WEEK 2 - Pagsave-Ng-Documents-Sa-Folder - Juliana-C.-Feleo ICT 3 To Print

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO

SP-ICT 3
Ikatlong Markahan, Ika-2 na Linggo

Pangalan: __________________________________________________________________________

Baitang/ Pangkat: _________________________Petsa: _____________________________________

Pagsave ng Document sa Folder

PANIMULA
Ano ang folder? Sa kompyuter ang isang folder ay ang virtual
na lokasyon para sa mga aplikasyon, dokumento, data at ibang sub-
folder. Tumutulong ang mga folder sa pag-iimbak o pagsave at pag-
aayos ng mga files at data sa kompyuter.
Ano ang dokumento?And dokumento ay mga isinulat, iginuhit
o itinalang pagsasalarawan ng kaisipan na itinype sa kompyuter.
Mahalaga na nakasave ang mga dokumento o files sa folder para
mapadali ang paghahanap nito kung iyong kailanganin at di- kalat –
kalat sa iyong kompyuter.
Kailangan munang gumawa ng folder bago magsave ng file o
dokumento sa folder.Paano gumawa ng folder ng iyong mga
dokumento?
1. I-on ang iyong computer
2. Click start button na makikita sa task bar at piliin ang
documents
3. Click ang organize button na makikita sa tool bar sa itaas sa
kaliwa ng screen
4. Click New Folder.
5. Itype ang full name ng gusto mo para sa folder
6. Click save, para masave ang iyong folder
Maari mo nang icopy at paste sa iyong folder na ginawa ang
iyong dokumento.
Sundan ang mga larawan sa ibaba:

start

Kung nasa desktop ka naman ng iyong computer at wala kang


makitang New Folder sa tool bar,mag- right click ka lamang at
makikita mo ang salitang New, iclick mo ito at pagkatapos ay lalabas
ang Folder, i-click ito at itype mo na ang pangalan ng iyong folder.
Maaari mo nang isave ang iyong dokumento sa folder na iyong
ginawa.
Kasanayang Pagkatuto
Nakapagsesave ng sariling documents sa folder
Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Sagutin ng Tama kung tama ang pahayag at Mali kung hindi wasto
ang pahayag.
____1. Mahalaga na nakafolder ang mga dokumento na ating ginagawa sa
kompyuter.
_____2. Di-na kailangang isave ang mga dokumento, gumawa na lang ulit
kung kinakailangan.
_____3. Maayos naman ang mga dokumento nakasave sa kompyuter kaya
di-ito kailangan pang i-folder
____4. Madaling Makita ang dokumentong kailangan kung nakafolder ito
____5. Maayos at orginisado ang mga dokumentong nakafolder.
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng bilang na 1-5 ang mga hakbang sa paggawa ng folder para
sa mga dokumento
___ i-save ang folder
___ itype ang pangalan ng iyong folder
___ click documents
___ click New Folder
___ click start button
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng folder ng iyong documento at magpavideo ka
habang ginagawa mo ang mga pamamaraang nabanggit sa Panimula ng
araling ito at isend sa iyong guro. Sundin ang mga hakbang sa pagsesave
ng dokumento sa folder.
Pangwakas
Nararapat lamang na iyong isagawa ang mga pamamaraan sa pagsave
ng documents. Makatutulong ito upang maging maayos ang iyong mga files
at di-kalat-kalat. Pagsikapang maisagawa ang Gawain 3 nang maayos.

Mga Sanggunian
Sariling kaalaman ng may akda

Inihanda ni: JULIANA C. FELEO


May Akda

Nabatid: LABERNE A. LADIGNON,JR.


Division ICT Coordinator/ OIC EPS

You might also like