Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 4
(Ikatlong Markahan, Unang Linggo)
Pangalan: __________________________________________ Petsa: _____________________
Baitang at Seksyon: _________________________

PANIMULA/BATAYANG IMPORMASYON:
ANG KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAMAHALAAN

A. Ang Pamahalaan
Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay isang uri
o sistemang presidensiyal at demokratiko. Pinamamahalaan at pinamumunuan ito ng isang pangulo na
siyang pinuno ng bansa, katuwang ang pangalawang pangulo.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay: ang tagapagbatas,
tagapagpaganap, at tagapaghukom. Tinatawag din ang mga sangay na ito na lehislatibo, ehekutibo, at
hudikatura. Ang tagapagbatas ang gumagawa ng mga batas ng bansa. Ang tagapagpaganap naman ang may
kapangyarihang magpatupad ng mga batas samantala, ang tagapaghukom ang nagbibigay ng interpretasyon
ng mga batas. (Adriano, et al. 2015)
May dalawang pangunahing uri ng pamahalaan: Pambansa at Lokal. Ang kapangyarihan ng isang
pambansang pamahalaan ay sumasaklaw sa buong teritoryo ng bansa samantalang ang kapangyarihan ng
lokal na gobyerno ay maaari lamang mamahala at tumupad ng kapangyarihan sa mga naitalagang seksiyon
o dibisyon ng pambansang teritoryo kagaya ng lalawigan, munisipalidad, lungsod, barangay at iba pang
dibisyon na maaaring itakda ng batas. (Pamahalaan 2015).

1
B. Kahalagahan ng Pamahalaan
1. Ang pamahalaan ay mahalaga sa pangangalaga ng kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
2. Ang isang pambansang pamahalaan ang nangunguna sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng
pamamalakad at pamamahala sa bansa.
3. Ang pamahalaan ang namumuno sa pagpapatupad ng mga batas at programa maging ng mga proyekto
para sa mga nasasakupan nito.
4. May iba’t ibang paglilingkod na isinasagawa ang pamahalaan para sa mamamayan. Maging sa
pagpapaunlad ng hanapbuhay, kalinisan o kaayusan ng kapaligiran, libreng edukasyon, at libreng
pagpapagamot sa pampublikong ospital upang matiyak na ang karapatan ng mga mamamayan ay
napangangalagaan.
5. Ang pambansang pamahalaan din ang tumitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa. Kung kaya, ang
pamahalaan din ang nangangasiwa sa pambansang badyet.
6. Ang pamahalaan ay isa sa tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Tinitiyak din ng pambansang
pamahalaan na ang karapatan ng mga mamamayan ay napangangalagaan.

LEARNING COMPETENCY:
Natatalakay ang kahalagahan at kahulugan ng Pamahalaan. AP4PAB- IIIa-1

GAWAIN 1

Panuto: Isulat ang tsek ( / ) kung ang pahayag ay tama, ekis () naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
patlang.

__________ 1. Ang pamahalaan ay isang samahang politikal na naglalayong magtatag ng kaayusan at


magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.

__________ 2. Ang pambansang pamahalaan ang tumitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa. Kung
kaya, ang pamahalaan din ang nangangasiwa sa pambansang badyet.

__________ 3. Sa panahon ngayon mahalaga ang pagkakaroon ng pamahalaan sa pagpapanatili ng


kaligtasan ng bawat mamamayan.

__________ 4. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay binubuo ng dalawang sangay.

__________ 5. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may anyong demokratiko.

2
__________ 6. Ang pamahalaan ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa
mga nasasakupan nito.

__________ 7. Malaki ang naitutulong ng pamahalaan sa mga taong may problema sa pangkalusugan,
pangkabuhayan maging sa mga karapatan o ari- arian.

__________ 8. Mahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang pamahalaan dahil ito ang nangunguna
sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa.

__________ 9. Ang pangulo ang siyang namumuno sa pambansang pamahalaan.


__________ 10. Tanging kakilala lamang ng mga namumuno ang
kanilang tinutulungan.

GAWAIN 2
Panuto: Kulayan ng berde ang dahon kung ang pahayag sa loob nito ay tama.

GAWAIN 3

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_________ 1. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas?
A. demokratiko C. aristokrasya
B. monarkiya D. diktatoryal
_________ 2. Sino ang namumuno sa pamahalaan ng Pilipinas?
A. mayor C. pangulo
B. gobernador D. senador
_________ 3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa samahan o organisasyong politikal na itinataguyod
ng grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong lipunan?
A. mamamayan C. bansa
B. pamahalaan D. kapangyarihan

3
_________ 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng pamahalaan?
A. Ito ay namumuno sa pagpapatupad ng mga proyekto.
B. Ito ay umubuo ng mga programa para sa iba’t ibang larangan na nababatay sa pangangailangan
ng tao.
C.Ito ay nangangasiwa ng pambansang badyet.
D.Ito ay nangangasiwa sa gawaing ilegal ng bansa.
_________ 5. Ilang magkakaugnay na sangay ang taglay ng pamahalaan?
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat
_________ 6. Anong paglilingkod mula sa pamahalaan ang higit na kinakailangan sa pandemyang dinaranas
natin ngayon?
A. pangkalusugan C. pangrelihiyon
B. pampolitika D. pangsibil
_________ 7. Alin sa mga sumusunod ang isang kahalagahan ng pamahalaan?
A. Ang pamahalaan ang nangangasiwa ng ilegal na gawain sa bansa.
B. Ito ang nagpapayaman sa mga pinuno ng ating bansa.
C. Ang pamahalaan ang makikinabang sa lahat ng ari-arian ng bansa.
D. Ang pamahalaan ang magtataguyod ng kaayusan at kaunlaran ng bansa.
_________ 8. Sa anong larangan o programa maaaring makatulong ang pamahalaan kung nais mong
makapag-aral?
A. pang-edukasyon C. pangrelihiyon
B. pangkalusugan D. pampolitika
_________ 9. Ano ang dalawang uri ng pamahalaan?
A. Pambansa at Panglungsod
B. Pambansa at Lokal
C. Lokal at Panlalawigan
D. Wala sa nabanggit
_________ 10. Ano ang saklaw ng kapangyarihan ng isang pambansang pamahalaan?
A. bansa
B. barangay
C. lungsod
D. lalawigan

Prepared by:
ANALIZA J. ISON
AP TEACHER

You might also like