Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Pagsulat ng Talumpati

Unang Markahan
Ikawalong Linggo
Modyul 8

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan

pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin

1 Pagsulat ng Talumpati

Inaasahan

Ang modyul na ito ay isinulat upang matulungan ka na magtamo ng mga tiyak

na kasanayang kaugnay sa pagsulat ng talumpati.
Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa iyong

kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kinakailangang isaalang-alang sa bahaging ito ang bilis at hinahon ng pananalita.

A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
2. Ginagamit ito sa pagbibigay diin sa sinasabi.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
3. Tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa
pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
4. Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks habang nagsasalita sa harap
ng mga tagapakinig.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
5. Ginagamit ito upang bigyan ng diin ang pagtutumbas ng ideya sa isang talumpati.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay

Balik-tanaw

Inaasahan ko na sa oras na ito’y nabasa mo na ang mga dapat ihanda

sa pagbuo gayundin ang ilang halimbawa ng talumpati. Balikan natin ang
mga bagay na dapat isaisip sa pagsulat ng isang talumpati, ibahagi mo ang
iyong nalalaman ukol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.
Isulat sa kwaderno ang sagot.

3
_______________________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahagi ng araling ito, ikaw ay magiging mahusay na mananalumpati.

Iyong bibigyang pansin ang mga kasangkapan at katangian sa mahusay na
pagtatalumpati sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang paraan. Iyo ring
mababasa ang isang halimbawa ng talumpating isinulat na tumatalakay sa
globalisasyon.

Mga Kasangkapan sa Mahusay na Pagtatalumpati

 Tinig. Kung maganda ang tinig ng tagapagsalita ay agad nitong mahihikayat
ang mga tagapakinig na maunawaan ang nilalaman ng isang talumpati.
Kinakailangang isaalang-alang sa bahaging ito ang bilis at hinahon ng
pananalita, tono ng pananalita, paglakas at paghina ng tinig at ang
pagbibigay-diin sa mahahalagang bahagi o mensahe ng isang talumpati.

 Tindig. Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang

naninigas ang katawan. Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks.
Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang atensyon
ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na
handang-handa ang tagapagsalita.

 Galaw. Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na

may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang
damdamin sa madla o mga tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw ang mata,
ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay
nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.

 Kumpas ng mga kamay. Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay-

diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang itinataas ang hintuturo o braso kung
ipinapahayag ang mahalagang opinyon o puntos ng talumati o pananalita.
Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para bigyan ng pagtutumbas ang
ideya. Halimbawa, kung binabanggit ang dalawang magkaibang katuwiran ay
maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa pagpapatuloy ng
diwa, imbis na “umm ,saka, bale” ang lumalabas sa ating bibig sa tuwing may
kailangang alalahanin sa pananalita, ginagamit ang galaw ng kamay bilang
di-berbal na komunikasyon. Kailangang tumpak, tiyak, at maayos ang

4
kumpas ng mga kamay. Subalit, ginagamit lamang ito bilang pantulong sa
pananalita. Hindi dapat makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng
kamay habang nagsasalita.

Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

 Kahandaan. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang
mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng
tagapagsalita. Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon
ng mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng
pananalita: (a) kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon
kung pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng
atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang
kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba
pang teknik o estratehiya para makuha ang atensyon nila.
 Kaalaman sa Paksa. Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay
masasalamin sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay na ginagawa niya.
Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalakay sa paraan ng
pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat, paghahambing,
pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling
matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil
mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.
 Kahusayan sa pagsasalita. Madaling maganyak na makinig ang publiko kung
matatas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay
ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng kanyang talumpati. Dito
rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng
angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita.
Mahalagang maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na
ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.

Gawain 1 (Pakikipagtalastasan)

Panuto: Basahin ang sumusunod na talumpati ni Pat Villafuerte.

Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa nabasa.
Isulat sa kwaderno ang sagot.

ANG PINOY... SULONG SA GLOBALISASYON

Ni: Patrocino V. Villafuerte

Ang Pinoy, kasama ito ng globalisasyon. Ngunit ang malaking katanungan ay

“Handa na ba tayo?" Ito po ang paksang aking tatalakayin ngayong umaga. Kaya't
tanggapin ninyo ang aking taos-pusong pagbati ng magandang umaga.
Global warming... Peso devaluation... Economic sabotage…Oil prices increase...
Destabilization... World market.... Ilan lamang ang mga ito sa kinakaharap na
problema hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng malalaking bansa sa buong
daigdig. Ngunit paano malulutas ang mga suliraning nabanggit? May iba pa bang
paraan para sandali tayong makatakas dito? Wala ba tayong maipapalit na salita

5
para rito upang tuluyan nang mabago ang masamang imahe at dapat na maging
bukambibig ng mga mamamayan sa panahon ngayon?
Bukambibig ngayon ang katawagang globalisasyon. Sa diksyunaryo, ang
kahulugan ng globo ay daigdig, at ang global ay anumang nauukol sa daigdig, kaya
ang globalisayon ay pagiging pandaigdig.
Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang pagtutulungan ng mga tao
at pag-uugnayan ng mga bansa tungo sa mabilis na pag-unlad lalo na sa larangan
ng pangangalakal, teknolohiya at agham. Sa panahon ng globalisasyon, nakaabang
at naghihintay ang mga mamamayang Pilipino sa mga pangyayaring maaaring
maganap sa Pilipinas bunga ng makabagong kaisipang niyayakap ng nakararami –
ang globalisasyon na umaagapay sa modernisasyon.

Ang Pilipinas, bilang isang bansang kabilang sa ikatlong daigdig ay bukas sa

lahat ng oportunidad na ipinagkakaloob ng mayayamang bansa; hindi lamang sa
larangang edukasyonal kundi maging sa larangang sosyo-politikal at ekonomikal.
Ayon nga kay dating PRC Commissioner Hermogenes Pobre, hinahangad ng Pilipinas
na makilahok sa tinatawag na NEW GLOBAL ECONOMY. Ang bagong
terminolohiyang ito ay tumutukoy sa bagong uri ng ekonomiyang naglalarawan ng
negosyong sinusugan ng teknolohiya na nakatuon sa kumplikadong pagsasaayos at
transaksyon. Dahil dito, ang bawat mamamayang Pilipino ay bukas ang isipan upang
matugunan ang mga pangangailangan sa globalisasyon. Dahil ngayon ang panahon
ng globalisasyon. Ngayon ang panahon ng pakikisangkot. Ngayon ang panahon ng
pagsulong.
Noong nakaraang administrasyon ay naglakbay si dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo sa Davos, Switzerland. Siya'y nakipagpulong sa dalawampu't
pitong pinuno ng iba-ibang bansa at libu-libong pinuno ng negosyo mula sa ibang
mundo sa World Economic Forum, Mula sa Switzerland ay nagtungo ang pangulo sa
Dubai para sa isang investment roadshow. Ito'y pagpapatunay lamang na tanggap
na tanggap na ang Pilipinas sa malalaking bansa sa larangan ng ekonomiya. Ito ay
isang magandang halimbawa ng tinatawag na globalisasyon.
Maging sa larangan ng sining at isports, sumulong ang Pilipinas sa direksyong
global. Hindi lamang hinangaan kundi dinakila at iniluklok sa mataas na pedestal
ang mga Pilipinong nagka-pangalan sa ibang bansa sa larangan ng sining gaya nina
Lea Salonga, ang orihinal na Miss Saigon; Pilita Corrales, ang Asia's Queen of Songs;
Nora Aunor, Charito Solis, Gina Pareño at iba pang mahuhusay na aktres ng
pelikulang Filipino, boksingerong si Manny Pacquiao, ang billard king na si Efren
"Bata" Reyes, ang walang kupas na si Paeng Nepomuceno, ang mga Pilipinong
mountain climber na naakyat ang Mt. Everest, ang beauty queens na sina Gloria Diaz,
Margarita Moran, Gemma Cruz Araneta, Melanie Marquez, atb. Isama pa rito ang
mga myembro ng Bayanihan Dance Troupe, Looc Boys Choir ng Bohol, ang mga
imbentor ng makabagong bunga ng teknolohiya, atb. Sila'y tunay na world class.
Bilang isang Pilipino, walang isang saglit na hindi ko inaabangan ang mga
pangyayaring maaaring maganap kung ang Pilipinas ay makikipagsabayan sa
patuloy na pagsulpot ng globalisasyon. Sarisaring mga katanungan ang gumigitaw
sa aking isip: Una, ano ba ang magiging papel ko sa globalisasyon bilang isang
estudyanteng nagsisikap makatapos upang matawag na propesyonal? Pangalawa,
makausad kayá ang Pilipinas sa larangang ekonomiya upang mapabilang sa mga

6
bansang kikilalaning global sa larangang ito? Pangatlo, kung makakausad ang
Pilipinas tungo sa globalisasyon mula sa kahirapan bunga ng kawalan ng
hanapbuhay at katiwalian? Malalampasan na kaya ang dinaranas nitong matinding
kagutuman?
Mga kaibigang nakikinig sa akin ngayon. Ang globalisasyion ay isang malaking
tandang pananong sa ating lahat. Mangyari, para Itong kabuteng sumulpot na
lamang, para itong kamatayang dumating nang hindi inaasahan. Kaya dapat
mapaghandaan. Ngunit paano? Hayaan ninyong isa-isahin ko ang mga paraan upang
ang isang Pinoy na katulad ko ay makaagapay at makasulong sa tinatawag na
globalisasyon.
Una, magsikap, magtiyaga at magsagawa. Wala na yatang pinakamaligayang
Pinoy kundi ang makilala niya ang kanyang sariling pagkakakilanlan. Ang isang
Pinoy na masipag, matiyaga, mapamaraan at maayos na nakapagsasagawa ng mga
bagay-bagay na makapagpapaunlad sa kanyang sarili ay isang napakadakilang
katangian. Ganito rin ang nais maipamulat ng globalisasyon.
Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya. Mayaman ang Pilipinas sa talino ng
mga mamamayang nasasakupan nito, at maging sa likas na yaman. Sa
globalisasyon, lahat ng pangangailangan at resorses ng isang bansa ay
ipinangangalandakan. Kaya natin makipagtagisan ukol dito. Dahil ang isang
bansang maunlad sa larangan ng ekonomiya ay maituturing na globally competitive.
Pangatlo, pahusayin ang ating galing sa sining, kultura, at isports. Upang
masabing ang Pilipinas ay hindi nahuhuli sa larangang kultural at pangkalakasan
ng katawan, panatilihin nating nakaimbak ang ating minanang tradisyon bilang
salamin ng ating lahi. Ito'y isa ring isinisigaw ng globalisasyon.
Pang-apat, huwag nating tutulan ang pagdating ng maraming imbensyon sa
agham at teknolohiya; manapa’y dapat tanggapin ang mga ito nang buong puso. Ang
isang bansang mayaman sa larangan ng teknolohiya ay mabilis makasulong sa
globalisasyon. Bilang Pinoy inaasahan kong ang nakararaming mamamayang
Pilipino ay computer literate. Ito ang isang malakas na hamon ng globalisasyon.

Panlima, patuloy sanang makipagkalakalan sa Pilipinas ang yamang-lupa,

yamang-dagat at yamang-yungib. Ito ang tunguhin ng iba't ibang mga bansa upang
umunlad at pakinabangan ng ating bansa.
Mga Gabay na Tanong:
1. Anong uri ng talumpati ang akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________

2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nakapukaw ba kaagad ng interes sa simula pa lamang ng talumpati?

7
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Taglay ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati?
Ilahad ang iyong kasagutan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Masasabi mo bang nakilala mo na ngayon ang katangian ng isang mahusay
na talumpati batay sa halimbawang iyong sinuri? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________

(Mapanuring Pag-iisip)
Gawain 2

Mula sa iyong natutuhang aralin, sa iyong palagay ano ang maitutulong ng

pagsulat ng talumpati sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa partikular sa
kumakalat na pandemyang COVID-19? Sa kwaderno isulat ang sagot.

8
Rubrik sa Pagmamarka

20 15 10 5
Makabuluhan ang Makabuluhan ang Bahagya ang Kapos sa
pananaw, pananaw, ngunit kabuluhan ng kabuluhan ang
makatotohanan kapos sa pananaw, at pananaw, at sa
ang mga binanggit katotohanan ang katotohanan ng katotohanan ang
na ideya kaugnay mga binanggit na mga binanggit na mga binanggit na
ng aralin at ideya kaugnay ng ideya kaugnay ng ideya kaugnay ng
sitwasyon sa aralin at sitwasyon aralin at sitwasyon aralin at
bansa. sa bansa. sa bansa. sitwasyon sa
bansa.

Pag-alam sa Natutuhan

(Pakikipagtalastasan, Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain)

Sa pagkakataong ito, inaasahan kong makabubuo ka na ng sarili mong piyesa
o talumpati batay sa paksang iyong napili mula sa nakaraang aralin.
Panuto: Batay sa balangkas na ginawa mo sa modyul 7, nakaraang aralin
ukol sa talumpati, bumuo ng isang maikling talumpati. Ilagay sa kwaderno ang
sagot. Pagkatapos ay i-video record ang iyong sarili habang binibigkas ang
likhang talumpati.

_________________________________
PAMAGAT
________________________________________________________________________________

9
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
KRAYTIRYA PUNTOS
Nilalaman
Piyesa 15
Pagbibigay-diin o damdamin 10
Hikayat
Kakanyahang pantanghalan 10
Kilos, galaw, kumpas 15
Ekspresyon ng Mukha 10
Tinig 10
KABUUAN 70

Tandaan

Higit na magiging malinaw, maayos at kapaki-pakinabang ang daloy ng

pagbigkas ng talumpati kung hahati-hatiin ang mga parirala at/o pangungusap.
Makatutulong ito sa pagpapadulas ng pagbigkas, bukod sa maiiwasan ang maling
pag-antala o paghinto sa ideyang ipinahahayag.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.

Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Dito makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng

angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita.
A. Kahusayan sa pagsasalita
B. Kalinawan ng pagsasalita
C. Kahandaan ng pagsasalita
D. Kaalaman sa paksa
2. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar
niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o estratehiya para makuha
ang atensyon ng tagapakinig.
A. Kaalaman sa paksa
B. Kahusayan sa pagsasalita
C. Kalinawan ng pagsasalita
D. Kahandaan ng pagsasalita
3. Makikita ang kanyang kahusayan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag,
pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit ng padron at
pagbibigay ng problema at solusyon.
A. Kahusayan sa pagsasalita
B. Kalinawan ng pagsasalita
C. Kahandaan ng pagsasalita
D. Kaalaman sa paksa

10
4. Masasalamin ito sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay na kanyang ginagawa.
A. Kahusayan sa pagsasalita
B. Kalinawan ng pagsasalita
C. Kahandaan ng pagsasalita
D. Kaalaman sa paksa
5. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung ang pinaghandaang mabuti ang
pagtatatalumpati sa panimula o introduksyong binibigkas.
A. Kaalaman sa paksa
B. Kahusayan sa pagsasalita
C. Kalinawan ng pagsasalita
D. Kahandaan ng pagsasalita

Papel para sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Sagutin sa pamamagitan ng makabuluhang pangungusap ang tanong sa

ibaba.

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng Talumpati?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian

Julian, A. B. at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa

Piling Larang (Akademik). Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
Bernales, R. A., et.al. (2013). Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon
City: Mutya Publishing House. Inc.
Villafuerte, Patrocinio V. (2012). Pagpapahalaga sa Panitikan (Bolyum 1).
Philippine Normal University. Malabon City. Jimcyzville
Publications.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dianne Catherine B. Teves
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD, MTII
Tagalapat: Lorena S. Cub, MTII
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V,
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

11
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12, Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikawalong Linggo, Modyul 8

Unang Pagsubok Gawain 1 Pangwakas na

Pagsusulit
1. A Batay sa natutuhan
2. D 1. B
Gawain 2
3. C 2. D
4. B Batay sa 3. C
5. A pamantayan sa 4. A
pagmamarka 5. C
6. D
Pag-alam sa 7. C
Balik-tanaw Natutuhan 8. C
Batay sa natutuhan Batay sa pamantayan 9. C
sa pagwawasto 10. A

12

You might also like