AP 10 - MODULE March

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

NOTRE DAME OF NEW ILOILO, INC.

A Diocesan School
NEW ILOILO, TANTANGAN, SOUTH COTABATO
Tel. No. (083) 229 – 1113
Email Address: notredamenewiloilo@gmail.com

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN GRADE LEVEL: TEN


QUARTER: THREE (2) WEEK: THREE

I – MGA LAYUNIN: Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang


magagawa ang sumusunod:
1. Maipaliwanag ang konsepto at uri ng karapatang pantao;
2. Mailahad ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao;
3. Masabi at maunawaan ang mga hakbang upang malunasan ang
mga paglabag sa karapatang pantao.

II – UNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin ng mabuti ang tanong at sagutin ito base sa inyong ideya.
Ilagay ang iyong sagot sa nakalaang patlang.

1. Ano ang Karapatang pantao?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ano ang epekto ng prostitusyon at pangaabuso?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________________________

III – PANGNILALAMAN/ PAGTATALAKAY/ IMPORMASYON

MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO

Karapatang Pantao
• Ang tao ay may pangangailangan na dapat matugunan upang mabuhay
siya nang may dignidad.
• Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang.

1|P age
Uri ng karapatang pantao
1. Indibidwal o personal na karapatan – ito ay mga karapatan na pag-aari
ng isang indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at
kapakanan.
a. Karapatang Sibil – karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at
mapayapa.
b. Karapatang Pulitikal – karapatan ng tao na makisali sa mga
proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.
c. Karapatang Panlipunan – karapatan mabuhay ang tao sa isang
lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan
d. Karapatang Pangkabuhayan – karapatang ukol sa pagsusulong ng
kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural – karapatan ng tao na lumahok sa buhay
kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad
ng pamayanan.
2. Panggrupo o kolektibong karapatan – ito ay mga karapatan ng tao na
bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan
at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
KONSEPTO NG PAGLABAG SA KARAPATAN
Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng
paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang
karapatang mabuhay ng may dignidad.
MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
1. Pisikal na paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na paglabag ang
turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao.
2. Sikolohikal o emosyonal na paglabag sa Karapatang Pantao. Ang pisikal
na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging
dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at
bumababa ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
3. Istruktural. Ito ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa
ang kalayaan sa lipunan at wala siyang kapangyarihang magdesisyon
para sa sarili, pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.

2|P age
MGA HAKBANG UPANG MABIGYAN NG PROTEKSYON LABAN SA
PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman.
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International
Court of Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
MGA DAPAT TANDAAN:
• Ang Karapatang Pantao ay mga karapatan na nakakamit ng tao sa oras
pa lamang ng kanyang pagsilang. Ito ay pagtatamasa ng kanyang mga
pangangailangan upang siya ay mabuhay.
• Ang Karapatang Pantao ay may dalawang (2) uri: ang indibidwal at
pangkatan.
• Ang Karapatang Pang-Indibidwal ay ang karapatang sibil, pulitikal,
pangkabuhayan, pangkultural at panlipunan.
• Ang Karapatang Pangkatan ay ang karapatang pangkultura,
pangkabuhayan at panlipunan.
• Ang pagtukoy sa karapatang pantao ay isang hakbang upang ito ay
maproteksyunan laban sa paglabag.
• Ang kaalaman ng isang tao sa kanyang karapatan ay susi upang
mapangalagaan hindi lang ang sarili niyang karapatan kung hindi ang
karapatan ng ibang tao upang ang bawat isa ay makapamuhay ng
matiwasay at mag dignidad.

REPRODUCTIVE HEALTH LAW


Isa sa pinaka mahalagang isyung kinakaharap ng kababaihan sa buong
daigdig ay ang pangangailagan ng maayos na pangangalagang
pangkalusugan (Reproductive Health Care)
Ang isyung Reproduvtive Health ay karaiwang inuugnay sa isyu ng hindi
pagkakapatay-pantay ng mga kasarian.
MGA ISYU NG REPRODUCTIVE HEALTH
REPRODUCTIVE ACT NO. 10354 (Responsible Parenthood and
Reproductive Health Act of 2012)- mga paraan g kontrasepsyon,
edukasyonng seksuwal, at pangangalaga sa ina.
Noong marso 2013 hinarangan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang
pagapatupad ng RH Law bilang tugon sa mga pumipigil ditto.

3|P age
Abril 8, 2014 ay idineklara ng katas-taasang hukuman na ang batas ay hindi
labag sa saligang batas.
KASAYSAYAN G REPRODUCTIVE HEALTH SA PILIPINAS
Taong 1967 nang nilagaan ni Pres. Ferdinand Marcos, kasama ng 12 pang
ibang pinuno ng iba’t ibang bansa ang Declartion of Population.
 Itinatag ang Population Commission upang ganyaki ng mga
mamahayang na pigilin ang paglaki ng pamilya. Nagbigay ito ng ng
imporasyon at serbisyo upang mapababa ang fertility rate.
 Taong 1967, tumulong ang United States sa mga programa ng
pamahalaan ng Pilipinas upang makontrol ang paglobo ng populasyon.
 Itinataguyod din nito ang pangangampanya para sa pag kontrol ng
popilasyon sa paamagitan ng mass mmedia, edukasyon, at ga programa
ng United nation at USAID.
ANG PAGKONTROL NG PAGBUBUNTIS
 Ang pagbibigay at pagtanggap ng libreng paraan pra sa sa pagpipigil ng
paganganak o birth control
 Ang pagkakaroon ng mga kultural na hadlang sa pag pigil ng
pagbubuntis.
 Ang ligtas na pagpapalaglag o abortion para sa mga nabuntis nang hindi
nila inaasahan (unwanted pregnancy)
Ang pagkamatay sa pagpapalaglag at panganganak omaternal mortalitymay
isa sa pangunahing sanhi g kamatayan ng kababaihan na nasa edad ng
panganganak o child bearing age.
ANG ISYU NG ABORTION
Ang abortion ay tumutukoy sa kusang pagpapalaglag ng sanggol sa
sinapupunan.
ARTIKULO 11 SEKSYON 12 Kinikilla ng Estado ang kabalan ng buhay
pammpamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang
saligang institusyong panliunan.
ANG PAPEL NG PAMAHALAAN SA ABORTION
Abortion nagiging isa sa mga suliranin ng pamahalaan at kailangang
mahanapan ito g sulosyon dahil maraming kababaihan ang nalalagay sa
peligro.
PROSTITUSYON AT PANG-AABUSO
Karaniwang karugtong ng terminong prostitusyo ang mga salitang “aliw”
“hostes” “sex workers’’ at “Guest relations officer” (GRO).

4|P age
PROSTITUSYON-simpleng paggamit ng katawan ng isang tao upang kumita
ng pera.
Laganap narin ang prostitusyon sa paamagitan ng mga porn sites, at iba
pang sex sites.
ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 Ang sinumang nakikilahok
sa prostitusyon ay maaring maparusahan ng hanggang habang-buhay na pag
kakabilanggo.
Ayon kay Allan Schwartz, Ph.D., isang Amerikanong sikolohista.Ila s mga
dahilan ng prostetusyon ay:
1. Mabilis kumita ng malaking pera sa prostetusyon
2. Ito ay isang negosyo
3. Ang ilang kasali sa negosyo ay nasanay a kultura ng pang-aabuso
4. Ito ay daan palabas sa kahirapan
Patuloy na lumalaganap ang prostitusyon sa Pilipinas nang magsimula ang
digmaan ng Pilipinas t Amerikano noong taon 1899
Sa inihaing Anti-Prostitution Act o Senate Bill no. 2341 ipinahayag ni
sen. Pia Cayetano na umaabot na sa 800,000 ang bilang ng babaeng
naabuso sa pamamagitan ng prostitusyon sa Pilipinas.
SEX SLAVERY- Isa sa mga ugat ng pang-aabuso sa kababaihan at
kabataan.
MGA EPEKTO NG PROSTITUSYON AT ANG- PANGAABUSO
1. Sa Biktima
- May mga karapatanang mga prostitute na dapat matamasa subalit dahil
sa uri g kanilang Gawain, sila ay nagiging biktima ng mga karahasan.
- Ang mga karapatang karaniwang naaabuso ay ang mga sumusunod:
 Karapatang ituring bilang tao.
 Karapatan sa dignidad at seguridad
 Karapatan laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon
 Karapatang maprotektahan ng batas
 Karapatang maprotektahan laban sa pang-aabuso at eksploytasyon
 Karapatang marinig at matulungan kapag nalalabag ang mga
kanilang mga karapatan
 Karapatan sa makatao at makatarungang pagtrato
 Karapatan sa sensibo at angkop na serbisyong legal,
pangkalusugan at panlipunan
 Karapatang ag-organisa ng kanilang sarili at ipaglaban ang
kanilang mga sarili at ipaglaban ang kanilang mga lehitimong
suliranin

5|P age
2. Sa Pamayanan
- Sa Pilipinas kung saan malalaki ang impluwensiya ng simbahang
Katoliko, mariing kinokondena ang prostitusyon
3. Sa Bansa
- Idineklara ng Senado na ilegal dahil sa napakarami nitong negatibo
epekto sa tao at sa lipunan

MGA MUNGKAHING SOLUSYON SA ISYU NG PROSTITUSYON


1. Pagparusa sa May Sala
- May iba’t ibang pananaw ang mga Pilipino tungkol sa kung paano
malulutas ang suliranin sa prostitusyon.
2. Pagsasabatas Upang Maging Legal ang Prostitusyon
- Dahil sa paglaganap ng prostitusyon sa Pilipinas, iminungkahi ng ilang
senador na gawin na itong legal upang masigurong mapangalagaan ang
mga karapatan, kaligtasan, at kalusugan ng mga prostitute.

IV - PAGTATAYA
A. Panuto: TAMA O MALI (Modified). Isulat sa unahan ng bilang ang salitang
Tama kung wasto ang diwang ipinapahayag ng nakasalungguhit na bahagi ng
pangungusap at kung hindi, isulat sa unahan ng bilang ang salita o kataga na
maaaring magwasto rito.
____________1. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na
tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.
____________2. Karapatang Pulitikal karapatan ng tao upang mabuhay na
malaya at mapayapa.
____________3. Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng
tao ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
____________4. Pisikal na paglabag ang turing kapag naalagaan ang pisikal
na pangangatawan ng tao.
____________5. Ang Karapatang Pang-Indibidwal ay ang karapatang sibil,
pulitikal, pangkabuhayan, pangkultural at panlipunan.
____________6. Ang isyung karapatang pantao ay karaiwang inuugnay sa
isyu ng hindi pagkakapatay-pantay ng mga kasarian.
____________7. ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2004 Ang
sinumang nakikilahok sa prostitusyon ay maaring
maparusahan ng hanggang habang-buhay na pag
kakabilanggo.
____________8. Abortion nagiging isa sa mga suliranin ng pamahalaan at
kailangang mahanapan ito g sulosyon dahil maraming
kababaihan ang nalalagay sa peligro.
____________9. Abril 8, 2014 ay idineklara ng katas-taasang hukuman na
ang batas ay hindi labag sa saligang batas.

6|P age
____________10. Slavery ay isa sa mga ugat ng pang-aabuso sa
kababaihan at kabataan.
B. Panuto: Sa isang 1/8 na bahagi ng cartolina, gumuhit ng larawan na
angpapakita kung paano nakatutulong ang kaalaman at wastong
impormasyon upang mapangalagaan ang mga karapatang pantao.

V - PUNA
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7|P age

You might also like