Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 6
(IKATLONG MARKAHAN, IKA-6 NA LINGGO)

PANGALAN: __________________________________________________ PETSA: ________________


BAITANG AT SEKSYON: _________________________

Ang Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes


Panimula/Batayang Impormasyon:

Bakit mahalagang malaman natin ang mga pagsisikap ng mga Pilipino na maipagtanggol o mapatatag
ang ating pambansang interes o ang kabuhayan ng Pilipinas?
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pilipinas ay maraming mga kinaharap na
suliraning panlipunan at pangkabuhayan. Ang naganap na digmaan ay nagdulot ng pagkalugi ng mga lokal
na industriya. Tulad ng bigas, asukal, pagmimina at paghahayupan. Naapektuhan din ang pagluluwas ng
kalakal maging ang linya ng transportasiyon.
Dahil sa mga dinanas na suliraning pangkabuhayan, ang Pilipino ay naging malikhain, masipag at
masigasig upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. May mga mangangalakal na namuhunan sa
pagpapagawa ng mga palaisdaan, panaderya, paggawaan ng kape at cocoa, maging ang paggawa ng
sapatos. May mga Pilipino ring nakisosyo sa mga dayuhang namumuhunan upang mapalago ang kanilang
mga kabuhayan. Dagdag pa dito, ang mga dating G.I. jeep at mga trak ng mga sundalong Amerikano ay
ginawa nilang mga sasakyang pampasahero.
Maging ang pamahalaan ay gumawa rin ng mga hakbang upang pata-taging muli ang pambansang
interes. Ang Pangulong Manuel Roxas ay humingi ng tulong sa USA at bilang tugon ay ipinadala si Senador
Millard Tyding upang siyasatin ang pinsala ng digmaan. Dahil dito iminungkahi ng senador na magpa- tuloy
ang palitan ng kalakalang USA at Pilipinas. Dahil diyan, unti-unting bumuti ang ekonomiya ng ating bansa sa
panunungkulan naman ni Pangulong Elpidio Quirino.
Sa panahon naman ni Pangulong Magsaysay, pinagkatiwalaan niya ang mga taumbayan at binigyan
niya ng pagkakataong maisaayos ang kanilang kabuhayan. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang (NARRA)
o National Resettlement and Rehabilitation Administration ay namahagi ng mga lupa para sa mga
magsasaka. At sa pamamagitan naman ng FACOMAS o Farmer’s Cooperative and Marketing Association,
ang mga magsasaka ay natulungan sa kanilang pinansyal na pangangailangan upang maikalakal ang kanilang
mga pananim o anumang produktong pang- agrikultura.
Sa panunungkulan naman ni Pangulong Carlos P. Garcia, inilunsad ng kanyang pamahalaan ang
patakarang “Pilipino Muna”, kung saan ang karapatan ng mga Pilipino ang inuuna at higit sa lahat tangkilikin
at paunlarin muna ang industriya at kabuhayang Pilipino bago sa mga dayuhan.
Sa ilalim naman ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal, upang matugunan ang
lumalalang krisis sa kawalan ng trabaho, itinatag ang EEA o Emergency Employment Administration. At
ipinatupad ang Land Reform Code upang maalis ang mga kasama o mga magsasakang walang sariling lupa.
Nakasaad din sa R.A. 3844 na ang hangarin at mithiin ng gobyerno mabigyan ng mga lupang sakahan ang
mga magsasaka sa buong bansa.
Dahil sa mga mungkahi, programa at patakaran ng mga pangulong nagdaan, ang mga Pilipino ay kinakitaan
ng tiyaga, kasipagan at pagsisikap na maiangat ang klase ng kanilang pamumuhay.
LEARNING COMPETENCY: Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes.

GAWAIN 1

Panuto: Lagyan ng tsek () kung sang-ayon ka sa isinasaad ng mga pangungusap at ekis (X)
kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

________1. Dahil sa napagdaanang digmaan, naging lugmok ang ekonomiya


ng bansa.
________2. Walang kasiguraduhang mapatatatag ang kabuhayan ng Pilipinas kung kaya’t ang mga Pilipino
ay nanlumo at naghintay na lang ng tulong.
________3. Pinagkalooban ng Pangulong Magsaysay ang mga Pilipino ng
lupang sasakahan.
________4. Unti-unting lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamahala ni Pangulong Elpidio Quirino.
________5. Ang patakarang “Dayuhan Muna” ay inilunsad ni Pangulong Garcia upang mapatatag ang ating
ekonomiya.
________6. Inilunsad ni Pangulong Macapagal ang Emergency Employment
Administration upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng
walang trabaho.
________7. Ang mga Pilipino ay likas na tamad at walang pagsisikap.
________8. Upang makatulong na maiangat ang kabuhayan, maraming mga
Pilipino ang namuhunan sa pagpapagawa ng palaisdaan, paggawa
ng kape at cocoa at pagawaan ng sapatos.
________9. Iminungkahi ni Senador Millard Tyding na magpatuloy ang kalakalan ng USA at Pilipinas.
________10. Ang mga dating G.I. jeep at trak ng mga sundalong Amerikano ay binenta ng mga Pilipino
upang makatulong sa kanilang pamumuhay.
GAWAIN 2
Jumbled Letters
Panuto: Punan ng wastong salita o impormasyon ang mga patlang upang maka-buo ng isang wastong
pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

(NAAMGID) 1. Walang kasiguraduhang mapatatatag at maisasaayos ang kabuhayan noong panahon ng


Ikatlong Republika dahil katatapos lamang ng ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___.

(GAMYASYAS) 2. Pinagkalooban ng lupa ni Pangulong ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ang
mga magsasakang walang sinasaka.

(SNGIDTY) 3. Iminungkahi ni ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ na ipagpatuloy ang kalakalan ng Pilipinas
sa USA.

(GNANGLUTUTUNA) 4. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ pinansyal ni
Pangulong Magsaysay ang mga magsasaka upang tulungan silang ikalakal ang kanilang mga produkto.

(TIMUBU) 5. Ang ekonomiya sa panahon ni Pangulong Elpidio Quirino ay unti-unting ___ ___ ___ ___
___ ___.

(ARRAN) 6. Ang ___ ___ ___ ___ ___ ay nakapagbigay ng libong ektarya ng lupa noong 1955.

(CIAGAR) 7.Ang patakarang Pilipino Muna ay inilunsad ni Pangulong ___ ___ ___ ___ ___ ___.

(MASAKA) 8. Ang Agricultural Land Reform ay inilunsad ni Pangulong Diosdado Macapagal na nag-aalis sa
___ ___ ___ ___ ___ ___.

(AEE) 9. Itinatag din ang ___ ___ ___ upang malunasan ang kawalan ng trabaho.

(4438AR) 10. Nakasaad din sa ___ ___ ___ ___ ___ ___ na ang hangarin at mithiin ng pamahalaan na
ang lahat ng magsasaka sa buong bansa ay mabigyan ng lupang sakahan.

PREPARED BY:
ANAIZA J. ISON
SUBJECT TEACHER

You might also like