinibigay niya ang cellphone kay
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

Sarah, “Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng Mama mo, ikaw na nga ang kumausap.” Limang
oras ang pagitan ng Saudi at ng Pilipinas, mas nauuna tayo. Pag tumawag ako sa kanila, ala-
una doon bago ako matulog, umaga naman na dito. Bago sila magsipasok. Mini-miscall ko
sila, pag hindi sila sumasagot, iniisip ko, mga tulog pa siguro sila, uulit-ulitin ko ang miscall.
Pag may load ako, talagang tumatawag ako sa kanila. Kaya lang, minsan nagtitipid ako, ayoko
nang bili nang bili ng load para may ma-save. Sinasabi ko sa kanila. “Ang mahal ng load,
minsan na lang ako tatawag. “Minsan tinetext ko na lang. Tinatawagan ko sila isang beses
isang buwan, pag nagpapadala ako ng pera. Pero pag may load ako, tumatawag ako sa kanila,
“O, kumusta na kayo?” Basta kahit isang beses isang buwan, may text naman, nagtetext ako.
Basta cellphone lang ang paraan namin. Kahit minsan, hindi ako sumulat sa kanila. Sabi ng
kasama ko, “Pag sumulat ka, baka masayang lang.” Hindi naman kami makalabas kung hindi
kasama ang amo namin, hindi ko nga alam kung saan ang post office. Minsan daw, may
parating sa kanila na sulat pero hindi nila natanggap. Pero sabi sa Pilipinas, sumulat sila. Kaya
hindi na rin ako sumulat, baka sayang lang.
Nag-iisa ako sa malayo. Sila, naiwan. Malungkot, pero lagi ko na lang iniisip na
kailangang magkapera kaya kailangang tiisin ang lungkot. Ganoon, para makatapos ang mga
anak ko, kawawa naman pati ang mga magiging apo ko.
Parang lahat sila nagbago, hindi tulad noong bago ako umalis. Lahat sila umiinom. Si
Jay umiinom. Si Luis umiinom. Lalo na si Romy, araw-araw umiinom. Na hindi niya dating
ginagawa dahil pinipigilan ko siya noong narito pa ako. Siguro kasi, wala ako. Sa akin lang sila
nakikinig noon. Hindi ko nasubaybayan ang ganyan-ganyan nila. Maraming pagbabago na
parang hindi ko na sila kilala, hindi tulad ng dati. Nagulat ako dahil dalawang taon lang akong
nawala, biro mo, ang laki na rin ng pagbabago. Sabi ko, “Nawala lang ako, lahat na kayo
nagkabisyo!” Sinasabi ni Romy, “E, ang mga anak mo, e, ang titigas ng mga ulo!” Sabi ko,
“Bakit, hindi mo ba sila kaya?” Sabi, “Ang titigas ng ulo ng mga iyan!” Sinasabi ko, “Bakit hindi
mo sila kinaya?” Mas mainam na lalaki ang umalis kaysa sa babae. Kasi ang babae, marunong
magbadyet. Saka araw-araw, talagang nakakasama ang mga anak ang babae. Kasi ang tatay,
hindi ba laging nasa trabaho, wala sa bahay. Ang nanay talaga ang laging kasama. Ang lalaki,
hindi naman niya alam ang lahat ng trabaho ng babae, hindi kaya ng lalaki. May trabaho sa
bahay na hindi alam ng lalaki.
Kung si Romy ang magtatrabaho sa labas ng bansa, okey sa akin. Siya ang umalis, ako
sa bahay. Pero wala siyang lakas ng loob na magtrabaho sa ganoon, hindi niya kaya. Sinabi ko
naman sa kanya, “Dapat, ikaw nga ang nagtrabaho. Siguro, pag-uwi mo, marami pa akong
naipakita sa iyo na mga pagbabago!” Iyan ang sinabi ko sa kanya, kung ako ang naiwan sa
Pilipinas, siguro hindi ganito ang magiging buhay namin. Wala siyang sagot, tahimik lang siya.
Pero parang hindi safe na mag-laborer, sa totoo lang, ang dami raw namamatay, nahuhulog
sa bilding, ang tataas kasi ng bilding doon. Kahit dito, sinasabi ko na mag-ingat ka, parang
hindi rin ako komportable sa bahay kung ganoon kadelikado. Parang ayoko rin ng ganoong
trabaho kung mag-aabroad siya. Kung kaya ng mga lalaking anak ko na mag-abrod, sasabihin
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

ko naman sa kanila, kaya mo ba na oobligahin ka na magpadala ng ganito? Pero ang mga


babaeng anak ko, naku po, hindi na, ako na lang. Kung sina Sarah at Tricia ay sa Saudi lang
pupunta, tapos DH lang ang trabaho, huwag na lang! Kasi nakita ko kung ano talaga ang hirap
ng mga DH. May kasama nga akong Pilipina, e, bakit ba kayo nag-aplay pa ng DH? Parang iba
rin ang pakiramdam mo na kapwa Pilipina mo ang nakikita mong nahihirapan. Kaya ang sabi
ko kina Sarah at Tricia, naku, kung DH lang ang aaplayan ninyo, huwag na, dahil alam na alam
ko na ang mga porma. Ang daming mga paso, iba ang balat ng mga DH. Ang mga paso nila,
sa pagluluto, kasi ang lalaki ng mga lutuan, ang tataas pa! Pag maliit pa ang katulong, tapos
halimbawa third floor ang bahay, may bahay na iisa ang katulong, napakalaki ng bahay! Ang
hihigpit ng mga Saudian sa mga katulong, parang wala kang karapatang magpahinga. Kasi pag
nakikita nilang nakaupo ka, pag nagpapahinga ka, tatawagin ka. Biro mo, iyong sa mga taas-
taas, papupunasan sa iyo. Kaya kung DH lang, ayoko!
Sa kaso ko, tatawagin ako ng amo ko pag gusto nilang kumain ng pagkaing Pilipino.
Paglulutuin nila ako kasi hindi alam ng cook. Minsan sasabihin sa akin, turuan mo nga siya
kung paano iluto ang ganyan. Hindi ko pa naranasan na tinawag ako para paglinisin. Pag
tinatawag nila ako, halimbawa, bibihisan ko ang anak nila, o tatawagin ako ng mga anak, o,
bihisan mo naman ako. Kahit mga nakapanty pa, pag medyo maluwag ang damit, tatahiin mo
iyon kahit suot nila para lang humapit sa katawan, mga ganoon lang. Sa kamay ko tatahiin
para lang humapit sa katawan nila dahil ayaw nila ng maluwag, halimbawa bumili sila sa labas
ng damit tapos hindi sila komportable. Kahit katiting lang ang luwag, kailangang sikip na sikip
iyon, tatahiin ko. Para sa mga ganoon lang ang tawag nila sa akin. Pero pag marami akong
tahi, sasabihin nila, o, huwag ninyong istorbohin iyan. Minsan sila na lang ang magdadala ng
pagkain ko, huwag na lang akong aakyat, ganoon, sasabihin may hinahabol na trabaho iyan,
ganoon lang.
Sa cellphone, sinasabi ko kay Romy na I love you, o mahal na mahal kita, ganyan, para
lang sumaya. Sabihan lang si Romy ng ganyan, tuwang-tuwa na, sasabihin niya hindi ko
sinasabi iyon nang nasa Pilipinas ako. Para sumaya, sasabihin ko, kumusta ka na, baka naman
may girlfriend ka na diyan? Sasabihin naman niya, I love you. Ako rin, I love you, mahal din
kita. Pero dito sa Pilipinas, hindi kami naggaganyan.
Mabuti na ring hindi ako nakakalabas. May isang lugar na puntahan ng mga Pilipino,
may mga presidente pa. Mga samahang Pinoy, e, ako, ni hindi ko nga napupuntahan iyang
mga ganyan, e. Si Soledad na asawa ni Domeng, tadtad ng asawa doon. Ang tagal. Nagtrabaho
siya sa airport, parang sila ang utusan ng mga stewardess. Nakapag-asawa siya doon. Nandito
na siya ngayon, hindi na siya nakabalik, kasi over-aged na siya. Hindi naman siya nagkaanak,
tali na siya, matanda na. Si Meldy na anak ni Soledad na nag-Saudi rin, may asawa dito, may
asawa rin doon. Sabi ni Meldy, kaya raw nag-asawa siya doon, kasi pag hindi ka pa nag-asawa,
nasa poder ka ng amo mo. Pag nagpakasal ka naman, tatanggalin ka naman ng amo mo dahil
hindi mo puwedeng isama ang asawa mo sa mga babaeng kasamahan mo. Ang sabi ni Meldy,
kaya siya nagpakasal, nagising siyang nakapatong sa kanya ang anak ng amo niya, kaya raw
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

naisipan niyang mag-asawa doon. Pero ang iniisip ko naman, napakadali naman noon. Kung
talagang hindi mo naman boyfriend iyon, bakit bigla ka na lang aalis ng bahay na iyon nang
wala ka pang komunikasyon doon sa lalaki? E, di parang planado na rin iyon, ang bilis, alangan
naman ganoon ang nangyari at kinabukasan, lumayas ka na. Siyempre may plano na.
Maraming Pilipino sa Saudi, ang dami-dami, maraming may asawa rito, may asawa rin
doon. Talagang doon, tukso. Kaya pasalamat ako na doon ako nakapagtrabaho sa amo ko,
Kaya si Romy, e, ayaw na rin akong paalisin doon, gusto niya na doon na rin ako. Safe ako
doon dahil hindi ka makakakita talaga ng tukso. Pag lalabas kayo ng mall, sino ba ang
magkakamali sa iyo na Pilipina ka kung nakatalukbong ka naman? Mabait talaga ang mga
lalaking anak ng amo ko, saka may paggalang sila sa babae. Saka ang kuwarto ko, e, naka-
double lock. May susi na hangga’t nakasaksak doon, hindi nila puwedeng masusian sa labas.
Sa mga katulong din halimbawa, ganoon din ang lock nila doon sa taas kaya hindi sila
puwedeng pasukin. Ganoon talaga doon, saka karamihan ng lock nila, ganoon. Makakapal din
ang pinto nila, mahirap gibain. Siguro pumupunta sila sa kuwarto ng amo nila kaya ganoon,
o naila-lock sila doon. Baka ganoon kaya nagagahasa ang mga ibang katulong. Kasi karamihan
naman mga katulong, halimbawa habang naglilinis ng CR o kaya ng kuwarto. Kasi ang CR
naman doon, talagang malalaki, ang laki talaga. Malay mo, naglilinis, tapos may nangyari na
rin. Halimbawa ang nagyari sa isang Indonesian, sabi sa kanya, sige dalhin mo ang damit ko
sa kuwarto, kasi ang nanay ko, naliligo. Ayun, tapos tinulak daw siya sa kama, tapos ni-lock.
Siguro may ganoon. Pero ang ibang mga Indonesian, talagang bumibigay rin sila. Kasi, halik
lang, may bayad pa. Sasabihin nila, isang ligo lang iyan at mawawala rin, sayang naman, 100
riyal isang halik. Sabi ko, huwag na lang. Sa kanila naman, ang sasabihin naman ng mga Arabo,
ang hirap sa mga Pilipina, ang gusto talaga mga Pilipino rin. Pero ang Indonesian, pumapatol
talaga sa Arabo dahil sa pera. Kaya ang sabi nila, ang hirap talaga ng Pilipina, ayaw ng Pilipina
na halikan siya, pero ang Indonesian, e, pumapayag. Ewan ko, ayaw talaga ng mga Pilipina sa
mga Arabo, ang baho kasi, hindi sila naliligo, puro pabango lang. mabaho rin ang mga babae,
puro pabango lang. Ang alam ko, sa kapwa Pilipino nagkakaaanak doon, ang daming mga bata
doon. Doon nanganganak, basta mag-asawa ang relasyon. Kasi hindi ka naman makikisama
sa mga lalaki kung hindi kayo kasal doon. Iba ang kasal sa Pilipinas, nagpapakasal sila doon.
Nagko-convert muna sila sa Islam, tapos, magpapakasal sila. Kaya marami na ring mga
Muslim doon, karamihan may mga pamilya na doon. Kagaya ni Meldy nagkaanak, doon
ipinanganak. Namatay rin doon ang asawa niya, iniuwi niya rito ang anak niya, nanay niya ang
nag-aalaga, umalis uli si Meldy. Kasi wala nang kabuhayan dito.
Karamihan, walang maipon. Kasi naririnig ko doon, para raw isinumpa ang pera ng
Saudi, na hanggang nagtatrabaho ka doon, doon ka lang magkakapera. Pero pag umalis ka
doon, wala ka ng pera. Ewan ko, iyon ang sinasabi nila. Parang ang dami kong naririnig na
ganyan—na ang pera ng Saudi, sila lang dapat ang may karapatan. Isinumpa raw iyan para
doon lang daw sa Saudi. Na pag sa ibang lugar ka nag-abroad, ginhawa ka. Pero pag sa Saudi,
lahat ng nag-Saudi, tanungin mo walang pera. Sa bagay, ang mga anak ni Aling Josie, nag-
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

seaman sa Taiwan, pagbalik, wala rin. Hindi na sila bumalik sa abroad, hirap na rin sila,
umaasa na rin sila sa magulang nila. Ang anak ni Aling Choleng na nag-Japayuki, isa o
dalawang beses na nag-Japan, nagkaroon ng asawang Hapon na sinusustentuhan siya, hindi
na siya puwedeng bumalik sa Japan, pero ang Hapon ang pumupunta sa Pilipinas. Wala talaga
akong narinig na success story dahil nag-OFW. Dito, wala akong narinig na nagkabahay at
mayroong bisnis. Walang dumating na hindi na aalis, ganoon din, maghihirap ka na dahil wala
kang sapat na pera. Si Doris, nag-abroad naman sa Japan, tapos noong umuwi rito isang beses
lang, wala, naubos na ang pera, wala, ganoon din. Kaya kailangan siguro, pag mag-aabroad
ka nang mag-aabroad, ganoon na lang siguro.
Sinasabi ko sa mga bata na pag halimbawa may overtime ang Daddy nila ay asikasuhin
nila. Hindi naman napakagaan ng trabaho ng Daddy nila. Sinasabihan ko si Sarah na
ipagtimpla man lang ng kape kasi pagod na. Hindi iyong puro sila angil imbes na papahingain
nila, aangil pa sila nang aangil, “O, Daddy magsaing ka na.” Lalo na iyong bunso kong si Tricia,
ganoon, e “Daddy, magsaing ka na,” kadarating pa lang. sabi ko nga sa kanila, “Magkaroon
naman kayo ng respeto, hindi naman magaan ang trabaho ng Daddy ninyo, tapos kayo
nakaupo lang, tapos utos kayo nang utos.” Mabuti nga nauutusan nila ang Daddy nila, mabait
din, e. Kailan lang, sabay kaming nagkaregla ni Tricia. “Daddy, ibili mo nga ako ng Modess,
maliligo na ako,” sabi ni Tricia. Itong bunso ko utos nang utos, e, huwag lang niyang itaon na
lasing, at talagang sasapukin siya. Minsan nasasaktan si Tricia dahil nasasampal ng ama.
Si Sarah, nakatikim ng sampal noong bata pa. Ako, hindi ko naranasan na masampal,
hindi niya ako nakakanti. Hindi naman nila naranasang sumadsad, kasi lasing naman, saka
para sa kanya, e, banting lang iyon. Nasuntok na niya si Luis, hindi lumalaban ang mga anak
ko. Nasusuntok pag may kasalanan, iyong sagot nang sagot. Iyon nga ang sinasabi ko sa mga
anak ko, huwag na ninyong sagutin, tumahimik na lang kasi lasing ang ama ninyo. Pag
nakasakit siya, pag nahimasmasan, nanghihingi ng sorry sa kanila, pasensiya na kayo, kasi
ganito, inaakap sila. Kaya nga kung minsan, naiiisip ko, kaya siguro nawawalan ng respeto sa
kanya minsan, kahit kasalanan ng anak, kaunting masaktan niya, sorry agad. Kahit noong
maliliit pa sila, bastat nasaktan sila. Talagang nagso-sorry na, ha, kasi ikaw naman, ganito,
ganyan. Ayun, tapos maghaharutan na, mabait naman si Romy kung tutuusin.
My kaunting puting buhok na ako, pero hindi ako nagkukulay ng buhok, ganito lang
ang buhok ko talaga. Magpapagupit ako bago umalis, hindi naman maiksi, gusto ko ang
naitatali, e. Nang umalis ako, pa-siyete ang gupit ko. Mas mabigat ata ang timbang ko noong
umalis ako, kasi tatlo ang baba ko. Hahaha! Ngayon, dalawa lang ang baba ko. Mas mataba
ako noon kasi mahilig akong kumain ng kanin sa almusal. Siyempre pag wala kang pera, puro
na lang kanin ang kakainin mo, wala kang pambili ng tinapay.
Si Sarah, tumaba. Malakas silang kumain ng boyfriend niya noon pa. Mataba, 5’4”.
Parang banlag ang boyfriend nya, may diperensiya sa mga mata. Ipinagtatanggol ni Sarah
iyon, huwag mong sasabihin ng ganoon, galit na galit siya. Mahal talaga ni Sarah. Boto ako sa
kanya, matured na, hindi katulad ng ibang lalaki na tsatsansingan lang ang anak ko. Hindi ba
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

ang ibang kabataan, e, mapupusok? Naramdaman ko, parang gentleman naman siya. Hindi
katulad ng ibang mga kabataan na sakaling kasama ng anak mo, e, kung ano-ano na ang
naiisip mo. Pag siya ang kasama ni Sarah, sa isip ko, marunong siyang magdala, ayaw niya
kumbaga ang nananantsing.
Nakupo, si Luis, ang daming nagkakagusto, babae pa ang lumalapit. Maraming
girlfriend, pag nainis bini-break. Si Jay, ang daming babaeng nagkakagugsto, ayaw naman.
Biruan sa amin, ayaw ng babae, baka gusto, e lalaki! Ang daming lumalapit na mga babae,
nagtetext, pero siya walang hilig. May naging boyfried na yata si Tricia, sabi ni Sarah, e,
talagang boyfriend na. Sinasabi ko kay Tricia, e, sino naman ang manliligaw sa iyo, e,
pagkasungit-sungit mo. Sabi nga ng Daddy niya, siguro ito, pag nagkaasawa, puro suntok ang
aabutin nito, maganda nga, e, nagger naman. Kami ni Romy, makulit iyon pag lasing. Saka
lang ako inaaway pag lasing. Sinasabi ko lang sa kanya, tumigil ka na nga. Naku, bukas, pag
hindi ka na lasing, ako naman mainit, tumitigil ako. Basta sinasabi ko, humanda ka bukas,
humanda ka bukas paggising mo pa lang! Kinabukasan, ako naman ang talak nang talak niyan,
siya naman ang nakatahimik kasi wala na ang lasing niya, e. Aakap-akap na iyan, o, huwag ka
nang magalit, ganyan-ganyan, tapos na. Hanggang ganoon lang ang away namin.

SANGGUNIAN:

Garcia, Fanny A. (2012). PAMILYA MIGRASYON DISINTEGRASYON. Quezon City: C & E


Publishing, Inc.

You might also like