Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 2 - Module 3a
Opinyon Mo, Igagalang Ko
Panimula

Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay dinisenyo at sinulat para sa batang katulad mo
upang malaman kung paano makabubuo at makapagpapahayag nang may paggalang sa
anumang ideya/opinion. Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang aralin.

Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay naglalaman ng aralin: Opinyon Mo, Igagalang Ko.
( ESP 5P –lld-e-25)

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. makabubuo at makapagpapahayag nang may paggalang sa anumang
ideya/opinion.

1
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puweding
pasubalian ng iba.
A. Sagot
B. Opinyon
C. Kagustuhan
D. Katanungan

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtanggap ng opinyon ng iba?


A. Si Mike na inaway ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya.
B. Si Lino na buong pusong tinanggap ang opinyon ng kayang guro.
C. Si Mariana na nagalit sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi tungkol sa kanya.
D. Si Karen na mabigat ang loob dahil sa sinabing opinyon ng kanyang kamag-aral.

3. Paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon/ideya sa ibang tao?


A. Hindi makikinig sa mga binigay na opinyon.
B. Kalimutan ito at pabayaan sila sa kanilang opinyon.
C. Isaalang-alang at igalang ang opinyon ng ibang tao.
D. Sundin ang sariling kagustuhan at pabayaan ang opinyon ng iba.

4. Bakit kailangan igalang ang opinyon ng ibang tao?


A. Dahil hindi nila alam ang saloobin mo.
B. Dahil nagdudulot ito nang kanilang sariling kabutihan.
C. Dahil ito ay nagdudulot nang kasamaan sa iyong sarili.
D. Dahil maaaari itong mapagmulan ng kaguluhan at pagkasira ng isang relasyon sa
kapwa.

5. Ito ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng
ibang tao.
A. awa
B. galit
C. respeto
D. wala sa nabanggit

6. Ito ay pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.


A. Pagtitiis
B. Pagsisilbi
C. Paggalang
D. Pagmamahal

7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya ng iba?


A. Si Mina na umiyak matapos pagsabihan ng kayang kaibigan.
B. Si Lino na masungit sa pagtanggap ng ideya sa kanyang mga miyembro.
C. Si Faith na tahimik na isinulat ang lahat ng mungkahi ng kanyang kagrupo.
D. Si Joseph na sumigaw sa kanyang manager dahil hindi nya nagustuhan ang
mungkahi nito.

8. Bakit kailangan nating maging magalang sa pagtanggap ng opinion ng ibang tao?

2
A. Dahil ito ay hindi nararapat na gawin.
B. Dahil ito ay nagpapakita nang pagrespeto sa kapwa.
B. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang relasyon sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita nang paggalang sa opinion ng ibang tao.

9. Si Korry ay nagalit sa kanyang kaibigan nang sinabihan siyang kailangan niyang tumahimik
sa pagsasalita dahil hindi pa natatapos ang simba. Tama ba ang kayang ginawa?

A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit

10. Tama ba ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang
kasamahan upang mas mapadali ang kanilang proyekto?

A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit

3
Pag-aralan

Bawat nilalang ng Diyos ay binigyan Niya ng iba’t – ibang kaalaman, karunungan,


kahusayan at kaisipan. Bilang tao na may mataas na antas ng kaalaman ay mayroon tayong
pagkakataon na magbigay ng sari – sarili nating ideya / opinyon. Sa kadahilanang mayroon
tayong iba’t – ibang kaisipan kung kaya may iba’t –iba rin tayong ideya / opinyon.
Ano ang marapat na gawin sa mga pagkakataong sumalungat ang iyong ideya /
opinyon sa pananaw ng ibang tao?

Basahin at Unawain!
Isang umaga habang nagbabasa ng dyaryo si Gng. Anacay ay napansin niya ang
headline nito tungkol sa usapin ng K – 12 Porgram. Dahil dito ay napagpasyahan niyang
ipasok ito sa kanyang leksyon.
Sa pagsisimula ng kanyang klase ay hiningi, inaalam niya ang opinyon ng mga mag –
aaral hinggil sa K – 12 Program at mula dito ay hinati niya ang mga bata sa dalawang grupo
lahat ng pabor sa K – 12 ay ang mga “PRO” at ang mga hindi pabor naman ay mga “ANTI”.
Sa pagsisimula ng debate ang lahat ay naging aktibo bawat isa may sinsabi. At para pormal
na pasimulan ang debate nagbigay ng ilang pamantayan ang guro para maging maganda at
maayos ang takbo ng gawain.
Gng. Anacay: Ngayon ang lahat ay nandito upang pagtibayin ang iba’t – ibang opinyon ng
mga mag – aaral tungkol sa maugong na usapin ng K – 12 Program. Atin nang pasimulaan
ang “DEBATIHAN 2016: ALIN ANG MAS MABISA SA SISTEMA NG EDUKASYON, K – 12 O
TRADISYUNAL? IKAW KABATAAN SAAN KA?”
Pro: Magandang umaga po sa inyong lahat. Kami po ang grupo na Pro K – 12. Bilang isang
mag –aaral mahalaga po sa amin ang magkaroon ng isang magandang pondasyon ng
edukasyon at sa aking palagay ito ay makakamtam ko sa ilalaim ng K – 12 Program. Ang
programang ito ay isang magandang tugon ng gobyerno para sa makalumang sistema ng
edukasyon ng ating bansa.
Anti: Kami naman po ang Anti K – 12. Hindi po ako sang –ayon sa tinuran ng aking kamag –
aral. Bago pa man umusbong ang programang K – 12 ay marami ng mga magagaling na
Pilipino ang kinilala sa loob at labas ng ating bansa. Ito’y isang patunay lamang na hindi K –
12 ang sagot upang magkaroon ng isang magandang sistema ng edukasyon.
Pro: Ang mga kaganapan na iyan ay noong mga nakakaraang panahon pa. Sa kasalukuyan,
hindi na angkop ang mga istratehiya ng guro sa pagtuturo ng mga leksyon. Iba na ang interes
ng mga mag –aaral ngayon. Karamihan sa atin ay umiikot na ang buhay sa modernong
teknolohiya at iyan ang binibigyang pansin sa programa ng K – 12. Isang makabagong
pamamaraan ng pagtuturo ng guro gamit ang teknolohiya na tiyak na pupukaw sa interes ng
mga mag – aaral na isang mahalagang sangkap para sa kanilang pagkatuto.
Anti: Hindi ako sang – ayon sa ganyang kaisipan. Para saan pa at may guro. Kaya nga sila
nandiyan ay para mag –isip ng iba’t – ibang pamamaraan upang mailahad at maipaunawa
ang leksyon sa mga mag – aaral. Isa pa hindi lahat ng guro ay may kasanayan pagdating sa,
modernong teknolohiya. Paano sila makapagsasagawa ng leksyon kung hindi nila alam ang
paggamit ng mga kagamitang multimedia at marami pang iba.

4
Pro: Kung ang bata nga nagagawang pag –aralan ang mga pagbabagong ito ano pa kaya ang
mga guro. Papayag ba sila na mas magagaling pa ang mga mag –aaral kaysa sa kanila?
Siyempre hindi, dahil ngayon bata man o matanda basta ginusto mo magagawa mo. Ayon
nga sa kasabihan, “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan. At para sa akin
K – 12 ang sagot upang makasabay ang mga Pilipino sa lahat ng mga pagbabagong
nagaganap sa mundo. Dapat ay handa at armado tayo ng mga kaalaman upang tayo’y
makilala bilang isang 21st Century na mag –aaral: matapang, matalino, malikhain at magaling
kayang sumabay sa lahat at ito ay dahil sa K – 12 Program.
Anti: Magaling sa iyo na din mismo nanggaling kapag ginusto. Ito ay wala sa mga mag –aaral
ngayon ang kagustuhan nilang matuto at mag – aral. Kasi kapag ang isang bagay ay iyong
ginusto makukuha at makukuha mo ito. Gaya sa pag –aaral kung talagang nanaisin ng bata
na makatapos tradisyunal man na programa o K – 12 siya’y makapagtatapos. Nasa
disposisyon at pagtitiyaga ito ng mag –aaral.
Gng. Anacay: Matapos ninyong maipahayag ang kanya – kanya ninyong mga ideya / opinyon
masasabi kong ang dalawang pangkat ay matagumpay na nakabuo at nakapagpahayag ng
kanilang mga ideya / opinyon na naayon sa kani – kanilang mga pananaw. Ngunit marapat
na inyong tandaan Pro man o Anti yan ay batay sa inyong opinyon dapat ninyong igalang.
Muli ang aking pagbati sa inyong lahat.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang iyong reaksiyon sa nabasang seleksiyon?
2. Bakit kaya sa palagay mo ay magkaiba ng ideya / opinyon ang mga bata sa
kuwentong binasa?
3. Sa iyong palagay, ano ang pinagbatayan ng mga mag –aaral sa kanilang mga
opinyon na ibinigay hinggil sa naturang usapin? Pagtibayin ang iyong sagot.
4. Kung ikaw ang kalahok sa naturang debate, ano ang marapat mong gawin upang
maiwasan ang conflict sa pagitan ng dalawang pangkat?

Tandaan Natin!

Kanya –kanyang kahusayan, kaalaman, karunungan at higit sa lahat ideya / opinyon.


Ang bawat taong nilalang ay may ideya / opinyon na tanging sarili lamang niya ang
masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan. Subalit
dapat nating tandaan na ano mang ideya / opinyon ng bawat isa ay dapat nating isaalang –
alang at igalang upang hindi pagmulan ng ano mang kaguluhan. “Respeto” ang dapat itanim
sa ating puso at damdamin upang matanggap natin ang ideya / opinyon ng kapwa natin.
Para naman sa ating sarili, mas makabubuti na pakinggan natin ang ideya / opinyon
ng iba upang magamit natin bilang gabay at pamantayan natin sa ating pang – araw – araw
na pamumuhay.

5
Mga Gawain

Gawain 1
Panuto. Lagyan ng (√ ) ang patlang kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong
kaisipan at (X) naman kung hindi.
______1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya
ay mawawalan siya ng matutunan. Ayaw sumang-ayon ni Noel dahil mahilig siyang
maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais.
______2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni
Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay
magkasamang ipinagbigay-alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot
na pitaka.
______3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi
pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya.
______4. Ang mag-asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa
darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na
kandidato. Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga napagdesisyunan.
______5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang
pag-kritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayag si Bea,
ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita nang mabuting pagtanggap
sa opinyon nang ibang tao at MALI naman kung hindi.

__________1. Nagalit si Nina sa kanyang kapatid dahil sa sinabi nitong mas mainam kung
uunahin niya ang paglilinis ng kanyang silid dahil ito ay makalat bago niya gawin ang kayang
takdang-aralin.
__________2. Nakinig at sumang-ayon si Gng. Reyes sa opinyon ng kanyang kapitbahay
tungkol sa proyektong tinatrabaho nila para sa kanilang barangay.
__________3. Hindi nakinig si Josephine sa mungkahing binigay ni Astrid, bagkus sinunod
nya ang kanyang kagustuhan para sa kanilang pangkatang gawain sa paaralan.
__________4. Nagbigay ng iba’t ibang opinyon ang mga miyembro ni Karen sa kanilang grupo
upang makagawa sila nang maganda at maayos na proyekto.
__________5. Napagkasunduan nang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ang ideya na
binigay ni Bb. Santos para sa kanilang Christmas Party.

Gawain 3

6
Panuto: Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya /
opinyon ng ibang tao ayon sa mga sitwasyon sa ibaba
1. Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay may nakita kang grupo ng mga raliyista na
nanawagan sa gobyerno upang itaas ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Si Kapitan Francisco Alimagno ay nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong lahat ng
mga alagang hayop ay hindi na maaaring magpakalat kalat sa buong barangay ng Sala.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan mang dako, bilang pagtugon dito ay
ipinagbawal na sa Lungsod ng Cabuyao ang paggamit ng iba’t – ibang uri ng plastic gaya ng
straw, bag at marami pang iba.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag – anunsiyo ang inyong punongguro na tatanggalin
na sa kantina lahat ng mga panindang hindi masustansya gaya ng junkfood, tetra pack na
juice, hotdog at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga paborito
mong kinakain tuwing recess.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Sa wakas ikaw ay papasok na nang kolehiyo inakala mong matutupad na ang iyong
pangarap na maging guro ngunit biglang nagdesisyon ang iyong mga magulang na dapat ikaw
ay maging inhinyero dahil wala pa daw inhinyero sa inyong pamilya samantalang ang guro
nandiyan ang nanay at ate mo.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Puntos Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

3 Napakalinaw ang pagkakabuo


2 Malinaw ang pagkakabuo ng ideya
1 Hindi gaanong malinaw ang pagkakabuo

Repleksiyon

7
Panuto: Kumpletuhin ang 3-2-1 na tsart tungkol sa iyong kaalaman sa paggalang sa
anumang ideya/opinion ng iba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Ang natutunan ko…

1. _____________________________________
3 bagay na
3 natutunan 2. _____________________________________
3. _____________________________________
__

Ang bagay na nakapukaw ng aking interes…

2 bagay na 1. __________________________________
2 nakapukaw ng
interes 2. __________________________________

Kailangan ko pang matutunan ang…

1 bagay na 1. _________________________________
1 nakapagpalito

8
Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng
ibang tao.
A. Awa
B. Galit
C. Respeto
D. Wala sa nabanggit

2. Ito ay pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.


A. Pagtitiis
B. Pagsisilbi
C. Paggalang
D. Pagmamahal

3. Si Korry ay nagalit sa kanyang kaibigan nang sinabihan siyang kailangan niyang tumahimik
sa pagsasalita dahil hindi pa natatapos ang simba. Tama ba ang kayang ginawa?

A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit

4. Tama ba ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang


kasamahan upang mas mapadali ang kanilang proyekto?

A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit

5. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puweding
pasubalian ng iba.
A. Sagot
B. Opinyon
C. Kagustuhan
D. Katanungan

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtanggap ng opinyon ng iba?


A. Si Mike na inaway ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya.
B. Si Lino na buong pusong tinanggap ang opinyon ng kayang guro.
C. Si Mariana na nagalit sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi tungkol sa kanya.
D. Si Karen na mabigat ang loob dahil sa sinabing opinyon ng kanyang kamag-aral.

7. Paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon/ideya sa ibang tao?


A. Hindi makikinig sa mga binigay na opinyon.
B. Kalimutan ito at pabayaan sila sa kanilang opinyon.
C. Isaalang-alang at igalang ang opinyon ng ibang tao.
D. Sundin ang sariling kagustuhan at pabayaan ang opinyon ng iba.

9
8. Bakit kailangan igalang ang opinyon ng ibang tao?
A. Dahil hindi nila alam ang saloobin mo.
B. Dahil nagdudulot ito nang kanilang sariling kabutihan.
C. Dahil ito ay nagdudulot nang kasamaan sa iyong sarili.
D. Dahil maaaari itong mapagmulan ng kaguluhan at pagkasira ng isang relasyon sa
kapwa.

9. Bakit kailangan nating maging magalang sa pagtanggap ng opinion ng ibang tao?


A. Dahil ito ay hindi nararapat na gawin.
B. Dahil ito ay nagpapakita nang pagrespeto sa kapwa.
B. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang relasyon sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita nang paggalang sa opinion ng ibang tao.

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya ng iba?
A. Si Mina na umiyak matapos pagsabihan ng kayang kaibigan.
B. Si Lino na masungit sa pagtanggap ng ideya sa kanyang mga miyembro.
C. Si Faith na tahimik na isinulat ang lahat ng mungkahi ng kanyang kagrupo.
D. Si Joseph na sumigaw sa kanyang manager dahil hindi nya nagustuhan ang
mungkahi nito.

10
11
Paunang Pagtataya Gawain 1 Gawain 2
1. B 1. √ 1. MALI
2. B
3. C 2. √ 2. TAMA
4. D
5. C 3. X 3. MALI
6. C
7. C 4. √ 4. TAMA
8. B
5. X 5. TAMA
9. B
10. A
Gawain 3
Maaring magkaiba ang Repleksiyon Panapos na
mga sagot. Pagtataya
Maaring magkaiba ang
mga sagot. 1. C
2. C
3. B
4. A
5. B
6. B
7. C
8. D
9. B
10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagamitan ng Mag-aaral. Region IV-A Calabarzon. Division of


Laguna.

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)


Manunulat : Marites S.Ensomo
Editor : Rowena Ebero
Tagasuri : Linda T. Geraldino
Venessa C. Cantojos
Taga Pamahala : Karen L. Galanida
Elizabeth S. Larase
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Noemi D. Lim
Linda T. Geraldino

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

12

You might also like