Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6: Kahandaan
sa Kalamidad
 Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain at aktibidad upang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga
paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad. AP4AAB- Ii-j-12

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Naiisa-isa ang mga kalamidad na karaniwang nararanasan sa bansa;
2. Natutukoy ang mga epekto ng kalamidad;
3. Natutukoy ang mga paghahanda sa kalamidad; at
4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad.

 Subukin
Panuto: Piliin sa Hanay A ang tinutukoy sa bawat pangungusap mula sa Hanay B. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Hanay A
A. landslide F. emergency bag/ survival kit
B. bagyo G. sunog
C. lindol H. flash floods
D. pagsabog ng bulkan I. earthquake drills
E. baha J. daluyong bagyo o storm surge

Hanay B
____ 1. Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato at iba pa.
____ 2. Masamang lagay ng panahon na may kasamang malakas na hangin at pag-ulan.
____ 3. Tumutukoy sa pagyanig ng lupa.
____ 4. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan
____ 5. Isang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-pressure na panahon.
____ 6. Pagsabog o pagbuga ng usok na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao o hayop.
____ 7. Isang sakuna na dulot ng malakas na apoy.
____ 8. Isang paghahanda sa pagdating ng lindol.
____ 9. Mga bagay na makatutulong sa pagdating ng anumang kalamidad.
____ 10. Tumutukoy sa pagguho ng lupa mula sa kabundukan o bundok.

 Balikan
Balikan ang nakaraang aralin.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang ipinahahayag sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

kapatagan klima anyong tubig panahon burol look


anyong lupa agrikultura industriya tsanel bukal bulkan

______1. Anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.

1
______2. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar.
______3. Tumutukoy sa paglilinang ng lupa.
______4. Ilan sa mga halimbawa nito ay kipot, tsanel, at talon.
______5. Ang tag-init at tag-ulan ay mga uri ng ________.
______6. Ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan.
______7. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga bundok, bulkan, at talampas.
______8. Malawak na lupain na patag at mababa.
______9. Ito ay bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin nito.
______10. Isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok.

 Tuklasin
Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat patlang upang mabuo ang salita. Tingnan ang mga larawan
bilang gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

K L M I D

1. Ano ang ipinakikita sa bawat larawan? ______________________


2.Alin sa mga kalamidad ang iyong naranasan? ________________
3. Ano-ano ang maaaring gawing paghahanda bago dumating ang kalamidad?
_____________________________________________
4. Ano-ano ang epekto ng kalamidad? _________________________
5. Ano-ano ang mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad?
__________________________________________________

 Suriin (KOKOPYAHIN SA AP NOTEBOOK)


Ang mga kalamidad ay mga pangyayaring maaaring magdulot ng malaking pinsala sa
kapaligiran, kabuhayan, ariarian, at maging sa buhay ng tao at hayop.
Uri ng Kalamidad:

2
• Storm Surge o Daluyong Bagyo ay isang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-
pressure na panahon, na nagdudulot ng malalakas na hangin at pagulan, na maaaring mamuo bilang
bagyo.
• Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos nang paikot, na madalas ay may kasamang malakas
na pag-ulan.
• Ang baha ay dulot ng labis na pag-ulan na ang resulta ay pag-apaw ng tubig sa kapatagan.
• Flashflood o ang rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato, kahoy at iba pa.
• Landslide ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato.
• Lindol o ang pagyanig ng lupa na nagiging sanhi ng pagguho ng mga gusali at iba pa.
• Pagsabog ng bulkan o pagbuga ng usok na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao o hayop
dahil sa makapal na abo at nagbabagang putik na inilalabas nito.
• Sunog na nagdudulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian at maaaring buhay ng tao. Malaki ang epekto
ng kalamidad hindi lang sa pagkasira ng ating kapaligiran. Ang panganib na dala nito ay nakapipinsala sa
buhay ng tao at mga hayop, maging sa ating kabuhayan ari-arian at emosyon ng tao. Dapat maging
handa at alerto sa lahat ng oras, makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala, at pinakabagong
impormasyon sa radyo, telebisyon o internet.
Ang pagiging maalam sa mga dapat gawin at pagsunod sa mga alituntunin tuwing may kalamidad
ay makatutulong na mapanatiling ligtas ang ating mga sarili. Makilahok sa mga aktibidad tulad ng
earthquake drill na naglalayong ituro ang mga hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng
lindol.
Sa panahon naman ng bagyo, ang Philippine Atmospheric and Geophysical Astronomical
Services Administration o PAGASA ay ahensiyang nangangasiwa sa pagbibigay ng impormasyon upang
malaman ang lakas o bugso ng hangin na dulot ng bagyo.
Mainam na may nakahandang Emergency Bag
o Survival Kit na naglalaman ng mga pagkain tulad ng
mga de-lata at tubig inumin. Ang first aid kit,
flashlight, radyo, reserbang baterya at mahahalagang
dokumento ay lagi rin nakahanda
Palaging tingnan ang emergency bag tuwing
anim na buwan upang matiyak na hindi pa expired ang
mga pagkain, tubig at gamot.

 Pagyamanin
A. Panuto: Bilugan ang kung tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at kung mali.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies katulad na baterya ng flashlights
at first aid kit.

2. Manood ng balita sa telebisyon o makinig sa radyo ukol sa lagay ng panahon.

3. Mag panic kapag lumindol.

4. Madalas maglaro sa baha ang magkaibigang Issa at Lina.


5. Maingat na itinabi ni Mang Juan ang mga natumbang puno sa gitna ng daan
pagkatapos ng bagyo.

3
6. Tuwing ika anim na buwan ay sinisiguro ni Aling Perla na maayos ang mga
pagkain at iba pang gamit sa emergency bag.

7. Ipagsawalang bahala kung may paparating na bagyo.

8. Ang kalamidad ay nakapagdudulot ng pinsala sa ating kapaligiran.

9. Makiisa sa earthquake drill sa paaralan o barangay bilang paghahanda sa lindol.


10. Maaaring makakuha ng impormasyon sa telebisyon o radyo kung may paparating
na kalamidad.

B. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isinagawa sa paaralan at komunidad bilang paghahanda kung may lindol?
a. Program b. Contest c. Earthquake drill
2. Nasa loob ka ng bahay at naabutan ka ng lindol. Ano ang iyong gagawin?
a. Mag panic b. sumigaw c. Humanap ng matatag na gamit at sumilong
3. Ang pamilya ni Mang Juan ay nakatira malapit sa aktibong bulkan na nagsisimulang magbuga ng
abo. Ano ang dapat nilang gawin?
a. Ipagsawalang bahala
b. Mamasyal sa paligid ng bulkan
c. Alamin ang ligtas na lugar sa paglikas.
4. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may bugso ng hangin?
a. Landslide b. sunog c. bagyo
5. Tumutukoy sa pagyanig ng lupa na maaaring dahilan ng pagbagsak ng malalaking gusali?
a. Flashflood b. Lindol c. Storm Surge
6. Napanood sa balita ni Aling Perla na malakas ang paparating na bagyo. Ano ang dapat niyang
gawin?
a. Mag-imbak ng mga pagkain na hindi agad nasisira.
b. Itali ang mga bagay na maaring liparin ng hangin tulad ng bubong ng bahay.
c. Lahat ng nabanggit.
7. May nakitang nakasaksak na kuryente ng appliance si Dindo na hindi ginagamit? Ano ang dapat
niyang gawin?
a. Makipaglaro sa kaibigan b. Bunutin ito sa pagkasaksak c. Huwag pansinin
8. Ano-ano ang mga kagamitan na nasa emergency bag?
a. Flashlight at reserbang baterya
b. Mga pagkaing hindi agad nasisira
c. Lahat ng nabanggit
9. Tuwing ilang buwan bago tingnan ang mga gamit na inihanda sa emergency bag?
a. Dalawang buwan b. apat na buwan c. anim na buwan
10. Alin sa mga sumusunod ang mga halimbawa ng kalamidad?
a. Bagyo, lindol c. Lahat ng nabanggit
b. Pagsabog ng bulkan at sunog
4
C. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod na gawain ay lagi, minsan o hindi mo ito ginaga
upang maiwasan ang pinsala sa oras ng kalamidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain Lagi Minsan Hindi
1. Palaging tingnan kung may naiwan na nakasaksak na
kagamitan ng kuryente kung aalis ng bahay.
2. Nakikilahok sa earthquake drill sa paaralan.
3. Mag-panic sa oras ng kalamidad.
4. Gawin ang duck, cover and hold sa oras ng lindol.
5. Alamin ang mga ligtas na lugar sa oras ng kalamidad.
6. Ipagsawalang bahala kung may paparating na bagyo.
7. Maligo sa tubig baha.
8. Manood ng balita sa telebisyon upang magkaroon ng
impormasyon sa mga nangyayari sa ating paligid.
9. Mag-iwan ng nakasinding kandila.
10. Siguraduhing malinis ang paligid lalo na ang mga
estero at kanal.

D. Panuto: Itala ang epekto ng bawat kalamidad sa tao, hayop, kabuhayan at ari-arian. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Kalamidad Epekto sa tao at hayop Epekto sa kabuhayan Epekto sa Ari-arian
lindol
bagyo
sunog
landslide
flashflood

 Isaisip
Panuto: Pillin sa ibaba ang angkop na salita na bubuo sa diwa ng mga pahayag. Basahin ang mga salita sa iba
upang maging gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Survival kit kalamidad pagsunod ari-arian gamot tao
pagkain damit telebisyon kabuhayan
Ang mga _________ ay mga pangyayaring maaaring magdulot ng malaking pinsala o epekto
sa buhay ng ______, hayop, mga ________ at __________. Maaaring malaman ang pinakabagong
impormasyon sa radyo, __________, dyaryo o internet ukol sa paparating na kalamidad.
Ang Emergency Bag o ___________ sa ating kabahayan ay naglalaman ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng mga ________(di kaagad nasisira) tulad ng mga de -lata, tubing-
inumin, ________, _________, first aid kit, flashlight, radyo, reserbang baterya at mahahalagang
dokumento na nakalagay sa isang water proof na lalagyan.
Ang __________ sa mga alituntunin at batayang pangkaligtasan ay pagtitiyak sa pagpapanatili at
pangangalaga sa buhay at ari-arian.

5
 Isagawa
Panuto: Magbigay ng mga paghahanda sa mga sumusunod na kalamidad. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Uri ng Kalamidad Mga Paghahanda o dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

bagyo

lindol

pagsabog ng bulkan

baha

landslide

 Tayahin
A. Panuto: Magbigay ng 5 kalamidad na madalas maranasan sa ating bansa. Isulat sa loob ng
mga ulap ang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

B. Panuto: Magbigay ng mga paraan kung paano mababawasan ang mga epekto ng
kalamidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.
2.
3.
4.
5.

6
Susi sa Pagwawasto

You might also like